CHAPTER 93 - AN EXPLOSIVE EVENT
---------
ETHAN SMITH POV
Today is the day ng operation ng isa sa mga pinaka bata kong pasyente. His name is Christian Clark, 6 years old at meron siyang Cyanotic heart disease. Open heart surgery ang isasagawa para sa kanya ngayon. Almost a month ko din siyang patient at patuloy naman ang mga magagandang senyales.
"Are you ready superman? I know how brave you are. Don't worry I'll take care of you. okay? Fighting?" positibong wika ni Dr. Ethan sa kanyang batang pasyente.
Isang napaka tamis na ngiti ang tanging nasambit sa akin ni Christian Clark. Isang inspirasyon para sa amin ang bata iyon dahil sa kanyang katatagan at pagiging masiyahing bata kaya ginagawa namin ang lahat para bumuti ang lagay niya.
-------
*Beep* Beep* (sound from a heart rate machine)
After almost 5 hours of surgery,
"Thank God, it was a succesful sugery." pabulong kong wika matapos ang maselang operasyon.
"Ahm, Nurse Hazel at Nurse Joaquin kayo na muna ang bahala kay Clark. I have to go back to my office. Update niyo nalang ako kung meron problem or what. Thanks, Good job guys." wika ni Dr. Ethan sabay tapik sa kanyang mga Nurses at tuluyan nang lumabas sa operating room.
-----
Sigh, I am finally here at my office to get a little rest and review ng schedule ko for this day nang isang unexpected na bisita ang dumating.
*Knock* Knock*
"Come in" wika ni Etan na nakaupo sa kanyang swivel chair sa kanyang office.
Pumasok ang Assistant kong si Jessica at laking gulat ko nang makita ko si Mr. President.
Nanginginig pa ako nang binati ko siya. "Ahm, Mr. President? Yes po? Nice to meet you po. Have a seat."
Nakipagkamay na muna sa akin si Mr. President before he sits. "Thank you, Perfect Doctor. My honor to meet you."
After that Jessica and his body guards left the room as per Mr. President's request dahil may sasabihin daw siya sa akin na hindi maaaring marinig ng kung sino man.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Doc. I came here personally para magpasalamat sayo." Then Mr. President suddenly got emotional.
"That little kid na inoperahan mo ay ang aking anak." umiiyak na sinabi ni Mr. President.
I am shocked dahil akala ko na iisa lang ang anak niya at yun nga ang kamakailan ay yumao niyang anak na babae.
"Thank you for extending my son's life. Hindi ako nagkamali na lumapit ako sayo at sa hospital mo. Aaminin ko na naging hesitant pa ako at first dahil hindi pa ako kumbinsido noon sa kakayahan mo." wika ni Mr. President. And he also added. "I am so hopeless and praying everyday na mapagaling mo siya, and seeing him na ngumingiti na parang walang pingadadaanan, utang ko lahat sayo yun, Perfect Doctor. Alam ko nabalitaan mo din yung pagpanaw kamakailan ng aking anak na babae, she was diagnosed with the same condition. Dinala namin siya sa states at sa mga eksperto pero wala din silang nagawa. Kaya durog na durog ako nang malaman ko na na-diagnose din sa parehas na sakit ang isa ko pang anak. He was my son from my ex wife."
I am so shocked sa mga naikwentong iyon ni Mr. President. Anak niya pala si Clark. And everyone knew na isa lang ang anak niya. Well, di na din naman importante pa yun.
"That's why I want to apologize from you, Dr. Ethan Smith. Na minaliit ko ang kakayahan mo. Sinisisi ko ang sarili ko dahil maaaring buhay pa sana ang anak kong babae ngayon kung hindi kita minaliit, I am so sorry." wika ni Mr. President kasabay ng pagbagsak ng luha nito.
I hugged Mr. President and said "No need to apologize Mr. President. Naniniwala din naman po ako na ginawa naman lahat ng mga Doctors at Nurses ang makakaya nila. But what more important is patuloy naman pong lumalaban si Clark. He is a very brave kid. He also cooperates with us kaya binansagan namin siyang "Superman". It really suits him kung gaano siya katatag at katapang." Nakangiting sabi ni Dr. Ethan na punong puno ng pagasa.
"Maraming salamat, Dr. Ethan. At bilang kabayaran hayaan mo akong magdonate ng halaga para sa Hospital mo." nakangiting sabi ni Mr. President.
"Maraming salamat din po, Mr. President. We're just doing our job po tsaka layunin talaga ng hospital namin ang mabigyan ng tamang serbisyo ang mamamayan natin." nakangiti ding tugon ni Ethan.
Matapos ang pag uusap naming iyon ni Mr. President ay agad na din siyang umalis.
Grabe, hindi ko talaga inaakala ang lahat ng iyon. At nakakataba din talaga ng puso kada nakakatanggap ako at ang Hospital namin ng mga appreciation sa mga tao. Priceless talaga sulit ang hirap at pagod.
Then suddenly...
Ring! Ring!
Hmm? Mom is calling...
Oo nga pala. Mamaya na ang launching ng P.E. Apparel. Finally matutuloy na din after mapostponed ng grand launching nito noong January. Sakto dahil makakanuod na kaming buong pamilya.
Oo, dahil nanganak na nga asawa ko na si Penelope.
"Hello mga anak, nandito na si Daddy! I miss you so much!" pagbati ni Ethan sa kanilang anak na kambal.
Today is May. 27. 2 months na din ang mga anak namin na sina Paul Eros at Paula Elisse. Sobrang cute nila at grabe haluan ang naging mukha nila. Parehas may minana sa mga Mommy at Daddy at super happy din ako na even yung asset kong aqua blue eyes ay nakuha din nila.
Pagkauwing pagkauwi sa bahay namin ay niyakap at hinalikan ko din ang mag iina ko. Totoo pala talaga na makita mo lang sila ay mapapawi na lahat ng pagod mo.
"How was your day, Mhie?" bungad kong tanong sa aking asawa na busy sa pag breastfeed sa kambal.
"Ayos naman. Natulog lang kami maghapon. Actually, bagong gising lang kami kaya eto after kong mag meryenda sila naman." tugon na nakangiti ni Penelope.
"Good. Ready na ba kayo? Mamaya na ang launch ng P.E Apparel. Don't worry saglit lang tayo dun ang mahalaga lang ay yung presence natin dahil late na din daw makakapunta si Dad because of his meetings din." wika ni Ethan habang nagbibihis.
Nginitian lang ako ng asawa ko sabay turo sa mga bag na nasa sofa namin.
Well, as usual napaka galing talaga ng asawa kong mag multi-task. Bago ko pa masabi nagawa na pala niya.
So after an hour ay nakapag ready na din kami. Kumaen na din kami ng dinner tutal 6:00 pm na din naman na. Kaya umalis na din kami after.
1hour and 30 mins din ang naging biyahe papunta sa mall. Nag iistart na noon ang program kaya agad na kaming pumunta sa may backstage para mangamusta.
Bitbit namin ng asawa ko ang kambal gamit ang mga carrier. Pumunta na kami sa backstage at unang bumungad sa amin si Bethina na main star ng fashion show.
Sinalubong niya kami ng isang mahigpit na yakap at halos maiyak iyak na din.
"Omg! I miss you guys. I am so happy na nandito po kayo." maluha luhang pagbati ni Bethina habang yakap ang mag asawang Ethan at Penelope kasama ang kambal.
"Galingan mo Princess ha. Papanuodin ka namin." tugon ni Penelope sabay pahid sa luha ng kanyang pamangkin.
Nakakaproud talaga itong si Bethina. Halos abot tanaw na niya ang pangarap niya. Naalala ko pa noon na lagi niyang sinasabi na hinding hindi daw siya magiging Doctor gaya namin dahil ang gusto niya ay maging model o isang sikat na artista. Hahaha. And today is her day. May ilang celebrities at kilalang personality ang mga manonood. Maybe one of them will give her a break. But one step at a time.
"Do your best, Bethina okay? We're just always here to support you. Kaya mo yan." pagbibigay lakas loob ni Ethan para kay Bethina.
Unfortunately hindi na namin nakita si Mom dahil sobrang busy daw nito kaya bumalik na kami at pumunta sa upuan namin sa vip seat. Kasama namin dito ang family ni Penelope at syempre ang mag asawang Patrick at Bella na magulang ni Bethina.
Start na ng program at nkakatuwa dahil gising na gising ang kambal at tila ba ay nag eenjoy sa napapanood nila. Itong event na ito ay isang fashion show bukod sa launch ng P.E apparel ay ibinida din ng Isabel Lopez HighEnd Fashion ang mga bago nitong design para ngayong summer.
After an hour nag aaya nang umuwi sa akin ang asawa ko dahil inaantok na daw siya kaya nag decide akong iwan muna sila para mag paalam kay Mom. At dahil nga naka suot ako ng carrier kaya kasama ko si Paul Eros papunta sa loob, dito sa may backstage.
Sakto din naman dahil nakita ko agad si Mom na tumatakbo patugo sakin kay agad ko siyang niyakap.
"Mommy, I am so proud of you. Congratulations. Tignan mo tong apo mo oh. Sobrang behave nito kanina pa. Enjoy na enjoy sa show." masayang sabi ni Ethan sa kanyang Ina.
Pansin ko ang pagiging emotional ni Mom na may halong pag tataranta. Nanginginig pa siya nang sabihin niya sakin. "Nandito sila anak."
Takang taka naman ako. "Huh? Sinong sila, Mom?"
I was wondering. Is she referring to Dad? Maybe? Dahil wala pa din si Dad sa ngayon. Nang biglang...
Boom!
Isang malakas na sabog ang dumagundong sa loob ng Mall. Sobrang kapal ng usok!! Naririnig ko ang hiyawan ng mga tao.
Ohh sh*t, anong ibig sabihin nito? Bakit may pagsabog? Na nasundan pa ng isa, dalawa at tatlo pang pagsabog!!
Boom!
Boom!
"Ethaaaan anak!!"
"Ahhh!! Tulong!!!"
"Saklolo!! Tulungan niyo ko!!"
"ETHAAAAN!!!"