CHAPTER 101 - PHILLIP TAN'S REVENGE
------
ETHAN SMITH POV
Matapos ang masalimuot na pangyayaring iyon ay agad naman naming napansin ang isang pamilyar na mukha. At iyon nga ay si Mr. Tan. At sa kasamaang palad ay iisa lamang ang balang karga ng baril na inagaw kay Billy kanina. Wala na ding oras para madampot pa yung baril na nilapag ko dahil tinutukan na kami agad ng baril ni Mr. Tan.
Tinapik ako ni Bogart para takasan si Mr. Tan kaya agad kaming tumakbo deretso sa hagdan papaakyat.
Agad din nagpaputok ng baril si Mr. Tan at sinimulan niya din kaming habulin. Maswerte naman kami dahil hindi kami matama-tamaan ng pag baril niya.
"Bogart, hindi ba mas delikado to? Papunta tayo sa taas macocorner tayo nito." wika ni Ethan habang tumatakbo.
"Pero wala tayong choice Doc, ang kailangan lang natin ay tumakbo at umasang mahabol din siya ng mga back up natin. Naniniwala akong makaka abot sila." tugon naman ni Bogart na medyo hinihingal na sa pagtakbo.
Hanggang sa mamaya maya ay nakarinig kami ng pagsabog. Pero pinalampas lang namin at patuloy pa din kami sa pagtakbo.
"Ano yung p-pagsabog na yun?" tanong ni Ethan na medyo nakakaramdam na din ng pagka pagod at hingal.
At nagulat nalang ako nang biglang napaupo si Bogart. Kaya agad ko siyang kinamusta. "Ohh Bogart? Anong nangyari?"
"Ahh, sorry Doc. Pero mauna na po kayo. Hindi ko na kaya, hinihingal na ako. Hanggang dito nalang siguro ako." tugon ni Bogart na naghahabol na ng hininga sa pagod sa walang humpay na pagtakbo.
Nako pano na to. Baka maabutan na kami ni Mr. Tan. Hanggang sa maya maya lang ay tila naririnig ko na ang yapak niya. Kaya walang pagdadalawang isip ay pinasan ko na si Bogart at nagsimula muling tumakbo.
" Waaaah! Hala sige, takbo!! Hindi niyo alam na pinapagod niyo lang ang sarili niyo!" pasigaw na sabi ni Mr. Tan nang makita sina Ethan.
At dahil pasan ko nga itong si Bogart ay medyo bumagal ang pagtakbo ko. Pero hindi pa din ako tumitigil dahil alam kong malapit na kami sa roof top nitong building.
Hanggang sa...
Bang!
"Ahh!!"
Naku, hindi ito maaari...Natamaan niya ako!
"Hahaha! Ano?! Tatakbo ka pa? Katapusan mo na ngayon, Perfect Doctor. Hahahaha!" wika ni Mr. Tan sa nakadapa na si Ethan na natamaan nito ng baril.
Wala akong magawa kundi indahin ang tama ko sa may binti. Habang nakadapa din si Bogart at hingal na hingal pa din. Ito na ata ang katapusan namin.
Hinawakan ako sa mukha ni Mr. Tan sinimulan niya ulit ang pambubugbog sa amin.
"Waaah! Ito ang bagay sa inyo!!" wika ni Mr. Tan sabay suntok sa mukha nila Ethan at Bogart na mga walang kalaban laban.
*Pak! *Blag!
"Ito pa! Hahahah!" At sinundan niya pa ito ng ilang mga tadyak! Maging ang tama ko sa binti ay pinag sisipa niya din.Walang tigil na suntok sa mukha hanggang sa maligo na kami sa dugo maging si Bogart ay parehas ng aking sinapit.
Hanggang sa makarinig kami ng tunog na tila ba ay isang chopper na paparating.
"Hmm? Aba mukhang may hahabol pa sa eksena ha? Hahahah! Ohh sige, nang masaksihan nila ang unti unti mong pagkamatay, Ethan Smith. Hahahaha!" wika ni Mr. Tan habang hawak ang duguan na ulo ni Ethan.
PHILLIP TAN POV
Hmm, mukhang desperado na talaga sila na mabawi ang gunggong na to. Sige pagbibigyan ko sila, kaya dinala ko si Ethan papunta dito sa rooftop.
At pagka akyat ko ay tama nga ang hinala ko. Pero nasurpresa ako nang makita ko ang nakakaawang mukha ni General Samonte, Hahaha!
"Ohh? Long time no see. Hahaha!" wika ni Mr. Tan nang makita si General Samonte kasama ang ilang mga sundalo sa likod nito.
"Tigilan mo na yang kasamaan mo, Phillip! Pakawalan mo na si Ethan!" tugon ni General Samonte habang nakatutok ang baril nito kay Mr. Tan.
NOAH MILLER POV
Laking gulat namin nang bigla nalang may sumabog. Kaya agad naming naalala ang mga kasama namin sa loob ng building dahil parang doon nanggaling ang pagsabog kaya agad namin silang niradyuhan para matukoy ang kalagayan nila.
At ayon nga sa aking nobya ay maayos naman daw sila pero may ilang nasugatan. Nakatawag na din daw ng medic para maibaba ang ilang mga sundalong nasugatan. Binomba daw ang ika-anim na palapag para harangan ang mga papasok na mga pulis at sundalo. Hirap na nga daw silang makapasok ngayon dahil sa mga malalaking tipak ng bato na nakaharang sa misong daanan. Kaya nangangahulugan na kami nalang ang natitirang pwedeng bumack-up para kay Ethan.
Kasalukuyan ay nasa fire exit pa din kami pero napag isip isip namin na lumabas para malaman ang nangyayari sa loob dahil nawala nalang bigla ang signal ng GPS ni Bogart. Isa itong masamang pangitain para sa amin dahil maaaring may masama nang nangyari sa kanilang dalawa. Kaya nagmadali kami pero maingat pa din kami sa aming mga galaw.
Hanggang sa paglalakad namin ay may nakita kaming isang lalaki duguan. At paglapit namin...
"Bogart?" wika nilang apat nang makita ang duguan na si Bogart.
Kaya agad siyang ginamot ni Leuize. Nakapanlulumo na makitang ganito si Bogart kaya agad naming naalala ang aming kaibigan. Paano nalang kaya ang lagay ni Ethan ngayon?
"Asan si Ethan, Bogart?" mangiyak ngiyak na tanong ni Noah.
Hirap pang magsalita si Bogart nun at tangi niya lang na nabanggit ay ang salitang rooftop. Kaya matapos gamutin si Bogart ay kinarga na namin siya dahil alam namin na maaari namin siyang isakay sa chopper pagkapunta namin sa rooftop nitong building.
Nagmadali na kami at agad na din umalis.
PHILLIP TAN POV
"Diba etong gunggong lang naman na to ang gusto niyo? Hahaha. Pero syempre hindi ko siya ibibgay nalang ng basta basta sa inyo. Kailangan ko ng kapalit. Kalayaan lang naman ng pamangkin kong si Jacob Tan ang nais kong makamit, Generel. Wala nang iba!" wika ni Mr. Tan habang hawak hawak nito si Ethan. "Pero kung ayaw niyo okay lang naman. Hahaha! Buhay lang naman ng gunggong na to ang magiging kabayaran!" dagdag pa nito.
ETHAN SMITH POV
I feel so numb right now. Hindi din ako makagalaw dahil gawa na din ng pagod at panghihihna na din dahil sa tagas ng dugo ko na labis na pinuruhan ni Mr. Tan.
At maya maya ay nagulat ako sa pagdating ng mga kaibigan ko kasama ang isa pang pulis. "Sh*t si Ethan ba yung hawak niya?" gulat na tanong ni Lucas.
"Hoy! Mr. Tan! Sumuko ka na! Napapaligiran ka na namin! Pakawalan mo na si Ethan, kaliwa't kanan na ang mga baril na nakatutok sayo." wika ni PMaj. Leuize na ikinagulat ni Mr. Tan ngunit nakangisi lamang ito sa kanya.
"Aba, biruin mo at nakalusot pa pala kayo dun? Sayang dahil hindi pa kayo nadamay sa pagsabog kanina." nakangising wika ni Mr. Tan na tila'y hindi alintana dito na lahat ay nakatutok ang baril sa kanya. "Ohh ano, General? Bat ang tahimik mo? Gusto mo na bang todasin ko na itong gunggon na Ethan Smith na to? Hahahaha!" dagdag pa nito.
"Talagang ang lakas pa ng loob mong humingi ng kapalit, hindi mo ba nakikita na napapaligiran kana namin? Sumuko ka na!" matapang na pagkasabi ni PMaj. Leuize.
"Ehh ano naman kung napapaligiran ninyo ako? Handa na ako sa ganito? Pinaplano ko pa lang ang pagdukot sa gunggong na Doctor na to eh alam ko nang mangyayari at mangyayari to. Kaya hindi na ako natatakot. Hahaha!" walang takot na sinabi ni Mr. Tan sabay dukot ng isang bagay na ikinagulat ng lahat...
Granada?
"Ohh? Bakit nanlaki ang mga mata ninyo? Hahaha!" nakangising sabi ni Mr. Tan sabay tanggal sa pin ng granada gamit ang ngipin nito. "Ohh, ano? Sige, barilin niyo nako nang sabay sabay tayong malasog ang katawan dito hahahaha!"
Hanggang sa nagsalita na din si General. "Para sa kaligtasan ng aking inaanak, sige. Pumapayag na ako sa gusto mong mangyare." Gulat na gulat naman ang anak nito nang marinig niya ito sa kanyang amang General. "Dad?"
"Pero wala tayong magagawa, sobrang laki ng utang na loob ko para kay Ethan. Manga ilang beses na niyang nailigtas ang Mama mo sa bingit ng kamatayan. Pero si Ethan ang naging dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay nakakasama pa natin ang mama mo." maluha luhang pagkasabi ni Gen. Samonte.
Hindi ko na din mapigilang mapaluha at maging sila ay naluha na din. I really feel sorry for General dahil maaari niya pang ikatanggal ito pag nagkataon. Nakakaasar, wala din akong magawa sa mga nangyayari. Ang naiisip ko lang ngayon ay yung mag iina ko. I am so sorry, Penelope, Elisse at Eros. Miss na miss ko na kayo.
At maya maya ay unti unti na silang nag baba ng kanilang mga baril.
"Aww. Grabe naman ang drama ninyong mag ama. Hahaha! Nakakasuka!" mapang asar na tugon ni Mr. Tan.
Kitang kita sa mukha ng mga kaibigan ko ang gigil matapos yun sabihin ni Mr. Tan.
At mamaya maya lang ay kinuha na ni General ang telepono nito para tumawag sa pulisya at pakawalan na nga itong isa ding hay** na si Jacob Tan, at habang nangyayari ang mga kaganapan na iyon ay pansin ko sa kanang banda ng mata ko ang biglang pagtayo naman ni Bogart.
Hanggang sa...
"BOGART!!"