SCENE 1...
[Ako si Park Seonmul 30 years old. Tall white with flawless skin, singkit ang mga mata, maganda ang shape ng mukha, matangos ang ilong, matambok at maliit ang pagkalabi inshort HANDSOME in any angle pa ha and genius in computer, with singing, acting, dancing modeling skills pero hindi model, artista o entertainer.
Birthdate: April 17, 1992
Natatakluban ng aking buhok ang aking mga mata at ito ay hanggang sa ibabaw ng butas ng ilong ko kaya di makita ang kagwapuhan.~Joke lang po, pero di biro! Ahahahaha! Kahit na genius ako sa computer tampulan ng tukso dahil sa natatakluban nga ng buhok ang kanyang mata at dahil sa sobra rin kong kapayat pero wag ka napakalakas kong kumain ng lagay na iyan.
Kahit anong lakas ng kain ay hindi ako tumataba. Nagtapos sa kursong Computer Studies, sa Hankuk University. Tawag sa akin ay GB in short for Genius Boy. 1.78 cm. Favorite color: Black and White. Favorite Food: Konjak Ramen, Tofu, and spicy food.
Isang Hack and Bugs Remover sa Manyong Company and Enterprise-MCaE. Ang aking pass time ay ang pagjajogging, running at martial arts.
Mayroong 4 kapatid mga nagaaral pa silang lahat.
Si Gangnam 26 years old graduating as GS in Manyong Hospital University~Male
[GS-General Sergeon]
Si Busan 22 years old graduating, forth years college sa kursong Engineering.~Male
Si Incheon 20 years old second year college sa kursong Culinary.~Female
Si Seoul 18 years old Grade 12 senior high school student GAS~Female
[GAS-GeneralAcademic Strand]
Masaya naman kami sa aming buhay. Kada umaga lagi ko silang ginigising at iyon ang isa sa mga gawaing bahay na di ko kaaayawan...] -habang naglalakad sa kalye pauwi na, bitbit ang mga pinamili.
SCENE 2...
[Sa Tawiran...
Green Light turn to Red after ilang minuto Red light turn to green light...
Patawid na sana ako nang bigla kong makita ang matandang nahihirapan tumawid kaya tinulungan ko dala ang pinamili ko at pinamili nya...nakita kong aandap-andap na ang green light at magteturn na ito to Red light. nang malapit na ay itinulak ko ang matanda at nakatawid naman ito ng matiwasay ngunit nang pagtulak ko ay nadapa ako at di makatayo sa sobrang sakit.
Biglang nagturn sa Red Light that time kasabay ng pagbugso ng ulan. So nagpatakbo na ang mga sasakyan that time dahil sa ulan lalo akong di makatayo at dahil don nasagasaan ako...then di ko na alam nangyari.-Unti-unting napikit ang mata at ramdam ko na may unti-unting dugong kumakalat.
Pinatigil bigla ang mga sasakyan dahil sa insidente at dinala ako sa Hospital ng nakabangga sa akin.]
Scene 3...
[Sa Hospital...
After stitching at pagbabondage sa ulo ko ay nagising ako. "Unti-unting iminulat ko ang aking mga mata that time parang ang bigat sa pakiramdam at napansin ko na ako ay nasa isang napakalamig at napakagarang kwarto ng Hospital, sa Manyong Hospital. Katabi lang nito ang school ng Hospital. "Parang may hindi tama ayon na lamang ang aking nasambit sa isip..." Napansin kong parang masyadong maliwanag ang ilaw. Ayon pala ay nagupit ang inaaalagaan kong magandang bang sa harap at parang tidy and nit ang aking gupit. May gosh pano ako makakapagtrabaho nito nakakahiya sa kanila makikita nila ang pangit kong mukha. That time ang paniniwala ko pangit ako.-sabi sa isip...
Throwback Memory...
Nagsimula ang lahat nang ako ay elementary...niloloko o binubully nila ako dahil sa itsura ko, katawan kong ubod ng payat kaya naisipan kong magpahaba ng buhok at takluban na lamang ang mukha ko ng buhok. Popular ako di dahil sa gwapo kundi dahil sa buhok ko at payat kong pangangatawan. Nagpursige ako upang makatapos at heto 8 years na akong nagtatrabaho sa Manyong Company and Enterprise or MCaE.
Naupo ako at saktong upo ko ay mayroong mapayat na babaeng mayaman na pumasok. Higit na matanda sa akin mga parang Ajuma age ganon... May makeup, makolorete, nakaputing pangitaas at itim na Square Pants, maikli ang buhok, mukhang mataray.
Dirediretso lang sa paglakad then naupo sa upuang malapit sa akin...
Nagimbal ako sa sumunod na nangyari...
Nak...namimiss mo ba ang iyong Omma?
Ano po?
Unti-unting tumulo ang luha nito...~nakangiting sinabi na "Anak ako to ang iyong ina."
Mayroong kaya akong kamukha?~sabi ko sa isip.
Ah, paano pong...baka kamukha lang po ako ng inyong anak. Ha, hindi...ko po kayo naiintindihan Ma'am?
Namukhaan ko agad. Putek sya asawa ni Mr. Kang Minji na mayari ng Manyong.~sabi sa isip.
MANYONG-isang kumpanya na pagaari ng Kang Family.
Ah...ma'am ano pong pangalan nyo?
Ako si Kim Minha ang asawa ng mayari ng Manyong.
Alam ko po na kayo ang asawa ng mayari ng Manyong.
Ah, Ma'am bakit nyo ko tinatawag na anak eh...
Anak...~lumuluha nitong sabi, sabay dampot ng mansanas at binalatan ito.
Anak?~nakataas ang isa kong kilay.
Ikaw ang nawawala kong anak!
Po?
Oo, ikaw nga si Manyong ipinangalan ka sa Manyong na Kumpanya na itinayo ng lolo ng iyong ama. Ikaw ang kaisa-isang anak namin.
Pano po ako magiging iyon eh may magulang naman po ako.
Nang mabangga ka ng driver ko at dinala sa Hospital that time basang basa ka sabi ko ihiga ka sa aking hita nang dumampi ang ulo mo ay nakadama ako ng lukso ng dugo.
...
Throwback Memory...Kanina sa ER.
Ma'am di po namin matatahi ang noo nya kung ganito kahaba buhok nya sa harapan.
Gupitin nyo ng bahagya at ang magugupit ay inyong ibigay sa akin.
Masusunod po!
Ben kunin mo ang gunting sa kotse at bigyan mo ko ng plastic.
Masusunod.
...
Then ibinigay ko buhok ko at buhok mo na himingi ko sa nurse tapos pinaDNA ko at thank God ikaw nga yung hinahanap namin...Kaya anak, nandito na si Omma, wala nang mangaapi sa iyo!
Humarap ako sa kanya at sabay sabing..."Ang bilis naman po, napakabilis naman po ng lahat ng pangyayari.~nagpefade yung boses."
Talaga nga di rin ako makapaniwala...sa isang iglap ika'y nawala at sa isang iglap ika'y biglang bumalik.
Tunay nga ang sinabi nung Monghe na ang mundo ay sadyang nababalot ng hiwaga.
Pasensya na po Katoliko po ako...
Ganon ba, ako rin naman eh kaso naniniwala rin naman ako sa sinasabi ng mga monghe lalo na nang mawala nga ikaw sila ang tumulong sa akin na makamove on nang mawala ka after 27 years natagpuan rin kita.]