CHAPTER 47 - KEEP FIGHTING PENELOPE!
---------
ETHAN SMITH POV
Narinig ko lahat ng mga napag usapan nila at yung kasunduan. At gusto ko din sanang manghimasok pero ayaw kong magkagulo pa sa loob bilang respeto kay Tito Harvey. Nakakainis dahil alam kong lalong magagalit si Penelope sa akin
dahil dito. At hindi ko din alam kung paano ako makakatulong sa kanya.
PENELOPE THOMPSON POV
Really? Ipinagkasundo talaga ako ni Dad. Ngayon no choice ako but to sign the papers. I never imagined na maikakasal ako sa ganitong paraan. Yung walang pagmamahal na kasama.
I was crying when I'm signing the papers.
"Okay, Thank you Ms. Penelope. I can feel how much you love your Dad. Pero wag kang mag alala, Ethan is a good guy." giit ni Don Albert kay Penelope habang pumipirma sa mga kasulatan.
Hindi ko na kinaya kaya mas pinili ko nalang na mag walk out. At sinundan naman ako ni Kuya Patrick papunta sa kabilang room.
ETHAN SMITH POV
Paalis na sana ako ng hospital nun nang bigla naman akong tinawag ni Tom.
Pinapatawag daw ako ni Dad to sign the contract. Wala din naman akong magagawa dahil hinarangan na ni Tom at iba pang bodyguards yung daan tsaka ang pinaka iiwasan ko din dito ay yung gumawa ng gulo kaya napilitan akong bumalik.
"Here son, just sign these papers and you can go."
Habang papalapit ako, nakita ko ang pamumugto ng mata ni Tita Patricia. I feel so bad for them. Yung tipong may pinoproblema na nga kayo tapos madadagdagan pa ng ganitong klaseng problema. Hayy, I really need to do something para makabawi sa kanila. Alam ko kasi kung gaano kabait ang pamilya nila kahit kahapon ko lang sila nakilala.
Tinuro ni Atty. Gonzales kung saan ako pipirma.
At sinumulan ko na ang pagpipirma.
KUYA PATRICK THOMPSON POV
Sinundan ko si babygirl para icomfort. Maski ako ay hindi makapaniwala sa mga nangyayare. But knowing naman na si Ethan ang mapapangasawa ni babygirl alam kong nasa tamang tao naman ang kapatid ko.
Pero yun nga lang, alam ko na hindi ganun kaganda ang relasyon ng dalawa ngayon. But I still believe na they can really fix kung anuman yung samahan nila dati.
"Alam mo babygirl nandito lang ako, kung meron kang mga saloobin sabihin mo lang sakin para kahit papano makatulong ako sa mga problema mo" wika ni Patrick habang yakap ang bunsong kapatid.
"Salamat kuya ah. Kaya nga e patong patong ang mga problema natin."
"Actually kuya yung 2 billion na yun, kaya naman nating bayaran yun.
Kahit na maubos ang savings ko. Di ko lang talaga matanggap yung arrange marriage na yan. Asan na ang karapatan ko? Porket ba powerful ang pamilya nila kaya gaganyanin nalang nila tayo. Parang sa kasunduan kasi kuya pati ako nabili na nila." umiiyak na sinabi ni Penelope.
"Kaya nga e, pero babygirl in our Father's behalf. Ako na ang humihingi ng kapatawaran para sa kanya. I am sorry babygirl na napunta ka sa ganitong sitwasyon. I know na you didn't really deserve this." mahigpit na yakap
ni Patrick sa kapatid.
PENELOPE THOMPSON POV
Patuloy ang pagbibgay ng malalaking pagsubok sa sakin ng mundo. Konti nalang talaga mapapagod na ako. Sobrang bigat na nitong dinadala ko pero
tinatatagan ko nalang para sa pamilya ko. At hindi din ako nagsasawang magdasal, kahit na ganito kabigat buo pa din naman ang tiwala ko na balang araw na malalampasan ko din ang mga pagsubok na to.
I am just looking at my Dad right now. Kahit siguro na ganito ang naging decision niya for me. Nangingibabaw pa din yung pagmamahal ko sa kanya.
At once na gumaling na si Dad. I am going to file a divorce at pipilitin kong makabayad sa pamilya ni Ethan.
------------
KINABUKASAN...
------------
ETHAN SMITH POV
Time check: 11 am
I woke up really late dahil after ko sa hospital, nag inom naman ako.
I drunk alone dito sa condo ko as usual. Ngayon actually, nagdadalawang isip ako kung pupunta ba.
Although sinabihan naman ako ni Tita Patricia na kahit na ganun nga ang nangyare kahapon, pwede pa din naman daw akong pumunta. Pero siyempre nahihiya naman ako para kay Penelope na lubhang naapektuhan sa mga pangyayari. I think I need to give her space muna.
Ring! Ring!
Hmm? Tumatawag si Lucas.
"Hello?"
"Hello bro? Kamusta?"
"Ayos lang bro, eto masakit ang ulo ko. Napatawag ka bro?"
"Bro, nandito kami ni Mics sa hospital. Dinalaw namin si Tito (Harvey)."
"Ohh really?"
"Oo bro, pinapatanong nga ni Tita kung pupunta ka e."
"Ahh ganun ba, ahm. Di ko pa din kasi alam e. Pano ko ba ieexplain sayo to.
Basta bro, explain ko nalang sayo lahat pag nagkita tayo. Ngayon kasi malabo akong makapunta ngayon diyan e."
"Ohh, Okay bro. I smell something ha. Sige bro mamaya nalang. Bye."
"Sige bro, ingat dyan bye."
End call...
PENELOPE THOMPSON POV
I am so happy na dumalaw ang beshie ko. Talagang dumarating tong babae na to tuwing down na down ako kaya mahal na mahal ko ang beshie ko na to e.
"Salamat beshie ha. Kahit papano nag light ang mood dito." masayang sinabi ni Penelope sa kaibigang miss na miss.
"Hayy nako beshie, diba sabi ko naman sa yo na susunod ako dito."
"Yeah, pero nag aalala kasi ako e para kasing ayaw ka nang isauli sakin ni Mr. Lee." biro ni Penelope kay Mr. Lee na biglang nabuga ang kapeng iniinom nito.
"Haha. Grabe ka naman sakin Ms. Thompson. Di ko naman kasalanan na hindi marunong mag drive itong beshie mo." tugon ni Lucas.
"Naks! Sabi ko na nga ba e, si Mr. Chinito ang pinunta mo dun Mica e hindi yung resort. Hahaha." biro ni Patrick.
"Hahaha! Excuse me, Kuya Pat. Itong chinito na to ang sobrang nagpapapansin saken. Pag punta pa lang namin may pa-flowers na agad. Diba sino bang..,Hay nako ayaw ko na ngang mag talk baka may lumaki ang ulo diyan." pagpatol ni Mica.
"Hahaha aba si Mr. Chinito naman pala ang nagbigay motibo e. Ang tanong yung embutido nabigay naba?" birong muli ni Patrick sabay apir kay Lucas na tawang tawa din sa banat ni Patrick.
"Hahaha secret walang clue." pagpatol naman ni Lucas sabay kindat kay Mica.
"Hoy! Magtigil ka dyan Lucas Lee a. Di mo to makukuha ng basta basta no. maghirap ka muna."
Wala akong ginawa kundi tumawa lang ng tumawa sa mga kalokohan nila. Kamiss din yung ganito. Kaya thankful ako sa pagdating nila. Nalimutan ko yung mga problema ng panandalian.