Hindi pa pala tuluyang natapos ang issue sa prom nila. Naisipan kasi nina Ryan at Kristine na sumali sa kutilyon dance. At dahil doon, niyaya din nila sina Kenneth at Sam na sumama. Dahil sa mas matangkad si Kenneth kay Ryan, ito na daw ang makaka-partner ni Kristine. Si Ryan naman kay Sam. Isa pa ay parehong hindi mahilig sumayaw sina Kenneth at Sam, kaya dapat lang na ipareha sila sa mga magagaling talaga para madala sila kahit papaano at gumanda na rin ang pagsayaw nila.
Doon na umalma si Sam. Alam niyang gusto lang naman ng mga kaibigan niya na ma-enjoy nila ang kanilang prom. Pero ayaw talaga niyang sumayaw, at sa pagkakataong iyon ay ayaw niyang magparaya sa mga kaibigan niya. Sa totoo lang, dinamdam din naman niya iyong unti-unti niyang pagbitaw kay Kenneth dahil hindi siya sanay sa ganoon. Ginawa niya iyon para sa mga kaibigan niya, pero parang this time ay ayaw naman niyang magbigay at gusto niyang maging selfish kahit minsan lang.
"Hindi nga ako sumasayaw. It's enough for me na pumunta sa prom. Pero sa sayaw, hindi na ako sasali."
"Kung hindi ka sasali, sino na ang partner ko? Si Kenneth at Tin, magkapartner. Eh ako, sino ang partner ko?" tanong naman ni Ryan.
Paano nga ba niya mareresolba ang problemang iyon? Napatingin siya sa paligid na parang doon niya makikita ang solusyon sa problema niya. That time ay nasa COCC training sila bilang mga officers, at ang mga third year naman ang tine-train nila.
Maybe she did the right decision to look around. Nakakita kasi siya ng maaaring makapareha ni Ryan.
"Taruc!"
Lumapit naman si Jenneth Taruc sa kanilang apat.
"Samahan mo si Ryan. Ikaw na lang ang kapartner niya para sa prom."
Hindi na nakapagtatakang tumanggi si Ryan, kaya para umiwas ay nag-walk out na lamang si Sam. "Basta! Hindi ako sasayaw. If you wanna join the kutilyon, then there's Jenneth," ang sabi niya saka na siya umalis.
Noong una ay ayaw pang pumayag ni Ryan. Ang sabi niya ay hindi na rin lang siya sasali sa kutilyon. Pero hindi daw kasi sasali ng sayaw si Kenneth kung hindi siya sasali. At dahil nga humingi ng tulong si Kristine para maka-partner niya sa sayaw si Kenneth, walang nagawa si Ryan kundi ang makipag-partner na lamang sa trainee nilang si Jenneth Taruc.
Pagkatapos ng klase ang practice ng sayaw para sa kutilyon. Dahil doon ay hindi na nakakasama pa ni Sam ang mga kaibigan kahit pa nga sa training ng COCC. Iyong mga officers na hindi kasama sa kutilyon na muna ang nagte-train sa mga COCC cadets every after class.
Pero dahil sa hindi naman tuwirang nagte-train ng mga cadets si Sam ay hindi siya required maging present sa training. Tuloy ay nakakapuslit siya sa practice ng kutilyon. Minsan ay naengganyo siyang manood kasama na rin sina Mia at Shane na naging officers ding katulad niya.
"Hindi ka talaga sumali, ano, Sam?" tanong sa kanya ni Shane. "Ikaw lang ang hindi sumali sa inyo."
"Okay lang iyon. Hindi naman talaga ako marunong sumayaw."
"Mapag-aaralan naman iyan. Ikaw pa! Wala ka yatang hindi kayang matutunan."
Nginitian na lamang ni Sam si Shane.
"Si Jenneth nga. Dati ang awkward niya sumayaw. Ngayon okay na siya," ang sabi pa ni Shane.
"Parang tinututukan mo talaga si Jenneth, ah!" tudyo ni Mia kay Shane.
"Huwag kang ganyan. Pareho lang tayo. Ikaw, si Kenneth naman," ang sabi naman ni Shane.
"Uy, Sam! Matanong ko nga pala," ang sabi ni Mia. "May something ba kina Kenneth at Kristine?"
"Ha?" Hindi iyon inaasahan ni Sam.
"Para kasing super close sina Kenneth at Kristine ngayon. Tsaka may something sa kanila kapag magkasama sila, eh. May chemistry."
Napatingin si Sam kina Kenneth at Kristine, and for the first time ay nakita niya ang kakaibang chemistry ng dalawa. Pero hindi lang iyon. Looking at Kristine, bigla niyang naalala iyong mga pagkakataon na super sweet ito kay Kenneth. Lagi itong may pa-ensaymada sa kanya, o kung anumang pagkain. Pati nga lunch minsan binibigyan niya ito ng pagkain. Sobrang bait din nito kay Kenneth, kumpara kay Ryan at sa ibang lalaki. At napapansin niya, si Kenneth lagi ang gusto niyang makasama kapag may group project sila.
Everytime na may group work sila at dalawang members lang ang kailangan per group, silang dalawa lagi ni Kenneth ang magkagrupo. Siya naman ay si Ryan. Si Kristine mismo ang nagsabi na para naman daw ma-distribute silang dalawang matalino. Pero lagi nang si Kenneth ang gusto nitong kagrupo. Never pa silang nagkasama at laging si Ryan ang ka-partner niya.
Unti-unting nagkalinaw ang lahat kay Sam. Crush ni Kristine si Kenneth! Kaya siguro pinilit din nitong pumunta ito ng prom at sumali sa kutilyon. And it seemed like she manipulated her, she manipulated them! To think na nakonsensiya pa siya nang i-confront siya nito.
She suddenly felt betrayed. Pero, hindi nga ba at kasalanan din niya? She was asked by Ryan to join the cotillion dance. Pero kahit na, hindi naman si Kenneth ang makaka-partner niya kahit sumali pa siya. At ang masakit, pati si Ryan ay nag-agree sa ganoong arrangement. Ibig sabihin ba nito, kakuntsaba ni Ryan si Kristine?
Sobrang sama ng loob ni Sam sa mga kaibigan niya na unti-unti na siyang umiwas talaga. Napansin naman iyon ni Kenneth, pero hindi naman magawang sabihin ni Sam ang lahat dito. Ewan pero simula noong mag-decide si Sam na i-share naman si Kenneth sa ibang friends niya ay hindi na siya ganoon ka-comfortable mag-confide dito. May iba na nga kasi. Bukod pa doon ay nagsisisi siya dahil kasalanan din naman niya iyon. Siya ang nag-decide na dumistansiya ng kaunti sa best friend niya.
Kaya naman kapag nagtatanong ito ay sinasabi na lamang niya na masyado siyang maraming ginagawa ngayon. Bukod kasi sa pagiging CAT Ex-O ay student leader din siya. Bukod pa iyon sa iba pang mga organizations na kasali siya. Kaya naman naniwala na rin si Kenneth sa paliwanag niya.
Isa pa, medyo preoccupied na rin si Kenneth kay Kristine, na lalong kinasasama ng loob ni Sam.
Nang si Ryan na ang nag-confront sa kanya ay hindi napigilan ni Sam na isiwalat na ang sama ng loob dito.
"You're asking me if there's something wrong?" ganting tanong niya nung magtanong ito kung may problema ba siya. "Ano sa tingin mo, Ryan? Ano sa tingin mo?"
Obvious na guilty ito dahil hindi ito nakapagsalita. "Sam..."
"Ry, bakit? Bakit parang pinagkaisahan ninyo ako ni Tin?"
"Hindi naman sa ganoon–"
"Pinilit ninyong makapunta si Kenneth sa prom at maka-partner siya ni Tin. Hindi ba, ganoon?"
Hindi nakasagot si Ryan.
"Bakit, Ry? Kapag ba sinabi ko na sasayaw ako kung si Kenneth ang partner ko, papayag ba kayo? O ipipilit nyo pa rin na si Tin ang makapartner ni Kenneth?"
"I'm sorry, Sam–"
"Sorry...? So totoo nga? Magkakuntsaka nga kayo ni Tin?"
"It's not like that..."
Tinignan siya ni Ryan. Wari'y hinihintay nito na muli niya itong barahin. Pero tumahimik lang si Sam. Hinayaan niya itong magsalita.
"Obviously, Tin likes Kenneth. She fell in love with him. Hindi naman siguro mali iyon, 'di ba?"
Wala namang makitang mali si Sam doon. Normal lang naman ang magkagusto sa kaibigan.
"I admit tinulungan ko siya na maka-partner sa sayaw si Kenneth. Pero if only you insisted na ikaw ang maka-partner ni Kenneth, ikaw ang ipipilit kong maka-partner niya. Promise, Sam. Sa iyo ako kampi."
"It's not like that, Ry. It's not you choosing me. It's you conniving with Tin and leaving me behind. I feel so betrayed for not knowing anything."
"Is that true? Is that really it?"
Napatingin lamang si Sam kay Ryan.
"Iyon lang ba ang kinasasama ng loob mo? Iyong hindi ka namin nasabihan sa plano?"
Hindi makasagot si Sam. She wants to say that it's just that, but deep in her heart, she knows it's not the only reason.
"Sam, I think... I think you don't know it yet, but Kenneth is someone special to you... I think he's more than a friend to you."
For the first time ay hinayaan ni Sam na makapasok ang ideya na iyon sa utak niya. Well, dati na ay naisip niya iyon way back after the initiation rite of their COCC training. But she dismissed the thought because Kenneth is a friend. He's her best friend.
But now it seems that is not the real description of what he is in her life.
"Don't feed me ideas, Ryan," ang sabi niya, kahit pa nga alam niya na ang tunay na nararamdaman. "At kung tutulungan mo si Tin kay Kenneth, bahala ka. Nakakasakit lang kasi talaga ng loob kasi... ganito pala ang pakiramdam na maiwanan sa ere."
She walked away.