Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 110 - CHAPTER 110 - THE PERFECT ENDING

Chapter 110 - CHAPTER 110 - THE PERFECT ENDING

CHAPTER 110 - THE PERFECT ENDING

----

ETHAN SMITH POV

Matapos ang kasal ay agad na kaming dumiretso sa reception at iyon nga ay dito lang sa bagong bukas na restaurant. Sobrang saya lang ng araw na yun. Nasaksihan din namin ang sunset na grabe sobrang romatic talaga. Sumayaw din kami ng asawa ko, at nagpasalamat sa mga tao na dumalo sa kasal. Hindi ko nga din inakala na napakaraming media pala ang inimbitahan ni Dad para sa kasal namin. Nakakatuwa dahil di ko inexpect na napakaraming tao ang nagmamahal sa amin. Halos kumpleto ang lahat grabe sobrang memorable. At isa ito sa mga araw na hind ko malilimutan...

At makalipas ang ilang buwan...

January. 07, 2026, 10:00 pm nang nag umpisang sumakit ang tiyan ng asawa ko. Kaya agad na namin siyang dinala sa Hospital at pina-confine na din. Hilab na ng hilab ang tiyan niya pero ayaw pa din lumabas ng kambal kaya inabisuhan na siya na maglakad lakad.

Tumagal din ng isang araw ang paglalabor niya.

" Ahh, ang sakit na hon. Aray, aray aray! Hon ang sakit na, hindi ko na ata kaya. Hon! Tulong." wika ng asawa kong namimilipit na sa sakit matapos ang ilang oras na paglalakad.

At sa pagkasabing iyong ni Penelope ay agad ko nang tinawag ang mga Doctor para alalayan ang asawa ko papunta sa delivery room.

Pumasok na din ako sa loob para maalalayan ko ang asawa ko. Grabe kitang kita ko ang paghihirap ng asawa ko parang mas nahirapan siya ngayon.

At makalipas ang ilang oras sa ganap na 9:45 am ng January. 08, 2026...

" Waaa! Waaa! Waaa!" bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko yun. At lumabas na nga ang isa sa kambal. Grabe napaka lusog niya kaya pala hirap na hirap ang asawa ko.

Nilinis na din siya agad ng mga Nurse at dineretso na din sa Nursery room.

Samantala mukhang nagkakaproblema naman sa paglabas ng natitirang sanggol. Ilang oras na ang makalipas simula nang mailabas ang isa pero hindi pa din lumalabas ang natitira pa. Pero nananatili lang kaming kalmado at nagdadasal na safe ding maideliver ng asawa ko ang isa pa sa kambal.

Hanggang sa mag 11:45 am na pero hindi pa din nanganganak ang asawa ko, pero patuloy pa din sa paghilab ang tiyan niya.

" Hon, napakasakit na talaga. Hindi ko alam kung bakit ayaw pa din lumabas nahihirapan na ako." wika ng aking asawa na namimilipit sa sakit.

" Kaya mo yan, hon. Tiwala lang. Inhale, exhale." aking tugon.

Hanggang sa nagkaroon na nag paguusap ang mga Doctor kung saan naging option na ang pagcecesarian sa asawa ko. Dahil paulit ulit na nga niyang sinasabi na hindi na niya kaya.

Hanggang sa nakapagdesisyon na ang mga Doctor na icesarian na ang asawa ko.

Ngunit nag peprepara pa lamang sila ay muli nanamang humilab ang tiyan ng asawa ko...

Hanggang sa...

" Waaa! Waaa! Waaa!" hindi namin mapigilan na maging emosyonal sa paglabas ng huling sanggol.

Agad kaming nilapitan ni Dra. Grace Villanueva. " Congrats sa inyong dalawa. Talagang last minute ha, mukhang na-prank pa tayo ng bunso niyong anak." biro ni Doctora.

" Kaya nga po Doctora eh, sabi niya siguro huy wait lang ichaprank. Hahaha!" aking tugon.

At nilinis na din ng Nurse ang aming makulit na sanggol at diniretso na din muna sa nursery room.

Sigh! Nakahinga na din ako ng maluwag. Ilang minuto din ang inantay namin ng asawa ko at dinala na nila ang aming munting mga kambal. Kasama na din namin sa loob sina Eros at Elisse at syempre present ang mga Lolo't Lola.

" Aba tignan mo ohh, nakakatuwa. Ethan na Ethan pa din hahaha." wika ni Mommy Patricia nang makita ang mga sanggol.

" Grabe ang lakas ng dugo mo, anak." wika nama ni Daddy Albert.

" Ganun talaga balae, nangangahulugan nyan kung gaano kamahal ni Penelope si Ethan." wika naman ni Daddy Harvey.

" Nakaktuwa ang mga apo ko. Napakaganda ng mga lahi. Walang tapon kahit itong mga nasa tabi ko. Hmm! Kagigil kayo Eros at Elisse. Kayo muna pang-gigilan ko dahil bawal pa ang mga sanggol. Nga pala anak ano ang mga pangalan nila?" tanong ni Mommy Isabel.

" Yung nauna pong lumabas ay si Phoenix Erik at ito pong bunso ay si Phoebe Ezekiel." tugon ng aking asawa habang nagpapabreastfeed.

" Napakaganda ng mga pangalan. Hiling kong lumaki sila na mababait na mga bata at syempre malulusog." masayang sabi nina Mommy Patricia at Mommy Isabel.

-----

At ngayon mapunta na tayo sa kasalukuyan...

Ilang taon na din ang makalipas matapos ang mga masasayang kaganapan sa buhay namin. Ang dami nang pagbabago ngayon sa mga mahal namin sa buhay. Time really flies so fast, as in. Biruin yung batang makulit dati na si Bethina " The choco muffin monster" tanda ko paulit ulit niyang binabanggit sa akin noon na bakit ba puro kayo Doctor? Bakit ayaw niyong mag-artista? Kaya ayun, ang kaunaunahan artista ng pamilya Thompson sa edad na 12 years old. Matatas na din siyang magtagalog at still siya pa din ang mukha ng PE Apparel ng Isabel Lopez brand.

Kuya Patrick and Ate Bella finally got their second child and it was a boy this time and his name is Peter Bryce. Future heartthrob ng pamilya Thompson dahil grabe ikaw ba naman maging Half Pinoy Half Aussie. Those hazel eyes are too lit para sa batang yun talagang madami tong mapapaiyak na babae soon.

Mommy Patricia and Daddy Harvey mga young at heart pa din. Sobrang active nila and healthy living na din. Si Daddy Harvey nga nakapag join pa ng 10 kilometers run same goes with Daddy Albert.

And speaking of Daddy Albert going strong pa din ang business niya actually na-reach na din ng Wineberry and international nag aangkat na ngayon ang wine business ni Dad sa mga bansa gaya ng France, US, Canada at Spain. And yung Isabel Lopez naman ni Mommy ay patuloy pa din sa paglakas meron na ding Isabel Lopez sa Italy at France. Bigatin din ang mga nakukuha niyang mga endorsers pero yun nga lang medyo concerning na ang health ng mga parents ko kaya katulong na din kami ng asawa ko sa pag assist sa mga businesses nila. Dahil in the future mga anak naman namin ang papalit sa kanila sa pagiging CEO. Kaya grabe, galingan niyo mga anak. Eros, Elisse, Erik, and Ezekiel will be the next CEOs ng mga bigating businesses ng mga Smith.

At dumako naman tayo sa mga kaibigan kong mga dating certified babaero dati pero ngayong ay mga Team Loyal na. Lucas Lee and Mica Perez-Lee. Yes, ikinasal na sila 2 years ago at nasundan na ang inaanak ko si Kaehla at guess what? Girl ulit ang naging baby nila. At patuloy lang sila sa pagpapalaki ng Royal Sea Resort na naging top tourist destination na ng Pilipinas.

Noah Miller and Leuize Samonte grabe saksi ako sa malaking pagbabago sa kaibigan ko na to. Halos hindi ko na nga makilala eh and he is now a cool Dad. Yes, may anak na din sila ni Leuize 2 girls as well at recently lang din silang ikinasal.

At si Enzo Gomez siya ang pinakalast na nagkaroon ng nobya. Bilib din ako sa tao na to dahil talagang pinaglaban niya hanggang huli ang ngayong girlfriend niya na si Aaliyah Cassandra Patterson. Sobrang saya ko para sa kanila at saksi din ako sa struggle nila at ngayon ay happily married na din.

Anyways, today is August. 08, 2029. 4 years na kaming kasal ng asawa ko and today is her Birthday as well and she is now 35 years old. Pinili naming icelebrate both ng birthday at anniversary dito sa Tulip Garden. Sobrang special kasi ng lugar na to para sa amin and we are sharing the moment kasama ng aming mga anak.

Sobrang saya diba? Napakasarap balik balikan ng mga lugar na nakasanayan niyo noon. Bagamat iba na ang itsura, madami nang pagbabago sa mga lugar but still yung memories ay forever nang mananatili. And we're here sa spot na paborito namin at payapa lang kaming nag pipicnic dito. Habang pinagmamasdan ang mga bata na masayang naglalaro.

"Daddy, Daddy sali ka po samin maglaro ng habulan." wika ng anak kong si Eros.

"Waaaah andyan nako Eros!"

At nagtakbuhan ang mga bata.

" Waaaah! My Princess, Paula Elisse, ikaw naman ang susunod..."

-THE END-