CHAPTER 41 - THE PERFECT DRIVER
----------
PENELOPE THOMPSON POV
What a devastating phone call from Kuya Patrick.
"Grabe, bakit naman ganito ang nangyayare sa buhay ko? Bakit kailangan kong maghirap ng ganto? Ano bang masamang kong ginawa sa buhay ko para parusahan ako ng ganito?" humahagulgol na sinabi ni Penelope.
"No, beshie wag mong sabihin yan. Pagsubok natin sa buhay yan. Nandito lang ako para sayo beshie. We will pray for your Dad." pagcomfort ni Mica sa kaibigan.
MICA PEREZ POV
Nagpaalam muna ako sa beshie ko na lumabas para tawagan si Lucas. At para matulungan din kami sa pag iimpake ng aming mga damit sa dati naming room dito sa resort.
Ring! Ring! Ring!
Calling Lucas Lee...
"Hello Lucas?"
"Oh Mics"? 3am palang a, bakit anong problema?"
"Lucas kailangan na kasing umuwi ni Beshie. Inatake sa puso si Daddy Harvey.
Hindi niya kasi kayang mag drive ngayon diba dahil masakit pa din yung paa niya.
Magbabakasakali lang ako na kung pwede mo siyang ihatid?" umiiyak na tinanong ni Mica.
"Ohh, talaga ba? Tsk. Naku, pano yan. Hindi ko maihahatad ang beshie mo Mics e.
Meron akong business meeting mamaya. Hanapan ko nalang siya ng driver. At tsaka yung mga gamit niyo ipasuyo ko nalang pero pupunta din ako diyan. Pasabi nalang kay Ms. Thompson na magpaka tatag siya ha. Salamat Mics. Bye."
"Okay salamat Lucas."
"Always welcome Mics pero sorry talaga pasabi na din kay Ms. Thompson."
End Call..
Mamaya maya lang ay dumating na din si Lucas sakay ang mga maleta ng Beshie ko.
Hindi na ako pinasama ng beshie ko dahil gusto niya na mag stay muna ako dito tsaka gusto niya din na sulitin ko ang bakasyon namin para sa kanya.
"At least dito beshie kasama mo naman si Mr. Lee. Panatag naman ako sa kanya e.
Nakikita ko din naman kung gaano ka kasaya sa kanya. Babalitaan nalang kita."wika ni Penelope sa matalik na kaibigan habang yakap yakap nya ito.
"I love you beshie, mag iingat kayo a. Basta balitaan mo ko. Susunod din naman ako after ng ilang araw. Salamat din beshie kasi naunawaan mo din ako." umiiyak na sinabi ni Mica.
PENELOPE THOMPSON POV
Kaya hindi ko na pinasama ang beshie ko dahil alam ko kung gaano niya ka-kailangan itong bakasyon ngayon dahil meron silang problema ng pamilya niya. Isa yun sa dahilan kung bakit nagpasya kami ng beshie ko na magbakasyon ng isang linggo dito sa resort.
Hinatid na kami ni Mr. Lee dito sa may parking lot.
Pero bago pa man ako sumakay sa sasakyan niya eh yumakap muna ako sa beshie ko.
"Beshie, thank you sa lahat lahat ah hindi ko alam gagawin ko kung wala ka sa tabi ko."naiyak na sinabi ni Penelope habang nakayakap sa kaibigan.
"Basta beshie ko, magpakatatag ka ha. Alam ko kayang lagpasan yan ni Tito yan gagaling siya beshie. Sabay sabay nating ipagdasal para mabilis siyang gumaling at huwag mong
kakalimutan na lagi lang ako nandito para sayo. Basta pag kailangan mo ako tawagan mo lang ako. Mag iingat kayo sa pagbyahe." naiyak ding tugon ni Mica sa kaibigan.
After ng pag uusap namin ng beshie ko, Pinasakay na ako ni Lucas dito sa may sports car.
Sabi ko na nga ba sa kanya tong Lamborghini Aventador e.
Habang nakaupo ako at naghihintay, hindi ko pa din mapigilan ang pag iyak ko. Kaya nag suot ako sa salamin dahil kitang kita ang pamamaga ng mata ko.
ETHAN SMITH POV
Gulat na gulat sa akin si Mica nang makita niya ako.
"Don't get shock Mics, wala kasing ibang available e. Kaya ito nalang na kaibigan ko."paliwanag ni Lucas kay Mica na hindi makapaniwala nang sabihin nito na si Ethan ang magiging driver ni Penelope.
"Nailagay ko na din yung mga maleta niya bro, ikaw nalang ang bahala. Eto pala yung phone mo o. Na-set up ko na yung waze niyan patungo sa Hospital nila. Ingat bro."wika ni Lucas sa kaibigan.
"Salamat bro, sige Mics, bro mauna nako para maaga din kaming makapunta dun sa hospital." paalam ni Ethan kina Lucas at Mica na hindi pa din makapaniwala hanggang ngayon.
After kong mag paalam sa kanila dumiretso naman ako sa pag sakay sa sasakyan ko.
Suggestion din ni Lucas na itong sasakyan ko na ang gamitin dahil hindi nga din ako sanay sa ibang sasakyan. Ito na kasing Robin ang kasa-kasama ko noon pa man.
Yup, my car's name is Robin.
Anyways, pag pasok ko ng sasakya naabutan ko si Penelope na grabe pa din sa pag iyak.
Pero nakalingon siya sa kabilang side, ayaw niya sigurong magpakita na umiiyak siya.
Inistart ko na ang kotse at maya maya lang ay umalis na kami.
PENELOPE THOMPSON POV
Nagsimula nang umandar ang sasakyan. Nakalabas na din kami ng Resort. Nakalingon lang ako sa may gilid dahil kinakalm ko muna ang sarili ko.
"Salamat Mr.Lee ahh." humihikbing sinabi ni Penelope.
"Hmm. Walang anuman."
"Hala ubos na pala yung tissue ko." wika ni Penelope sa kanyang sarili.
"Tissue? Open mo yung box dyan sa kaliwa mo. Meron diyan."
Pag open ko ng box, bumungad sa akin yung ID tsaka stethoscope.
"Ohh bat may stethoscope ka, tsaka ano to? School ID? Pagbasa ko."
"Imperial College London
Name: Ethan L. Smith
Cardiologist Student (PG)
045676"
"Huh? Teka bakit nasayo to?" gulat na gulat na tanong ni Penelope.
Kaya nilingon ko na kung sino ba itong kasama ko. Paglingon ko naka mask at cap siya.
"Ethan?"
"Ahh yes, Penelope. Sorry, kanina ko pa nga gustong sabihin. Sorry ahh pinakiusapan din kasi ako ni Lucas e. Di daw kasi siya pwede kasi may business meeting daw mamaya."paliwanag ni Ethan habang tinatanggal ang suot nitong mask.
At ayun. Napatulala nalang ako at napatingin nalang sa may gilid ko.
ETHAN SMITH POV
Hayy, awkward silence. Hindi ko din naman kasing makuhang tumanggi dahil alam ko ngang emergency ito. Tsaka iniisip ko din na baka may maitulong ako sa kanila.
Nung nakita niya yung ID ko, nalimutan na niyang kunin yung tissue. Kaya nung medyo nag traffic, kinuha ko at nilapag muna sa ibabaw ng box.
"Eto Penelope oh, kung kailangan mo nandito lang sa ibabaw." nanginginig na pag alok ni Ethan kay Penelope.
At habang traffic pa naman, binuksan ko na muna yung radio ng sasakyan ko para malibang kami habang nakahinto.
Ang gaganda ng mga kanta ang roromantic. Hanggang sa paglingon ko kay Penelope napansin kong tulog na pala siya. Kaya habang nakahinto pa kami, wala akong ginawa kundi titigan siya.
Kung kaya ko lang sanang punasan ang mga luha mo. Sorry Penelope ha. Sana maunawaan mo din ako. Hindi para makadagdag sa mga isipin mo, kundi maging parte ng solusyon.
Alam mo Penelope, ngayong magkasama na tayong muli, asahan mo. Hinding hindi na ako papayag na bigla ka nalang mawala sa buhay ko. Gagawin ko ang lahat, mapasakin ka lang.