Chereads / Empire High University: University of monsters / Chapter 2 - Chapter 1. The new girl

Chapter 2 - Chapter 1. The new girl

Chapter 1. The new girl

Aeon's POV

"Is she the new girl?" tanong nang isang babae mula sa di kalayuan.

"She looks like a weak one. Mmm let's see, Hindi siya tatagal ng dalawang araw dito. Wanna bet?" sabi naman nang isa na katabi nito at ngumisi.

Pinatunog ko ang gum na nguya nguya ko. I smiled evilly. Natatawa ako sa mga pinag uusapan nila. Oh, I forgot, it is my first day today in this dark school. Empire High University. The University of monsters. They called this the evil school because of the students here, they are all monsters and for its dystopian system. No ordinary humans would dare to enter this school if you don't wanna be a bloody food for them. As for me? Well, I am just an ordinary girl, really. Not.

Unang araw ko palang dito sa eskwelahan ay nakakuha na agad ako nang atensyon and I hate it. Dumiretso nalang ako sa admin nang school para kunin ang schedule ko.

Napahinto ako sa isang malaking building na mukhang isang haunted palace na may nakasulat na administration building in a creepy way . Normal teens would be intimidated and be scared pagtingin palang dito. Mukha siyang abandonadong palasyo na pinamumugaran nang kung ano mang masasamang nilalang. But I am telling you, I am ordinary but ain't normal too, that's why I am here at this school intentionally for a mission.

Pinatunog ko sa huling pagkakataon ang gum ko then I spit it out bago pumasok sa building. I am wearing a black leather jacket and black leather jeans with black leather boots,all black. Masyadong malaki ang building nato but I am not that stupid not to find my own way. Naglakad ako papasok nang building. Pagpasok ko palang hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda nito. Kung nasa labas ka aakalain mong isa talagang abandonadong building ito pero bawing bawi naman kapag nasa loob ka, camouflage. The appearance outside is just only a mask. It has a Victorian style with a modern design. Napakalaki nang chandelier sa napakalawak na lobby. May dalawang hagdanan both to the left and right that meets in the middle of it papunta sa taas. Yung totoo, administration building ba ito o mansyon?

Umakyat ako nang hagdan at naglakad papuntang second floor nang building. Nang marating ko ang lobby naglakad lakad ako para mahanap ang headmaster's office sa napakaraming kwarto rito. Nang makita ko na ito, hindi na ako nag aksaya nang panahon at binuksan nalang ito nang hindi kumakatok. Napakalaki nang kwarto na ito. May malaki at mataas na bookshelve sa isang corner malapit sa bintana papuntang balkonahe. May mga sofa rin dito at isang mukhang study table at sa table na yun ay napansin kong may nakaupong kung sino. Hindi ko makita kung sino ito dahil nakatalikod siya sakin. Tumikhim ako sandali para makuha ang atensyon niya at mukha namang narinig niya iyon dahil bahagya niyang inikot ang swivel chair na kinauupuan niya. Nagulat ako nang makita ang isang lalake at babae. Ang lalaki ay naka upo habang ang babae ay nakaupo sa lap nang lalaki na halos dalawang taon lang ata ang tanda sakin in human age, but I know better.

"Wait, am I in the right room?" tanong ko sa utak ko. Hindi na ako nagulat sa kung ano mang ginagawa nang dalawang to dahil halata naman kung anong ginagawa nila. I smirk just by the thought of it. Ang kinagulat ko lang ay ang lalaking ito. Mga bastos hindi man lang ginalang ang opisina nang headmaster. Sabagay may mga respeto ba ang mga tao sa impyernong ito?

"You know that not knocking upon entering a room is rude and the most annoying thing that I hate. Don't you know the word 'privacy'?" hindi masiyadong seryosong sabi niya pero mahahalata mo ang inis at authority sa tono nang pananalita nito. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong ginagawa niya sa kwartong ito pero tinatamad ako at magsasayang lang ako nang laway. I look at him with a blank face.

"Where's the headmaster?" bored kong tanong.

"Right in front of you, darling" he said playfully habang tumatayo. Natawa ako nang bahagya ng tumayo siya, muntik ng masubsob yung babae kanina.

"Get out" utos nang lalaki na animoy isang laruan lang yung babae para sakanya. Tututol sana ito pero tinapunan lang niya nang isang matalim na tingin ang babae. Agad naman itong umalis na parang takot na takot pero naiinis dahil sa inasal nang binata. Jerk.

Nilagpasan ako nang babae nang nakasimangot at pabagsak na isinara ang pinto.

"What can I do for you?" tanong niya habang naglalakad papunta sa harap ko at humalukipkip. Wala akong kaylangan sayo at mas lalong wala akong panahon sa taong tulad mo, gusto ko sanang sabihin sakanya yan ngunit pinigilan ko ang sarili ko. He's not worth my time. Alam ko kung anong klase siya nang lalaki. He's an asshole and I know that he's not a human. I can smell it.

"I said where's the headmaster?" I firmly asked. Tinignan ko siya nang matalim subalit isinawalang bahala niya ito. Sino ba talaga ang taong ito?

"I am the headmaster" nakakalokong ngiti ang sumilay muli sa kanyang mga labi. Napatawa nalang ako nang mahina. How can someone like him be the headmaster?

"I won't asked thrice. Magpasalamat ka at nakaabot ka pa nang pangalawa" inis kong sabi. He's getting on my nerves.

"I told you I am th---" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ang isang humahangos na estudyante.

"Headmaster. We got a problem" hinihingal na sabi nito habang nakatingin sa lalaking kausap ko. What? Headmaster?

"The headmaster is not here" walang emosyon kong baling sa estudyante. Bigla naman niyang tinuro ang lalaking nasa likod ko.

Napakunot ang noo ko. "He's the headmaster" sabi naman nang estudyante sakin na tinuro pa ang lalaking nasa likod ko.

"How can someone like you be the headmaster?" I asked raising my eyebrow. Wala akong pakialam kung sino man siya pero nagulat lang ako na ang headmaster nang school na to ay isang taong tulad niya. I mean he's to young to be a headmaster, and again in human age. Hindi rin ako makapaniwala na isang gaya niya ang nagpapatakbo nang ganitong eskwelahan. I thought he's just a playboy, but I was wrong. He's more than that. Ruthless and cruel.

"How can someone like me? Why? Are you expecting a middle-aged woman or man to be the headmaster and not someone like me?" nakakalokong tanong niya.

"No. I just can't believe that a YOUNG BOY like you is the owner of this hell school" I said nonchalantly emphasizing the words, young boy. I grin evilly when I saw his forehead creased. Tinignan niya ako nang matalim na sinabayan ko naman. I can feel the intensity between us. Nahinto nalang kami sa pagtititigan-Eww, I'd rather say pagpapatayan ng mga tingin nang biglang umubo yung estudyante na hindi namin napansin na nandito pa pala.

"Headmaster kelangan niyo pong pumunta sa center ngayon na po. May problema po tayo" aniya na mukhang nagmamadali habang nakatingin sakin nang banggitin ang mga huling kataga. Anong problema kaya ang meron sila? I smirk. I smell something here and it's bad. It stinks.

"Okay. I'll be right there" sagot niya rito at binaling sakin ang kanyang tingin.

"What can I do for you miss?" tanong niya.

"I need my schedule" I said blankly. Naglakad siya papunta sa mga lagayan nang envelope at hinanap ang pangalan ko.

"What is your name?" he asked. Napatawa nalang ako nang napagtanto niyang hindi naman pala niya alam kung anong hinahanap niya. Idiot.

"Black" walang emosyon kong sabi. Sandali siyang natigilan at mukhang may inaalala. I don't need to tell him my whole name. Naghanap siya ulit nang masabi ko na ang surname ko. Hinugot niya ang isang envelope dito na hindi man lang nagawang pag ka interesan ito. That's great dahil wala kang makukuha sakin. Everything is a secret. I thought while smiling inside. "Everything you need is in there. Your schedule, assessments and the key to your dorm room. Oh, we forgot to inform you that your request wasn't granted. Everything should be fair. Sorry to say this but you have a dorm mate" nakangising sabi niya. Inabot niya sakin ang folder at kinuha ko naman ito pagkatapos ay tinalikuran ko na siya para umalis na naiirita not mentioning that my demand isn't granted. Wala akong balak magtagal sa nakakasulasok na lugar na yun and what did he say? Everything is fair? Oh please, headmaster, nothing in this shitty world of yours is fair.

Pagkatapos kong makuha ang mga kelangan ko ay dumiretso na ako nang dorm. Wala muna akong balak pumasok dahil mag aayos pa ako nang mga gamit ko tsaka bukas pa naman ang start nang regular classes. Tomorrow everything will become real.

Naglakad ako papasok nang dorm building. Tinignan ko kung anong dorm number ko. 302. Ibig sabihin sa fourth floor ako. Tsk. I have a dorm mate. Napangiwi ako just by the thought of it. Just let my dorm mate be the silent type of girl who doesn't care about anything but silence just like me, dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko pag kabaliktaran ang napunta sakin. Nang makarating ako ay agad kong hinanap ang room ko. 302. Malapit ito sa dulo nang hallway. Naglakad ako papunta ron at binuksan ito. May kalakihan ang room nato at pinaghalong victorian at modern ang design nito. Naglakad ako papasok. Malaki din ang sala at ang kusina. Parang maaari natong bahay nang isang pamilya, ito ba ang pinagkakagastusan nang mga matataas at mayayamang tao dito? What a waste. Naglakad ako patungo sa isang pintuan na sa tingin ko ay ang kwarto at binuksan ito. Tumambad sakin ang dalawang malalaking kama. Ang isa ay may mga nakakalat pa na damit ngunit walang tao sa kama habang ang isa ay wala pang laman maliban sa dalawang malaking maleta at mukhang yun ang kama ko. Naglakad ako don at umupo, mukhang pumasok ang dorm mate ko. I just winced nang makita ulit ang mga nakakalat na mga gamit at libro sa sahig at kama. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung magulo, maingay at higit sa lahat makalat. Hindi ko nalang pinakialaman ang mga ito at nag umpisang ayusin ang mga gamit ko. Tinanggal ko muna ang leather jacket ko, hindi ako naghuhubad nakasando parin naman ako nang itim. Yes, all black. I love black and also red because they are sexy and bad ass colors. Binuksan ko ang mga maleta ko at kinuha ang mga damit ko at nilagay sa sarili kong cabinet, may tig isa kaming cabinet at study table na malapit lang sa kama naming dalawa at dun ko nilapag ang mga libro ko. I love books but I am not a nerd. Nerds and dorks are boring.

Nang maayos ko na ang lahat nang gamit ko ay naglakad ako sa may balcony, ngayon ko lang ito napansin. Mahangin dito, nakalugay ang aking buhok kaya nililipad ito nang hangin. Mataas ang building nato ngunit nasa mababa pa kaming floor kaya nakikita ko pa ang mga estudyanteng nasa baba. May mga naglalakad at tumatakbo para humabol sa klase, may mga nakaupo sa isang puno at mga bench sa ground habang may hawak na libro. Napatingala ako sa malawak na mala karagatan ang kulay na langit. This is so serene, and mga ulap ay napakaganda at may mga iba dito na may mga hugis pa. Nakakita ako nang mala ice cream at parang kabayong tumatakbo, ngunit parang bigla nalang nagbago ang awra nang paligid. Napatingin ako sa baba at sa grupo nang mga lalaki na papasok nang dorm. Lahat sila naka itim at kakaiba ang dating nila. Pero napako ang tingin ko sa lalaking naglalakad sa unahan na animo'y siya ang leader nila. Itim na itim ang kanyang buhok gaya nang kanilang mga suot. Natawa nalang ako nang maisip ko na mukha silang mga kulto nang mga masasamang tao. Ipinatong ko ang braso ko sa cementadong railings nang balkonahe at nagpangalumbaba ako habang tinitignan sila. Napatingin sakin ang isang lalaki na kasamahan nila at huminto ito dahilan nang paghinto nilang lahat sa paglalakad. Sumipol ito, napatingin naman ang mga kasama niya sa kung sino ang tinitignan niya kaya napatingala silang lahat. Sinalubong ko ang mga tingin nila na wala man lang ka emo emosyon na mababakas sa mukha o mata ko ngunit isang pares nang mga mata ang napansin ko. His stares, it's like I am looking at my own eyes just by looking at those dark orbs. Nakakapangilabot ang mga tingin nila pero wala man lang akong maramdamang ni katiting na takot. Nagulat nalang ako nang napakunot ang noo niya at tumingin siya sakin nang seryoso na tila ba sinusuri ang buo kong pagkatao. Nagulat nalang ako gayun din ang mga kasama niya nang bigla siyang kumaripas nang takbo papunta sa dorm. Just by seeing his speed, I know his not a human, he's a vampire, just like me. Nagulat nalang ako nang kumalabog sa labas nang kwarto at sa isang iglap ay nasa harapan ko na ang lalaking kanina lang ay nakatingin sakin.

Napatingin ako sakanyang mga mata na walang emosyon. His so cold. His stares are so cold.

"Who are you?" nagulat nalang ako sa tanong niya pero hindi ko ito pinahalata. I smirk. Now your curious. Sa wakas nagkita rin tayo. I looked at him like how he looks at me. Our eyes mirrored each other at lahat nang ala ala niya ay nanumbalik. It's time for my revenge.