Chapter 25 - Chapter 25

Dahil sa mga nangyari ay hindi na ginusto pang mag-attend ni Sam ng prom. Alam niyang nag-effort ng husto ang mommy niya para sa gown at sapatos niya, pero hindi niya magawang magpunta dahil alam niyang masasaktan lang siya sa masasaksihan. Ayaw muna niyang kausapin sina Tin at Ryan, at maging si Kenneth na sa tingin niya ay walang alam sa plano ng dalawa ay ayaw din niyang makita.

Ipinaliwanag na lamang niya sa parents niya na masama ang pakiramdam niya. Nag-alala ang mga ito pero ang sabi niya ay makukuha din iyon sa pahinga. Hindi lang talaga siya pwedeng pumunta sa prom at baka lumala ang sakit ng ulo niya. Kalaunan ay hinayaan na rin siya ng mga magulang niya.

Six-thirty dumating si Ryan sa bahay ng mga de Vera, pero kaagad siyang sinabihan ni Elena de Vera na hindi nga daw makakapunta si Sam. Masama daw ang pakiramdam nito, pero alam ni Ryan na hindi ito nagsasabi ng totoo. Kaya naman pinauna na niya kina Kenneth ang driver nila, at pagkatapos ay si Kristine naman ang pinasundo niya. Siya naman ay nanatili muna sa bahay ng mga de Vera.

Nagtaka si Elena kung bakit ganoon ang ginawa ni Ryan, pero ang sabi nito ay hindi siya aalis doon kung hindi siya kakausapin ni Sam. Nagtataka man ang mag-asawang de Vera ay pinababa pa rin nila si Sam upang kausapin ang kaibigan nito.

"I'm not coming," ang sabi lamang ni Sam bago umupo sa kanilang sofa.

"Then I'm not coming as well." Naupo rin si Ryan.

Napatingin na lamang si Sam sa lalaki. Inalis pa ni Ryan ang kanyang Americana at niluwagan ng konti ang necktie.

"Just to be more comfortable," ang sabi niya kay Sam.

"Ryan, umalis ka na lang, okay? Hindi ako sasama kahit na anong gawin mo."

"Hindi na nga ako pupunta ng prom."

"You're all dressed up already."

"Eh ano naman ngayon?"

Napabuga ng hangin si Sam. "Look… For sure, naghihintay na sa iyo iyong dalawa."

"Pinauna ko na iyong driver. Papunta na siya kina Kenneth."

Napatunganga na lamang si Sam sa kanya.

"I'm not thinking of changing your mind. Alam ko naman na ganyan ka, kapag nakapag-decide na, hindi na nababago pa. But, I won't go there without you."

"You're impossible." Napailing na lamang si Sam.

"Yes, but it's better to be impossible than be out of place."

Napatingin si Sam kay Ryan.

"I guess you already know how it feels – iyong parang nandoon ka nga, pero parang wala rin. Ganoon lang ang mangyayari sa akin kung tutuloy ako sa prom without you, kasi siguradong iyong dalawang iyon ay may sariling mundo na."

Napasimangot na lamang si Sam.

"Nakakalungkot lang kasi you're missing a great part of your life just because of that stupid crush."

"It's not just–" Hindi alam ni Sam kung ano ang sasabihin.

"Ano? Not just stupid, or it's not just a crush?"

Tinitigan lamang ni Sam ang kaibigan.

"Sam… I'm not an expert. But whatever you're feeling right now, it's not enough reason for you to jeopardize your life. Look at me. Look at what I've become. Before, nagrebelde ako kasi ano? Kasi gusto kong palayain ako ng tatay ko para tumira ako sa mama ko. And because of that, nakasakit ako ng ibang tao. Well, you and Kenneth eventually became my friend, but still, in the beginning I've hurt you."

"Hindi naman ako nagrerebelde."

"Oo nga. Andun na ako. Sabi ko nga, hindi ako expert kaya hindi ko alam kung paano ka paliwanagan. Iyon lang kasi ang sobrang sigurado akong example kasi iyon ang nangyari sa akin… Ah, basta! Pumunta ka na kasi sa prom!"

Natawa si Sam sa frustration ni Ryan.

"Akala ko ba, okay lang na hindi ka pumunta sa prom?"

"Oo naman," ang sabi ni Ryan. "Naiinis lang ako kasi ikaw, hindi mo mae-experience iyong prom mo kasi nga nagmumukmok ka diyan. Ako naman na-experience ko na iyon last year. Ano bang meron doon na hindi ko pa nakikita?"

Napaisip si Sam. May point nga naman si Ryan. Siya higit sa kanilang dalawa ang kailangang pumunta doon. Pero, kung hindi siya pupunta, eh ano naman ngayon? Hindi naman siya kasama sa sayaw–

Natigilan bigla si Sam. Naalala niyang bigla iyong kutilyon. Naalala niya na nagpa-sub nga pala siya sa isang inosenteng COCC trainee dahil ayaw niyang sumali sa sayaw na iyon.

"You have to go to the prom!"

Napakunot ang noo ni Ryan. "Hmm?"

"Si Jenneth, wala siyang ka-partner."

Saglit na napaisip si Ryan. "H-Hayaan mo na! Bahala na siya doon."

"Ryan!"

"Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama."

Nainis si Sam sa katigasan ng ulo ng kaibigan. Alam niyang hindi rin niya ito mapipilit na gawin ang gusto niya, kaya wala siyang nagawa kundi ang sumuko na lamang sa gusto nito.

It took her almost an hour to prepare. Sulit naman ang lahat dahil pagbaba niya ng hagdan ay napatulala sa kanya si Ryan.

"You're gaping at me."

Naisara ni Ryan ang bibig. "Now, I'm sure you're really Sam."

She giggled at what he said.

Inihatid sila ng driver nina Sam sa hotel kung saan gaganapin ang venue. Though medyo decided na si Sam na pumunta ay nandoon pa rin iyong pagdadalawang-isip niya. Sa may bintana nga lang siya nakatingin habang pilit inaarok kung ano nga ba ang mangyayari mamayang dumating sila sa venue.

"Having second thoughts?"

Napatingin siya kay Ryan. Maayos na ulit ang necktie nito at nakasuot na ulit ang Americana nito.

"Gusto mo, huwag na tayong tumuloy?"

"Matapos akong magpa-make up ng ganito? Hindi ko nga alam kung paano ko tatanggalin ito pagkatapos."

Napangiti si Ryan. "Sana ganyan ka ka-feisty hanggang mamaya."

Hindi na sumagot pa si Sam.

Nang nasa venue na sila ay saka dumagundong ang kaba ni Sam. Parang hindi nga niya maihakbang ang mga paa para makapasok siya sa venue.

"Sam?"

She looked at Ryan.

"Are you okay?"

Tumango na lamang siya. Nilakasan niya ang loob para tuluyan na silang makapasok sa venue. Pagpasok na pagpasok pa lamang nila ay tinawag na ang mga sasayaw ng kutilyon. Napatingin sa kanya si Ryan.

"Sige na! Kawawa si Jenneth kung wala ka doon."

"Are you sure? Will you be okay?" tanong pa ni Ryan.

"Oo! Sige na!" pagtataboy niya dito.

With one last look ay iniwan na siya ni Ryan. She decided to look for her classmates. Nang makita sina Mia at Shane ay pinuntahan niya ang mga ito.

"Sam!" ang sabi ni Mia sa kanya nang makita siya. "Wow! Ang ganda mo..."

"Oo nga," sang-ayon ni Shane.

"Sabi na nga ba. Kapag naayusan ka eh maganda ka talaga," ang sabi ni Mia.

Ngumiti na lamang si Sam. Mabuti na lamang at nagsimula na ang cotillion kaya doon napunta ang atensiyon ng dalawa.

Sina Kenneth at Kristine kaagad ang nakita ni Sam. They look perfect. Kenneth is very handsome, and he looks so happy. Naramdaman na lamang ni Sam ang pagbuo ng luha sa kanyang mga mata.

Kristine is the most beautiful tonight. She is very graceful, and who wouldn't fall for her? When Sam came to learn about those feelings, about crushes and admiration and attraction, she knows she's not the type who usually gets those feelings from boys her age. She's not the type that guys usually like. Because she's not Kristine, and boys like the type where Kristine belongs.

Habang lumalawig ang sayaw ay lalo ring nalulungkot si Sam. Lalo siyang nasasaktan. Hanggang sa hindi na niya kaya. She has to stop watching. She has to stop seeing Kenneth and Kristine happy.

Tumayo siya, much to her classmates' surprise.

"Magsi-CR lang ako."

Hindi na niya hinintay pa ang pahintulot ng mga ito. She left, then struggled to look for the comfort room. Kandaligaw-ligaw na siya, at lalo siyang naawa sa sarili dahil doon. She almost cried, kung hindi lang niya nakita ang banyong hinahanap niya.

Nang makapasok sa CR ay nakita niya ang sarili sa malaking salamin. She's so beautiful tonight. Hindi nga ba't nagawa niyang makapantay sa kagandahan ni Kristine ngayon? Hindi lang isa ang nagsabi noon. Ang parents niya, ang mga kaklase niya, si Ryan. Well, that jerk didn't exactly say it, but she knows that's what he thinks when he was taken aback when he first saw her like.

Is that enough? Will that be enough for her to finally win back Kenneth? Yes, win him back. She already lost him. These past days, weeks, she felt like she was starting to lose him, and she definitely did tonight because of how beautiful Kristine is.

Maybe it could be enough. She composed herself once again, keeping in mind who she is. She is Samantha de Vera, the hospital heiress of Tarlac General Hospital. She should have the confidence fit for that. When she felt confident enough, she went out of the comfort room.

Pero paglabas niya ng CR ay saka naman ini-announce ang Prom King and Queen, and alas! It's Kenneth and Kristine. At bilang prom king and queen ay inutusan silang magsayaw sa may gitna ng dance floor, habang pinapanood ng lahat. Habang pinapanood ni Sam.

Tuluyan nang hindi kinaya ni Sam. Nag-compose-compose pa siya ng sarili with the confidence that her background can give her. Wala rin palang kwenta. Hindi rin pala niya kakayanin.

She decided to leave. Or at least, get out of that place. Siguro naman kapag na-realize ni Ryan na wala siya, baka maisipan din siya nitong hanapin sa labas. Sa kotse na lang siya magsi-stay. Sa kotse na lang niya pakakawalan ang mga luhang nagbabadya nang tumulo.

Palabas na siya ng venue nang marinig niya ang ibang estudyanteng nag-uusap tungkol kina Kenneth at Kristine.

"Bagay na bagay sila, ano? Sana sila na lang sa totoong buhay."

"Hindi pa ba? 'Di ba lagi naman silang magkasama?"

"Eh friends sila, 'di ba? Kaya ganoon."

Sam looked back at Kenneth and Kristine. Yes, they look perfect. They are perfect for each other. Maybe she should not have thought of taking a chance. She won't win. Not against someone like Kristine.

Kristine saw her looking, at hindi na napigilan pa ni Sam na ipakita dito kung ano ang totoong nararamdaman niya. She made sure that she could feel how she feels, then walk out of the venue.

Sa labas niya pinakawalan ang mga luha na kanina pa gustong tumulo. Her mother said the makeup is waterproof, so maybe it's okay for her to cry without smudging her eyeliner, mascara, or whatever they put in there.

Ryan followed her outside. He saw her crying, holding her to console her.

"Umuwi na tayo, Ry."

"Are you sure? Sam, are you sure you're giving up just like that?"

Nagulat siya sa sinabi nito.

"Sam, bakit hindi mo ipaglaban si Kenneth? Kung may nararamdaman ka sa kanya, fight for him."

"You're saying that after you helped Kristine be his dance partner?"

"I know. I know I messed up. Ang sabi ko nga, had I known you want to dance with Kenneth, I would have done the same for you."

"Bakit? Are you saying you're more in favor of me to be with Kenneth, than for Kristine?"

"I'm saying that…" Biglang tumigil si Ryan. Parang meron itong gustong sabihin na hindi pwedeng sabihin. Instead, he said, "You're the first one who became his friend. You're the first one he met. Kung merong dapat na magustuhan si Kenneth, ikaw iyon."

"Being the first one doesn't mean being the right one."

Hindi alam ni Sam kung saan niya nahagilap ang sinabi niyang iyon. Basta bigla na lamang iyong lumabas sa bibig niya. Siguro mula iyon sa puso niya, kaya hindi iyon maarok ng utak niya.

"And being the last one doesn't make you the wrong one."

Napatingin siya kay Ryan. He looks like a soldier who just realized he lost the battle.

"Let's go home," ang sabi pa nito.

Sabay na silang nagpunta sa may parking lot kung saan naroon ang kotse nina Sam.