Kanina pa niya gustong masolo ang ama, mabuti na lamang at umalis na ang mga asungot.
Pagkatapos mananghali ay iginiya siya nito sa napakalaking opisina nito na nasa ikalawang palapag ng kanilang mansion. Nagpahatid ito ng tsaa at kape, hindi niya alam kung bakit mas gusto niya ang lasa ng kape kaysa tsaa na nakagisnang iniinom ng mga tao sa bahay na iyon.
"Dad, I would like to know more about my mother," walang gatol na sabi niya sa ama. Tila nabigla ito, hindi inaasahang itatanong niya ang ganoon. Maya-maya ay nakabawi ito, at tila nabago ang mood.
"Your mom," anitong ngumiti. Tila biglang bumalik sa nakaraan. Kita ang kakaibang kislap sa mga mata nito.
"Beatiful Marieta Guazon, she is a Filipino," patuloy nito at nagbalik-tanaw sa nakaraan.
"We met in one of my business affairs in her country. We suddenly fell in love and in few months of living together while doing my business there, she got pregnant," mahabang kuwento nito.
"I didn't know my father has set my marriage to his friend's daughter, and when I went home to tell them about your mom, they forced me to marry your 'auntie'." patuloy nito. Wala naman siyang masabi na matamang nakikinig.
"Actually, my father just sent a person to stole you from the hospital where you were born,"
Ang kanyang lolo, Rashid Shah Sr. ay hindi basta-basta, kung kailangang daanin sa dahas makuha lamang ang gusto nito. Isa itong retired five starred General ng Indian Army. Ang lola niya ay isang British businesswoman, sa ngayon ay retired na ang mga ito at naka base sa England.
"I feel so bad about that, God know's how much I love your mother," tila maiiyak na naman ito.
"That's enough," saway niya sa pagkukwento ng kanyang ama. Napaka emosyonal nito samantalang amasonang walang emosyon ang asawa nito.
"Dad, I've decided to find mom," aniya na bahagyang iknatuwa ng ama. Tila nasilayan ang bagong pag-asa.
Magaan ang pakiramdam niya nang umuwi sa condo ni Sandeep, tila nasasagot paunti-unti ang mga kakulangan sa kanyang pagka-tao.
Nasaan na kaya ang kanyang ina? Siguradong napaka lungkot nito nang sabihin ng doktor na patay ang anak nito, tulad ng habilin ng kanyang lolo sa taong kumuha sa kanya. Hahanapin niya ang ina kahit ano ang mangyari.
Mabilis na lumipas ang mga araw at babalik na naman siya sa trabaho.
Isa siya sa napiling ipadala sa isang misyon para i-rescue ang mga crew ng isang barkong na hi-jacked sa karagatan ng Somalia.
Ayon sa impormasyon isa itong Indian oil tanker ship. At halos nasa 50 katao ang nabihag kasama ang kapitan at mga crew.
Nakikipag negosasyon ang lider ng mga pirata, 500 million para sa kalayaan ng halos limampung bihag, ngunit sa halip na ibigay ang hiling ay magpapadala ang Gobyerno ng search and rescue para sa mga ito. Siniguro ng Indian Government ang kaligtasan ng mga bihag, ipinadala ang pinaka magagaling na team mula sa kanilang elite force.
Madaling araw nang marating nila ang Isla kung saan nagkukuta ang mga pirata, namataan agad nila ang barko ilang milya mula sa dalampasigan ng Isla.
Walang kahirap-hirap nilang napasok ang barko, naroon pa rin ang mga crew, ngunit bantay sarado ng mga armadong pirata.
Tahimik nilang isa-isang napatay ang mga ito.
Pumwesto siya sa isang mataas na bahagi sa labas ng barko habang pumasok naman ang kanyang mga kasama para tuluyang i-rescue ang mga bihag.
Ilang speed boat ang umiikot sa barko nang maalerto ng mga pirata ang kanilang mga kasama sa Isla.
Dahil eksperto siya sa mga moving target ay isa-isa niyang napatumba ang mga ito gamit ang barrett multi-caliber MRAD sniper rifle. Halos trenta minutos din siyang naka dapa roon nang isa-isang lumabas ang kanyang mga kasama at ang iniligtas na mga bihag.
Dumating naman ang military boat na magdadala sa kanila kung saan naghihintay ang eroplanong maghahatid sa kanila pabalik ng India.
Halos maka sakay na ang lahat nang bumaba siya sa tore ng barko kung saan siya naka puwesto. Pasakay na lamang siya ng isang putok ang pumailanlang mula sa nakahandusay na mga pirata ay isang nag-aagaw buhay ang may hawak ng isang pistol.
Bago pa man mawalan ng balanse ay nabaril pa ni Raj ang pirata na tinamaan naman sa ulo na siyang ikinamatay nito.
Humandusay sa sahig ng Military boat si Raj, tinamaan siya sa kaliwang kili-kili. Nag-aagaw buhay ito nang umabot sa ospital.
Naiwan siya roon kasama ang ilang sundalo bilang bantay niya.
Matagumpay namang naalis ang bala sa kanyang katawan, malapit na ito sa kanyang puso.
Nang malaman ng ama ang nangyari sa kanya ay agad itong nag-utos na ilipat siya sa pinaka mahusay na ospital sa England. Alam nitong hindi ito pababayaan ng kanyang lolo at lola roon.
PILIPINAS
"Diyos ko! Mark!!!..." walang patid ang hagulgol ni Xianna nang makita ang bangkay ng nobyo. Hindi na ito makilala dahil sa matagal na nakababad sa dagat.
Ngunit kilala niya ang mga suot nito, ang kuwintas na naroon ang kanyang larawan at ang suot nitong damit nang huli silang magkasama.
Positibo rin itong kinilala ng halos tulala nang ina ni Mark.
May mga tama ng bala ang katawan ni Mark na siyang ikinamatay nito.
Tinitignan ng mga pulis na away fraternity ang dahilan ng kamatayan nito, hindi lamang masiguro dahil hindi lamang isa ang kinabibilangan nitong samahan.
Halos mamatay ang buong pagkatao ni Xianna nang mawala ang nobyo. Ilang araw na wala sa sarili kahit nasa trabaho.
"Xin, what's happening?" isang araw ay tanong ng ina sa kanya na walang kaalam-alam sa nangyayari sa kanya. O mas tamang sabihin sa walang paki-alam sa kanya.
Ang importante lamang dito ay ang magarbong buhay, mamahaling mga gamit at mga barkada nito.
"Nothing mom, masama 'lang ang pakiramdam ko," aniyang tinalikuran ang ina. Napansin siguro nitong nangangayayat siya at malalim ang kanyang mga mata.
"Nag-deposit na ba ng pera ang Daddy mo?" habol nitong tanong.
"Yes, I'll transfer to your account tomorrow," sabi niyang diretsong umakyat na sa kanyang silid.
Narinig niyang may sinabi pa ang kanyang ina ngunit hindi na niya inintindi pa.
Ibinagsak ang pagod na pagod nang katawan sa kanyang malambot na kama at ipinikit ang mga mata.
"I love you Xin, hindi ako magsasawang panoorin ang pag-lubog ng araw kasama ka," si Mark habang marahang yumakap sa likod ng dalaga at ibinulong ito sa kanya.
"I love you too," nakangiting tugon niya habang hinahaplos ng marahan ang pisngi nitong nakapatong sa kanyang balikat. Nakaharap sila sa payapang karagatan habang pinapanood ang pag-lubog ng araw. Mangilan ngilan lamang ang mga tao roon at halos lahat ay magkakapareha.
Inalis ng binata ang braso sa beywang ni Xianna at dinukot ang maliit na kahon sa kanyang bulsa, lumuhod ito sa kanyang harapan.
"Xianna Hughes, will you be my wife," naka ngiti ngunit kinakabahang tanong nito.
Nabigla siya, hindi pa siya handang magpakasal ngunit heto ang lalaking mahal na mahal niya ay naka luhod at hinihingi ang kanyang permiso para maging asawa nito.
Ikinulong niya sa dalawang palad ang mukha ng binata, "Love, you know how much I love you, but-"
"Sshh...," itinakip ng binata ang daliri sa mga labi ng dalaga na noon ay hindi pa rin alam kung paano ipapaliwanag sa nobyo ang dahilan ng kanyang pag-tanggi sa alok nitong kasal.
"I know sweetheart, baka 'lang naman maka lusot," anitong tumawa pa.
Nakahinga naman siya ng maluwag sa reaksyon ng nobyo.
Hilam ng luha ang mga mata ni Xianna habang bumabalik ang nakaraan sa kanyang isipan.
Mahirap iwaglit ang mga ala-ala ng mapagmahal na nobyo. Napaka gentleman nito. Maasikaso, sweet, maalalahanin. Kahit na napakalayo ng trabaho nito sa kanyang pinagtatrabahuan ay talagang hatid sundo siya nito.
Ang lubos na minahal niya sa binata ay ang napakataas na respeto nito sa kababaihan, dahil tanging ina nito ang kasamang lumaki.
Sa tatlong taon nilang mag-nobyo ay ni minsan hindi ito humiling sa kanya ng higit pa sa isang halik. At dampi dampi lamang kung halikan siya nito.
ENGLAND
Matagal na nanatili sa ospital si Raj, ikinuha siya ng kanyang lolo at lola ng private nurse na mag-aalaga sa kanya habang nagpapagaling. Dahil cool ang kanyang lolo, pumili ito ng napaka ganda at napaka seksing nurse para raw mabilis ang kanyang recovery.
Marami pa ring naka kabit na aparato sa kanya kayat hindi pa sýa gaanong maka galaw. Sumasakit pa rin ang kanyang sugat sa tuwing tatangkain niyang bumangon. Lagi namang naka alalay ang kanyang mala anghel na tagapag alaga.
Minsan ay nahuhuli ng nurse na sinisilipan niya ito kapag yumuyuko at nililinis ang kanyang sugat.
Huh! lugi naman siya kung hindi manlang makita ang malulusog nitong cocomelon, samantalang araw-araw nitong nahahawakan ang kanyang laging galit na alaga.
Hindi siya nahihiya kapag nililinis ito ng kanyang nurse, alam niyang lihim itong natatakam sa kanya, nahuhuli niya itong lumulunok sa tuwing hawak nito ang ipinagmamalaki niyang Filipino-Indian sausage.