CHAPTER 108 - PREPARATION DAY
--------
PENELOPE THOMPSON POV
At matapos ang masayang gabing iyon ay hindi na ako pinauwi pa ng beshie ko. Dahil pamahiin nga na isang araw bago ang kasal na bawal magkita ang bride at groom kaya heto tiis muna na walang Ethan Smith ngayon gabi, At dahil hindi naman ako makakatulog nang wala ang mga anak ko sa aking tabi kaya pinakuha ko nalang ang isa sa kambal at yun nga ay si Elisse dahil kasama din naman namin siya na bibihisan at susukatan ng damit bukas.
At habang nakahiga na kami ng anak ko, hindi ko naman maiwasan na maging emosyonal nanaman. Dahil nalalapit na ang kasal namin ng asawa ko. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na sa wakas mangyayari na din yung pinaka-pinapapangarap ko sa buhay ko at yun nga ay yung makasal at isa din sa dream ko ay itong beach wedding. Kaya sobrang saya ko dahil unti unti na itong natutupad. Kung tutuusin nga hindi ko na din naman ineexpect pa na ikasal muli dahil sapat naman na sa akin na kasal kami ni Ethan kahit na sa papel lang. Wala din naman na akong hahanapin pa dahil kumpleto na ako lalo na nung dumating ang mga anak namin. Pero heto, talagang hulog ng langit itong si Ethan para sa akin dahil kahit na ganun ay nag propose pa din siya at inaya akong ikasal muli and this time sa harap na ng mahal na Panginoon kasama ang mga mahal namin sa buhay.
At habang yakap ko itong anak ko pansin ko sa kanya na hindi siya makatulog. Hindi ata siya sanay na wala ang Daddy at kapatid niya sa tabi niya. Kaya kinantahan ko nalang itong anak ko, isa kasi pagkanta sa mga ginagawa ni Ethan na pampatulog sa kambal. Kaya kinantahan ko si Elisse ng kantang Still ng Hillsong isa itong kanta na to sa mga kinakanta ng asawa ko.
At effective naman dahil agad siyang nakatulog sa kanta kong iyon sa kanya, at mamaya maya'y nakatulog na din ako...
KINABUKASAN...
------
ETHAN SMITH POV
7:00 am nang magising ako. Saktong tulog pa ang anak ko pero nag prepare na agad ako ng gatas para may maibigay agad ako pag nagising na siya. Habang nagtitimpla ako hindi ko maiwasan na mamiss ang asawa ko ganun na din si Elisse. Pero tiis tiis dahil kinabukasan naman ay ang araw na ng kasal namin.
Matapos kong magtimpla ay bigla namang may kumatok at yun nga ang pinadalang almusal para sa akin ni Lucas. At dahil malapit lang dito sa villa namin magaganap ang kasal kaya sinabihan ako ni Lucas na wag lumabas para may suspense. Nakakatuwa talaga itong kaibigan ko na to, sila na talaga ang nag abala nitong kasal namin. Pero sabi niya na tulong tulong naman daw sila kaya hindi naman daw siya sobrang mapapagod. Well, buo naman ang tiwala ko sa kanila.
Kaya heto, siguro maglalaro lang ako ng video games dito maghapon. Hayy kamusta na kaya ang asawa ko? Ano na kayang ginagawa ng dalawa na yun? Namimiss din kaya nila kami?
Tamang emote lang sana ako nang bigla namang may tumawag.
RING ! RING !
RING ! RING !
Hmm? Sino kaya tong natawag? Kaya dali dali ko namang kinuha yung phone ko.
Aba, ang asawa ko napatawag.
"Hello, hon? Yes? Any problem?" tanong ni Ethan.
"Hello, hon. Kamusta kayo dyan ni Eros?" tugon naman ni Penelope n bagong gising lang.
"Okay naman kami hon. Eto si Eros buhat ko, nagpapalambing. Ohh, binulungan pa ko miss ka na daw ng anak mo. hahaha." masayang sabi ni Ethan.
"Aww, I miss you too my champ. Tiis tiis muna tayo. Heto nga, hon kaya din ako napatawag dahil gusto ka nito ni Elisse na marinig. Kaya eto, tinawagan kita. May topak, sabi ko nga tumahan na dahil mamaya susukatan na kami ng gown namin." wika ni Penelope.
"Hahaha bat naman yan tinotopak. Tahan na my princess at mamaya pupunta na pala dyan sina Lola Mommy niyo. Diba gusto mo maging disney princess? right my Princess Elisse?" tanong ni Ethan.
At talaga ngang umiiyak dahil narinig ko syang sumagot.
"Ohh but why are you crying? All Disney Princess are brave and joyful, so why are you crying?"
"Because I miss you so much, Daddy and Eros too. I wanna play with him." umiiyak na tugon ni Elisse.
"Aww. Tahan na po my princess. Don't worry in just a few hours we will be able to see each other again, okay? Daddy and Eros misses you guys too but look were not crying kaya be strong my princess. I love you." malambing na tugon ni Ethan.
"I love you too, Daddy. Okay, I'll see you later. Babye." humihikbing tugon naman ni Elisse.
Call Ended...
Sigh, Paula Elisse was just too sweet.
Hanggang sa maya maya ay may kumatok naman. At yun nga, isa sa mga staff ni Mommy sa Isabel Lopez. Sinukatan na kaming mag ama. Halos saglit lang kaming sinukatan at umalis na din agad yung staff.
Hayy, grabe hindi pa din ako makapaniwala na bukas na ang pinakahihintay naming oras.
Pero habang naghihintay, naisip ko na maglaro na muna.
" Tara, champ. Let's play here."
Takbo takbo ang anak ko nang marinig niya ang tunog ng playstation. " Let's play, Daddy. Let's play!"
Haha ayos, maghapon lang tayong maglalaro champ. Let's go!!
SAMANTALA...
MICA PEREZ POV
Kami ang punong abala ng asawa kong si Lucas sa nalalapit na kasal ng beshie ko. Kami ang nagdecorate dito at walang silang kaide-idea kung saan ito gaganapin at naisip nga namin ni Lucas na dito nalang sa Enchanted Island dahil sobrang ganda ng view dito. At ang gagawing reception ay ang bagong bukas na restaurant dito at sa rooftop nito ay pwede mong makita ang sunset ng kalarong klaro dahil napakaganda ng spot ng restaurant na to. Sobrang romantic bagay na bagay sa dalawang mag asawa.
Tapos na din sukatan ang mag ina ng kanilang susuotin na mga gown, color pearl pink ang para sa mga brides maid at elegant white dress naman ang para sa beshie ko samantalang navy blue naman ang sa groom at sa groomsmen. Sponsored ang damit nila ng Isabel Lopez kaya sobrang bongga talaga ng wedding na to.
Natawagan na din namin yung banda na tutugtog para sa kasal, nakahanda na din yung mga lulutuin na sa sobrang bongga ay halos sampung klase ng mga putahe ang ihahanda bukas.
At makalipas ang ilang mga oras, aba talagang ayos na ayos na ang lahat. Grabe, I am so excited!! Parang isang fairytale ang magaganap!