CHAPTER 102 - THE UNEXPECTED HERO, BOGART
--------
BOGART'S POV
Hindi ito maaari at mas lalong hindi ako makakapayag na basta basta nalang magwawagi si Mr. Tan dahil una sa lahat ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganito si Doc. Ethan. Isa ako sa mga dumukot sa kanya, tapos ano ang isinukli niya sa akin? Ipinagtanggol niya ako kay Billy at binigyan niya ako ng pagkakataon na mabuhay. At pagkatapos ay pinaramdam niya din sa akin kung gaano ako kaespesyal. Sa mga bagay pa lang na yun ay solve na ako, na may tao pa palang magpaparamdam sa akin ng ganito. Kahit na sa maikling panahon na magkasama kami ay napatunayan ko kung gaano kabusilak ang kanyang puso. Kaya kung kaya niyang ialay ang buhay niya para sa kin, marahil eto na ang pinakamalaking bagay para sa pagpapasalamat ko sa kanya. At least diba, it's a tie. At kung mawala man ako eh sa wakas mababantayan ko na din ang pamilya ko kahit anumang oras. Salamat, Doc Ethan...
Kaya nang makakita ako ng oportunidad na lumuwag ang pagkaka kapit ni Mr. Tan kay Ethan ay agad ko nang sinunggaban ang pagkakataon. As in, literal. Sinunggaban ko agad si Mr. Tan at sakto na halos nasa dulo na siya ng building na to kaya walang pag aatubili ay agad ko siyang itinulak, at para siguradong hindi niya mababato kung saan man ang bomba ay niyakap ko na siya hanggang sa...
BOOOOOM!
"BOGART!!!!!"
------
*nee-naw *nee-naw (sound of an ambulance siren)
------
"Samantala. kapapasok lamang po na balita. Tagumpay ang pag rescue sa sikat na Doctor ng bansa na si Dr. Ethan Smith. Matatandaan na nadukot ito sa isang Fashion event na ginanap sa isang mall. Magkakasunod na pagsabog nga ang naganap na kalaunay napag alaman na nadukot na nga sikat na Doctor..."
PENELOPE THOMPSON POV
Time Check: 1:00 PM
Shocks! Nagbunyi kaming lahat. Naulat din sa balita na tanging sa grupo lang nung Mr. Tan ang naging casualty ng laban bagamat may nasugatan sa ilang mga sundalo at puilis ay wala namang napahamak sa kanila.
Kaya nagyakapan kami dito sa hospital at nag iyakan dahil nakahinga na din kami ng maluwag.
Maraming salamat po, mahal naming Panginoon dahil ginabayan niyo po ang asawa ko at maging ang mga pulis at sundalo. Pero yun nga po kahit na nanalo sila at nailigtas nila ang asawa ko eh hindi pa rin mai-aalis sa akin ang pag aalala dahil hindi ko pa din alam sa ngayon ang tunay na lagay niya kung may galos ba siya o kung anuman. Pero mananatili po akong maging matatag at kakayanin lahat ng mga pagsubok pong ito, Amen...
Nang biglang. "Beshie, beshie! Heto may natawag!" wika ni Mica na sobrang excited na iabot sa kanya ang telepono.
Nagtataka naman ako sa beshie ko kung bakit ganyan siya ka-hyper. At iniabot na niya sa akin ang phone niya. Pag tingin ko naman ay si Mr. Lee ang nasa linya. "Hello? Mr. Lee?"
"Hon? Ikaw na ba yan?" tanong mula sa kilalang boses na ikinagulat ni Penelope.
"Omg! Hon? Asawa ko?" tugon ni Penelope at bigla na lamang itong naging emosyonal...
"Hon, nasa hospital kami ngayon. Nakitawag ako kay Lucas kasi damaged na yung phone ko. Hon, I miss you so much at yung kambal natin. Mahal na mahal ko kayo. Wag kayong mag alala, I am totally fine pero kailangan ko na munang magpagaling dito sa hospital dahil nagkaroon din ako ng tama. But please, don't worry. I miss you so much, I love you asawa ko mahal na mahal ko kayo ng kambal." umiiyak na sabi ni Ethan.
"Okay, hon. I love you and I miss you so much too. Magpagaling ka ha, tsaka totoo bang okay ka? Yung katawan mo kumpleto pa din ba? Anong mga ginawa sa yo ng Mr. Tan na yun? Alam mo, makita ko lang yun sasapakin ko talaga yun." tugon ni Penelope na patuloy pa din sa pag iyak."
Napansin kong napatawa ko ang asawa ko sa sinabi kong iyon. "Ohh bakit ka tumatawa? Seryoso ako, hon. Ano na bang balita sa Mr. Tan na yun?" seryosong tanong ni Penelope.
"Wala na siya, hon. Nahulog siya sa building. Someone saved me and lend his life para lang mailigtas ako, kasama siya na nagpakahulog sa building." tugon ni Ethan.
I feel bad para sa tao na yun, and yung tao nga daw na yun ay si Bogart. Kaya agad ko naman pinagdasal ang mabuti niyang kaluluwa at nagpasalamat din ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya baka much worse pa ang nangyari sa kanila...
SAMANTALA...
NOAH MILLER POV
After ng kaguluhan at syempre ng unexpected na ending ay agad na naming dinala sa hospital ang mga lubhang nasugatan. Lalo na ang aming kaibigan na si Ethan, I think siya ang may pinakamalubhang tinamo sa amin. I feel bad tuloy dahil parang hindi namin siya natulungan. Kaya ngayon dito nalang ako babawi, nasa provincial hospital kami ngayon dahil ito lang ang malapit na hospital mula sa pinangyarihan ng gulo at kami na muna ang mag aalaga sa kaibigan namin.
Kasalukuyang nasa operating room si Ethan dahil sa tama ng baril nito sa kanyang binti at may ilan din siyang pilat sa mukha. Dito na muna kami mananatili hanggang sa magamot na ang kaibigan namin.
A few hours later...
ETHAN SMITH POV
Time Check: 7:00 pm
I slowly opened my eyes, nakakarinig ako ng ilang ingay sa magkabilang banda.
"Oo bata pa lang kasi talaga itong si Ethan malusog na talaga siya. Mahilig kasi yang kumaen lagi pa yang nakatingin kada magluluto ako kaya bata pa lang yan marunong na yan magbake." kwento ni Madam Isabel.
"Ohh kaya pala, Mommy. namana din ng kambal po ohh grabe ang tatakaw nila." tugon naman ni Penelope.
"Oo tapos ang gusto ko namang mamana ng kambal dito sayo Penelope, anak ay yung pagiging sweet mo. Eto kasing si Ethan 8 years old pa lang ayaw ng magpakiss. Buti pa ikaw di makalimot magbeso pag nagkikita tayo." masayang kwento naman ni Don Albert.
"Mom? Dad? Hon?" at tuluyan na nga akong napamulat.
"Omg! Hon, gising ka na!" labis na galak ni Penelope sabay yakap sa kanyang asawa.
"Finally, son you're awake!" masayang wika ni Don Albert.
"Aww, look at your Daddy kambal ohh. Thank you, Lord gising na si Ethan." masayang wika din ni Madam Isabel habang buhat ang isa kambal.
Wow, gaano ba ako katagal na nakatulog? I can see a lot of people. Mom, Dad, my wife, ang kambal, Noah, Lucas, Enzo, Daddy Harvey, Mommy Patricia, Kuya Pat, Ate Bella, Bethina, at nandito din si General at ang anak niyang babae. Wow, they were inside my room. At pagtingin ko sa paligid, hmm? So nasa Twin Tulips Hospital na pala ako?
I was just smiling the whole time nang makita sila at nakakatuwa na nakangiti lang din sila sa akin. I can feel all the love. Naalala ko tuloy bigla si Bogart.
Bogart, lubos akong nagpapasalamat sayo. Habang buhay ko pa ding tatanawin ng utang ng loob itong ginawa mo, at kahit wala ka na sinisigurado kong magiging maayos ang buhay ng pamilya mo. Hinding hindi kita malilimutan, Bogart. Salamat...