Chereads / Moonville Sidequel: The Best I Ever Had / Chapter 18 - Taking Matters in His Own Hands

Chapter 18 - Taking Matters in His Own Hands

Nanlulumong napaupo si Ryan sa sofa. Kagagaling lamang niya kina Jenneth, and the result their meeting is the opposite of how he envisioned would happen. Well, siguro nga nagkamali siyang umasa na papayag si Jenneth sa gusto niyang gawin, or at least, papayag itong tulungan sila ni Darlene sa kailangan nilang gawin.

His dog, Ace, a two-year-old German Sheperd, went and sat beside him. Ryan smiled as he patted the big dog's head. Parang dinadamayan siya nito sa disappointment na nararamdaman. It somehow made him feel better, but not totally okay as he remembered kung anu-ano ang mga ginawa niya para lang sa meeting na ito with his ex-girlfriend.

He made sure to look good today. Hindi nga ba't ilang oras din niyang pinag-isipan kung ano ang isusuot? Ewan niya, but he thought he should look good in front of Jenneth. Siguro kasi ever since he saw her again, never did he saw her looking not beautiful. Parang laging professionally made up ang look nito every time they meet.

When he saw her this morning looking fresh and sexy with that ensemble she's wearing, his mind went blank. Kaya naman ganoon na lamang ka-uncertain iyong pagbati niya dito. Wala siyang maisip sabihin. He was just focused on her face and her collarbone and the breathtaking sensation they brought him.

He needed to go away immediately because if he stayed longer, he might find himself holding her close to her, embracing her and telling her sweet nothings like he used to do.

But he shouldn't.

Kaya naman kahit dalawang oras pa bago ang meeting niya ay nagpaalam na siya dito. He just went to the office, much to his employee's surprise. Ang alam kasi ng mga ito, sa Monday na siya ulit papasok. Friday ngayon, at dahil ipit ang araw after ng holiday kahapon ay extended dapat ang vacation niya.

Pero wala naman siyang mapuntahang iba. He's scared that if he will be alone, he would just think about Jenneth, their past, and what happened between them. Their happiest memories. Their sweetest moments. Those days when he broke her heart.

Kaya mas pinili niyang pumunta sa office kasama ang mga empleyado niya. Hindi naman siya nagtrabaho talaga. Nakipagkwentuhan lang, kinumusta ang naging selebrasyon ng mga pamilya nito kahapong araw ng Pasko. Hanggang sa dumating na ang oras ng kanyang meeting.

He was very eager to go back to Jenneth after the meeting. Buti na lang at walang gaanong sasakyan sa daan dahil na rin sa holiday season pa. Mabilis din naman siyang nakabalik sa bahay nito, but whatever excitement he's feeling, which he tried to hide so much, was washed away by what she told him.

She won't help him.

He was really very disappointed. Not only because that meant na mas mahihirapan sila ni Darlene in fulfilling Kristine's wish on their own, but also because that meant he will not have any reason to meet Jenneth again. However he deny it, and resent the idea, there's still a part of him that gets excited whenever he is about to meet Jenneth again.

Maybe, it's for the good na hindi pumayag si Jenneth sa request niya.

Ang problema, ano na ang gagawin niya ngayon? Paano na niya matutulungan si Darlene sa mission nito with his father and Sam? Kailangan niyang umisip ng paraan hindi lang para matulungan ang kanyang inaanak, kundi para na rin matulungan ang kanyang best friend na lumigaya ulit.

Kasalukuyan siyang nag-iisip ng gagawin nang maka-receive siya ng test message mula sa kanyang panganay na kapatid sa ama.

𝘙𝘺, 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘨-𝘭𝘶𝘯𝘤𝘩 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴. 😊

Sa lahat ng mga kapatid niya sa ama, ang Ate Raquel lang niya ang mabait sa kanya. Actually, out of all his relatives sa father side, and Ate Raquel lang niya ang tumatrato sa kanyang parte ng pamilya. Siya ang ang bukod-tangi sa kanila na nakakaintinding hindi siya ang may kasalanan kaya siya naipanganak sa mundong ito.

She's the only one who makes him feel that he still has a family. And her husband and only daughter. Mabait silang tatlo sa kanya. Kaya naman kapag ganitong humiling ito sa kanya ay hindi niya mahindian.

Kinabukasan ay sa bahay ng mga ito sa Moonville siya nag-lunch. Ang pamangking si Carol ang sumalubong sa kanya pagdating niya sa bahay ng mga Cordova.

"Merry Christmas!" bati niya dito sabay yakap sa pamangkin.

"Merry Christmas, Uncle," ganting bati ni Carol.

"I have your gift here." Ibinigay niya dito ang isang Chanel paper bag. "I hope you like it. And these are for your parents."

"Is that you, Ry?"

It was Raquel. Kasunod nito ang asawang si Jerry. Binati ni Ryan ang mag-asawa, at saka inabot ang mga regalo para sa mga ito.

"Yours is at the Christmas tree," ani Raquel. "Hon, can you give Ryan his gift, while I go back to the kitchen to finish the cooking?"

Ibinigay ni Raquel sa asawa ang regalong binigay ni Ryan at saka bumalik na sa kusina para magluto.

"Hindi pa siya tapos?" tanong naman ni Ryan habang papunta sa may Christmas tree kasama ng mag-amang Jerry at Carol.

"Late na rin kasi kaming nagising because of the party last night," ang sabi ni Jerry. "Christmas party ng village," he added when Ryan gave him a questioning look.

Isinama na lang muna ng mag-ama ang regalong ibinigay ni Ryan sa regalo nito sa may Christmas tree, at saka na sila pumunta sa dining room. Racquel instructed them to start the grilling of meat, seafoods and some vegetables. Sa garden tumuloy ang tatlo.

"So, how's the party last night?" tanong ni Ryan sa pamangkin. Tinutulungan niyang mag-ihaw na ang kanyang bayaw, habang ang pamangkin ay nakaupo lang at nakamasid sa kanila.

"It was okay," sagot ni Carol sabay kibit-balikat.

"Okay?" Ryan frowned. "You used to like those parties a lot, lalo na kasama mo iyong mga friends mo."

He remembered listening to his niece's stories about how fun the Christmas parties of Moonville were. Parang iba ngayon ang ihip ng hangin.

"We didn't get the chance to enjoy it that much," sagot ni Carol. "Medyo hindi kasi okay yung barkada lately."

"Bakit naman?" Na-curious tuloy si Ryan. Alam niya kasi kung gaano kalapit si Carol at ang mga kaibigan nito sa isa't isa.

"Joshua has a girlfriend, and the barkada does not quite like her. Garee is kind of mad kasi nagsinungaling sa kanya si Joshua."

Ryan is kind of familiar with Carol's friends, or at least their names. But he kind of knows those two that she mentioned because one, Joshua is Jason Ignacio's son, the owner of BluPrint Construction na lagi nilang nakaka-joint venture sa mga projects nila. And Garee is the daughter of Miguel Gonzalez of The Coffee Club, na client din nila.

"Is the girlfriend that bad? Why don't you like her?" tanong niya sa pamangkin.

"She is kind of maarte and arrogant. Porke sila yung owner ng Call-A-Taxi tsaka The Garage and the Mechanic. Akala mo kung sinong mayaman sa CPRU."

"Wait! You mean, she's an Aguilar?"

"Gina Aguilar, that's her name."

Tumango si Ryan. "Do you know that Gina is your Tito Kenneth's cousin?"

Nagulat si Carol sa sinabi niya. "Really? How come mabait naman si Tito Kenneth?"

"I guess hindi naman lahat ng magkakapamilya, magkakaugali," Ryan answered. "The Aguilars are nice. I know Thomas and Francis, Gina's brothers. Okay naman sila. Medyo spoiled brat lang talaga iyong bunso nila kaya ganoon."

Noon sila pinuntahan ni Raquel na tapos nang magluto. Mamaya na lang daw sila maghahain kapag tapos na rin silang mag-ihaw.

"Sana naman, sumama ka na sa reunion natin next year," ang sabi ni Raquel kay Ryan.

"Ate, I'm pretty sure they want it better if I don't come," ang sabi naman ni Ryan sa kapatid. "Mom would never enjoy the reunion if I am there."

"Hindi naman," ang sabi ni Racquel. "Actually, gusto ka nga nilang makausap."

"What for?" Ryan asked. "As far as I know, ginusto na nilang maputol ang ugnayan namin nung ibinigay nila sa akin ang parte ko daw sa mana."

He remembered that time. It was after he passed the board exam. His father told him that since tapos na ang lahat ng kailangan niya sa pag-aaral, wala na daw silang responsibilidad sa kanya. Ibibigay na rin daw nila ang parte niya sa mana para magawa niya kung ano man ang gusto niyang gawin sa buhay.

"I think Dad and Mom did not mean that," ang sabi naman ni Racquel na pinipilit pa ring maayos ang relasyon ni Ryan sa mga magulang. "Also, they are thinking that Robert might reconsider and talk to them again kapag nagka-ayos kayong tatlo."

"It was their fault that Robert acted the way he did," ang sabi naman ni Ryan. "Hayaan na lang nila iyong bunso nila. Malaki na iyon. Hindi na mapapariwara pa ang buhay niya."

Bunso si Robert sa kanilang magkakapatid. Noong nalaman nito ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Ryan, nagalit ito sa kanilang ama. Pati sa ina nila, dahil hindi naman daw deserve ni Ryan ang ganoong treatment at wala naman itong kasalanan.

Hindi nga lang siya makapaglayas dahil kailangan pa niyang makatapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho. But when he finished school, bumukod na si Robert. Hindi rin siya nagtrabaho sa kahit saang company na connected sa mga Arcilla.

"Ryan..." Racquel's eyes are begging her, even her tone and facial expression.

Hindi naman niya matiis ang kapatid. Pero hindi rin ganoon kadali sa kanyang makipag-ayos sa kanyang ama at sa asawa nito.

"I'll talk to Robert."

Kahit naman lumayas na si Robert sa bahay ng mga magulang, hindi rin naman ito nakikipag-usap sa kanya. Probably guilty pa rin ito sa mga nangyari, pati na rin sa treatment nito sa kanya noong hindi pa nito alam ang totoo. To his brother, he is the pain in the neck of their entire clan. Which, in essence, is quite true.

Hapon na nang magpasyang umuwi si Ryan. Nang mapadaan siya sa mansion ng mga de Vera, napatigil siya bigla. Hindi nag-work ang plano niyang isama si Jenneth sa plano, pero hindi naman ibig sabihin noon na wala na siyang magagawa, di ba? Pwede pa rin niyang ituloy ang pagtulong kay Darlene even without Jenneth's help.

Bumaba siya ng kotse at saka nag-doorbell sa gate ng mga de Vera. Kaagad naman siyang pinagbuksan ng isang katulong.

"Friend po ako ni Sam. Andiyan ba siya?"

"Wala po, Sir," sagot ng katulong. "Nasa Nueva Ecija po sila. Reunion po ng mga de Vera."

"Ah..." Tumango-tango siya. "Kailan po ang balik?"

"Bukas pa po ng hapon."

"Uhm... pwede ko na lang po makuha ang number niya?"

"Naku Sir, hindi po kami basta-basta pwede magbigay ng number nila."

"Friend naman iya ako talaga," pilit ni Ryan.

Ayaw pa rin pumayag ng katulong. Naiinis man ay nagpumilit pa rin si Ryan. Hindi ba siya mukhang kapani-paniwala at ayaw siyang pagbigyan nito?

Ilang sandali pa silang nagdiskusyon ng katulong, nang isa pang katulong ang lumabas upang alamin kung ano ang problema.

"Ay, oo! Kaibigan siya ni Ma'am Sam. Andoon nga siya noong birthday niya."

Nakahinga ng maluwag si Ryan dahil nakilala siya noong pangalawang katulong. Kaya lang, hindi pa rin siya nito mapagbigyan sa gusto niya.

"Wala po kasi kaming number ni Ma'am Sam. Kung gusto ninyo, iyong kay Sir Raul na lang po."

Sabagay nga naman. Kadarating lang ni Samantha sa Pilipinas. Sa US na ito naglalagi kaya malamang na wala nga itong linya ng telepono sa Pilipinas.

Bigla siyang may naisip. "Iyong number n'yo na lang dito sa bahay, okay lang?"

"Ay, sige po!"

Ilang sandali pa ay pauwi na siya sa kanyang apartment, with the de Vera residence phone number already stored on his cellphone.