CHAPTER 40 - THE BAD NEWS FROM KUYA PATRICK
----------
PENELOPE THOMPSON POV
Habang kinakaen ko itong vanilla ice cream, bigla kong naalala ang family ko. Kamusta kaya yung mga yun? Hindi kasi ako tinetext simula pa kahapon. Pero baka busy lang sila kaya ganun.
Anyways, may naalala lang ako bigla at tinanong ko na yung beshie ko dahil curious ako kung sino ba ang nag bandage ng pilay ko. Though, I can feel naman na si Ethan ang may gawa nito.
"So beshie galing pala si Ethan dito?"
"Uhm, oo beshie. Eh gusto niyang dumalaw e. Yun nga lang tulog ka. Bakit beshie?"tanong ni Mica habang kumakaen ng tirang muffin ni Penelope.
"Okay edi sya pala ang nag lagay nito?" tanong ni Penelope habang turo ang bandage nito sa paa.
Tumango lang si Mica sa tanong ko.
"Why beshie? Galit kapa din ba sa kanya?" tanong ni Mica.
"Di naman kasi ganun kadali beshie e. Pero I know, time will come matatanggap ko din ang
lahat. (Burp!!)" tugon ni Penelope na bigla na lamang napa dighay sa busog.
TIME CHECK: 10PM
Tulog na ang beshie ko dito sa tabi ko. Iisa lang kasi ang kama dito pero keri lang. Hanggang sa maya maya ay nakarinig ako ng gitara.
Hmm? May tumutugtog? Dito banda sa gilid ko.
*Guitar plays,
" Wise men say,
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you.
Like river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you "
Wow napaka ganda naman ng boses nun. At pagkatapos nun ay narinig ko na tumugtog ulit.
*Guitar plays,
Beautiful girl, wherever you are
I knew when I saw you, you had opened the door
I knew that I'd love again after a long, long while I'd love again.
You said "hello" and I turned to go
But something in your eyes left my heart beating so
I just knew that I'd love again after a long, long while I'd love again.
It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone.
OMG! Grabe yung boses niya napaluha ako sa kanta niyang yun. Kaya kahit masakit yung paa tumayo ako sa kinahihigaan ko at sinilip sa pinto kung sino ba yung kumakanta na yun.
At paglabas ko, hmm? Walang tao? Ano ba naman yan.
Napahikab nalang ako at naisip ko na maigi pa sigurong matulog nalang.
MEANWHILE AT THE CASINO
-------------
DADDY HARVEY THOMPSON POV
Nagkita na kami ni Mr. Tan sa may lobby ng casino dala dala ang tatlong maleta na nagkakahalaga ng pera na humigit kumulang na dalawang bilyon.
"Finally! Mr. Harvey Thompson." pagbati ni Mr. Tan kay Daddy Harvey with an evil smile kasama ang mga bodyguards nito.
"I am sorry Mr. Tan for what happened yesterday. Buti na lang Mr. and Mrs. Smith is right here
to save me." mangiyak ngiyak na sinabi ni Daddy Harvey.
"Ikaw naman kase Mr.Thompson ang lakas mo mag all-in. Ayan tuloy, Half of your property has been sold. But luckily, may half kapa. Tara sa loob Mr. Thompson ? Malay mo mabawi mo pa." wika ni Mr. Tan na matalas ang pagkakangiti.
"Mom! Stop!" sigaw ni Patrick sa inang pasugod sa kanyang ama.
"Hindi! Harvey has to go!" galit na sagot ni Mommy Patricia sa pag aya ni Mr. Tan kay Daddy Harvey.
"Honey?" gulat na sinabi ni Daddy Harvey nang makita ang asawa.
"Anong ginagawa mo dito Honey? at Patrick? why you guys here? At pano niyo nalaman na nandito ako?" nagtatakang tanong ni Daddy Harvey.
"Nakuha mo pa talagang magtanong? Ikaw ang kailangang magpaliwanag sakin Harvey. Kung paano mo nagawang mabenta pati ang hospital natin? Maski ang savings natin ubos? How dare you Harvey?!"
"Oh. A family drama. I think I have to go. Bye-bye, Mr. Thompson." nakangiting sinabi ni Mr. Tan.
MOMMY PATRICIA THOMPSON POV
Nag walk out na ako dahil hindi ko na kinakaya ang mga bagay bagay. Sobrang akong nadidismaya para kay Harvey. Hindi ko alam kung paano siya napadpad sa ganitong lugar at lalo na naibenta niya na din pati ang kalahati ng Hospital? Hindi yan ang Harvey na nakilala ko. Hindi ko alam na sa ganitong point ng buhay namin ay makukuha niya pang mag sugal. Iyak ako ng iyak habang papalabas ng Casino.
"Let me explain Honey, Please!" naiyak na pag pigil ni Daddy Harvey sa asawa.
"Ano pang ieexplain mo? Narinig ko nang lahat! Mahiya ka naman sa mga anak mo Harvey! Kung kelan ka tumanda! Tumatanda kang paurong Harvey! Pano pag nalaman ni Penelope to? Pano mo mababawi yung pinaghirapan ng anak mo?!" pag hihesterical ni Mommy Patricia.
DADDY HARVEY THOMPSON POV
Sa mga pagkakataong to, nararamdaman ko na yung paghingal ko at pagsakit ng dibdib ko.
Kasabay ng sobra kong pag iyak. Tila namamanhid ang mga katawan ko.
"I'am sorry. Patrick anak I'am sorry. Honey, hindi ko sinasadya maniwala ka. Mapatawad niyo sana ako." umiiyak na sinabi ni Daddy Harvey habang hawak hawak ang dibdib.
"DADDY!! DADDY!! Mommy si Daddy!!" pagsigaw ni Patrick sa bigla nalang na natumba na si Daddy Harvey.
"Oh, my God! Harvey!" pagsigaw ni Mommy Patricia na biglang tumakbo patungo kay Daddy
Harvey.
PATRICK THOMPSON POV
Sinugod agad namin sa Hospital si Daddy Harvey. Inatake ata sa puso si Dad. I am so worried pero
buti nalang nasalo ko siya bago pa man siya mapahiga sa sahig. I was crying too hard. I was just praying
habang nasa ambulance kami. Habang hawak naman ni Mommy yung dalang papers ni Dad which is yung documents pala ng hospital namin.
Wala na isip ko yung mga nagawa ni Dad basta ang hiling ko lang ay yung gumaling siya.
30mins lang at nakarating na kami sa Hospital namin. Dinala agad siya sa ICU habang kami ni Mommy naghihintay dito sa labas.
Calling Penelope...
Ring! Ring! Ring!
Ring! Ring! Ring!
"Hello Kuya? Napatawag ka? 2am palang a. Bakit kuya?"
"B-baby girl..." umiiyak na sabi ni Patrick.
"Kuya ano yun? Umiiyak kaba?" nag aalalang tanong ni Penelope.
"Babygirl si Daddy.." humahagulgol na sinabi ni Patrick.
"Si Daddy? Oh bakit ano nangyari?" umiiyak na tanong ni Penelope.
"Si Daddy, inatake sa puso. Nandito kami sa hospital ngayon." umiiyak na sinabi ni Patrick sa kapatid.
"Ano??" ang tanging nasambit ni Penelope na nagsimula nang humagulgol sa pag iyak.