Chereads / RAJ SHAH (Wild Men Series #10) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Kinabukasan, masakit ang ulo ni Raj nang magising. Pikit pa lamang ang mga mata ay inunat ang mga kamay at napabalikwas nang may mahawakang malambot sa kanyang tabi.

Napabalikwas din ang noon ay kagigising laman na si Sandeep.

"Oh!" sapo ang ulo na bumalik ito sa pagkakahiga.

Pareho silang hubad at tanging mga pang-ibaba lamang ang suot.

"What happened last night?" umiiling nitong tanong.

Humagalpak ng tawa si Raj nang maalalang binitbit niya ito kagabi pauwi dahil sa kalasingan nito. Nasobrahan din yata sa babae.

"You better forget about last night bro," aniyang tumatawa pa rin.

"Seriously, I don't remember anything," anitong nagkakamot ng ulo saka tumayo.

"Yea, better that way," naka ngisi pa ring asar niya rito.

"Wait, did you drag me from that bar all the way here?" anito nang masulyapan ang maduming t-shirt at pantalong naka kalat lamang sa sahig.

"Don't worry, no one see us," sagot niyang itinaas ang kamay.

"Thats embarrassing," umiling na lamang ito at dumiretso sa banyo.

Marami silang lakad sa araw na iyon, bilang assistant/katiwala niya sa negosyo ay malaki rin ang kinikita nito sa kanyang mga investment. Malapit na nilang mabili ang halos kalahati ng stocks sa kumpanya. Nagiging mainit na kasi ang ganoong negosyo kaya binebenta na ng mga stock holder ang kanilang mga shares sa kumpanya.

Dumalo sila sa meeting with the CEO of IRC o Ind Rifle Corporation.

"Good to see you Mr. Shah," bati nito sa kanya at kinamayan sila ng kaibigan.

"I'll be straight to the point gentlemen," anito at tumikhim.

"My family and I receives a threat recently, our suspicion was from a rival company or clients that failed to close a deal with us,"

mahabang panimula nito.

Tumango-tango lamang sila ng kaibigan. Nagpatuloy naman ito.

"As the major stock holder of the company, I would like to offer my shares. I'll sell it as soon as posible," anito sa malungkot na tono.

"And I would like you all to be informed before looking for possible buyer," dagdag pa nito.

Hindi na siya nag-isp pa.

"I would like to buy your shares Mr. Kumar," walang gatol na sagot niya na ikinangiti ng kaibigan. Alam ni Sandeep ang pasikot sikot sa kumpanya dahil isa siya sa miyembro ng board. Alam niyang hindi nagkamali ang kaibigan sa desisyon.

"I'm glad to hear that Mr.Shah, let's settle the details as soon as possible, thank you!" anitong kinamayan ulit sila ng kaibingan. Tila nagmamadali talaga itong mabenta ang shares nito.

Nang maka uwi sa condo ng kaibigan ay nagpaalam itong pupunta sa mga pinsan at doon matutulog dahil may inihanda ang mga itong maliit na salo-salo para sa kaarawan ng isa nitong pinsan. Inaaya siya nito ngunit tumanggi siya, pakiramdam niya ay gusto lamang niyang magpahinga nang gabing iyon.

"Then get some rest future CEO," biro nito sa kanya.

"Come on, You know you are the one," natatawang sagot niya sa kaibigan

"You have to thank me," maya-maya ay seryosong sabi nito.

"I know bro, I always thanked that you are my brother," naka ngiti naman siya

"No, it's about IRC. I sent those threat, look.. They just earning from that company without doing anything. I bring all big clients, close deal with them and they just watching and do nothing," seryosong saad nito.

Napakunot noo siya, "You mean, you made them sell their shares?" natatawa siya sa ginawa ng kaibigan, may demonyong parte rin pala ito.

"Thank you big devil brother!" sabi niyang hindi mapigil ang tawa.

"No worries, my people did not leave any trace," dagdag pa nito.

"Let the company prosper in our hands!" tila isang pari na itinaas nito ang dalawang kamay sa ere saka ngumisi.

Hindi niya inaasahan na magagawa ito ng kaibigan.

"This is how the business work young man," sabi nitong tila nangangaral sa isang paslit.

"Alright, your cousin is waiting for you downstairs," aniyang natawa na lamang sa kaibigan.

"Yep! my key, just encase you need it," anitong hinagis sa kanya ang susi ng sasakyan nito bago tuluyang lumabas ng pinto.

"Thank's," aniyang mabilis na sinalo ang susi.

Kinabukasan ay malakas na ring ng kanyang cellphone ang gumising sa kanya. Wala ang kaibigan niya dahil inimbita ito ng mga pinsan nitong mag-overnight sa bahay ng mga ito.

"Congratulations son!" masiglang bati ng kanyang ama mula sa kabilang linya.

"Dad!" kahit papano ay na-miss niya ito.

"Thank you Dad, I'm expecting you to come and pin my medals," aniya sa nagtatampong tono.

"What medal? I'm talking about the IRC shares, it's been in news!" Oh, so ipinamalita na pala ng CEO ang kanilang kasunduan. Malapit nang mapasakamay niya ang multi-billion dollars na kumpanya.

"Thank you Dad, its all because of you, You helped me to start," mapagpakumbabang tugon niya sa ama.

"If you have time, can we have a small talk?" hiling pa niya sa ama.

"Sure! Why don't you come home, we missed you-"

"Dad," putol niya sa sasabihin pa ng ama, alam niyang hindi naman totoo na namimis siya ng ina at mga kapatid.

"Please..." pakiusap ng ama. Hindi naman niya ito matanggihan, napaka buti nito sa kanya, iyon nga lamang at lagi itong abala.

"alright, tomorrow," sabi na lamang niya.

"Okay, see you," anito sa ibinaba ang telepono.

Maghapon lamang siyang nakahilata. Gusto niyang magpahinga, matulog. Kapag naiisip niya ang mga pinagdaanang hirap sa army ay parang gusto na lamang niyang mag-quit at mag-concentrate na lamang sa business. Pero gusto pa rin naman niyang pagsilbihan ang kanyang bayang kinamulatan. Alam niyang isang araw ay hahanapin pa rin niya ang tunay na ina. Pero hindi muna sa ngayon.

Sa totoo 'lang ito ang gusto niyang pag-usapan nila ng ama.

Magtatanong siya tungkol sa kanyang ina. Siguro sa susunod na bakasyon niya ay bibigyan niya ng oras ang paghahanap dito. Nais din naman niyang makita ang tunay na ina. Mayroon din ba siyang mga kapatid dito?

Kinabukasan, pagkatapos ng meeting sa CEO ng IRC ay dumiretso na siya sa kanilang bahay. Wala ang mga ito nang dumating siya, tanging ang dalawang kasambahay lamang ang naroon kaya't dumiretso siya sa kanyang silid na halos isang taon na rin mula nang huli niyang mauwian. Kada anim na buwan naman ay umuuwi siya, ngunit nitong mga nakaraan ay sunod-sunod ang misyon nila ng kanyang squad. Ibinagsak niya ang katawan sa malaki at malambot niyang kama, kahit paano ay na missed din niya ang kinalakihang bahay.

Kung tutuusin ay hindi niya kailanagang sumuong sa mapanganib na trabaho dahil mayaman ang kanilang pamilya ngunit ito talaga ang hilig niya.

Half British ang kanyang ama at isang kilalang business tycoon ng bansa. Marami itong negosyo maging sa iba't ibang bansa. Kaya siguro kahit naka buntis na ng ibang babae ay nagpakasal pa rin sa kanya ang asawa nito.

Pero kahit kilala ang kanyang ama ay hindi siya kilala ng publiko. Mainam pa ang mga anak nito sa kanyang asawa at kilalang mga anak ng kanyang ama. Ganoon pa man ay walang kaso iyon sa kanya, siguro ay mabuti na rin na hindi siya kilala ng publiko para rin sa kanyang privacy.

Ngunit ngayong siya na ang may-ari ng IRC ay siguradong makikilala na siya ng publiko.

Nasa gano'n siyang posisyon nang pumasok ang ama dahil hinayaan lamang niyang naka bukas ang kanyang pinto. Bumalikwas siya at excited na niyakap ang ama.

"Dad!" aniya habang niyakap din siya ng ama at malakas na tinapik sa balikat.

"I missed you son!" sabi nitong halos maluha sa tuwa na makita siya.

"I missed you too dad!" aniyang hinimas himas ang likod ng ama. Nasa 58 na ang edad nito ngunit masisinag pa rin ang gandang lalaki nito. Alam niyang marami pa ring babae ang naghahabol dito, at hindi lingid sa kanila na ilang beses din itong nagkaroon ng mga kabit. Hindi naman niya ito masisisi dahil lagi ito sa mga business travel at bihira lamang umuwi. Isang plain housewife lamang ang asawa nito at talagang namang napaka sungit pa. Lumaki siya na puro kasambahay ang umaasikaso sa kanya dahil tila pinandidirihan siya nito.

Mula pagkabata ay independent na siya dahil wala ring nagtatagal na kasambahay sa kanila, papalit palit ang nag-aalaga sa kanya.

"Let's go, lunch is ready," pukaw nito sa kanya.

Masaya silang nagkukwentuhan habang pababa ng hagdan, namataan niyang matalim ang tingin sa kanya ng madrasta. Mula nang sabihin nitong hindi siya ang tunay niyang ina ay 'Auntie' na ang tawag niya rito. Ipinakita rin niya na kung ayaw nito sa kanya ay ayaw din niya rito.

"Hi auntie!" aniyang pina sigla ang tono saka humalik sa pisngi nito.

Nanatili naman itong seryoso at hindi umumik. Kahit siguro ilang taon silang magkakasama sa isang bahay ay matitiis nitong hindi siya kausapin. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya rito. Naging mabait at masunuring bata naman siya.

Naunang umupo ang kanyang ama sa dulo ng malaking dining table, pumwesto naman siya sa tabi ng ama sa bandang kanan at sa kaliwa naman ang kanyang auntie katabi nito ang dalawang anak na noon ay kararating 'lang. Sila lamang ng ama ang tanging nag-uusap. Mabilis na tinapos ng mag-iina ang pagkain at saka nagpaalam na aakyat na sa kanilang mga silid. Hindi naman pinansin ng ama ang mga ito. Sadyang nasa kanya ang atensyon nito.