CHAPTER 109 - THE MUCH AWAITED WEDDING DAY
-------
PENELOPE THOMPSON POV
Sabi nga ng nakatatanda na ang pagpapakasal ay hindi biro dahil hindi ito parang isang mainit na kanin na kapag napaso ka ay pwede mo nalang iluwa. Hindi ganun ang pag aasawa dahil ang kailangan dito ay handa ka. Handa ka sa mga pagsubok kasama ang taong pinili mo na makasama habang buhay. Pagbibigayan, pagmamahal, pag aaruga, pag iintindi, mahabang pasensya, at pananalig ang sinasabi nilang sangkap para sa mapayapang pagsasama.
Kaya payo sa akin noon pa man ng magulang ko na importante na piliin mo ang tamang tao. Ang tao na sa tingin mo ay kaya kang samahan sa hindi lang sa saya kundi sa bigat din ng mga hamon ng buhay. Yung taong iintindi sayo at magpapaunawa sayo ng mga bagay bagay. At ang tao na magpaparamdam sayo kung gaano ka kaispesyal.
At yung mga katangian na yun, ay maswerte kong natagpuan kay Ethan. Kahit na sinubok kami ng mga napakatitinding mga unos ay never ko talaga siyang nakitaan na sumuko. Pilit talaga siyang lumalaban at paulit ulit niya pa ding pinapatunayan sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Kaya heto, nandito na kami ni Ethan sa punto na handa na naming ipangako sa poong may kapal at sa mga taong nagmamahal sa amin na, kami na talaga. Habang buhay naming mamahalin ang isa't isa. At bubuo pa ng mga pangarap kasama ang aming mga anak.
----
Nandito na ako sa harap ng malaking pinto , grabe sobrang mixed emotions. Sobrang romantic pa ng tugtog. Tugtog ng violin sa kanta ng A Thousand Years at kasabay ng tugtog na iyon ay ang mga huni naman ng ibon sa paligid at hampas ng alon sa dagat.
At pagkabukas ng pinto...
Sobrang magical, napakaganda ng lugar. Napakaliwanag, sobrang daming bulaklak.
At sinalubong na ako ng mga mahal kong magulang. At dun na bumuhos ang luha ko. Niyakap ko sina Mom and Dad at nagpsalamat na muna sa kanila.
" Maraming salamat, Mom and Dad. Salamat sa suporta ninyo para sa amin ni Ethan. Salamat kasi kayo ang mga magulang ko. Wala na akong mahihiling pa, Mahal na mahal ko kayo Mommy at Daddy."
And they also hugged me. Kaparehas ko eh naiyak din silang dalawa. " Mahal na mahal ka din namin anak. Sobrang proud kami sayo, nandito lang kami parati para sa inyo ni Ethan at ng kambal at sa mga susunod niyo pang magiging anak."
At matapos ay naglakad na ako patungo kung saan naka abang ang mahal kong asawa na si Ethan...
ETHAN SMITH POV
I am so emotional right now. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko lalo na nung bumukas na ang pinto at pumasok na ang asawa kong si Penelope.
Sobrang ganda niya talaga, para siyang prinsesa sa suot niya, kumikinang kasabay ng magarbo niya suot.
And she started walking down the aisle and I can't help but to stare at her beauty.
Salamat po mahal na panginoon dahil si Penelope ang tao na binigay ninyo para sa akin. Sulit ang paghihintay. Ilang minuto nalang opisyal na mag asawa na talaga kami.
Hanggang sa makarating na ang asawa ko. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad papunta kay Father.
At nagsimula na sa pag sesermon si Father.
Hanggang oras na ng pagpapalitan namin ng vow ng asawa ko.
Nauna na akong magbigay.
Pero kahit di pa ako nagsisimula, naiiyak na agad ako. " Ahm, asawa ko, hon, my childhood best friend." Unang linya ko pa lang na yun, nagflash back na ang lahat sa utak ko.
" I remember, nung time na unang beses palang kitang nakita. Malinaw pa sa akin ang lahat. Napukaw mo agad ang aking atensyon. Dahil bata ka pa lang ang ganda ganda mo na. Hanggang sa naging magkaibigan tayo, nakilala kita ng lubusan. Naaalala ko, iyakin ka pa nun kaya ako naman bilang papansin nung bata kunware napakatapang ko. Lahat ng mga bullies taob sa akin, maipagtanggol lang kita hanggang sa lumaon pakiramdam ko na naiinlove na ako sayo.
Pero hindi ko naman kayang sabihin dahil natotorpe naman ako. Oo inaamin ko yun. At yung kaduwagan ko na yun ang lubos kong pinagsisisihan sa buong buhay ko dahil umalis ka nang hindi ko man lang nasabi sayo kung gaano kita kamahal.
Kaya hindi ko na pinalampas pa nung time na nagkita tayo ulit.
Talagang ginawa ko na ang lahat although at some point naging duwag nanaman. Pero agad din akong bumawi at sinabi ko sa sarili ko na hinde, hindi ko na hahayaan pang mawala pa sya sa buhay ko ulit.
Kaya lakas loob kong hinarap ang lahat. Sinuyo, hanggang sa mabalik ang tiwala at kalaunay minahal mo na din.
Kaya Penelope, sa dami ng pagsubok na dumating sa buhay natin at sa mga pagsubok pang dadating. Asahan mong nandito lang ako palagi para sayo. Ako pa rin to yung best friend mong lagi kang pinagtatanggol at isang bagay ang sinisigurado ko sayo. Yun ay matapang na akong harapin ang lahat, matapang na ako na sabihin at ipaalam sa mundo kung gaano kita kamahal. Kapiling ng ating mga anak, Penelope habambuhay ko kayong mamahalin..."
At nagpalakpakan ang lahat. Pansin ko din na halos lahat sila ay may mga tissue nang bitbit at punas na ng punas sa kanilang mga ilong.
PENELOPE THOMPSON POV
Grabe, napakaganda ng vow ng asawa ko. Nagflash back ang lahat. Grabe tuloy yung iyak ko.
Hanggang sa mahimasmasan na ako.
" Ethan, The Perfect Doctor. Ang dream guy ng halos lahat ng mga kababaihan.
You know what, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na isang Ethan Smith ang mapapangasawa ko.
Alam mo ba nung mga teenager na tayo nun, pinipilit kong hindi mahulog sayo kasi nga iniisip ko na sino ba naman ako para magustuhan nitong pogi na to? Napakadaming babae ang nagkakandarapa dito. Napakahaba ng pila. Kaya hindi na ako umasa nun na magugustuhan mo pa ako kaya pilit akong lumalayo. Pero wala eh talaganag mapagbiro talaga ang tadhana.
Pilit talaga kaming pinagtatagpo. Kahit na ilang beses ko na syang ipinagtulakan sa buhay ko pero wala, hindi siya nakikinig sa akin. Sobra niyang pinaglaban ang pagmamahal niya para sakin.
Kaya dun ako bumilib sa kanya. Nung una kasi akala ko pinaglalaruan niya lang ako. Hanggang sa makailang beses niyang pinatunayan yung pagmamahal niya para sakin.
Actually, hanggang ngayon po si Ethan sa tinagal na naming magkasama hindi pa rin siya nagbabago. Patuloy pa din siya sa pagpapadama sa akin kung gaano niya ako kamahal. Lalo na nung lumabas ang mga anak namin, akala ko nga best version na yung nakita ko dati yun pala may ibebetter pa.
Dahil napakahusay din na ama ni Ethan. Kaya hindi lang siya Perfect Doctor, Perfect Lover and a Husband na din.
Can't wait to spend a lifetime with you. I love you so much."
At muli ay nagpalakpakan ang lahat.
----
At matapos ng vow ay nagsalitang muli si Father at kalaunay ipinatanggal na kay Ethan ang belo.
" In the name of the Holy Spirit, I now solemnly declare you husband and wife. Let no one put asunder those that have been joined together today in the presence of almighty God. You may now kiss the bride"
And so we kissed, at muli ay nagpalakpakan ang lahat.
"Isa pa! Isa pa!" sigaw ng mga tao.
At dahil masunurin naman kami kaya nagkiss kaming ulit. Pero naloka naman na ako nang sumigaw muli sila.
" Aba talaga ba?" di makapaniwalang tanong ni Penelope.
Game na game naman ang asawa ko sige lang daw para naman daw sa ikakaligaya ng mga tao.
At hanggang sa nagsalita nang muli si Father. " May your marriage be filled with joy, may your trust grow stronger, and may your love increase as you grow as husband and wife. Look out at your family and friends and remember, they are here to support your relationship and celebrate your marriage.Look back on this moment often, and allow your love and friendship to continue to grow. Enjoy the journey as you step into the next chapter of love story."
And that's it. I am now officialy Penelope Thompson-Smith.