Kinabukasan, inabisuhan lang ng mga Guro ang mga estudyante na pumasok sa eskwelahan, ngunit walang magaganap na klase sa araw na ito.
Dahil na rin sa ipinag-utos ng Vice-Principal na maghintay sa kung ano ang kahihinatnan ng pag-uusap ng Agent ng Lending Company at nang Founder ng School at Vice-Principal.
Sa sobrang tagal dumating ng Agent ng Lending Company, naisip ng mga estudyante ang makipagkwentuhan na lang sa kanilang katabi at ang iba ay naglalaro sa kanilang Android phone o kaya umiiglip sa kanilang upuan.
Nakikipagkwentuhan na rin ang kanilang guro sa mga estudyante dahil na rin sa sobrang pagkabagot.
Maya't maya, pagsapit ng alas diyes ng umaga, isang maingay at magarang motor na mula sa School Gate ang pumasok sa loob ng eskwelahan.
Natuon naman ang atensyon ng mga estudyante at guro sa maingay na motor. Ngunit hinala ng mga guro, ang sakay ng motor marahil ang sinasabing ahente ng Lending company na maniningil ng utang nang kanilang eskwelahan.
Pero habang pinagmamasdan mula sa bintana ang naturang sasakyan na huminto sa Parking Area, biglang kinilabutan si Emily ng makitang tanggalin ng Rider ang kanyang helmet.
Emily: (Jusko! Hindi pwede to! Si Kuya Ramon ang hinihintay na ahente na maniningil sa utang ng School!)
Daniel: "Wow! Ang gwapo naman ng motor! Sana magkaroon din ako ng Ducati pagdating ng araw!"
Kit: "Ang gwapo nga. Pero yung Driver kamukha nung makina ng motor."
Althea: "Uy....Kit. Huwag ka naman ganyan sa bisita. Irespeto mo naman."
Kit: "Ah basta. Kamukha niya yung makina ng motor."
Althea: (Hay...Naku, Kit. Ang sama din talaga ng tabas ng dila mo.)
Matapos makapag-park ang ahente na napag-alaman ni Emily na si Ramon, naglakad ito papasok sa loob ng School building at hinanap ang Principal's office.
Nag-aalala naman ang lahat, lalo na si Emily dahil si Ramon ang maniningil ng utang ng kanilang eskwelahan at nag-aalala siya na baka kunin itong pagkakataon para ibalik siya sa pader ni Ramon.
Gayun pa man, wala din magagawa si Emily kundi ang umasa na hindi siya gamiting kabayaran ng School, sa oras na malaman ng Founder at nang Vice-Principal na dati siyang pinapangalagaan ni Ramon, bago siya naglayas.
Samantala, pagpasok ni Ramon sa loob ng Principal's office, agad siyang pinaunlakan ng Vice-Pricipal na umupo sa kanilang sofa at nakaupo na rin ang Founder ng School katabi ang Vice-Principal.
Umupo naman si Ramon, ngunit ipinatong nito ang kanyang mga paa sa maliit na mesa, na parang siya ang may-ari ng eskwelahan.
Parehong hindi nagustuhan ng Vice-Principal at nang Founder ang ginawa ni Ramon, pero dahil si Ramon ang naniningil ng utang, hinayaan na lang nila ito. Hanggang sa sinimulan nila ang kanilang pag-uusap.
Ramon: "Mr. Seladona, alam niyo naman ngayon na po ang oras ng paniningil."
Founder: "Ah..Opo. Yung bayad sa mga utang. Ma'am? Pakibigay po ang bayad kay Mr. Ferrer."
Mrs. Sarmiento: "Opo, Sir."
Tumayo ang Vice-Principal mula sa inuupuang sofa at pumunta sa kanyang mesa kung saan nakalagay sa ilalim ang isang malaking Attache case.
Tsaka ito kinuha ng Vice-Principal at bumalik sa maliit na Sala ng Principal's office. Pagbalik sa Sala, binuksan at ihinarap ng Vice-Principal kay Ramon ang nilalaman ng Attache Case. Agad namang binilang ni Ramon ang perang laman ng Case.
Habang binibilang ni Ramon ang lamang pera ng malaking Attache case, tahimik at umaasa ang Founder at ang Vice-Principal na sana ay sapat ang nalikom nilang pera para bayaran ang tumataginting na 2 million pesos na utang ng kanilang eskwelahan.
Ngunit, hindi natuwa si Ramon matapos mabilang ang lahat ng lamang pera ng Attache case.
Ramon: "Mr. Seladona, naglolokohan po ba tayo rito?"
Founder: "A-Anong ibig niyo pong sabihin?"
Ramon: "Mr. Seladona, 995,000 pesos lang ang nabilang ko, sa loob ng binigay niyong Attache case! Ang sabi niyo, babayaran niyo nang buo ang 2 million pesos na utang ninyo, bago matapos ang taon!"
Founder: "A-Alam ko na naman po yun, Sir. Pero medyo kinapos po kami ng singil sa mga School events dahil sa hindi naman po nakiki-cooperate ang ilan sa mga magulang ng mga estudyante. Tsaka ayaw po naming gawing mandatory ang pagsali ng mga estudyante sa mga events dahil ayaw naman naming magalit ang mga parents. Tsaka kung maari lang po, pwedeng bigyan niyo pa po kami ng extension? Next year, nangangako po ako, mababayaran na po namin ang utang sa inyong kumpanya."
Sinubukang makiusap ng Founder kay Ramon na bigyan pa sila ng Extension para mabayaran ang utang ng eskwelahan.
Ngunit lalong hindi natuwa si Ramon sa sinabing paki-usap ng Founder.
Ramon: "Extension?! Matapos niyong magyabang sa boss ko na mababayaran niyo agad ang utang ninyo sa loob ng tatlong buwan, humihingi na kayo ng extension?!"
Founder: "Sir, hi-hindi ko naman kasi inasahan na hindi aattend sa School Camping ang ilan sa mga estudyante. Kaya nag-conduct kami ng Halloween party para sa lahat, kung saan magbabayad pa rin ng Entrance fee ang mga makikilahok sa Party. Pero kinulang pa rin kami ng nalikom na pera. Tsaka nagamit na rin namin para sa mga susunod pang School events ang nautang kong pera. Kaya nakikiusap po ako, Sir. Bigyan nyo pa po sana kami ng extension."
Muli na namang nakiusap ang Founder na pahabain pa ang ang mga araw na palugit para mabayaran ang utang ng eskwelahan. Malungkot namang nananahimik at nakikinig sa usapan ang Vice-Principal. Ngunit nagmatigas pa rin si Ramon.
Ramon: "Mr. Seladona, ang utos po sa akin ng aking boss, kapag hindi kayo nakapagbayad, kakasuhan namin kayo ng Estafa. Kaya kung ayaw niyong magbayad, mapipilitan akong magsampa ng kaso sa Korte!"
Founder: "Sir! Nagmamakaawa ako sa inyo! Pagbigyan niyo po akong mabigyan ng extension! Gagawin ko po lahat, mabayaran lang po ang utang ng eskwelahan!"
Ramon: "Gagawin niyo po...lahat?"
Matapos marinig ang sinabi ng Founder, nagkaroon ng interest si Ramon at naalala nitong nag-aaral si Emily sa eskwelahan kung saan siya naniningil.
Tila hindi pa rin nawala ang pagnanasa nito kay Emily, kaya nakaisip ng masamang plano si Ramon kung saan nagbigay siya ng mga kundisyon para pagbigyan ang Founder.
Ramon: "Oh sige. Pagbibigyan kita, Mr. Seladona."
Founder: "Ta-Talaga po, Sir?!"
Ramon: "Pero may mga kundisyon."
Mrs. Sarmiento: (Kundisyon? Hindi ba dapat, tatawag muna siya sa kanyang boss para itanong kung ano ang mga kundisyon ng extension sa kanilang kumpanya? Bakit siya na ang gumagawa ng mga kundisyon? Hindi maganda ang kutob ko sa ginagawa ng lalaking ito.)
Founder: "Sir, ano po ang inyong mga kundisyon?"
Duda ang Vice-Principal sa pagbibigay ng kundisyon ni Ramon para i-extend ang palugit sa pagbabayad ng utang ng kanilang eskwelahan.
Ngunit naging desperado ang Founder na makapagbayad ng utang, kaya tinanggap na lang ang kundisyon ni Ramon kahit na hindi nito ikinukunsulta sa kanyang Boss ang kundisyon ng kanyang kumpanya.
Ramon: "Naalala ko, ako ang nagpapa-aral sa isa sa mga estudyante niyo rito. Pero bigla na lang siyang lumayas sa bahay ng walang dahilan. Kaya naman, pagdating ng Lunch, gusto kong pauwiin sa bahay ang pasaway na batang iyon."
Founder: "Sir, sino po sa mga estudyante ang inyong tinutukoy?"
Ramon: "Si Emily Sanches."
Mrs. Sarmiento: "A-Ano? Si Emily? Tsaka bakit siya lumayas sa bahay ninyo? Sa anong dahilan?"
Ramon: "Napakapasaway niyang bata! Kapag inuutusan mo, hindi siya nakikinig. Pero dahil responsibilidad ko siya at ibinilin siya sa akin ng kanyang magulang, kailangan ko siyang ibalik sa bahay."
Duda ang Vice-Principal sa sinabing dahilan ni Ramon dahil na rin sa naalala niyang mga kwento at tsismis mula sa ibang mga estudyante na ipinaubaya si Emily sa kanyang kapatid na si Lucile noong nasa Grade 7 pa ito.
Kaya sinunod ng Vice-Principal ang kanyang kutob at sinubukang pigilan si Ramon sa kakaiba nitong kundisyon.
Mrs. Sarmiento: (Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking ito. Wala man akong alam sa kung ano ang tunay na nangyari kung bakit lumayas si Emily sa kanyang bahay, pero pakiramdam ko din, may mali sa kanyang kwento at idinidikta ng aking kutob na kailangan ko siyang pigilan.) "Mr. Seladona, Sir. Papayag po ba kayo sa mga kundisyon ni Mr. Ferrer? Parang may mali po kasi sa sinabi niya?"
Founder: "Anong ibig mong sabihin, Ma'am?"
Ramon: "Oo nga. Anong ibig mong palabasin? Na nagsisinungaling ako?!"
Mrs. Sarmiento: "Hindi naman po sa ganun, pero ayon sa mga tsismis ng mga estudyante. Ang ate daw niya ang nag-aalaga sa kanya."
Hindi na natutuwa si Ramon sa sinasabi ng Vice-Principal dahil sa may katotohanan ang naririnig nitong tsismis mula sa mga estudyante.
Ngunit pangsinungalingan ni Ramon ang pinaniniwalaang kwento ng Vice-Principal.
Ramon: "Ma'am Vice, hindi ka dapat naniniwala sa mga tsismis ng mga estudyante. Dahil ako ang buhay na ebidensya na nangangalaga kay Emily at gawa-gawa lang ng tsismosong mga estudyante ang mga tsismis na yan. Tsaka hindi ka ba natatakot na mawalan ng trabaho sa oras na masampahan ka ng kaso ang boss mo? Dapat ang iniisip mo ngayon ay kung paano mapapanatili ang eskwelahang pinatratrabahuhan mo! At hindi yung nakikialam ka sa problema ng iba!"
Mrs. Sarmiento: "Paumanhin sa pangingialam ko sa pagitan ninyo ni Emily pero—!"
Founder: "Tama na nga yan! Mrs. Sarmiento! Gusto mo ba talagang mawalan ng trabaho?! Kaya ako nakikiusap kay Mr. Ferrer ay para maipagpatuloy ang operasyon ng eskwelahan. Pero kung hindi ka sumasang-ayon sa gustong mangyari ni Mr. Ferrer, mapipilitan akong tanggalin ka sa iyong posisyon! Kaya mamili ka, susundin mo ba ang mungkahi ni Mr. Ferrer o kokontrahin mo ang kanyang mungkahi?!"
Bagamat masama ang kutob ng Vice-Principal sa iminumungkahi ni Ramon, pinili na lang niyang sundin ang gusto nito, alin-sunod na rin sa desisyon ng Founder.
Dahil sa bago nilang kasunduan, nangako si Ramon na bibigyan ng extension muli ng tatlong buwan para bayaran ang utang ng eskwelahan, pagkatapos nitong makuha si Emily, pabalik sa kanyang bahay.
Bago pa man dumating ang tanghali, abala pa rin sa pagkwekwentuhan ang mga estudyante sa loob ng Classroom nila Emily.
Sakto namang nararamdaman ni Kit ang pag-atake ng kanyang Asthma kaya nagpaalam na muna siyang pupunta sa banyo at ayaw din niyang malaman ng lahat na mayroon siyang iniindang karamdaman, maliban kay Emily.
Ngunit biglang may nagtext sa Android phone ng mga guro at nagulat ang lahat sa nilalaman nito.
Sir Joey: "Okay, Guys! Makinig! Mayroon ng text ang Vice-Principal. At ang sabi ay....."
Emily: (Hindi maganda ang pakiramdam ko. Tsaka bakit parang ang tagal mag-announce ni Sir.)
Sir Joey: "Teka?! Nagbibiro ba si Ma'am?!"
Daniel: "Sir? Bakit po? Ano pong sabi niya sa text?"
Sir Joey: "Ang sabi niya: Good news! Tuloy pa ang operasyon ng School hanggang sa susunod na taon. Pero may kundisyon...."
Althea: "Kundisyon? Ano pong kundisyon?"
Sir Joey: "Ang sabi: Napagkasunduan ng Agent at nang ating Founder ang kundisyon na gustong pauwiin ng Agent ng Lending Company, pabalik sa kanilang Bahay si Miss Emily Sanches. Dahil sa naglayas ito ng walang paalam sa kanilang bahay. At dahil sa siya ang tumatayong Guardian nito, hinihiling niyang bawiin si Emily pabalik sa kanyang bahay. Kaya mamayang eksaktong 12 Noon, pupunta kami sa Room 10-A para puntahan at ibalik sa kustodiya ng kanyang Guardian si Emily."
Althea (shocked): "A-Ano?! Guardian ni Emily yung Agent?!"
Daniel: "Teka?! Totoo ba yan?!"
Axel: "Emily, naglayas ka sa bahay niyo?!"
Claire: "Emily, bakit ka naglayas sa bahay niyo? Tsaka di ba ang Guardian mo ay ang Ate mo?"
Nagulat si Emily, matapos marinig ang text ng Vice-Principal at agad niyang itinanggi ang mensahe.
Nataranta din si Nina dahil sa alam nito ang tunay na nangyari kung bakit lumayas si Emily sa dati nitong tinitirahan.
Emily: "Sir Joey! Hindi po yan totoo!! Nagsisinungaling po siya sa Vice-Principal!"
Sir Joey: "Nagsisinungaling? Anong ibig mong sabihin?"
Nina: "Sir! Maniwala po kayo kay Emily. Ako po ang Witness kung bakit lumayas si Emily sa bahay nila!"
Sir Joey: "Wi-Witness?! Ba-Bakit? Ano bang nangyari?!"
Ikwekwento na sana ni Emily ang tungkol sa kanyang paglayas sa dati niyang tinitirahan, nang biglang nag-Ring ang Bell bilang sinyales na tanghali na at saktong dumating ang Vice-Principal kasama si Ramon at ang Founder ng eskwelahan sabay kinatok ng Vice-Principal ang pinto ng Classroom ni Sir Joey.
Kinilabutan naman si Emily nang marinig ang katok, kaya dali-dali siyang tumakbo sa tabi ng kanyang Adviser para pakiusapan na huwag siyang hayaang ibigay kay Ramon.
Emily (begging): "Si-Sir!! Please! Huwag niyo po akong ibigay sa kanya!"
Sir Joey: "Emily, ano bang nangyayari?! Tsaka bakit ayaw mong sumama sa kanya?"
Emily: "Sir! Please po! Huwag niyo po akong ibigay sa kanya!"
Mrs. Sarmiento: "Sir Joey, maari po ba kaming pumasok sa loob ng iyong Classroom?"
Nag-aalangan si Sir Joey sa kung ano ang gagawin dahil na rin sa nakita niya ang takot sa mukha ni Emily.
Ngunit, sumunod namang nagsalita at inutusan siya ng Founder na pagbuksan sila ng pinto.
Founder: "Mr. Dela Cruz, buksan mo ang pinto! Huwag mo akong ipinapahiya sa bisita."
Mrs. Sarmiento: "Sir Joey, pagbuksan mo kami ng pinto ng magkaliwa—"
Founder: "Buksan mo ang pinto! Kung ayaw mong tanggalin kita sa iyong trabaho!"
Hindi na nakapagtimpi pa ang Founder dahil sa hindi sila pinagbubuksan ng pinto ng Guro ni Emily.
Pero dahil sa nalagay na din sa alanganin ang trabaho ni Sir Joey, wala na siyang nagawa kundi ang pagbuksan sila ng pinto.
Sir Joey: "Ms. Sanches, pasensya na. Pero kailangan ko silang papasukin dito sa loob."
Emily: "Pe-Pero, Sir! Ayoko na pong bumalik sa bahay na iyon!"
Wala nang nagawa si Emily nang maglakad papunta sa pinto ng kanilang Classroom ang kanilang guro at pinagbuksan ang Founder, Vice-Principal at si Ramon.
Agad namang tumakbo si Emily sa tabi ni Nina at yumakap sa braso nito. Nauunawaan ni Nina na hindi maganda ang kahihinatnat ni Emily, sa oras na kunin siya ni Ramon.
Kaya hinawakan din nito ang kamay ni Emily. Pagbukas ni Sir Joey, agad pumasok ang Founder, si Ramon at ang Vice-Principal.
Magsasalita pa sana ang Founder para alamin kung sino sa mga estudyante si Emily, nang biglang naglakad si Ramon, matapos makita si Emily sa tabi ni Nina, tsaka ito lumapit sabay hinila ang kaliwang braso nito palayo sa kanyang kaibigan.
Ramon: "Emily, halika na! Umuwi na tayo!"
Emily: "A-Ayoko!"
Kumapit si Emily sa kamay ni Nina at pilit din siyang hinahawakan nito. Ngunit nagalit si Ramon nang makitang hininila ni Nina ang kamay ni Emily.
Ramon: "Hoy! Bitawan mo nga yan!"
Nina: "Ayoko! Masama ugali mo! Kaya hindi ko hahayaan na iuwi si Emily sa bahay mo!"
Nagalit ng husto si Ramon sa pagkapit ni Nina sa kamay ni Emily.
Kaya biglang hinila ni Ramon si Emily kung saan napabitaw si Nina sa kamay nito. Maglalakad pa sana si Nina palapit kay Emily para pigilan si Ramon, nang humarang at nakialam ang Founder sa ginawa ni Nina.
Tila pinapaboran pa si Ramon ng Founder. Nang makita ni Sir Joey ang pamimilit ni Ramon na hilain si Emily, tila nagkaroon din ito ng kutob na may gagawing masama si Ramon. Kaya nangatwiran ito sa Founder.
Founder: "Iha! Kung ayaw mong mapatalsik sa School, huwag lang makialam sa problema nila!"
Nina: "Eh Sir! Hindi niyo po naiintindihan! Lumayas po si Emily sa bahay nila dahil Rapist po ang lalaking iyan!"
Ramon: "Huwag kang maniwala dyan! Mr. Seladona! Gumagawa lang ng kwento ang batang yan para sirain ang reputasyon ko!"
Sir Joey (annoyed): "Anong reputasyon ang tinutukoy mo?! Sa nakikita ko, parang pamimilit ang ginagawa mo! Mayroon bang taong kagalang-galang na bigla na lang kakaladkarin ang isang Teenager paalis ng kanyang Classroom?! Tsaka nandito ka na rin lang bilang Guardian ni Emily, bakit hindi natin pag-usapan dito sa loob ng Classroom ang problema niyo ni Emily at kung bakit siya lumayas sa bahay niyo?!"
Mrs. Sarmiento: "Oo nga naman! Tama si Sir Joey! Sir Seladona. Ba't hindi po natin sila pag-usapin dito sa loob ng Classroom ng magkaliwanagan tayo?"
Nang marinig ni Ramon ang Adviser ni Emily at ang Vice-Principal sa pangangatwiran at tila pinipigilan siyang umalis para pag-usapan ang nangyaring paglayas ni Emily sa kanyang bahay, naisip niyang malalagay siya sa alanganin kapag pinaunlakan ni Ramon ang katwiran ng dalawa.
Kaya muli nitong ginamit ang kooperasyon ng Founder at nagbanta rito na kakasuhan, kapag hindi nakisama sa pagkuha kay Emily.
Ramon: "Mr. Seladona, wala na akong panahon para pag-usapan pa ang paglayas ni Emily dito sa School! Ang gusto kong mangyari ay kunin si Emily pabalik sa bahay! Dahil may lakad pa ako mamayang hapon!"
Founder: "Sir, wala naman pong masama kung pag-usapan pa muna natin ang hindi niyo pagkakaunawaan ng alaga mo. Total may katwiran din ang Adviser at ang Vice-Principal. Kaya kung maari lang—!"
Ramon: "Gusto mo bang kasuhan na kita ngayon nang dahil sa hindi mo pagbabayad ng iyong utang?! Kung ayaw mong masira ang pangalan mo, makisama ka sa pinagkasunduan natin!"
Tumahimik ang Founder sa sinabi ni Ramon dahil sa pagbabanta nito na kakasuhan siya, kapag hindi tumupad sa kanilang napagkasunduan.
Kaya walang nagawa ang Founder kundi ang sumunod sa sinabi ni Ramon.
Pero bago pa nito pagsabihan ang lahat ng mga nasa loob ng Classroom, biglang may humila kay Emily mula sa pagkakahawak ni Ramon at nabitawan ang kamay nito.
Nagulat naman si Emily nang makita ang taong humila sa kanya.
Emily: "Ru-Ruby?! Te-Teka?! Bakit mo ako—"
Ruby: "I'm tired of this drama! Kaya it's time to do the right thing!"
Ramon: "Hoy! Ba't mo hinila yan babaeng yan ha?! Sino ka sa akala mo?!"
Ruby: "I'm Ruby Fajardo! Daughter of your Boss!"
Ramon: "Fajardo? Anak ng aking Boss?"
Nagtaka si Ramon sa sinabi ni Ruby at tila inaalala ang apelyido nito. Hanggang sa natawa si Ramon nang maalala nito ang tungkol sa tatay ni Ruby.
Ramon: "Fajardo?! Tatay mo si Manuel Fajardo?!"
Ruby: "Yes! Why?! Is there something wrong?!"
Tumawa si Ramon ng makumpira mula kay Ruby ang pangalan ng kanyang tatay. Hanggang sa ipinahiya ni Ramon si Ruby sa lahat, nang sabihin nito ang tungkol sa tatay nito.
Ramon (smirk): "Hahahaha!! Nakakatawa naman! Nag-aaral din pala dito ang anak nung talunang lalaking yun!"
Ruby: "Wha-What?! Talunan?! He's not talunan! He's—"
Ramon: "Isa siyang PULUBI!! Alam mo kung bakit?! Napakasobrang maawain ng tatay mo sa mga umuutang sa kumpanya!! Kung kaya't lagi niyang binibigyan ng extension ang mga umuutang sa kanya, kung saan lagi siyang tinatakbuhan ng mga nagkaka-utang sa kanya!! Kaya siya tinanggal ng aking Boss sa trabaho dahil nalulugi ang kumpanya sa kanya!!! ISA SIYANG KAHIHIYAN!!"
Nang marinig ng lahat nang nasa loob ng Classroom ang tungkol sa pagkakatanggal ng tatay ni Ruby sa trabaho, tila naisip ng lahat ng mga estudyante na hindi pala nagmula sa isang marangyang pamilya si Ruby.
Masama naman ang loob ni Ruby nang matapos ipagsabi ni Ramon sa lahat ang tinatago niyang sikreto.
Ngunit hindi nagpadaig si Ruby sa ginawang pagpapahiya sa kanya ni Ramon.
Ruby: "Siguro nga, isang kahihiyan si Papa sa kumpanya kung saan siya dating nagtratrabaho..... Pero, isang mabait na tao si Papa!! Kaya naman, hindi mo makukuha si Emily kung ayaw niyang umuwi sa bahay mo!"
Emily: (Ru-Ruby...)
Agad humarang si Ruby sa harap ni Ramon kung saan lalo pa itong nagalit sa ginawa nito.
Pero dahil sa galit, sinubukang hablutin ni Ramon si Emily mula sa likod ni Ruby. Ngunit sa tuwing ginagawa niya ito, itinutulak naman siya ni Ruby.
Nagalit naman ang Founder sa ginagawa ni Ruby, ngunit inaabala naman siya nina Ivy at Samantha sa pamamagitan ng pagsumpit ng sago sa panot nitong ulo habang tinatago sa ilalim ng upuan ang baso ng kanilang iniinom na sago't gulaman.
Gumawa naman ng paltik sila Daniel at ang iba pang mga kaibigan ni Emily at patago ding inabala ang Founder.
Hanggang sa napagtulungan na nilang sumpitin at paltikin ang Founder at kung minsan si Ramon.
Kaya nabaling ang atensyon nito sa mga nanunumpit at namamaltik.
Nagkukunwari lang na walang nakita ang Adviser at ang Vice-Principal dahil alam nilang ginagawa ng mga estudyante ang tama.
Founder: "Ms. Fajardo! Itigil mo yan kung ayaw mong—! Aray! Sinong may gawa nun?!"
Ivy: (Bullseye! Diretso sa panot!)
Samantha: (Akala mo ikaw lang, hintayin mong lumingon sa kabila yan uto-utong matanda na iyan at.....)
Founder: "Sabihin niyo! Sinong nanunumpit sa inyo?! Kung ayaw nyong— Aray! Ang mata ko!"
Samantha: (Yan ang bullseye!)
Daniel: (Etong bagay sayo! Panot!)
Allan: (Sabay-sabay! Attack!)
Allen: (Roger that!)
Axel: (Kailangan naming makabawi sa kasalanan namin sayo, Emily. Kaya makikipaltik na rin ako.)
Claire: (Hindi ko linya ang manakit ng tao at sa ganitong kalokohan. Pero bahala na!)
Isaac: (Guys! Ingat lang! Baka makita tayo!)
Nina: (Buti nga sayo! Panot! Pinapanigan mo pa kasi yung wala sa katwiran!)
Edward: (Di ko akalain na masaya din palang lumabag sa regulations ng School. Lalo na kung wala sa katwiran yung patatamaan mo ng paltik.)
Jackson: (Gusto ko silang suntukin pareho. Pero mahirap nang mapatalsik sa School.)
Natamaan naman ni Daniel sa ilong ang Founder, ang kambal naman nakatama naman sa pisngi at ang ilan naman ay sa buong katawan ng Founder.
Nainis ang Founder sa pamamaltik ng lahat at hindi matukoy kung sino ang may gawa. Kaya lumabas na muna ito sa kwarto ni Sir Joey dahil sa sobrang inis.
Founder: "Kung sino man kayo, mga bastos kayo! Hindi niyo na iginalang ang mas nakakatanda sa inyo! Sir Dela Cruz at Ma'am! Kayo na muna ang bahala sa paghahanap sa mga nambabato! Lalabas na muna ako!"
Sir Joey: "Sige po, Sir!"
Mrs. Sarmiento: "Okay po, Sir. Kami na po ang bahala!
Lumabas mula sa loob ng Classoom ang Founder at ang nalalabi na lang ay si Ramon. Ngunit hindi na natiis pa ni Ramon ang magtimpi, dahil sa pinipigilan siya nito.
Kaya nagulat ang lahat nang sampalin nito si Ruby at sa lakas ng pagkakasampal, halos mamaga ang mukha nito tsaka niya hinila si Emily.
Ruby (hurt): "AW!"
Sir Joey: "Hoy! Ba't mo yun ginawa sa estudyante ko ha?!"
Mrs. Sarmiento: "Hoy! Wala kang karapatan na manakit ng ibang tao!"
Emily: "Nakita niyo naman kung anong ginawa niya kay Ruby! Masama siyang tao!"
Ramon: "Masama na kung masama! Pero isa lang ang mangyayari dito kapag hindi niyo ako sinunod! Ipapasara ko ang mahal niyong eskwelahan kapag pinigilan niyo akong iuwi si Emily!"
Sir Joey: "Bakit?! Anong gagawin mo kay Emily kapag naiuwi mo na sya?!"
Ramon: "Wala ka na dun!"
Sir Joey: "A-Ano?! Anong gagawin mo sa kanya?!"
Kinaladkad ni Ramon si Emily paalis ng Classroom, sinundan naman siya nina Sir Joey at si Mrs. Sarmiento kasama ang ilan sa mga estudyante.
Nilapatan naman nina Ivy at Samantha si Ruby ng First aid, pagka-alis ni Ramon. Ngunit paglabas nina Emily at Ramon sa Classroom, hinarang ng Founder ang mga sumusunod at pinagbantaan na patatalsikin ang sino mang sumubok na pigilan si Ramon.
Founder: "Hanggang dyan na lang kayo sa pinto!! Mga pasaway!"
Sir Joey: "Sir! Hindi niyo po ba narinig yung sinabi ng lalaking yun kanina?! Masama na daw siya kung masama! At base sa sinabi niya, may gagawin siyang masama kay Emily!"
Mrs. Sarmiento: "Tsaka Sir! Sinampal niya yung isa sa estudyante ni Sir Joey! Patunay na yun na may gagawin siyang masama kay Emily at dapat tumawag na tayo ng pulis habang nandito pa sya sa School!"
Founder: "At para ano?! Ako pa ang baliktarin ni Mr. Ferrer at sabihin niya sa mga pulis na akusahan ako sa hindi pagbabayad ng utang?! Hindi ko ipagsasapalaran ang kapalaran ng Eskwelahan na ito para lang sa buhay ng isang Estudyante!!! Kaya kapag sinubukan niyo pang pigilan si Mr. Ferrer sa gusto niya, estudyante man o kung sino ka pang opisial ng eskwelahang ito ay patatalsikin ko!!"
Nanahimik at masama ang loob ng mga estudyante kasama na sina Sir Joey at si Mrs. Sarmiento sa sinabi ng Founder.
Nakita din nilang nabulag na sa katotohanan ang kanilang Founder at pinapanigan pa si Ramon dahil sa kagustuhan nitong hindi makasuhan.
Ngunit naunawaan din nila ang dahilan ng Founder dahil biktima din ito ng panloloko at desperado itong ipagpatuloy ang operasyon ng Eskwelahan.
Kaya tinanggap na lang ng mga estudyante at nina Sir Joey at Mrs. Sarmiento ang babala ng Founder habang pinanood mula sa tapat ng kanilang Classroom ang pagkaladkad ni Ramon kay Emily.
Habang kinakaladkad, nagpupumiglas si Emily sa paghawak ni Ramon sa kanyang kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito na halos pilipitin ang kanyang kamay.
Emily: "Bitawan mo ako! Ayokong sumama sayo!"
Ramon (sarcastic tone): "Sa ayaw mo't hindi, sasama ka sa akin! Dahil kailangan mong pagbayaran ang pag-iwan sa akin ng ate mo!"
Emily: "A-Ayoko! Bitawan mo nga ako!"
Hanggang sa kinagat ni Emily si Ramon at nakabitaw ito sa kanyang kamay.
Pero nagalit si Ramon sa ginawang pagkagat ni Emily sa kanyang braso. Kaya malakas na sinampal nito si Emily.
Emily: "Aah!"
Ramon: "Ano?! Susunod ka ba sa akin o Gusto mo pang masak—! AAHKK!"
Pero hindi inaasahan at ikinagulat ng lahat nang makita nilang mabilis na sumugod mula sa kalayuan si Kit at malakas na sinipa ng Flying kick si Ramon sa mukha.
Emily (shocked): "Ki-Kit!"
Isaac: "Te-Teka muna?! Si Kit ba yun?!"
Althea: "Oo si Kit nga!"
Nahilo at napatumba sa sahig si Ramon matapos siyang sipain ni Kit sa mukha.
Ngunit may napansing kakaiba si Axel ng makita nitong inundayan ng suntok si Ramon sa sahig.
Tulala at nanood lang si Emily nang makita sa unang pagkakataon ang reaksyon ni Kit.
Axel: "Gu-Guys! Hindi maganda to! Galit si Kit! Bubugbugin niya yung salbaheng ahente!"
Isaac: "Axel! Paano mo nalamang galit si Kit?! Eh wala naman siya sa loob ng room habang kinakaladkad si Emily?!"
Nina: (Hindi kaya, dahil sa nakita niyang sinampal si Emily?!)
Founder: "Hoy! Ikaw! Tumigil ka!! ITIGIL MO YAN!"
Nagpatuloy lang si Kit sa panununtok at binangon niya mula sa pagkakahiga sa sahig ang hilong-hilo na si Ramon.
Kit (annoyed): "Kay babaeng tao, sasampalin mo lang! Dudurugin ko ang mga kagaya mong walang galang sa babae!"
Tsaka niya ito isinandal sa pader at muling pinagsusuntok ang katawan at mukha ni Ramon.
Agad naman tumakbo sila Axel, Sir Joey at si Mrs. Sarmiento kasama ang Founder para pigilan si Kit.
Agad hinawakan nina Sir Joey at si Axel ang balikat at braso ng galit na si Kit, tsaka siya inilayo mula kay Ramon.
Habang ang Founder at si Mrs. Sarmiento ay inalalayan si Ramon.
Kit (frustrated in anger): "Hoy! Hindi ko palalagpasin yan ginawa mo kay Emily! Sisiguraduhin kong dudurugin ko yan pangit mong mukha!!"
Sir Joey: "Kit! Tumigil ka na! Ano bang problema mo at galit na galit ka ha?!"
Axel: "Kit! Tama na yan! Ilalagay mo lang ang lahat sa alanganin!"
Nang magkaroon ng ulirat si Ramon mula sa pagkakahilo, bunga na rin ng hindi inaasahang pagsipa ni Kit, agad siyang tinanong ng Founder kung maayos na ba ang kanyang kalagayan.
Founder: "Mr. Ferrer, Okay lang po ba kayo? Hindi ba kayo gaanong nasaktan?"
Galit namang sinagot ni Ramon ang Founder dahil sa natamo nitong pasa sa mukha, katawan at pamamaga sa kanyang kanang pisngi.
Ramon (unamused): "Mr. Seladona, mukha ba akong hindi nasaktan sa hitsura kong ito?!!"
Founder: "Eh...A-Ano....nasaktan siyempre."
Ramon (irrirated): "Iuntog kaya kita sa pader?! Nakikita mo na nga, magtatanong ka pa!"
Founder: "Pa-pasensya na sa nangyari. Ha-Hayaan mo, patatalsikin ko na mula sa araw na ito ang—"
Ramon: "Tama na!! Tapos na ang kasunduan natin!! Bukas magdadala na ako ng mga pulis para hulihin ka at ipapasara ko na ang mahal mong eskwelahan!!"
Founder: "Sir! Huwag naman pong ganyan! Babayaran ko po kayo! Bigyan niyo lang ako ng panahon!"
Galit na itinulak ni Ramon ang Founder pati na si Mrs. Sarmiento na umaalalay lang sa kanya.
Tsaka ito bahagyang naglakad. Pero bago siya umalis, nag-iwan na muna ito ng mensahe sa lahat ng nakikiusisang mga guro at estudyante. Lalo na kay Emily
Ramon: "Magpakasaya na kayo sa nalalabi niyong oras na magkakaklase!! Dahil bukas magsasara na ang inyong mahal na eskwelahan!! At hindi ka na rin makakapagtapos pa, Emily!! Dahil muli ka na namang magsisimula ng Grade 10 kapag—"
Kit (annoyed): "Ang dami mo pang sinasabi!! Lumayas ka na nga dito!!"
Sabay ibinato ng malakas ni Kit ang nakabulsa nitong Taser mula sa kanyang bulsa, matapos niyang makapagpumiglas at mabitawan ni Axel ang kanyang kanang kamay.
Nasapul na naman ang kaliwang mata ni Ramon, na dahilan para tumigil sa ito pananalita.
Ramon: "ARAY! Ugh! Bw*s*t ka! Pagbabayaran mo to ng malaki!!"
Kit: "Oo! Kahit isampal ko pa sa mukha mo!!"
Ramon: "Magkikita tayo bukas! At humanda ka, dahil hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo!"
Kit: "Ganun ka rin! Humanda ka rin bukas!"
Ramon: (Talagang hinahamon mo akong bata ka ha! Tatawagin at dadalhin ko si Boss bukas ng makita mo kung sino ang kinakalaban mo!)
Sa sobrang galit, naglakad paalis ng School building si Ramon at agad na sumakay sa kanyang magarang motor, sabay alis palabas ng eskwelahan.
Ngunit agad namang sinermonan si Kit ng Founder matapos ang ginawa nitong pambubugbog kay Ramon.
Founder (mad): "Walang hiya kang bata ka!! Sinira mo ang lahat!! Nang dahil sayo, makakasuhan ako at magdadala pa siya ng pulis dito para ipasara ang buong eskwelahan!! Kasalanan mo to!! Mr. Zacarias! Kung sino man ang may kasalanan kung bakit nawalan kayo ng trabaho na mga guro at Staff, at kung bakit ito na din ang huling araw na makakapasok kayo sa eskwelahan, SIYA ANG SISIHIN NIYO!!"
Sa sobrang galit ng Founder kay Kit, dinuro pa siya nito at ipinagsabi sa lahat na si Kit ang may kasalanan, tsaka inanunsyo na ipagbigay alam sa magulang ng lahat ng mga estudyante na pumunta sa School ground bukas para sa huling seremonya ng pagsasara ng eskwelahan.
Agad namang nilapitan ng Vice-Pricipal, mga kaibigan at ang Guro nito si Emily. Pati na rin si Kit para kamustahin ang kanyang kalagayan.
Ngunit nakita nilang umiiyak si Emily at tila sinisisi ang kanyang sarili dahil sa mga nangyari.
Emily: "Guys! Ako ang may kasalanan kaya ipapasara ang School."
Sir Joey: "Emily, wala kang kasalanan. Sadya lang na masama ang ugali ng dati mong Guardian."
Mrs. Sarmiento: "Oo nga, Ms. Sanches. Buti sinunod ko ang aking kutob na may mali sa pag-uugali ng lalaking iyon. So ibig sabihin, hindi ang Ahenteng yun ang Guardian mo?"
Emily: "O-Opo, Ma'am."
Nina: "Sa katunayan po, Ma'am. Ang ate niya po ang tunay na nangangalaga kay Emily. Pero...."
Mrs. Sarmiento: "Pero ano?"
Ipinaliwanag ni Nina kay Mrs. Sarmiento at sa kanyang Guro ang dahilan kung bakit lumayas si Emily, dahil sa inabandona siya ng kanyang Ate.
Nakikinig din sa kwento ang kanilang mga kaibigan at pati na rin ang mga grupo ni Ruby ay nakisali rin matapos makabawi ng lakas mula sa pananampal ni Ramon.
Matapos ikwento ni Nina sa lahat ang mga nangyari, hindi natuwa ang ilan ginawa ng Ate ni Emily at sa pagtatangkang pagsamantalahan si Emily.
Mrs. Sarmiento: "Grabe! Ang sama pala talaga ng Ahenteng iyon! Buti talaga, sinunod ko yung aking kutob!"
Sir Joey: "Opo. Ako nga rin po. Ma'am."
Althea: "Pero kahit malaman pa natin ang tunay na nangyari kay Emily kung bakit siya lumayas, hindi naman po nun mababago na ipapasara na ang school bukas."
Tahimik na naghihinayang ang ang mga magkakaklase sa sinabi ni Althea. Ganun din ang kanilang Guro at Vice-Principal.
Kaya muli na namang sinisi ni Emily ang kanyang sarili.
Emily: "So-Sorry po. Kasalanan ko po ito lahat. Totoo po talaga ang sinabi ni ate. Ako talaga ang nagdadala ng—!"
Biglang lumapit si Kit kay Emily matapos nitong huminahon mula sa kanyang naramdamang galit kay Ramon.
Sabay hinawakan ni Kit ang balikat ni Emily tsaka niya seryoso itong pinagsabihan.
Kit: "Tumigil ka nga sa paninisi mo sa sarili mo! Hindi ikaw ang nagdadala dito ng malas!"
Emily: "Pe-Pero.... nadamay ka Kit dahil sa dala kong malas! Sinisisi ka nang lahat! Kahit ang Founder, ikaw ang sinisisi! Hi-Hindi mo ba napapansin!"
Kit: "Hindi ako naniniwala sa masamang pamahiin ng matanda! Kaya magtiwala ka sa akin! Hindi ikaw ang malas! O ako! O Sila! Walang malas dito!! Kung sino man ang malas, yung lalaking pangit na iyon na may masamang ugali ang malas! Kaya pagtibayin mo ang loob mo at huwag mong sisihin ang iyong sarili!"
Namangha sina Sir Joey at Mrs. Sarmiento sa sinabi ni Kit kay Emily.
Tahimik namang naunawaan ng mga kaibigan ni Emily at nila Ruby ang kanyang sinabi at gayun din mismo si Emily.
Sir Joey: (Napakatalinong bata talaga ni Kit. Akalain mo, ni minsan hindi ko pa siya narinig na ganyan.)
Mrs. Sarmiento: (Hindi ko akalain na napakapositibo pala ng pananaw ng batang ito. Hindi halata sa dala niyang mga kalokohan.)
Nina: (Napakapositive ni Kit. Dahil diyan nagsisimula na akong matuwa sayo.)
Emily: "Si-Sige. Ga-Gawin ko ang sinabi mo Kit." (At sa lahat ng nandito, siya lang ang promotekta sa akin. Pati din si Ruby. Yung mga taong akala mong masama ang ugali sila rin pala ang aagapay sa akin. Dapat humingi akong tawad sa kanila pagdating ng uwian.)
Kit: "Eh di mabuti, kung ganon."
Edward: "Guys, Ma'am at Sir. Ayoko man pong maging Kill Joy sa inyo, pero ano pong mangyayari po sa School bukas?"
Matapos ungkatin ulit ni Edward ang tungkol sa pagpapasara ni Ramon sa kanilang School, biglang nanahimik at nalungkot ang lahat.
Sir Joey: "So, paano na po yan, Ma'am. Eto na po marahil ang huling araw na makakausap ko kayo."
Mrs. Sarmiento: "Oo. Ganun din ako Mr. Dela Cruz. Ikinagagalak kong makatrabaho ka sa School na ito."
Isaac: "Ikinagagalak din po namin, Sir na maging Adviser po namin."
Daniel: "Opo Sir. Ganun din po ako."
Ruby: "Ako rin po, Sir. Tsaka sorry po sa mga nagwa ko pong pagchecheat sa tuwing magkakaroon po tayo ng quiz."
Allan: "Ganun din po kami ni Utol!"
Allen: "Oo nga!"
Claire: "Sir, huwag po sana kayong makakalimot sa amin kapag nakapaghanap na po kayo ng ibang School na pagtratrabahuhan. At ganun din po si Ma'am Sarmiento."
Nagpapaalam na ang mga kaibigan ni Emily sa kanilang guro at nalulungkot ang mga ito dahil sa ito na marahil ang huling araw na magsasama sila bilang estudyante, guro't Adviser at Vice-Principal ng kanilang eskwelahan.
Ngunit binasag agad ni Kit ang kanilang pagdradrama ng mga ito nitong sabihin ang isang bagay.
Kit: "Tumigil nga kayo!! Walang magpapaalam sa inyo hangga't hindi pa kayo nakakagraduate sa eskwelahan na ito!"
Ruby: "Kit, what's your problema?! Don't you realize?! Bukas, ipapasara na ang School bukas at wala tayong magagawa! Kaya bakit mo pa kami pinipigilan na magpaalam sa isa't isa?!"
Edward: "Oo nga. Napaka-Kill Joy mo naman, Kit."
Naging masama ang tingin ng lahat sa sinabi ni Kit na akala nila ay nagbabasag ng kanilang moment. Hanggang sa nagtaka sila sa sumunod na sinabi ni Kit.
Kit: "Siguro kayo, Oo! Wala nang magagawa. Pero ako mayroon."
Emily (confused): "Kit? A-Anong ibig mong sabihin?"
Kit: "Ipinapangako ko sa inyong lahat, hindi maipapasara ang School bukas. Gagawa ako ng paraan."
Daniel: "Gagawa ka ng paraan?! Anong paraan?! Guguluhin mo yung Ahente ng Lending Company?! O kaya bugbugin ulit sa harap ng mga parents natin?!"
Kit: "Emily, may tiwala ka ba sa akin?"
Emily (shocked): "Huh? Ako?!"
Biglang naging seryoso ang mukha ni Kit nang tanungin nito si Emily. Hindi naman mawari sa isip ni Emily sa kung ano ang ibig sabihin ni Kit.
Ang mga kaibigan naman ni Emily, iniisip na nababaliw na si Kit at naisip nilang isang kaguluhan na naman ang gagawin nito bukas para pigilan si Ramon.
Bagamat naguguluhan si Emily sa tanong ni Kit, nagbakasali na lang siya ng sagot.
Emily: "Oo, Kit."
Nina: "Ha?! Naniniwala ka sa kanya?!"
Emily: Oo, Nina."
Sir Joey: "Kit, anong nasa isip mo? At anong pinaplano mong gawin?"
Hindi sinagot ni Kit ang tanong ng kanyang guro. Ngunit nangako siya sa lahat ng kaniyang kaklase, kay Sir Joey pati na rin sa kay Mrs. Sarmiento.
Kit: "Sir Joey. Bukas niyo po malalaman kung ano ang gagawin ko. Tsaka huwag kayong mag-alala, hindi ako gagawa ng gulo. Pero ipinapangako ko po sa inyo, hindi maipapasara ang School at magkikita pa tayo sa monday."
Axel: "Kit! Anong ibig mong sabihin?! Anong pinaplano mo?!"
Kit: "Bahala ka nga sa buhay mo, Axel. Tsaka Nina, pakibantayan si Emily para sa akin ha?!"
Nina: "Huh?! Ahh...sige."
Kit: "Sir at Ma'am. Uuwi na po ako ng maaga. Total wala na rin pong pasok sa Hapon."
Sir Joey: "Uh..Ma'am, anong desisyon niyo po?"
Tinitigan ng Vice-Principal sa mga mata ni Kit, at tila may nagdidikta sa kanyang isipan na dapat siyang magtiwala rito.
Kaya pumayag si Mrs. Sarmiento na pauwiin si Kit ng maaga.
Mrs. Sarmiento: "Sige, Kit. Maari ka nang umuwi."
Kit: "Opo, Ma'am. Salamat po."
Sabay alis ni Kit palabas ng Hallway. Napansin naman ni Sir Joey na wala itong dalang bag at sinadya marahil na iwan ito sa loob ng Classroom.
Pagkatapos ng mga nangyari, ginugol na lang ng mga estudyante ang nalalabing huling oras nila sa loob ng Classroom sa pakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan at Guro.
Gayun din ang mga kaibigan nila Emily at Ruby. At nagkapatawaran ang mga ito matapos masaksihan na hindi naman pala ganun kasama si Ruby.
Hanggang sa tumunog ang Bell at nagpaalam sa isa't isa ang mga estudyante tsaka sila umuwi at ibinalita sa kanilang mga magulang na ipapasara ang kanilang eskwelaha.
Nang marinig ng mga magulang ang kwento ng kanilang mga anak na estudyante, nag-ansabaluta ang mga ito at naghanda para magsagawa ng Welga na ipahinto ang pagpapasara eskwelahan, bukas.
Habang nagsasagawa ang ilang mga magulang upang pigilan ang pagpapasara ni Ramon sa eskwelahan.
Dumating si Kit sa kanilang bahay ng maaga at hinanap ang kanyang Lola.
Kit: "Lola! Lola Delia?! Nandito po ba kayo?!"
Napansin ni Kit na wala sa loob ng bahay ang kanyang Lola. Hinala niya, nagpunta ito sa Gym, sa Downtown kasama ang mga kumare nito para mag-Zumba.
Kaya tinawagan ni Kit ang kanyang Lola gamit ang kanyang Android Phone. Ngunit tatlong minuto na ang lumipas hindi pa rin sinasagot ng kanyang Lola ang kanyang tawag.
Kit: (Ano ba naman yan, Lola! Sagutin mo na! Kailangan ko po kayo!)
Gumaan naman ang loob ni Kit matapos sagutin ng kanyang Lola ang kanyang tawag.
Lola Delia: ["Oh? Apo. Napatawag ka? May ginawa ka na naman bang kalokohan?"]
Kit: "Hi-Hindi. Wala po, Lola. A-Ano... May Problema po ako."
Lola Delia: ["Sige, uuwi na ako. Hintayin mo ako diyan sa bahay. At sabihin mo sa akin kung anong problema mo. Akong bahala sa problema mo."]
Kit: "Salamat po, Lola. Pero hindi niyo po ito masusulusyonan ng mag-isa."
Lola Delia: ["Hay....Okay. Let me guess. Malaking problema yan napasok mo. At hindi simpleng pagpapatawag sa Guidance office."]
Kit: "Lola, mas malala pa po dun. Kaya po, hinihiling ko po na pakitulungan po ako nina Uncle Ansyong at Uncle Mark para po sa akin."
Lola Delia: ["Hay....kung nabanggit mo sa akin ang pangalan ng mga Uncle mo, talagang napakalaki ngang problema iyan napasok mong gulo. Anyway, minsan ka lang naman humiling sa akin na pakiusapan silang tulungan ka, kaya mamimili na rin ako ng Dinner para sa ating lahat, mamaya at nang mapag-usapan din natin ang problema mo, Apo."]
Kit: "Opo. Salamat po, Lola."
Lola Delia: ["Walang anuman, Apo. Basta para sayo, gagawin ko ang lahat."]
Kit: "Opo. Kita na lang po tayo mamaya."
Lola Delia: ["Okay."]
At pinatay na nang kanyang Lola ang linya ng tawag.
Matapos sabihin ni Kit na kailangan niya ang tulong ng kanyang mga tiyuhin, umaasa siya na bibisitahin siya ng mga ito para makikinig sa kanyang paliwanag at gayun din sa kanyang ina, pagkatapos ng kanilang mga trabaho.
Makalipas ang dalawang oras na paghihintay, dumating ang isang pulang Ford Everest sa tapat ng kanilang bahay.
Agad binuksan ni Kit ang gate ng kanilang bahay at ipinark sa isang Garahe.
Lumabas mula sa pulang Ford Everest ang kanyang Lola, kasama ang kanyang dalawang tiyuhin na pinaniniwalaang sila Mark at Ansyong, at ang nanay ni Kit. Ngunit, magtatanong sana ang nanay ni Kit nang pinagsabihan din siya ng kanyang Lola.
Lola Delia: "Amelia, huwag ka muna magtanong ngayon. I think your son looks exhausted."
Amelia: "Sorry, Ma. But, I just want to know kung ano na namang gulo ang pinasok niya."
Lola Delia: "I think we should go inside at kumain na muna tayo. Tapos ipaliwanag mo sa amin, Apo. Kung ano ang problema mo."
Kit: "Opo. Lola."
Tsaka pumasok sa loob ng bahay ang buong mag-anak ni Kit, tsaka sila nagsalo sa biniling hapunan.
At habang naghahapunan, ikwinento ni Kit ang tungkol sa naganap sa kanilang eskwelahan, kaninang tanghali.
Pagkatapos marinig ang kanyang kwento, hindi natuwa ang nanay ni Kit pati na ang dalawa nitong tiyuhin sa kanyang kwento.
Mark: "Seriously? Ipapasara ang inyong School bukas?"
Ansyong: "Kalokohan naman ata yan. Dapat dadaan muna yan sa Due Process ng husgado sa Korte. Anong akala ng District Manager na yan sa sarili niya?! Presidente ng Pilipinas?!"
Amelia: "District manager? Posible kayang yan District manager na iyan, is the same person that I encountered in the Shoe Shop sa Mall, a few weeks ago?!"
Ansyong: "What?! Na-encounter mo yan inutil na yan sa Mall?!"
Amelia: "Yup. Why?"
Ansyong: "Tatawagan ko si Secretary. Tsaka tatawagan ko na din yung Abogado ko. Mukhang minamaliit ako ng hangal na to."
Mark: "Ako din, tatawagan ko din si Director General. At ipapakita natin, Kit, kung sino ang kinakalaban niya."
Kit: "Salamat po, Uncle Ansyong at Uncle Mark."
Amelia: (Wow... iba talaga ang dalawang ito. Ayaw nilang naiinsulto sila ng kung sino. Parang All-Out-War ang pupuntahan nila kung makapagtawag ng mga opisyal sa gobyerno. Mabuti na rin ito para hindi ipasara ang School kung saan nag-aaral ang anak ko at para maturuan ng leksyon kung sino man yan mayabang na nagpapasara sa School.)
Natuwa si Kit matapos, matagumpay niyang makunbinsi ang kanyang mga Tiyo na tulungan siyang pigilan ang pagpapasara sa kanyang eskwelahan at para maturuan ng leksyon ang mayabang na si Ramon.