Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 72 - CHAPTER 72 - OMG! WHO'S PREGNANT?

Chapter 72 - CHAPTER 72 - OMG! WHO'S PREGNANT?

CHAPTER 72 - OMG! WHO'S PREGNANT?

---------

PENELOPE THOMPSON POV

Time Check: 8:00 am

Nagising ako nang wala si Ethan sa may tabi ko. Kaya bumangon na ako para gawin ang morning routine. Hinanap ko pa yung banyo pero nakita ko itong walk-in closet na punong puno ng mga magagandang damit. Meron pang mga branded na bag at accessories. Grabe, feeling ko nasa mall ako. Amin ba lahat ng to? Parang nakakahiya naman.

Tapos etong mga damit mga brand ni Mommy Isabel. At pagbukas ko sa isang closet. OMG! bikinis! Ang dami at ang bobongga talaga, may one piece at two piece. Tapos sa kabilang side ano to? Lingerie? Hahaha. Di ko alam kung masusuot ko ba yan.

Anyways, kailangan ko na talagang mag banyo. At paglingon ko aba may pinto, CR na kaya to?

Pagpasok ko sa loob. OMG! Kumikinang kinang sa kintab ang banyo namin!

Ang ganda nitong banyo. Sobrang elegante dahil white and gold ang theme. Kumpleto na din talaga sa gamit. Ang daming stock ng shampoo. sabon, lotion, tapos eto kumpleto yung set ng pang morning routine puro branded pa tapos shower gel. Bongga din nitong bath tub oh, gold ang mga faucet maging ang shower. Maging ang bowl sosyal din yung bidet gold din grabe. Nakakahiyang dumumi dito haha.

Pero mamaya na ako maglibot mag morning routine na ako para makababa na din.

10 mins later, naka ayos na ako. Buti nalang may Card key din ako. Kaya nag elevator ako papunta sa living room sa baba.

Ting!

Nakita ko sina Ethan at Nanay Helen na nag peprepare ng pagkaen.

"Ohh gising kana. Sorry, Hon a balak ko nga sanang magdala ng food sa room natin kaso naabutan mo na ako. Tara dito nalang tayo sabay sabay na tayo nila Ate Mabel at Ate Rose. Masarap tong niluto ni Nanay Helen, sinigang." pag aakit ni Ethan sa asawa.

"Oo nga pala Hon, may pool dito sa labas mag swimming tayo. Tara tignan natin."

"Wow! Oo nga no. Grabe ang ganda naman. Sobrang sosyal naman ng pool. Parehas ng mga nakikita ko sa mga 5 star Hotel" pagkamangha ni Penelope sa nakitang pool sa labas.

Kumaen na kami pagkatapos.

At after nun ay nag swimming na kami agad ni Ethan suot suot ang two piece na bathing suit na nakita ko sa closet samantalang si Ethan naman ay shrtless at naka boxer briefs.

ETHAN SMITH POV

Nauna na akong lumublob kay Penelope dahil hindi naman na ako nag palit pa ng damit. Hinuhbad ko nalang tapos nag boxer nalang ako.

Maya maya ay lumabas na din ang asawa ko. Napalunok ako ng laway nang makita ko siya na papalapit.

"Wow! Grabe naman ang Hon ko, lalo tuloy uminit." habang nakaupo sa ibabaw ng salbabida at nakasalamin na titig na titig sa papalapit na si Penelope.

"Hahaha. Bolero! Ang taba ko nga e."

"Wow, taba ba yan? Sexy mo nga e."

Hanggang sa tumalon na si Penelope dito sa pool. Grabe ang galing lumangoy.

Habang nasa pool ay nag uusap kami about sa anong balak namin after.

"Date. And I think we should go sa Smith Grand Hotel. Alam ko di ka pa nakakapunta dun e." wika ni Ethan.

"Uhm. Yeah, hindi pa nga."

"I'll invite Lucas and Mica para makamusta din natin sila."

Nanlaki ang mga mata ni Penelope, talaga miss na din niya ang beshie niya.

"Yeah, tapos maganda na one day ay mainvite din natin sila dito sa new house." naeexcite na sinabi ni Penelope.

"Syempre naman. Pero kailangan na muna natin na maging familiar mismo dito sa bahay natin."

12:00 pm ay umahon na kami. Hindi na kami kumaen sa bahay dahil napag pasyahan namin na sa Hotel nalang kami maglunch.

1:30 pm nang makarating kami sa Hotel. Halos magkasabayan lang kami nila Lucas at Mica.

"Hey bro, what's up. How was the married life?" bungad na tanong ni Lucas kay Ethan nang sila ay magkita.

"Ayos naman bro. Masaya syempre. Kayo ni Mica kamusta?" balik na tanong ni Ethan kay Lucas.

"Eto, ayos naman. Diba Mics? Actually, napakilala ko na din siya kina Mom and Dad."

"Oh really beshie? Kamusta naman?" biglang singit ni Penelope.

"Ayun, ayos naman. Sa kanila na nga ako tumutuloy eh." malumanay na sinabi ni Mica.

Sabay dating ng inonrder kong food para sa amin.

PENELOPE THOMPSON POV

"Beshie, alam mo pansin ko na parang lalo kayong naging malapit. Kasi kahit na pagpunta niyo palang dito magkahawakan na kayo ng kamay. Kayo naba?" bulong na tinanong ni Mica sa kanyang beshie habang kumakaen.

Tumango lang ako sa kanya habang naka ngiti.

"Yiehh!!" kinikilig na si Mica nang malaman ang real status ni Ethan at Penelope at biglang naglingunan sa kanya sina Ethan at Lucas.

"Grabe Mr. Smith official na pala kayo nitong beshie ko. Kaya pala parang normal nalang ang sweetness niyo." pang iintriga ni Mica.

"Hahaha. Oo nga e, maski ako naman hindi din makapaniwala. Actually, kakasagot niya lang sa akin that same day." sabay tingin sa kinikilig din na si Penelope.

"Oh gosh! Grabe naman. Mabuti naman na nagkaaminan na kayo."

"Eh bakit kayo ba ni Lucas, beshie?" pagtatanong naman ni Penelope.

Di ko inaasahan na parang akmang maduduwal si Mica.

"Ohh beshie okay ka lang?" pag aalala ni Penelope sa kaibigan.

"Sorry, oo beshie. May nakaen kasi akong bawang e."

"Huh? bawang? Eh diba kumakaen ka naman nun?" pagtataka ni Penelope.

"Uy beshie, hindi no."

Hanggang sa may dinalang lobster ang waiter.

"Ayun ang sarap naman nyan bro." wika ni Lucas na excited sa bagong hain ng waiter.

"OMG! Favorite natin yan beshie!" pagka excite ni Penelope.

Pagkalapag na pagkalapag tumayo si Mica at dumiretso sa banyo.

Taka taka kaming lahat nang mangyari iyon.

"Kanina pa ganyan yan si Mics simula nung nasa bahay kami. Siguro inaatake nanaman ng acid yan." paliwanag ni Lucas.

Hmm? Pinigilan ko si Lucas na sumunod at ako na ang nagpresenta na sumama kay Mica.

"Ako na Mr. Lee, hindi ka din naman makakapasok sa cr ng girls."

Tumayo agad ako at sumunod sa comfort room ng girls. Naabutan ko si Mica na nag huhugas ng bibig niya.

"Ohh beshie?" gulat na tanong ni Mica nang makita si Penelope na sumunod.

"Beshie, kelan ka nagkaron? Yung totoo?" deretsahang tanong ni Penelope.

Di pa niya ako nasasagot pero halos mangiyak ngiyak na siya. Kaya niyakap ko siya para din hindi niya ma-feel yung stress sa tinanong ko.

"1 month and 2 weeks na akong delayed beshie." pabulong na inamin ni Mica sa kaibigan.

"Gusto mo ba samahan kita na magpacheck-up? Samahan kita ngayon. Alam na ba ni Lucas yan?"

"Yun nga beshie e, hindi ko pa sinasabi sa kanya." malungkot na sabi ni Mica.

"Huh? bakit naman? Dapat sabihin mo na."

"Natatakot ako beshie. Baka kasi layuan niya ako. Alam mo naman si Lucas parang hindi pa seryoso sa buhay." mangiyak ngiyak na sinabi ni Mica.

Niyakap kong muli ang beshie ko.

"Beshie, wag ka munang magsalita ng ganyan. Malay mo diba, bigla nalang siyang mag matured dahil sa baby niyo. Gusto mo ako na ang magsabi?" wika ni Penelope na nag aalala sa kalagayan ng kaibigan.

"Di beshie, ako nalang. Pagkauwi na pagkauwi namin."

"Okay, basta tawagan mo nalang ako kapag kailangan mo ng tulong ko. Pupuntahan agad kita. Basta alagaan mo yang baby mo ha."

Matapos ang pag uusap namin ay bumalik na kami sa table namin. Masayang nag kekwentuhan ang magbarkada.

Medyo nag aalala tuloy ako sa beshie ko. Lalo nang sinabi niya na parang hindi pa seryoso si Mr. Lee sa buhay tsaka yung tono niya na sa parents ni Lucas sila nakatira. Well, sana mali ako sa iniisip ko. Sana maging okay sila ng beshie ko at ng baby nila.

"Are you okay, hon.?" tanong ni Ethan nang mapansin na tahimik ang asawa.

"Ahh, sorry. Yes, hon. I am fine." tugon ni Penelope.

Matapos ang kainan namin, lumabas na kami ng hotel. Pinuntahan na namin ang mga sasakyan namin. At nang mapansin ko merong isang familiar na sasakyan ang nakapark din sa hotel na yun.

Hmm? JCB 099 ang plate number? OMG!

Inaya ko na agad si Ethan na sumakay sa loob ng sasakyan.

"Hon, tara na, Bukas na kayo mag usap ulit ni Mr. Lee!" natatarantang sinabi ni Penelope.

Mamaya maya ay pumasok ni si Ethan.

ETHAN SMITH POV

Pagkasabi sakin ni Penelope nun ay agad din naman akong pumasok sa loob ng kotse. Dahil napansin ko na naka kunot na ang noo niya at parang galit.

"Sorry, hon a. May sinabi pa kasi sakin si Lucas. Sorry ulit."

"Umalis na tayo please." nakasimangot na sinabi ni Penelope.

Kaya agad ko ding inistart ang kotse at umadar paalis.

Nagtataka ako sa biglaang pag change ng mood ni Penelope. Ano kayang meron dito?

"What's wrong hon? Did I do anything wrong?" pag aalala ni Ethan.

PENELOPE THOMPSON POV

Nang makalayo layo na kami tsaka ako nagsalita.

"Wala naman. I'm sorry."

Nakatulala lang ako, iniisip ko kasi baka sinusundan ako ng ex ko. Lalo na't nabalita na sa buong Pilipinas na kasal na kami ni Ethan.

Nakapag palit na nga ako ng number dahil sobra akong kinukulit ni Jacob na makipag balikan. Masaya na kami ni Ethan at isa pa, ayaw ko din nga gulo. Kaya hanggat maaari ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha ng ex ko na yun.