Scene 4...
[Sa bahay na tinutuluyan ko...
Kim Jinhwa 59 years old... Ina nina Gangnam, Busan, Incheon at Seoul. Itinuturing ko na ina rin for so many years inaakala kong tunay kong pamilya.
11:00am...
Nagbukas ng ref ako at napansin kong wala nang iuulam para sa kinagabihan.
Ma... wala na tayong ulam, bibili ako mamaya after kumain.
Sige, ikaw ang bahala.
Ma nasaan yung de hila kong binili para sa pamimili sa palengke
Nakakunot lang ang noo ng ina...
Yung polka-dot na bag na napapalaki, ma may gulong iyon.
Ah, iyun baga teka saglit lang titignan ko sa taguan.
Sige po.
Sumigaw si Omma...Incheon punts ka rine haluin mo yung niluluto ko.
Nay, si Seoul na lang...may online class po kami.
Hindi ma naglalaro lang yan ng ML.~tugon naman ni Seoul.
Hoy hindi ha tingnan mo may klase kami ha huwag kang ano diyan yayabugin kita nang makuha mo!
Edi yabugin mo!~
Nasalabas that time si Seoul at nagsasampay ng mga nilabhang damit "patuloy pa rin sa pagtatalo ang dalawa..." biglang napasugod sa kwarto nila ni Incheon at doon nagpatuloy ng pagtatalo.
Nakakatuwang pagmasdan ang dalawang magtalo paano may kasamang kulitan, tawanan, lambingan at salawan.
Nay ako na po, ang sabi ko.
Sya sige. Pagkaluto eh kumain na tayo nang ika'y makahayo na.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko.
Ang bait talaga ng Omma ko!~nanggigigil kong sabi sa kanya sabay halik ko sa balikat nya.~niyakap ko ng mahigpit si Omma. Si Appa nasaan?
Hayun kaumagahan barik agad.
Anak bitawan ko kukunin ko yung bag.
Sya sige po!]
Scene 5...
[Sa kwarto nina Seoul at Incheon...After magaway ng may halong salawan.
Eonnee...sino yarn...? Iyeee...kakilig nemen.
Crush ko na actor si Yi Seop Goo, gusto ko kasi yung mga awrahang katulad ng dating ni Oppa, gwapo, patawa, astig ang galawan at higit sa lahat yummy.
Ha pinagpapantasyahan mo si kuya, Ya! mahiya ka sa balat mo kapatid natin yan dugo at laman mo dumsdaloy rin sa kanya.
Ano ka ba kaya nga si Oppa Yi na lang eh...
Ok fine!~may pagslide pa ng kamay na nalalaman.
Ikaw sino ba crush mo?
Si Ahn Dayoung.~ngunit di lingid sa kaalaman ni Seoul ay si Dayoung ay kavideo call ni Incheon. Nakatalokod kasi ito kay Incheon at nangangalikot ng Cellphone.
Sino nga uli yung crush mo?
Si Ahn Dayoung!
Sino nga?
Tang ina putek kabingi naman ng kupal na ito!~sabi sa isip pero habang kaharap ay nasabi nyang Si DAYOUNG! Si DAYOUNG! Si DAYOUNG! Si DAYOUNG!
Sino?
AHN DAYOUNGIIIII!
Ahn Dayoung rinig mo yun?
Oo!
Nagdilim ang paningin ni Seoul kay Incheon at pinaghahampas si Incheon ni Seoul ng libro.
Ah, ah, aw, apayo!
Wala akong pake kung masakit!~sabay🖕 at alis ng kwarto.
Ahhhhhhhhhh! Kainis...nagpapadyak, nagsisigaw na parang baliw.]
Scene 6...
[Habang naghahayin ng mga pinggan ako at si Omma, Incheon at Seoul naman ang nagdadala ng aming kakainin.
Nandito na po ako!
Oh, Busan maghinaw ka na at sumabay sa pagkain.
Opo ma!
Nay kelan uwi ni Kuya?
Alahuy malay ko di man lang makatawag.
Nay alam nyo namang mahirap magdoktor ah,
Oo na.
Nay napapansin ko lagi nyong binebaby si Kuya.
Aigoo, nainggit pa si Seoul, halika ngang bata ka!
Ako din ma naiinggit.
Pati ikaw rin Incheon?
Ano po ba sa tingin nyo?
Naghahug silang tatlo...Nay sali ako sabi ko.
Parine.
Nang mayakap ko sila napansin ko na tahimik lang si Busan.
Hoy Busan parine ka at maggroup hug tayong lahat.
Ah...oo!~parang wala sa sarili.
Group Hug!~sabay-sabay nilang sinabi.
Pagkakain namin umalis na ako...]
Scene 7...
[Habang ako ay naglalakad, kasi naglalakad lang ako pabayan ay nakita ko si Appa na nakikipaginuman at nagsusugal.
Nakita ako ng isa sa kainuman ni Appa kaya kinalabit niya si Appa.
...
Inom ng alak, Gulp! Ahhhhhhh! Aigoo, sarap!
Hoy Park Seowon...
Won Sang 67 years old katrabaho ni Appa sa Manyong Corporation-MC.
Bakit?~habang ngumunguya. Nakatalikod kasi si Appa.
Park Seowon 60 years old.~ama nina Gangnam, Busan, Incheon at Seoul. I tinuturing ns ina rin ni Seonmul. Katrabaho ni Appa sa Manyong Corporation-MC.
Subo ng pulutan...
Ano!!!~biglang tindig at talikod.
Appa!~nakangiti kong sabi.
Pagnakangiti akong sarado ang mata ko alam ni Appa na galit ako.
Kaya lumapit sya sa akin.
Ano Appa?~nakangiti pa rin ako na pikit ang mata.
Ah...nagiinuman lang kami saglit.
Saglit pero inabot na ng after lunch ano?
Lumapit ako sa kanya at bumulong...mamayang gabi tayo magusap umuwi ka na nagaalala si Omma sa iyo.
Oo! Oo! Saan ka pupunta?
Bibili po ng mga ulam natin para isang linggo.
Sige, magiingat ka!
Opo ama!~nagyakapan kami.
Ikaw rin ama, pasuraysuray ka na tingnan mo ikaw ay matutumba na oh!
Ajusshinim anpng pangalan mo?
Miguelieyo!
Miguel 62 years old.~Filipino nagtatrabaho sa factory ng Manyong Corporation-MC katrabaho ni Appa.
Ah...Migelnim pahatid na lang po si Appa sa amin.
Oo, sige.
Ngayon na po please!~nakangiti ako na pikit ang mata.
Ah, eh...nagdadalawang isip.
Binulungan ni Ajusshi Ahn Soro...Migel gawin mo na galit na sya.
Ahn Soro 70 years old. Katrabaho ni Appa sa Manyong Corporation-MC.
Tumugon rin ito ng pabulong...Ha pano look nakangiti sya ah!
Anong nakangiti, nakakatakot ang aura nya hindi galit yan.
Ah...oo, oo! Dadalhin na.~so weird...~sabi sa isip!
Nilampasan ako nila...sa paglampas ay nadama kong parang may sinabi sya sa akin, kung baga nasense ko kaya sinabi kong "Anong sinabi mo?" nanginig sya at sinabing "Ha?"~nakatingin sa akin, sabay paling sa daan paghahatid kay ama.]