Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 94 - CHAPTER 94 - OPERATION SAVE ETHAN!

Chapter 94 - CHAPTER 94 - OPERATION SAVE ETHAN!

CHAPTER 94 - OPERATION SAVE ETHAN!

--------

PENELOPE THOMPSON POV

Ang lahat ay masayang nanunuod. Sakto din ang pagdating ng mga kaibigan ng asawa kong si Ethan na sina Enzo at Lucas Lee at shocks! Namiss ko din yung beshie kong si Mica at kasama nila ang kanilang anak na si Mikaehla Louisse, isang buwan lang ang pagitan niya sa kambal. Infairness super pretty ni Mikaehla mukha siyang korean baby pero sayang dahil kaka alis lang ng asawa ko, hindi pa din niya kasi nakikita ng personal itong inaanak niya.

"Omg beshie! Sobrang pretty talaga ng baby mo. Worth it din talaga yung selan mo sa paglihi diba Mr. Lee? Hahaha." pabirong sabi ni Penelope sa mag asawa na katabi niya lamang sa upuan.

"Haha, pinaalala mo pa. Pero yun nga worth it talaga look at the result from the weird cravings ng beshie mo." tugon ni Lucas while shaking his head and smiling.

"Pero syempre di naman din papatalo sa kagandahan at kakisigan ang kambal, look at those eyes! But wait, where is Paul Eros and his Dad?" wika ni Mica.

"Ahh, oo. Nasa backstage ang mag ama. Kinamusta si Mommy." tugon naman ni Penelope.

Patuloy ang kwentuhan namin hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap...

May isang malakas na pagsabog ang ikinagulat ng lahat! Nagpapanic na ang lahat ng tao sa loob hanggang sa nasundan pa ito ng dalawa pang magkakasunod na pagsabog kasabay din nito ang isang napaka kapal na usok.

"Omg! Anong nangyayare? Shh shh anak tahan na..." wika ni Penelope habang pinapakalma ang noo'y iyak na iyak nitong anak.

Mabuti na lamang at biglang dumating ang mga police at ginabayan kami papunta sa ligtas na lugar. Binigyan din nila kami ng mask para sa makapal na usok.

Pagpunta namin sa lugar na iyon ay agad ko namang nakita si Daddy at niyakap. Sobra ang pag iyak ko nung mga oras na iyon dahil nag aalala na din ako para sa asawa ko na naiwan pa sa loob. Pero pilit nila akong kinakalma at sakto din na dumating si Daddy Albert kasama ang ilang pa niyang body guards.

"Penelope, anak? Kamusta? Ayos ka lang ba? Wala ba kayong galos ng apo ko?" pag aalala ni Don Albert kay Penelope at sa kanyang apo.

"Opo, Dad. Ayos lang po kami kaso naiwan po sa loob sina Mommy Isabel at Ethan. Pinuntahan niya po kasi si Mommy sa may backstage ilang minuto lang po bago naganap yung mga pagsabog." wika ni Penelope habang patuloy ito sa pag iyak.

Agad namang umalis si Daddy Albert at pumasok sa loob ng Mall.

LUCAS LEE POV

Nakwento nga sa akin ni Ms. Thompson na naiwan pa sa loob sina Tita at Ethan kaya agad naming naisip ni Enzo na sumugod na sa loob. Pero bago kami pumasok ay nagpaalam na muna ako ng maayos sa aking asawa na noo'y sobrang ninenerbyos na sa mga kaganapan. Pilit akong pinipigilan ng aking asawa ngunit hindi ko naman matiis na maghintay lang dahil labis na din akong nag aalala para sa kalagayan ng aming kaibigan.

"Wag kang mag alala baby. I will be safe. Tsaka baby, wag kayong maghihiwalay ni Ms. Thompson ahh. Babalik din ako agad, promise." mahinahon na sabi ni Lucas sa nag aalala nitong asawa sabay halik sa noo nito. "I love you my Kaehla. Wait for your Daddy, okay? Your Daddy needs to rescue your Ninong. Don't you worry i'll be out for a minute. Love you." wika naman nito sa kanilang anak na mahimbing nang natutulog.

Matapos ng aking pakikiusap ay napapayag ko din ang aking asawa kaya agad na din kaming pumasok sa loob.

Pumasok kami ni Enzo nang may suot na mask dahil hanggang ngayon ay sobrang usok pa din dito sa loob. Hanggang sa makapasok na kami sa may backstage at nakita namin sina Tito at Tita.

Kitang kita na medyo nanghihina na si Tita Isabel at binuhat na ito ng mga body guard niya at agad na isinugod sa ambulansiya.

Lumapit naman sa amin si Tito Albert at nagulat kami sa sinabi niya. "Enzo, Lucas. Wala si Ethan dito. Dinukot daw siya ayon kay Isabel. Mga naka itim daw sila at tinangay si Ethan kasama ng aking apo!"

Napatulala nalang kami ni Enzo nang marinig namin ang balitang iyon mula kay Tito Albert. Hindi din kami makapaniwala kung ano ang maaaring motibo para dakipin silang mag ama.

"Kailangan nating guamawa agad ng paraan. Hindi tayo dapat mag aksaya ng panahon dahil baka kung anong gawin nila kina Ethan at Paul Eros!" kinakabahang sabi ni Lucas.

Kakagaling lang sa tawag ni Tito Albert at sinabi niya nga sa amin na nagrequest na siya ng intelligent force na maaaring magbigay sa amin ng tulong para matunton kung saan nila maaaring dinala at kung sino na din ang mga dumukot sa kanya. Agad din kaming pumunta sa security nitong mall para tignan sa cctv kung sakaling nahagip ng camera ang mga dumukot kay Ethan.

Lumipas ang kalahating oras at dumating na din ang Intelligent Force at tapos na din namin panuorin ang laman ng cctv ngunit bigo kaming makakalap ng impormasyon dahil kasabay pala ng unang pagsabog ay pinuntirya nila agad ang mga camera ng mall. Maaring planadong planado ang pag kakadukot kay Ethan. Mabuti na lamang at nakaisip ng paraan na maaari naming ma-track kung nasaan si Ethan gamit ang GPS ng phone nito. Nabanggit din ni Tito Albert na meron nga nito si Ethan sa phone niya noon pa man dahil nga sa isa silang maimpluwensiyang pamilya.

Agad na natrack ang lokasyon ni Ethan ang minabuti namin ni Enzo na sumunod.

"Tara, bro. Gigil na gigil na talaga ako. Malaman ko lang talaga kung sino ang mastermind nito talagang mata lang ang walang latay!" galit na galit na sabi ni Lucas.

Agad kaming sumakay sa isang van. Tinawagan ko din si Noah para sa karagdagang back up. Hinala kasi nila Tito Albert na maaaring sindikato o kaya mga kaibigan ni Jacob ang nasa likod ng pandurukot dahil maaaring maghiganti ang mga ito sa pagkaka kulong ni Jacob na isang High-Profile na drug user.

Samantala...

---------

ETHAN SMITH POV

Saglit akong nawalan ng malay at nandito ako ngayon sa may napakadilim na lugar. At hmm? Mukhang nasa van ata ako! Hindi ako makagalaw dahil naka tali ang parehas kong kamay at paa!

Sh*t! Ang anak ko?! Naririning ko siyang umiiyak. Nako naman, wala akong magawa, nakakainis! Hawak hawak siya nitong isang lalaki na nasa harapan ko!

"Shh! Shh! Poging sanggol wag na umiyak. Look oh, who is that? Yehey! Si Jollibee!" wika ng isang di kilalang lalaki na nililibang si Paul Eros na patuloy pa din sa pag iyak. "Hala ayaw tumigil Billy, anong gagawin ko? Mukhang nagugutom na to wala naman akong gatas dito jusko po, hindi ako nakapag piga tsaka haler baril ang dala ng lola mo, ano ba yan. Kung alam ko lang binitbit ko yung tsupon sa bahay."

"Lech*! Bogart ano ba! Patahanin mo na lang kanina pa ako naririndi diyan. Ikaw umiiral nanaman yang kabadingan mo. Tumigil tigil ka baka parehas kayong putukan ko!" galit na galit na sabi ng di kilalang lalaki na nagmamaneho ng van.

Di ako nakapigil kaya sumabat na ako sa usapan ng dalawa. "Hoy! Wag niyong idadamay ang bata! Ako nalang please, kung sa akin kayo may galit sa akin niyo nalang ibuhos wag na sa bata. Wala pa yang kamuwang muwang! Sana may konti pa kayong awa at kaluluwa kahit para sa bata nalang."

Tumigil bigla ang sinasakyan namin at yun na nga. Bumaba ang nagmamaneho ng van at pumasok sa loob para suntukin ako.

Smack!

"Pu**** i** ka ha! Ikaw pa matapang ngayon? Alam mo pasalamat ka at gusto kang malinis ng amo namin kung hindi talagang lumpo ka na sakin kanina pa."

Hindi pa siya natapos doon at hinagis naman niya sa mukha ko ang bag na may laman ng gatas ng anak ko.

"Ohh ayan! Timplahan mo na yang anak mo! Bilisan mo!" galit na galit na wika ng di kilalang lalaki.

Pansamantalang inalis ang pagkakagapos ng kamay ko para makapag prepare ng gatas para kay Paul Eros. Pero hanag ginagawa ko iyon ay nakatutok naman ang dalawang baril mula sa dalawang lalaki.

Habang nag titimpla ako ay pansin ko ang pag ilaw ng phone ko mula sa pants ko. Agad ko namang naalala na maaaring nilolocate ako ni Daddy gamit ang GPS dahil natesting na namin ito noon. Kaya medyo nakahinga din ako ng maluwag at naka isip ng paraan.

"Hmm. Alam niyo, ayaw ko naman talagan magkaanak e sobra kasi siyang nakakapagod. Tska yun nga since na eto tapos ko na siyang timplahan baka kung pwede eh iwanan nalang natin siya dito sa labas? Naririndi na din talaga ako sa iyak niya e. Kada naririnig ko yan natutuliro din ako. Halos parehas sa nararamdaman mo boss." tanong ni Ethan na lubos na ikinagulat ng dalawa na agad namang sinang ayunan ito.

Matagumpay akong makumbinsi sila at nilatagan ko si Paul Eros at ibinalot sa tela para sigurado na hindi din siya lamukin. Habang ginagawa ko iyon ay nagmamasid masid din ako sa lugar at kapansin pansin na nasa liblib na kaming lugar at bahagyang magputik na din. Ipinwesto ko si Paul Eros sa parteng safe siya.

Hindi ko na din mapigilang maluha habang ginagawa ang mga bagay na iyon.

"Sorry, anak. Sana mapatawad mo ako. Pero eto lang yung tanging paraan na naisip ko para masalba ka. Mahal na mahal kita anak. Tiwala naman ako na matutunton ka ng Lolo mo dito." wika ko sa aking isip.

Tapos ko na siyang balutin. Pero humiling pa ako ng isa pang pabor mula sa kanila.

"Okay na mga boss. Pero one last wish. Pwede ba?" pakiusap ni Ethan sa dalawang lalaki.

"Anak ng teteng naman oh? Inuuto mo na ata kami eh. Ano nanaman ba yun? Naku! Nang gigigil na ako sayo!" wika ng isang lalaki.

"Hay nako pagbigyan mo na Billy. Tutal malapit naman na tayo sa hideout eh isang kaliwa nalang sa gawi dun ay nandun na tayo. Tska malamang pagdating natin dun ay di na din yan makalabas pa ng buhay. Pagbigyan mo na." wika naman ng isang lalaki.

"Oo nga, Boss Billy. Tsaka iihi lang naman ako. Yun lang. Ihing ihi na kasi ako e kanina pa." wika ni Ethan habang hawa na ang pantalon.

"Ohh sige sige! Sarap niyo ding paguntugin eh! Basta dyan ka lang sa malapit!"

Tagumpay! Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako naiihi eh. Saktong nasabi din nung isang lalaki ang lokasyon ng hideout nila.

Hindi din nila napansin ang pagkuha ng phone ko mula sa pantalon kaya sinimulan ko na ang plano. Nag record ako ng voice message para kung sakaling makita nila ito ay agad din nila akong matutunton. Iiwan ko din itong phone ko sa tabi ni Paul Eros. Kaya ingat ingat akong nag record at pagkatapos ay pasimpleng inilaglag ang cellphone sa may lapag.

"Ehem!!" malakas na pag ubo ni Ethan sabay sa paglaglag nito ng phone niya sa lapag kalapit ng pinaglagakan ni Paul Eros.

"Ahh hehe sorry. Kumati lalamunan ko ehh." wika ni Ethan.

Inambahan naman akong susuntukin ng lalaki sa inis. "Bwisit ka talaga e no! Tara na sa loob!"