CHAPTER 92 - A ROMANTIC NEW YEAR'S EVE
--------
PENELOPE THOMPSON POV
Dec. 30, 2022
1 day bago ang Media Noche, Napagpasyahan namin ng asawa ko at maging ng family ko na magcecelebrate kami ng New Year sa bahay ng parents ko para makadalaw din sa bahay ang Mommy at Daddy ni Ethan. Ngayon, kakatapos lang ng check up at magandang balita na healthy naman ang kambal. Sumasakit sakit na din ang balakang ko dahil bumibigat na din sila. Thankful talaga ako sa hands on kong asawa pati na din kay bunso na grabe din kung mag alaga. Malapit nang mag 7 months ang kambal kaya mas lalong kumukulit ang dalawa sa tiyan ko lalo na kapag naririnig ang boses ng Daddy nila.
Habang tumatagal hindi nadin ako nagiging maselan lalo na sa pagkaen. Nag eexercise na din ako tuwing umaga pero light lang, advice kasi ni Ate Bella para maiwasan daw ang pagmamanas tsaka maging flexible din ang kambal. Ilang months pa bago sila lumabas pero halos mapuno na namin yung nursery room ng gamit. Halos araw araw kasi na may nagpapadala sa amin ng mga regalo para sa kambal. Minsan sa fans ng asawa ko at minsan naman sa mga lolo at lola nila na mga excited.
KINABUKASAN...
--------
ETHAN SMITH POV
Dec. 31, 2022
Time Check: 12:00 pm
Nandito na kami sa bahay nina Mommy Patricia at Daddy Harvey. Inagahan na namin para hindi kami abutin ng dilim tsaka alam kong traffic na mamaya. Mainipin pa naman ang asawa ko. Nagpacutomize na nga din ako sa Atoy Customs ng van para lang sa kanya at sa kambal. Sobrang music oriented kasi ng kambal kuamakalma sila everytime they heard a music. Kung dati ang laman ng playlist ko ay ang mga kanta nina Chris Brown, Neyo, at iba pang mga RNB artist ngayon ay mga Cocomelon na, pinkfong at habang tumatagal nakakabisado ko na din kahit ang mga lyrics.
Sobrang excited na nga akong makita ang kambal at sa ngayon si Kuya Patrick ang tumatayong CEO ng buong Twin Tulip pero ginagabayan ko pa din naman siya. Sadyang hindi lang ako makapasok sa ngayon dahil tutok ako sa mag ina ko.
Ngayon ay nandito kami sa mansyon ng Thompson Family. Dito na din kami magpapalipas ng gabi hanggang mag January. 2.
"Kamusta po kayo Daddy Harvey? Nakakatuwa naman na makita ko pong masigla kayo lalo na sobrang fit niyo po ngayon, May abs ka po ba Daddy Harvey? Hahaha mukhang matatalo niyo na po ako haha." pagbiro ni Ethan sa body change ni Daddy Harvey.
"Hahaha. Aba syempre, hindi ako pwedeng magpatalo ano. Lalo na't magkaka apo na ako. Gagamiting ko itong muscle ko sa pag buhat ng dalawa kong apo. Hahaha." wika ni Daddy Harvey.
"Grabe si Daddy, mamaya mabalitaan namin may bunso na kami ahh. Hahaha." biro ni Penelope.
"Hahaha. Nako, malay mo naman sweety diba? Look how fit your Mom as well,feeling ko pwedeng umisa pa?" tugong pabiro ni Dadd Harvey.
"Naku nako. Malabo pa sa patis labo. Matanda na ang mama niyo. Tska palaging nandyan si princess alam mo naman yung bata na yun maka Lolo at Lola." tugon ni Mommy Patricia.
"Spreaking of Bethina, asan na pala yun Mom?" tanong ni Penelope.
Sabay abot sa amin ng magazine. Wow! Talagang cinareer na ni Bethina ang pagiging model. Model pala siya ngayon ng kiddie apparel ni Mom. Good Job!
"Sa January. 18 may fashion show sila na gaganapin sa Shangri La Mall. Bethina will model yung latest brand nila na ilalaunch sa gabing yun. I think uuwi ang Tita Imee mo, Ethan right?" pagbabahagi at tanong ni Mommy Patricia kay Ethan.
"Really, Mommy? Wala po akong balita sa kanila eh sobrang busy po kasi nina Mom and Dad. They never updated me on something. At kung uuwi po si Tita Imee, does it mean na international brand pala ang imomodel ni Bethina?" pagkamangha ni Ethan.
"Yeah, I guess?" tugon ni Mommy Patricia.
"Grabe ang bongga naman ng apo mo Mom. Mukhang may sisikat na din na Thompson hahaha." masayang sabi ni Penelope.
PENELOPE THOMPSON POV
5:00 pm nang dumating sina Ate Bella at Kuya Patrick kasama si Bethina. Galing daw pala sa simbahan at nag-mall na din pagkatapos dahil namili sila ng damit at ilang bagay na kailangan nila sa pang araw araw. Bumili din daw sila ng mga fountain at mga torotot para sa bagong taon mamaya.
Kagaya ng pasko, looking forward din kami ng asawa ko sa bagong taon dahil again, first time namin na magcelebrate together and this time dito naman sa pamamahay namin na sina Mommy at Daddy nalang ang nakatira dahil bumukod na ng tahanan sina Kuya at Ate Bella pero malapit lang naman ang bahay nila kaya hindi malulungkot sina Mom and Dad. Grabe iniisip ko ngayon na ang bilis talaga ng panahon lalo na kapag masaya ka sa mga taong nasa paligid mo. Parang ang bilis lang lumipas ng mga araw.
Nakaupo ako sa sofa, pinapanuod sila na mag gayak , at mmm mula dito sa sala amoy na amoy ko ang niluluto. Grabe, natatakam na kami ng kambal. At gaya ng dati hindi na din ako nakapag pigil at nauna na akong kumaen sa kanila. At pagkatapos kong kumaen, 6:00 pm that time ay bigla namang dumating ang parents ni Ethan. At syempre, kumpleto na kaming family kaya party party na ulit!
Makalipas ang ilang oras...
11:59 pm nag countdown kami para salubungin ang bagong taon.
5...4...3...2...1... Happy New Year!!
\
Wooh! Kanya kanyang ingay. Nasa roof top kami ng bahay at dahil open naman ang roof top kaya dun na din kami nagpaputok pero siyempre dahil masama sa akin ang usok kaya pinasuot ako ng mask ng asawa ko at medyo lumayo na din sa kanila.
While watching the fireworks, lumapit sa akin bigla ang asawa ko habang kausap ko si bunso.
"Hi Love, how are you?" wika ni Ethan sabay yakap sa kanyang asawa. At maya maya naman ay isang napakagandang fireworks ang kanilang nasaksihan sa langit,
At habang magkayakapan at sabay na pinapanuod ang magagandang fireworks. "My entire life changed once I met you. And my New Year's resolution is to spend the rest of my life holding your hand. Thanks a lot for being the love of my life. Happy New Year, love. Palagi kayong mag iingat ng kambal. Mahal na mahal ko kayo." wika ni Ethan.
Di ko mapigilang maluha dahil sobrang perfect ng pagkakataon na yun. Tsaka na touch din ako sa asawa ko. Talagang lagi niyang pinaparamdam kung gaano ako kaespesyal sa buhay niya.
"Thank you, love, and I am wishing as well that we will always have each other's back no matter what this year might bring us. We are stronger than any obstacles. I love you and Happy New Year!" tugon naman ni, Penelope.
--------
Lumipas ang bagong taon na punong puno ng pagmamahalan at pag asa. Natututwa ako kung gaano kasuportado ang mga pamilya namin sa isa't isa at kung gaano din kasaya ang aming mga pamilya. Tila'y wala na talaga akong mahihiling pa. Sobrang saya ng puso ko kahit na ang dami naming mga pinagdaananan lalo nung nakaraang taon pero ang taon na din na yun ang bumago ng buhay namin at marating itong saya namin ngayon.
Looking forward ako sa taon na ito ngayon, nawa'y magpatuloy ang saya at pagmamahalan at sa mga unos na darating sa buhay namin, ay alam kong mananatili kaming matatag at lumalaban. At isa pa, see you in a few months kambal. Sobrang excited na kaming makita kayo...