Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 71 - CHAPTER 71 - THE EXPENSIVE WEDDING GIFT

Chapter 71 - CHAPTER 71 - THE EXPENSIVE WEDDING GIFT

CHAPTER 71 - THE EXPENSIVE WEDDING GIFT

-----------

ETHAN SMITH POV

Habang nagkakasiyahan sa Charity Ball. Nasa table kami ni Penelope kung nasaan ang Millionaires Gang. Grabe yung mga kantsawan tapos proud na proud daw sila dahil after the longest time ay nahanap ko na din sa wakas ang babae na magpapasaya sakin at mag aalaga. Napag usapan din namin yung mga nangyari noon sa may Resort.

"Yeah, ilang beses ko ngang inudyukan itong si Ethan na magtapat na kay Ms. Thompson. Tamo, sabi sayo Ethan e, siya yung right girl for you." pagbunyag ni Lucas sa mga kaibigan na nag iinuman.

"Hahaha salamat bro ah." tugon ni Ethan.

"Saan ba yang resort mo na yan Lucas? Parang maganda diyan ah, makakatagpo din ata ako ng forever ko dyan. Hahaha!" biro ni Enzo.

Habang masaya kaming nag kekwentuhan ay nilapitan ako ng Assistant ko na si Jessica dahil tinatanong niya kung magleleave ba ako kinabukasan?

"Yup, pa cancel kung may meeting ako at i-move nalang. Salamat." nakangiting sabi ni Ethan sa kanyang Assistant na biglang umalis matapos magtanong kay Ethan.

Pagkaalis na pagkaalis ni Jessica ay agad naman akong kinalabit ni Enzo na katabi ko lang sa lamesa.

"Assistant mo siya bro?" pagtatanong ni Enzo na hindi maalis ang tingin sa Assistant ni Ethan kahit na umalis na ito.

"Oo bro, pero hindi siya nagpapaligaw eh. Hahaha. Unahan na kita."

"Haha! Grabe ka naman bro. Nagbago naman na ako."

"Hahaha! Talaga ba bro? Kelan? Ngayon lang? Hahaha." biro ni Ethan sa kaibigan.

At nagtawanan ang lahat sa hirit ko na yun.

Hanggang sa tinawag ako ni Penelope dahil may sasabihin daw si Dad sa amin kaya agad akong lumapit.

"Yes Dad?" habang akbay ang kanyang Daddy.

"Wag ka nang uminom pa son, magbabiyahe pa kayo ni Penelope." paalala ni Don Albert.

Sabay abot ni Dad sa akin ng susi na may kasamang Key Card.

"Para saan to Dad?"

"Wedding gift namin ng Mommy mo."

"Ohh thank you Dad. Sasakyan ba to? Eh para san tong Key Card?"

"Haha. No, son. May bago na kayong bahay. At dun na kayo titira simula ngayon. Kumpleto na lahat dun, maging gamit ay nandun na din. Mga damit ninyo ng wife mo. Kung di mo din maitatanong meron na din kayong yaya dun at body guards. Kayo nalang talaga ang kulang. At syempre yung apo ko. Hahaha." biro ng Don Albert kina Ethan at Penelope.

Niyakap ko si Dad dahil hindi ko maimagine kung gaano kaganda ang bahay na yun dahil sa BellHall Village kami titira. Mga tanging mayayaman lang ang nakatira sa village na yun. I ca't imagine din kung magkano ang nagastos nila Dad para mabilhan kami ng bahay doon.

Nakapag paalam na din ako kina Daddy Harvey at Mommy Patricia na magsasama na kami sa iisang bahay. At nakakatuwa na walang pagdadalawang isip ay pumayag sila.

"Hey Ethan, wag mong papaiyakin yan ha. Yari ka talaga sakin. Hahaha" biro ni Bella kay Ethan habang kalong ang tulog na si Bethina.

"Haha. Oo naman po Ate Bella no. Baka nga ako pa ang paiyakin nyan ni Penelope eh hahaha." sabay apir sa natawang si Bella.

Kinausap din ako ni Kuya Patrick.

"Tiwala naman ako sayo Ethan e, simula nung una palang. Alam mo yan bro. Congrats ha. Basta pag may problema, alam mo na. Tawagan mo lang ako. Love you bro." pagbati ni Patrick kay Ethan.

"Salamat Kuya Pat. Love you po."

At di mawawala ang hirit ng aming mga magulang.

"Alam niyo ba anak na soundproof ang kwarto niyo. Hayy talaga naman. Kahit magsusumigaw kayo dun sa sarap. Hahaha." birong hirit ni Madam Isabel at nagtawanan ang mga nasa table namin.

Kalokohan talaga nito ni Mommy e.

"Hayy nako excited na talaga ako sa magiging apo ko. Malamang napaka ganda o pogi nyan. Pagka uwi gawa na agad! Hahaha." dagdag pa ni Madam Isabel.

Hanggang sa mag 12am na. Nag uwian na ang lahat.

Sakay pa din kami ng Limo na naghatid sa amin dito. Medyo naka inom na din kami ni Penelope kaya nakatulog nalang kami sa biyahe hanggang sa makapunta na kami sa bago naming bahay.

PENELOPE THOMPSON POV

Nakarating na din kami sa wakas. Mahaba haba din ang byahe. Almost 2 hours.

At pagkababa namin ng sasakyan, grabe napaka bongga naman ng bahay na to. White and Grey ang labas ng bahay tapos tatlong palapag. Naalala ko nga sabi samin ni Daddy Albert na meron din daw itong basement kung saan doon daw ang office namin. Na excite tuloy akong makita yun kaso antok na antok na kami e.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa amin ang tatlo naming kasambahay?

Niyakap agad ni Ethan yung isa sa tatlong kasambahay.

"Hon, this is Nanay Helen. Sobrang tagal na niyang nag seserbisyo sa amin yun nga lang nung naging doctor na ako hindi na ako nakakauwi sa amin kaya sobrang namiss ko to si Nanay Helen." habang yakap ni Ethan ang punong kasambahay na si Nanay Helen.

"Namiss ko po kayo Sir. Congrats po pala sa inyo ni Ma'am Penelope. Kinagagalak ko po kayo na makilala." niyakap ni Nanay Helen si Penelope.

At nagpakilala naman ang dalawa pang kasambahay na si Ate Mabel na ang toka sa paglalaba at si Ate Rose na ang toka naman sa ang paglinis ng bahay. Si Nanay Helen naman ang responsable sa pagluluto.

Wala na kaming time para chumika dahil bakas sa mga mata namin ang pagod at antok. Kaya dumiretso kami sa elevator nitong bahay. Sinamahan din kami ni Nanay Helen paakyat dahil hindi pa namin kabisado itong bahay. Binigay ko na din ang isang Key Card sa kanya.

Ang Key Card na ito ay para lamang sa elevator na ito dahil ang elevator ay konektado sa kwarto namin at basement nitong bahay.

Ting!

"Salamat po Nanay Helen ah. Magpapahinga na po kami ni Ethan." nagbeso muna sila ni Penelope bago umalis.

ETHAN SMITH POV

Medyo nakaainom ako pero hindi naman ako lasing. Ganun din ang asawa ko. Hindi ko na nakuhang lumibot sa bahay dahil hindi ko na din mapigilan ang mga mata ko.

Tumabi na sa akin si Penelope. Nakapag palit na din siya ng damit. At ako naman nag hubad nalang ng top pero naka shorts dahil tamad na tamad na akong magpalit.

Pagkatabi sa akin ni Penelope.

"Hahahaha! Hahahaha! Ang sakit ng tiyan ko!"

"Hala, nasisiraan kana ba ng ulo? Umayos ka nga!"

"Sorry Hon, may naisip lang kasi ako e."

"Ano naman yun? At para ka nang nasisiraan ng bait kakatawa."

"Wala Hon, naisip ko lang kung totoo bang soundproof tong kwarto?"

Sabay batok ng unan sa akin ni Penelope.

"Aray naman! Ito naman di mabiro. Hahaha."

"Alam mo lasing ka lang. Tara na matulog na tayo."

Nagkumot na kami at natulog na din.

"Goodnight Hon."

"Goodnight."