Jenneth donned her retro style one-piece swimsuit. Black ito na may print ng white orchids. Halter ang straps at sweetheart ang bodice. Sexy but modest. Halos ganito ang mga dala niyang swimsuit. Hindi rin naman kasi siya komportable na magsuot ng two-piece o yung mga super sexy na one-piece. Lalo na at nandoon si Ryan.
Oo, si Ryan na naman ang consideration. Ayaw naman kasi niyang magmukhang nagpapaganda talaga siya para dito. Hindi lang sa ayaw niyang isipin iyon ni Ryan mismo, kundi pati na rin sina Samantha at Kenneth.
Napangiti si Samantha nang makita ang suot niya. Napaiwas na lamang ng tingin si Jenneth.
"Ready ka nang mabasa, ah!" ani Samantha.
"Hindi ba maliligo naman talaga tayo?" ang sabi naman ni Jenneth.
"Oo naman."
Ready na rin namang maligo si Samantha. She's wearing a short sleeved black rash guard and black cycling shorts. Sexy pa rin naman, pero not as swimsuit-ish like Jenneth. Bigla tuloy siyang nagsisi kung bakit puro swimsuit ang dala niyang panligo.
"Halika na!" yaya ni Samantha sa kanya.
Kinuha na ni Jenneth ang kanyang black cover up dress at isinuot iyon. Tsaka na sila lumabas ng pool area. Kasagsagan ng tanghalian pero malamig pa rin dahil na nga sa January na. Ganoon pa man ay pwede pa rin namang maligo at hindi naman ganoon kalamig ang ihip ng hangin.
Naupo silang dalawa sa mga lounge chairs sa may malapit sa pool.
"Last time kong nagpunta dito, siguro nung third year o fourth year high school? Iyong summer vacation before fourth year yata," ani Samantha. "It's just as I remembered."
"So every summer nagpupunta dito sina Doc?"
"Dati… ewan ko na nga lang ngayon. Kasi before, dito nagsa-summer sina Ninong dahil nga birthday niya is April. So dati, from Holy Week andito na sila hanggang birthday niya. Tapos ini-invite nila kami. Kung wala kaming naka-schedule na family outing, dito kami nagpupunta," sagot ni Samantha.
"Wala naman kayong nakakasabay na nagha-honeymoon?"
Natawa si Samantha sa sinabi ni Jenneth.
"Imagine us coming here, tapos merong couple na kakakasal pa lang, thinking this place is theirs for the time being, their honeymoon nest… love nest… ano bang tawag doon?" dagdag pa ni Jenneth.
Tuluyan nang natawa si Samantha sa sinabi ni Jenneth. Maging ito ay tawa na rin ng tawa.
"Patay ang honeymoon," Samantha said.
"Oo nga. Definitely, may second honeymoon iyong mga iyon. Pero dito rin daw para tipid. Repeat performance lang pero this time, they'll make sure na wala nang asungot."
Muli ay natawa si Samantha.
"Magpa-book na kaya ako kay Doc Dev para sa honeymoon ko, ano?" ang sabi pa ni Jenneth. "Just to make sure na walang asungot sa honeymoon namin ng asawa ko."
"Honeymoon?"
Napatingin si Jenneth sa nagsalita. It was Kenneth, but he is not alone. Kasama nito si Darlene and, well, Ryan. Nawala tuloy ang ngiti ni Jenneth.
Nakalapit na ang tatlo sa kanila. Naupo si Kenneth sa isang lounge chair katabi ng kay Samantha. Si Ryan naman ay sa tabi ni Kenneth pumuwesto. Tumabi naman si Darlene kay Samantha.
"Magha-honeymoon ka, Jhing?" tanong ulit ni Kenneth.
Si Samantha naman ang nagpaliwanag. "Si Ninong kasi, kapag nagnininong sa kasal, ang regalo lagi eh free accommodation dito sa rest house niya. Para sa honeymoon nung couple."
"Ah, so si Jhing, dito rin magha-honeymoon?" ani Kenneth. "Ang swerte naman ni Ryan. Makakalibre siya."
Napasimangot naman si Ryan sa sinabi ni Kenneth. Sina Kenneth at Samantha naman ay natawa. Iniba na lamang ni Jenneth ang usapan.
"Lene, gusto mo na bang maligo?" tanong ni Jenneth sa batang naka-pink na rash guard.
"Oo naman po!" Tsaka ito humarap sa daddy niya. "Dad, ligo na tayo."
"Ako na ang sasama sa iyo," ani Jenneth.
"Yey! Dad?" Muling tumingin si Darlene kay Kenneth.
"O sige, pero sa mababaw lang kayo, ha?" ani Kenneth sa anak.
"Opo."
Kaagad na lumusong si Darlene sa tubig. Tumayo na rin si Jenneth at akmang susundan na ito.
"Huy! Tanggalin mo na iyang cover up mo," ani Samantha kay Jenneth.
Napatingin si Jenneth dito. Bigla niyang nahagip ng tingin si Ryan, na napaiwas ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata.
"Sige na. Para mamayang nilamig ka pwede mong isuot ulit," ang sabi pa ni Samantha.
Jenneth knows that concern is not the only reason why Samantha said that. Bigla tuloy siyang nagsisi ulit na swimsuit ang dala niya instead of rash guard. Oh well, ano pa nga ba ang magagawa niya? She took off the cover up dress and put it in the lounge chair. Pagkatapos ay sinundan na niya si Darlene.
Four feet ang lalim ng pool na halos ka-height pa lang ni Darlene. Kaya naman hindi pa ito pwedeng lumusong sa pinakailalim. Kinuha na lamang ni Jenneth ang itim na salbabida at isinakay doon si Darlene.
"Marunong po kayong lumangoy, Tita Jhing?" tanong ni Darlene.
"Medyo."
"Si Daddy po magaling lumangoy. Si Ninong Ryan din po."
Jenneth smiled. "Oo nga."
"Kapag po pumupunta kami sa beach dinadala po nila ako sa malalim. Tapos si Mommy nagagalit siya. Pinupuntahan po niya kami tapos pinapagalitan po niya sina Daddy at Ninong."
Nakangiti si Darlene habang nagkukwento, at parang napakagandang ala-ala ng ikinuwento nito sa kanya. Pero hindi pa rin maiwasan ni Jenneth na makaramdam ng lungkot.
"Siguro po kung nandito siya masaya din siya kasi gusto din po niya sa mga dagat na ganito."
Jenneth touched Darlene's head and smiled.
"I'm sure masaya siya na makita kang masaya ngayon," ang sabi na lamang niya.
"Salamat po, Tita."
"Lene, paano kung magkaroon ka ng bagong mommy?" she then asked.
"Okay lang naman po iyon. Basta sana po, mabait siya tsaka love niya kaming dalawa ni Daddy. Para po happy na rin si Daddy."
Na-touch naman si Jenneth sa sinabi nito. Nakonsensiya tuloy siya sa pagtanggi kay Ryan. Pero paano naman kasi? May boyfriend na si Samantha.
"Wala pa bang dine-date si Daddy mo?"
Umiling si Darlene. "Wala man po, eh. Lagi lang po siyang nasa work. Ngayon nga lang po kami lumabas ulit after mamatay ni Mommy."
Lalo siyang naawa kay Darlene.
"Gusto mo, minsan mamasyal tayo?" ang sabi niya dito para naman maibsan ang lungkot na nararamdaman ng bata. Pati na rin ang lungkot na nararamdaman niya para dito.
"Opo!" Bumalik na ang sigla at excitement kay Darlene.
Na ikinatuwa naman ni Jenneth.
"Kayo po, Tita. Yung mommy at daddy n'yo po?"
"Yung daddy ko, may ibang family. Nagkakilala sila ng mommy ko sa ospital na pinagtatrabahuhan nila noon. Pareho silang nurse. Namatay siya two years ago. Si Mama naman, kamamatay din lang last month."
"Wala po kayong kapatid?"
Umiling si Jenneth. "But I have a cousin. Siya iyong parang kapatid ko kasi only child din. Sa amin na siya tumira kasi maaga siyang naulila. Si Mama na ang nagpalaki at nagpaaral sa kanya. Alam mo, model iyon. As in, supermodel sa ibang bansa."
"Talaga po?" Darlene was really amazed.
"Oo. Hayaan mo, kapag nauwi iyon dito ipapakilala din kita. Mahilig din iyon sa bata, eh. Tsaka, maganda iyon. Sobra. Sexy pa."
Noon naman dumalo sa kanila si Ryan. Kung kanina ay may suot itong t-shirt ay wala na ito ngayon. Kaya naman napagmasdan ni Jenneth ang katawan nito na hindi naman perfectly buff, pero hindi naman ganoon kasama. Tamang-tama lang sa isang corporate guy na katulad nito.
"Pwede bang maki-join?" tanong ni Ryan sa kanilang dalawa.
"Oo naman po," ani Darlene.
Kay Jenneth naman tumingin si Ryan, wari'y humihingi ng permiso. Tumango na lamang si Jenneth.
"Ninong, sabi po ni Tita Jhing ipapakilala daw po niya ako sa pinsan niya na supermodel," kwento naman ni Darlene.
"Oh?" Muling napatingin si Ryan kay Jenneth.
"Si Sharon," ang sabi ni Jenneth.
"Talaga? Naging model si Sharon?"
Tumango si Jenneth. "Hindi mo ba alam?"
"Paano ko naman malalaman, eh hindi naman tayo nagkakausap, di ba?"
Hindi nakasagot si Jenneth. The way he said it kasi, parang inaakusa siya nito or something. At na-realize din naman ito ni Ryan.
"Sorry! I mean–"
"Okay lang," ani Jenneth sa kanya. "Totoo naman. Ang ibig ko lang kasing sabihin, eh… baka lang kilala mo si Sharon. Baka kako nakita mo na siya sa mga magazine."
"Ano bang minomodelo niya?"
"Underwear."
Nagkatinginan sina Jenneth at Ryan. Bigla namang naisip ni Jenneth ang kahulugan ng sinabi niya.
"Really?" tanong ni Ryan na parang na-offend na ewan. "Hindi lang naman underwear adds ang tinitignan ko sa magazines o billboard."
"I mean… iyon kasi iyong pinakamatagal niyang minodelo…" Bigla tuloy na-guilty si Jenneth. Sa dinami-dami kasi ng masasabi eh iyon pa ang nabanggit niya. "Pero marami din naman siyang minomodelo na damit, mga kotse… ganun. Lately lahat ng adds meron siya."
Nakatitig lang si Ryan sa kanya. Napaiwas na lamang ng tingin si Jenneth.
"Ano bang pangalan ng pinsan mo?" tanong ni Ryan.
"Sharon Cruz…"
Biglang natahimik si Ryan. Napatingin si Jenneth dito.
"Pinsan mo si Sharon Cruz…?"
Tumango si Jenneth.
"Yung model ng Triumph?"
So, alam pala ni Ryan na model ng Triumph si Sharon? Napataas na lamang ang kilay ni Jenneth na parang nagsasabing kunwari ay na-offend pa ito kanina pero alam naman nito na model ng Triumph si Sharon.
Para namang biglang natauhan si Ryan. Kaagad siyang bumawi sa naging reaction niya.
"Ano… kasi… di ba naging model din siya ng Q5? Iyon kasi iyong kotse ko nga, di ba? Nakita ko sa isang magazine tapos… siya yung model…"
Hindi naman nagsalita si Jenneth. Nanatili lang na nakataas ang kilay nito habang nakatingin kay Ryan.
"Ano po iyong Triumph?" tanong naman ni Darlene.
Napatingin ang dalawa sa bata. Si Ryan ay parang natatarantang gustong-gusto na magpaliwanag dito pero hindi niya alam kung paano. Napatingin ito kay Jenneth na nagkibit-balikat lamang. Bahala itong magpaliwanag sa inaanak.
Pero hindi na nakapagpaliwanag pa si Ryan. Bigla kasing bumulwak ang tubig sa pool papunta sa kanilang tatlo. Sina Kenneth at Samantha pala, nag-dive na sa pool.
"Ano ba?" reklamo ni Ryan. "Ang haharot, eh."
Natawa na lamang si Kenneth sa sinabi ni Ryan. Si Samantha naman ay napaubo dahil yata sa nainom na tubig.
"Are you okay?" tanong ni Kenneth kay Samantha.
Samantha splashed water towards Kenneth. "You even asked."
"Sorry na..." Kenneth said.
Muli namang nagsaboy ng tubig si Samantha kay Kenneth.
"Parang mga bata," Ryan quipped.
Si Ryan naman ang sinabuyan ng tubig ni Kenneth.
"Ano ba?" Ryan shouted.
Natawa si Jenneth sa reaksiyon ni Ryan. Lalo na nung nagpatuloy pa si Kenneth sa pagsaboy ng tubig dito. Maging sina Samantha at Darlene ay nakisaboy na rin ng tubig.
"Jhing, ikaw din!" yaya ni Samantha sa kanya.
Jenneth smiled. Ginaya na rin niya ang tatlo sa pagsaboy ng tubig kay Ryan.
"Ah ganoon, ha? Pinagkakaisahan ninyo ako?" Ryan asked.
Lumayo ng kaunti si Ryan sa grupo at sinabuyan silang lahat. Hanggang ang Ryan against everyone ay naging free for all. Wala nang specific na tao silang sinasabuyan. Kahit sino na lang, basta maabutan ng tubig na tinutulak nila.
Nanatili sila sa ganoon hanggang sa mapagod sila hindi lang sa paglalaro kundi sa pagtawa. Jenneth enjoyed every minute of it. Nagmukha man silang bata ay panandalian naman silang lumigaya sa piling ng isa't isa.