Pagkatapos ng Christmas Party ng mga Estudyante sa umaga, nagpunta sa Mall sina Emily at Kit para bumili ng Regalo na dapat sana ay ibibigay ni Kit kay Emily sa kasagsagan ng kanilang Christmas Party.
Pagdating ng dalawa sa harap ng Mall, agad tinanong ni Kit si Emily.
Kit: "Anong gusto mong regalo?"
Emily: "Ha?! Eh... di ba dapat susurpresahin mo ako? Kasi nga, regalo? Hindi ba?"
Kit: "Ano ba talaga?"
Emily: "Eh siyempre! Ikaw bahala ang bumili! Hindi matatawag na regalo ang ibibigay mo kung sasabihin ko sayo ang gusto kong regalo!"
Kit: (Arte naman. Pinagbibigyan ko na ngang ibili yung gusto niyang regalo, ayaw pa niyang sabihin. Sige! Bahala ka diyan kung mabigyan kita ng pangit na regalo!)
Napakamot na lang ng ulo si Kit matapos hindi sabihin ni Emily kung ano ang gusto nitong regalo.
Hanggang sa humula na lang si Kit ng bagay na marahil ay magugustuhan ni Emily.
Kit: (Hmm..... Ano bang bagay ang laging gusto ng mga babae?)
Tinignan ni Kit mula ulo hanggang paa si Emily.
Nagtataka naman si Emily sa kung ano ang iniisip ni Kit, kung bakit siya tinititigang mabuti.
Emily: (Ano namang ginagawa ni Kit? Bakit niya ako tinitignan mula ulo hanggang paa? May hinahanap ba siya sa katawan ko?)
Kit: (Sa nakikita ko, hindi gaanong mahilig sa alahas si Emily. Tsaka mukhang bago yan suot niyang T-Shirt na may Red at white Stripes. Yung Skinny Jeans, bago din. Pero yung sapatos, parang.....Teka? Black leather shoes?! Pang Monday uniform namin yan ah?!)
Nagsisimula ng mailang si Emily sa sobrang pagtitig ni Kit sa kanyang katawan at napansin niyang tila tulala din ito.
Kaya naman, lumapit si Emily at ikinaway ang kanyang kanang kamay sa harap ng mukha ni Kit para makuha ang kanyang atensyon.
Emily: "Hello? Kit? Andyan ka pa ba? Nasa loob ka pa ba ng utak mo?"
Kit: (Kung pang monday uniform na sapatos ang suot ni Emily ngayon at isinuot niya na rin ito noong lunes? Ibig sabihin....) "AHA!"
Emily (shocked): "EEEK!"
Nagulat si Emily sa biglang pagsigaw ng "AHA!" ni Kit. Dahil sa ginawa nito, nainis at pinagsabihan ito ni Emily.
Emily: "Kit! Ano ba?! Ba't ka ba nanggugulat?!"
Kit: "Eureka! Alam ko na!"
Emily: "Alam mo na ang alin?!"
Agad hinawakan ni Kit ang kanang kamay ni Emily, tsaka niya ito hinila at nagmadali silang pumasok sa loob ng Mall.
Sobrang naguguluhan si Emily sa kung saan sila pupunta ni Kit. Kaya nagtanong si Emily.
Emily: "Kit?! Saan ba tayo pupunta? Ba't tayo nagmamadali?"
Kit: "Malalaman mo din."
Pagpasok sa loob ng Mall, agad hinanap ni Kit ang sinasabi ng kanyang nanay na murang bilihan ng sapatos.
Ngunit nadismaya si Kit ng makitang sarado ang dating bilihan ng sapatos at may nakalagay na karatulang "Space For Rent" sa sarado nitong pinto.
Maliban sa nadatnan ng dalawa ang nagsarang dating bilihan ng sapatos, nakita din nila ang isang babae at isang matabang kalbo na lalaki, na nakaupo sa tabi ng pinto, at parehong nakatitig sa sahig.
Nagulat naman si Emily nang malapitan ito at makita ang mukha ng babae.
Emily (shocked): "A-Ate?!"
Napatingin ang babae kay Emily, matapos nitong marinig ang boses nito at nakumpirma namang si Lucile ang babaeng nakaupo sa tabi ng pinto.
Maya't maya, nagsalita si Lucile nang makita si Emily.
Lucile: "Ayos ka din, Emily. Ang ganda lagi ng timing mo."
Emily (worried): "Bakit, Ate? Anong nangyari? Okay lang po ba kayo?"
Lucile (annoyed): "Okay lang, Bunso! Nagsara lang naman ang Shoe Shop sa araw na ito dahil nabaon lang naman sa utang yung kumpanya. Tsaka ang ganda talaga ng timing mo! Kung kailan pa yung araw na nawalan ako ng trabaho, tsaka ka naman sumulpot! Malas ka talaga!"
Boché: "Uy! Girl! Huwag ka naman magsalita ng ganyan sa kapatid mo. Wala naman siyang kasalanan sa pagsasara ng Shoe Shop."
Lucile (irrirated): "Wala nga, pero siya ang nagdadala ng malas dito."
Nakisali sa usapan si Kit nang marinig nitong sinisisi si Emily ng kanyang Ate.
Kit: "Ate mo?"
Emily: "Oo, Kit."
Kit: "Kung sino man ang malas sa inyong dalawa, wala nang iba kundi yan Ate mo. "
Nang marinig ni Lucile ang tila walang respetong pananalita ni Kit, agad niyang parehong pinagsabihan ang dalawa.
Lucile: "Emily, sino naman itong lalaking kasama mo?! Boyfriend mo?! Ang sama din ng tabas ng dila ha?!"
Emily: "Ate, hindi ko po siya Boyfriend. Tsaka pasensya na po kayo sa kasama ko."
Kit (mad): "Huwag ka ngang humingi ng pasensya! Itinatakwil ka na ngang kapatid dahil lang sa iniisip ka niyang malas!"
Lucile (irrirated): "Oy! Huwag ka ngang nakikialam sa usapan namin! Tsaka si Emily naman talaga ang nagdadala ng malas!"
Kit (cold tone): "Kung ganun, patunayan mong malas si Emily."
Biglang tumayo si Lucile mula sa pagkakaupo sa sahig, matapos siyang hamunin ni Kit na patunayang nagdadala ng malas si Emily.
Hanggang sa nagsabi ng ilang mga bagay si Lucile na sa tingin niya ay magpapatunay na nagdadala ng malas si Emily.
Lucile: "Gusto mo nang patunay? Namatay ang magulang namin sa aksidente ng dahil sa kanya! Naging miserable ang buhay ko, matapos maiwan sa akin si Emily! At ngayon, nawalan ako ng trabaho dahil sa bigla na lang siyang sumulpot dito sa Mall!"
Sumama ang loob ni Emily matapos sabihin ng kanyang Ate ang mga dahilan na siya pa rin ang nagdadala ng malas sa buhay ng kanyang Ate.
Ngunit, tumitig lang ng nakasimangot si Kit at nagsabi lang ng sarili nitong opinyon tungkol sa sinabi ni Lucile.
Kit: "Ang babaw naman ng mga dahilan mo."
Lucile: "A-Anong sinabi mo?! Mababaw?!"
Kit: "Oo! Napakababaw! Dahil una sa lahat, dapat minalas ka na, pagkapanganak pa lang ni Emily! Pangalawa, nagsimula lang maging miserable ang buhay mo, matapos mamatay ang mga magulang ninyong dalawa! Pangatlo, natsambahan mo lang na lugi na sa negosyo ang Shoe Shop na pinagtratrabahuhan mo at alam yun ni kalbo!"
Boché (unamused): "Hoy! Binatilyong may matalas na dila! Huwag mo nga akong isinasali diyan sa usapan ninyo! At wala akong kinalaman sa pagkalugi ng Shoe Shop!"
Kit: "At kung talagang nagdadala ng malas si Emily, eh di sana matagal na tayong patay nang dahil lang sa kasama natin si Emily, sa mga oras na eto! Tulad na lang ng-"
Sa hindi inaasahan, isang malaking lata ng pintura na mula sa isang pintor na nagpipintura sa kisame ng Mall, ang nahulog malapit sa kinatatayuan ni Kit.
Kit: "Tulad na lang niyan! Kung hindi ko katabi si Emily, eh di sana kanina pa ako patay!"
Emily: (Jusko! Nagkataon lang ba yun?! Isang hakbang na lang, mabubukulan na si Kit kapag nagkataon!)
Boché: "Aba! Grabe! Muntik na si Pogi! Lucile dapat maniwala ka nang hindi malas ang kapatid mo!"
Natigilan si Lucile, matapos isa-isahin ni Kit ang kanyang mga punto at nang makita ang muntik ng pagtama ng lata ng pintura sa ulo nito.
Naisip ni Lucile na wala ngang patunay ang kanyang mga sinabing dahilan.
Habang nagbabangayan sina Lucile at Kit, tahimik lang na nanonood at nakikinig si Emily, at pabor din siya sa mga sinabi ni Kit.
Maya't maya, dumagdag pa ng sinabi si Kit kay Lucile.
Kit: "Tsaka isang bagay pa, alam niyo bang sinubukan din ni Emily ang magpakamatay, dahil lang sa iniisip niyang malas siya sa lahat?!"
Lucile (shocked): "Sinubukang magpakamatay ni Emily?!"
Kit: "Oo. Tatalon na sana siya sa gilid ng Roof deck ng School kung hindi ko lang siya nakita at pinigilan! Kung sakaling nahulog at namatay si Emily sa mga oras na iyon, magiging masaya ka kaya sa buong buhay mo? Lalo na't yung kaisa-isa at natitirang miyembro ng pamilya mo ay namatay ng dahil sa pagiging pabaya mo! Kung sakaling nandito ang mga magulang ninyo, sa tingin mo ba? Matutuwa ba sila sa pagpapabaya mo sa bunso mong kapatid?!"
Hindi kumibo si Lucile matapos sabihin ni Kit na pinagtangkaan ni Emily na kitilin ang sarili nitong buhay.
Ipinaintindi din ni Kit sa kanyang isipan ang maaring mangyayari, sakaling nabubuhay pa ang kanilang mga magulang, habang pinapabayaan si Emily na mamuhay sa sarili nito.
Wala din namang maisagot si Lucile mula sa mga sinabing tanong ni Kit, ngunit natuon naman ang kanyang atensyon sa sinabing pagpapakamatay ni Emily.
Kaya para masigurong nagsasabi ng totoo si Kit, tinanong ni Lucile ang kanyang kapatid.
Lucile: "Emily, totoo bang sinubukan mong magpakamatay?"
Hindi sinagot ni Emily ang tanong ng kanyang Ate at tumingin na lang ito sa sahig.
Mula sa naging reaksyon ni Emily, naunawaan ni Lucile na nagsasabi nga ng totoo si Kit at iniisip ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya. Hanggang sa naisip muli ni Lucile na tanungin si Emily.
Lucile (apologizing): "Emily, mapapatawad mo ba ako kung sakaling humingi ako sayo ng tawad?"
Hindi mawari sa isipan ni Emily kung ano ang kanyang isasagot sa kanyang Ate. Ngunit lumapit si Kit at binulungan si Emily.
Kit: ("Alam mo, naisip ko lang, patawarin mo na siya. Total, kayo na lang ang natitirang magkapamilya dito at sa nakikita ko, nauunawaan na rin ng Ate mo ang sarili niyang pagkakamali. Tsaka magpapasko na rin, kaya bigyan mo na siya ng pangalawang pagkakataon.")
Tahimik na pinag-isipan ni Emily ang binulong ni Kit. Hanggang sa naisip niyang may punto ang mga binitawang salita ni Kit.
Kaya sinunod ni Emily ang kanyang sinabi.
Emily: "Ate. Pinapatawad ko na po kayo."
Nagulat at hindi makapaniwala si Lucile sa sinabi ng kanyang kapatid na pinapatawad na siya nito, sa kabila ng kanyang ginawa na pag-iwan at pagtakas sa responsibilidad kay Emily. Kaya muling inulit ni Lucile ang kanyang tanong.
Lucile: "Si-Sigurado ka ba?! Sa kabila ng lahat ng paninisi at pag-iwan ko sayo?! Pinapatawad mo pa rin ako?!"
Emily: "Opo, Ate! Pinapatawad ko na po kayo! Dahil namimiss ko na po kayo!"
Napaiyak si Lucile sa sinabi ng kanyang kapatid. Hindi na rin napigilang umiyak ni Emily, hanggang sa pumunta sa likod ni Emily si Kit at unti-unti nitong tinulak, papalapit sa kanyang Ate. Agad niyakap ni Lucile si Emily matapos nitong makalapit.
Lucile (apologizing): "I'm so sorry, Emily! Sorry sa lahat ng mga sinabi ko sayo!"
Emily: "Ate! Miss na miss ko na po kayo! Tsaka sorry din po kung nalaman niyo pa kay Kit yung pagpapakamatay ko!"
Lucile: "Huwag mo uulitin yung naisip mo noon ha?! Hindi ako natutuwa sa pagpapakamatay mo! Mangako ka?!"
Emily: "Opo! Hindi ko na po, uulitin! Basta huwag niyo na rin po akong iiwan!"
Lucile: "Promise, Bunso! Hindi na kita iiwan."
Kit: (Kung makapagsabi ng malas sa kanyang kapatid, parang ayaw niya na itong alagaan. Pero nag-aalala din naman pala siya, matapos kong sabihin na sinubukang magpakamatay ni Emily. Hay.....magkapatid nga kayo. Ang labo niyong kausap.)
Nag-iyakan at nagkayakapan ang magkapatid matapos magkapatawaran ang mga ito sa isa't isa.
Habang pinagmamasdan ang magkapatid, hindi naman natutuwa si Kit sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
Kit (ashamed): "Nakakahiya na ito. Pinagtitinginan na tayo ng mga dumaraan na tao."
Boché: "Boy, pagbigyan mo na sila sa moment nila. Ilang linggo rin naman silang hindi nagkita. Pero naisip ko lang, hindi mo ba ako bibigyan din ng moment? Total, pogi ka din naman."
Kit (unamused): "Ihampas ko kaya sayo ang Attache case na may lamang isang milyon? Nang tigilan mo ako."
Boché: "Wow! Isang milyong halaga ng pera?! Sige! Ihampas mo sa akin! Ang yaman mo naman pala!"
Kit: "Hindi. Isang milyong mga bato."
Boché: "Ay...KJ. Akala ko jackpot na."
Napapatagal na sa pagyakap at iyakan ang magkapatid, at naiirita na rin si Kit sa pang-aakit ng katabi niyang kalbong bakla.
Kaya pumagitna na si Kit sa dalawa.
Kit: "Ahem! Tapos na ba kayo?"
Emily: "Ay! Uhm....Sorry, Kit. Mukhang nakalimutan na kita."
Kit: "Okay lang. Atleast, bati na kayo. Tsaka sorry din sa Ate mo, kung naging bastos akong manalita kanina."
Lucile: "O-Okay lang. Kasalanan ko din naman kung bakit ka ganyan manalita sa akin kanina?" (Sigurado bang hindi boyfriend ni Emily ang binatilyong ito? Napansin ko kasing, siya pa ang sumasabat para kay Emily. Pero sa pagkaka-alala ko, nabanggit din noon ni Emily na mayroon siyang Boyfriend. Hmmm...nahihiya kayang umaamin si Emily dahil sa kanyang ugali?)
Humiwalay sa isa't isa ang magkapatid matapos pumagitna ni Kit.
Maya't maya, nagtanong si Kit sa kung ano ang susunod na plano ng magkapatid, ngayong magkabati na ang mga ito.
Kit: "So? Ano na ang plano niyo po ngayon?"
Emily: "Plano? Anong plano?"
Lucile: "Tinutukoy mo bang, ngayon na wala kaming trabaho?"
Kit: "Opo. Tsaka, nakikitulog lang kasi si Emily sa bahay nung isa naming kaklase at yung dating may-ari ng tinutuluyan niyong bahay ay nakulong na din."
Lucile: "Ah! Oo. Nakita kong nakulong si Ramon sa balita sa TV, kamakailan lang. Buti na lang, wala na kami pareho ni Emily sa bahay na yun."
Emily: "Ate, ano na pong mangyayari sa atin, ngayong wala po kayong trabaho. Tsaka nakadagdag problema pa sa atin yung wala ding matitirahan."
Boché: "Hay....alam niyo, kung empleyado lang sana kami ni Lucile ng PULSE Clothing Company, hindi na sana tayo naghihirap. Kasi may libreng bahay ka na sa isang sub-division malapit sa dagat, mataas pa ang sahod mo sa trabaho. Kaya naiinggit ako dun sa katabi nating mga Sales lady ng PULSE."
Matapos marinig ni Kit ang hinaing ng kaibigan ni Lucile, kinuha nito ang kanyang Android Phone at tumawag ito sa kung sino, tsaka ito bahagyang lumayo mula sa kinatatayuan nila Emily.
Nagtaka naman sila Emily, Lucile at Boché sa ikinilos ni Kit, ngunit may hinala na si Emily sa kung sino ang tinatawagan nito.
Emily: (Kit, huwag mong sabihin na tatawagan mo ulit ang Uncle mo para ipasok si Ate sa trabaho?)
Ilang sandali pa, bumalik si Kit, tsaka nito sinabihan si Emily.
Kit: "Emily, may dala pa bang Resume ang Ate mo at si Kalbo?"
Emily: "Eh....Hindi ko alam."
Lucile: "Oo. May dala ako. Buti na lang, naisip kong magdala sa aking plastic envelope."
Boché: "Hay...iba talaga ang tabas ng dila nito. Kung hindi ka lang din cute, baka kanina pa kita pinagsasampal. Tsaka, para saan mo gagamitin ang Resume namin? Hahanapan mo ba kami ng trabaho?"
Kit: "May dala po ba kayo? Mister-ess?"
Boché: "Aba! Siyempre! Eto, kunin mo!"
Inilabas ni Boché mula sa malapad niyang shoulder bag ang kanyang Resume at kasabay ding ibinigay ni Lucile ang kanyang Resume kay Kit. Tsaka sinabihan ang kanyang mga kasama.
Kit: "Hintayin niyo na lang ako diyan."
Emily: "Kit? Saan ka na naman pupunta? Saan mo dadalhin yan mga Resume nina Sir at ni Ate?"
Hindi sinagot ni Kit ang mga tanong ni Emily at naglakad ito palayo sa kanilang kinatatayuan.
Ngunit nagulat sila Emily, Lucile at Boché, matapos nilang sundan ng tingin si Kit at pumasok sa loob ng PULSE Clothing company na katabi lang ng nagsarang Shoe Shop.
Lalo pang namangha ang tatlo ng makita pa nila mula sa transparent na salamin, sa labas ng naturang establisyemento, na pinapasok si Kit ng Sales lady papunta sa opisina ng Branch Manager.
Dahil sa kanilang nakita, agad tinanong ni Lucile si Emily.
Lucile: "E-Emily?! Si-Sino ba yung kasama mo?! Bakit siya pinapasok ng Sales lady sa loob ng Branch Manager's Office ng PULSE?!"
Boché: "Oo nga! Anong uri ng kababalaghan ang nakikita namin?! Madalas, ipinapasa lang sa Sales lady ang Resume ng mga applikante para sa susunod nilang Empleyado! Pero bakit yung kaibigan mo, pinapasok siya diretso sa Branch Manager?! Sabihin mo, Iha?! Sino ba ang lalaking iyon?!"
Matapos tanungin si Emily nina Lucile at Boché. Naalala nito na nangako siya kay Kit na dapat isikreto ang tungkol sa tunay nyang estado na pamumuhay nito. Kaya nagkunwaring walang alam si Emily.
Emily: "Uhm...Kaklase ko lang po siya. Yun lang po ang alam ko."
Boché: "Sigurado ka?"
Emily: "Opo."
Maya't maya, lumabas mula sa Branch Manager's office si Kit at lumabas ng PULSE Clothing, papunta sa kinatatayuan nila Emily.
Pagdating ni Kit sa kanilang kinatatayuan, agad niyang sinabihan sina Lucile at Boché.
Kit: "Okay na. Maghintay na lang kayo ng text."
Boché: "Ano? Text? Anong klaseng Text?!"
Sakto namang may nagtext sa parehong Android phone nina Lucile at Boché.
Nang tinignan nila ang Text message sa kanilang mga Android phone, nagulat ang mga ito sa kanilang nakita.
Boché (surprised): "O.M.G.! Totoo ba ito?! Pinapareport na ako agad ng PULSE Clothing sa Lacresa Branch!"
Emily: "Wow! Congratulations po!"
Lucile (shocked): "Ta-Talaga?! Ang Swerte mo naman Boché. Pe-Pero bakit ako? Pinapapunta nila ako sa.....A-ANO?!"
Boché: "Ba-Bakit Lucile?! Saan ka pinapapunta?!"
Ipinakita ni Lucile sa kanyang kaibigan at kay Emily ang text message sa kanyang Android phone, at maging mga ito ay nagulat sa kanilang nakita.
Boché (shocked): "A-Aguire Aegis Industry Bldg.?! Seryoso ba to?!"
Emily: "At hindi lang iyon! Pinapareport pa si Ate for Secretarial Training!"
Kit: "Wow... Ang Swerte."
Emily: (Haha...Swerte daw, sabi ni Kit. Pero sa tutuusin, alam kong nakiusap ka ulit sa Uncle mo.)
Boché: "Oo! Talagang sobrang Swerte! Ikaw pa naman ang magtrabaho sa isa sa pinakamayamang kumpanya!"
Lucile (feeling happy): "Oo. Hi-Hindi ako makapaniwala! Parang natupad ang pangarap ko sa isang iglap lang!"
Boché: "Masaya ako para sa ating dalawa, Lucile dahil makakapagtrabaho na tayo ulit. Kaya naman, umuwi na tayo sa bahay para maghanda. Tsaka good luck sa ating dalawa bukas."
Lucile: "Oo. Boss. Good luck din sayo."
Boché: "Hahaha! Huwag mo na akong tawaging Boss, Lucile. Kasi hindi na ako ang magiging Boss mo, magmula ngayon. Pero salamat sa pagtawag sa akin ng Boss, sa huling pagkakataon."
Lucile: "Oo. Tsaka salamat din sa pagtanggap sa akin sa bahay mo, noong pinahiya ako ni Ramon. Sobra ang pasasalamat ko sayo."
Boché: "Wala lang yun, Girl! Tsaka ang mabuti pa umuwi na tayo agad ng makapaghanda!"
Lucile: "Oo. Pero paano yung kapatid ko?"
Emily: "Ate, huwag na muna kayong mag-alala sa akin. Nakikitulog pa naman po ako sa bahay ng kaibigan kong babae. Tsaka kung sakaling bigyan po kayo agad ng bahay na matutuluyan, sa bago niyo pong trabaho, pwede niyo naman po akong tawagin para tumira sa bago po nating bahay."
Lucile: "Sigurado ka ba, Bunso? Okay lang ba na hindi muna kita kunin?"
Emily: "Opo. Sigurado po ako. Kaya umuwi na po kayo at maghanda na po kayo para inyong bagong trabaho."
Muli na namang niyakap ni Lucile ang kanyang kapatid na si Emily at sandaling namaalam rito.
Lucile: "Salamat, Bunso. Pangako, tatawagan kita kapag binigyan na nila ako ng bahay na matutuluyan at hinding-hindi na kita pababayaan."
Emily: "Opo, Ate. Hihintayin ko po ang tawag nyo."
Muli na namang nairita si Kit sa kadramahan ng dalawa kaya tumalikod na lang ito at naghanap ng makakain sa tabi.
Boché: (Hay....allergic ata sa drama ang binatilyong eto. Ayaw na may nakikitang nagdradrama. Mabuti pa sabihan ko na si Lucile na umuwi sa bahay ng makapaghanada ng gamit.) "Ahh....Lucile? Kailangan na muna nating umuwi."
Lucile: "Ah..Oo, Boché. Bunso, aalis na kami. Mag-iingat ka palagi."
Emily: "Opo. Kayo din po."
Sakto namang bumalik si Kit na may dalang isang baso ng French Fries sa kanyang kaliwang kamay at tinanong kung tapos na ba silang mag-usap na magkapatid.
Kit: "Okay na? Tapos na ba kayong mag-usap?"
Lucile: "Oo. Tsaka malaki din ang pasasalamat ko sayo.....Uhm..."
Kit: "Kit po, pangalan ko."
Lucile: "Kit. Tama ang sinabi mo. Wala ngang taong ipinanganak na nagdadala ng malas kundi Swerte. Salamat ulit sayo."
Kit: "Huwag niyo pong isipin na nagdadala ako ng swerte. Sadya lang na nagkataon na tinawagan lang po kayo ngayon."
Lucile: "Okay, sige. Hindi ko na ako mag-iisip ng malas at swerte sa mga tao. Pero salamat ulit sa pagpapaintindi sa akin ng aking responsibilidad bilang magulang kay Emily."
Kit: "Wala pong anuman. Tsaka good luck."
Lucile: "Oo. Salamat."
Matapos mag-usap, naglakad paalis ng Mall sina Lucile at Boché, pabalik sa kanilang tinitirahang bahay para paghandaan ang kanilang pagpasok sa kanilang bagong trabaho.
Naiwan naman sina Emily at Kit sa Mall, hanggang sa maisip ni Emily na kausapin si Kit para kumpirmahin kung sino ang tinawagan nito sa kanyang Android Phone at kung ano ang ginawa nito sa loob ng Branch Manager's office ng PULSE Clothing.
Emily: "Kit, sabihin mo? Tumawag ka ba ulit sa Uncle mo para tulungan sila Ate?"
Kit: "Siguro."
Emily: "Yung totoo?"
Kit: "Bakit gusto mo pang malaman?"
Emily: "Eh....Kasi....Parang ang laki na ng utang na loob ko sayo."
Kit: "Oo. Tumawag ako kay Uncle. Tsaka hayaan mo na yung utang na loob. Gusto ko lang makatulong."
Sandaling nanahimik si Emily matapos sabihin ni Kit na hayaan na lang ang kanyang utang na loob rito.
Ngunit nahihiya na si Emily kay Kit dahil na rin sa napansin nitong kusa itong tumutulong sa kanya ng walang hinihinging kapalit.
Kaya tumigil si Emily sa paglalakad para sabihin kay Kit ang kanyang gustong sabihin.
Emily: "Kit, okay na sa akin ang mga ginawa mo ngayong araw bilang regalo. Pakiramdam ko kasi, marami ka ng nagawang mabuti para sa akin. Tulad na lang nang pagpapaintindi kay Ate na hindi niya ako dapat iniiwan. Tapos tinulungan mo pa siyang magkaroon ulit ng bagong trabaho, para mapabuti ulit ang buhay namin. Tsaka yung trabahong binigay sa kanya, yung trabaho pang matagal niya nang pinapangarap. Pakiramdam ko, sobra na ang naitulong mo sa akin."
Tumitig lang ng nakasimangot si Kit sa mga sinabi ni Emily at tila hindi ito nakikinig sa sinabi nito. Ngunit, may naisip gawin si Kit, kaya humingi siya ng pabor kay Emily.
Kit: "Kung mapilit ka sa pag-iisip ng utang na loob iyan at baka hindi mo yan maitulog, mamayang gabi... Sige, hihingi ako ng pabor sayo para makabawi ka sa akin."
Emily: "Para makabawi sayo? Sige ba! Go ako! Sabihin mo lang kung anong pabor iyon."
Nang pumayag si Emily sa hinihinging pabor ni Kit, muli na namang hinawakan ni Kit ang kanang kamay ni Emily at hinila nito si Emily papunta sa Arcade.
Ngunit natigilan si Kit nang makita ang napakadaming tao sa loob, kasama na ang mga estudyanteng naglalaro ng Video games.
Napansin naman ni Emily ang kakaiba nitong reaksyon at naisip din niyang, plano ni Kit ang kumanta sa isang Videoke machine sa likod ng Arcade, sa kabila ng dami ng mga tao.
Tila naisip din ni Emily na gustong subukan ni Kit na labanan ang kanyang takot sa pagkanta sa harap ng tao. Kaya kinausap niya ito.
Emily: "Kit, gusto mo bang subukang kumanta sa harap ng maraming tao?"
Tumango lang si Kit sa itinanong ni Emily, ngunit halata sa mukha nito na parang gusto nitong umatras sa naisip niyang plano.
Kit: "Uhm.....binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Hanap na lang ulit tayo ng-!"
Maglalakad na sana paalis si Kit nang hinawakan naman ni Emily ang kaliwang kamay nito at hinila siya papasok sa loob ng Arcade.
Emily: "Pasensya na, Kit! Pero kailangan kong bumawi sa hinihingi mong pabor!"
Kit: "Eh...Pwede namang sa ibang araw na-"
Emily: "Hindi! Ngayon na, Kit! Alam kong matagal mo nang pinag-iisipan na kumanta sa harap ng madla! At wala kang lakas ng loob para gawin ang pinaplano mo, tama ba?! Pero dahil kasama mo na ako ngayon, ipinapangako ko na ako ang unang tao na papalakpak sayo, pagkatapos mong kumanta! Anuman ang maging reaksyon ng lahat! Kaya kumanta ka para sa akin!"
Hindi na kumibo pa si Kit matapos siyang pilitin ni Emily na kumanta sa harap ng maraming tao at wala na ding siyang nagawa para umatras dahil sa hinila na rin siya ni Emily papunta sa harap ng Videoke machine.
Pagdating sa harap ng Videoke Machine, naabutan pa nina Emily at Kit ang isang lalaki na sintunado kung kumanta at pinagtatawanan pa ng taong nanonood dito.
Parang napanghinaan ng loob si Kit na marahil, pagtawanan din siya ng lahat kapag nagkamali sa pagkanta. Ngunit pinalakas ni Emily ang kanyang loob.
Emily: "Kit, hindi ka ganyan kumanta. Mas magaling ka pa diyan."
Kit (shy): "Lu...Lumabas na lang ata tayo."
Emily: "Hindi. Nandito na tayo. Kaya kumanta ka na."
Kit: "Parang alanganin."
Emily: "Kit, may tiwala ako sayo. Alam kong kaya mo yan! Pero kung gusto mo, tatabi ako sa tabi ng Videoke Machine para ako lang ang nakikita mo."
Sandaling pinag-isipan ni Kit ang sinabi ni Emily at kalauna'y pumayag na rin ito sa kanyang sinabi.
Pagkatapos kumanta ng lalaking sintunado, agad kinuha ni Emily ang song book at hinanap ang kantang kinanta ni Kit kanina sa kanilang Christmas Party.
Nang mahanap ni Emily ang numero ng kanta, agad niya itong pinindot sa Videoke machine, tsaka niya ibinigay ang Microphone kay Kit.
Ninenerbyos naman si Kit habang hinihintay na magsimula ang kanta, ngunit muli pa siyang sinabihan ni Emily.
Emily: "Kit, nandito lang ako. Huwag kang nerbyosin."
Sabay tayo nito sa tabi ng Videoke machine para makita lang siya ni Kit.
Bago pa man tumugtog ang kanta, naisip ni Kit na todo suporta si Emily na tulungan siyang labanan ang kanyang takot sa pagkanta sa harap ng maraming tao at napansin din niyang sobra ang binibigay na tiwala ni Emily sa kanya.
Kaya nang magsimulang tumugtog ang kanyang kanta, ibinigay ni Kit ang kanyang makakaya.
Habang kinakanta ni Kit ang kanyang kanta, biglang natigilan sa paglalakad ang mga dumaraang mga tao at sandaling pinanood si Kit ng mga ito.
Maya't maya, nagsisimula ng magkumpulan at maglapitan ang mga dumaraang tao.
Hindi dahil sa gusto nilang malaman kung sino ang kumakanta, pero dahil sa galing nitong kumanta at naririnig nilang bumagay ang kanyang malamig at malumanay na boses sa kanyang kinakanta.
Namangha naman si Emily sa dami ng mga taong nanonood kay Kit.
Pero kahit magdagsaan ang maraming tao para siya'y panoorin, nakatuon lang ang mga mata ni Kit kay Emily na tila sa kanya ipinaparating ang lyrics ng kanta at ang taong kinakantahan din nito.
Matapos ang kanta, napansin ni Kit ang mga taong nanonood sa kanya at kinakabahan sa kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito.
Hanggang sa ipinalakpak ni Emily ang kanyang mga kamay, ngunit kinakabahan pa rin si Kit dahil si Emily lang ang pumapalakpak sa kanya.
Kit: (Ta-Tama ba ang ginawa ko? Sa nakikita ko, si Emily lang ang pumapalakpak. Siguro nga hindi ako magaling kumanta. Tuloy, idinamay ko pa si Emily sa kahihiyang nararanasan ko ngayon.)
Ilang sandali pa, nagpalakpakan na din ang mga taong nanonood kay Kit at naghiyawan ang iba dahil sa galing nitong kumanta.
Lalaking nakikinood1: "Wow! Ang galing mong kumanta!"
Babaeng Nakikinood: "Parang kang singer sa TV! Ang galing mo!"
Lalaking Nakikinood2: "Dapat sa TV ka kumakanta! Hindi dito sa Videoke Machine!"
Wala nang masabi pa si Kit nang makita niya ang mga taong masaya at natutuwa sa kanyang pagkanta.
Nang mapansin naman ni Emily na tila tulala si Kit, naisip niyang baka natakot ito sa dami ng taong nanonood rito.
Kaya agad lumapit si Emily kay Kit at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay sabay hila, palayo sa mga taong natutuwa sa kanya.
Emily: "Maraming salamat po sa panonood! Sa uulitin po! E-Excuse me lang po! Makikiraan po kami!"
Pag-alis nila Emily sa Arcade, pumunta ang dalawa sa hallway, papunta sa CR para mailayo muna ni Emily si Kit sa maraming tao, at tsaka niya ito kinausap.
Emily: "Kit? Okay lang ba? Anong pakiramdam mo?"
Kit: "O..Okay naman."
Emily: "Gumaan ba pakiramdam mo?"
Kit: "Oo."
Emily: "Hindi ka ba natakot kanina?"
Kit: "Hindi."
Emily: "Kit, bakit Oo at Hindi na lang ang sinasagot mo? Okay ka lang ba?!"
Hindi sinagot ni Kit ang tanong nito, ngunit lumapit ito sabay yakap kay Emily.
Nagulat naman si Emily sa biglaang rekasyon ni Kit.
Emily: "Ki-Kit?! Si-Sigurado ka bang wala kang nararamdamang hindi maganda?!"
Kit: "Wala. Pero salamat."
Emily: "Sa-Salamat saan?"
Kit: "Sa hiningi kong pabor. Tinulungan mo akong matupad ang hinihingi kong pabor."
Emily: "Wa-Walang anuman." (Pe-Pero kailangan ba talagang yakapin pa niya ako?)
Maya't maya, biglang may naalala si Kit, kaya lumayo siya mula sa pagkakayakap kay Emily.
Tsaka may binunot sa kanyang kaliwang bulsa. Nagtataka naman si Emily sa kung ano ang hinahanap ni Kit sa kanyang bulsa.
Emily: "Kit? Anong hinahanap mo?"
Kit: "Basta."
Emily: "Kit, hindi na ako pipikit. Alam kong kalokohan na naman iyan."
Kit: "Huwag kang mag-alala. Hindi mo kailangan pumikit."
Emily: "Siguraduhin mo lang ha?!"
Kit: "Oo."
Hanggang sa inilabas mula sa bulsa ni Kit ang isang maliit na supot. Tsaka niya pinatalikod si Emily.
Kit: "Puwede ka bang tumalikod saglit?"
Emily: "Siguraduhin mong hindi yan kalokohan ha?!"
Kit: "Basta tumalikod ka na lang."
Tumalikod naman si Emily matapos siyang sabihan ni Kit na tumalikod.
Hanggang sa nagulat si Emily nang makita ang ipinapasuot sa kanya na isang pendant na hugis puso na tila gawa sa ginto, dahil na rin sa dilaw at nagniningning nitong kulay sa sobrang kintab.
Matapos maisuot ni Kit ang naturang kuwintas, agad tinanong ni Emily kung saan nakuha ni Kit ang naturang bagay.
Kit: "Bagay sayo."
Emily: "Ki-Kit?! Saan mo nakuha eto?!"
Kit (mean tone): "Siyempre! Sa Tindahan ng alahas! Alangan namang sa Bakery?!"
Emily: "A-Ang ibig kong sabihin.....napakamahal ata nito! Tu-Tunay na ginto pa ata ito?!"
Kit: "21k Saudi gold na may halagang 20,000 pesos. Ibig sabihin, halos gawa na iyan sa purong ginto. Tsaka wala akong mahanap na ibang tindahan ng sapatos dito kanina. Kaya yan na lang ang naisip kong bilhin na regalo sayo, bilang pasasalamat na din kanina.."
Emily (shocked): Na-Nagbibiro ka ba?!"
Hindi makapaniwala si Emily na binilhan siya ni Kit ng isang napakamahal na halaga ng kuwintas.
Tila gustong ibalik ni Emily ang naturang bagay dahil sa sobrang kamahalan ng presyo nito.
Emily: "Kit, hindi ko ito matatanggap. Sobra na ang naitulong mo sa amin ni Ate. Tapos bibigyan mo pa ako nito? Pakiramdam ko, sobra na ang utang na loob ko sayo."
Kit: "Itigil mo na nga ang pag-iisip sa mga utang na iyan! Wala kang utang sa akin, Okay? Tsaka gusto kong makatulong sa inyo ng Ate mo, kaya ginawa ko lang ang nararapat."
Emily: "Oo. Pero sapat nang regalo yung pagtulong mo kay Ate para sa akin. Itong binigay mo, sobra na ito."
Kit: "Hindi yan sobra, Emily. Deserve mo, ang magkaroon ng makabuluhang regalo. Kaya binibigay ko yan sayo bilang regalo."
Emily: "Pe-Pero....Sobrang mahal nito."
Kit: "Kaya nga, pahalagahan mo ang regalo ko sayo dahil may tiwala ako na aalagaan mo yan para sa akin."
Hindi makapaniwala si Emily sa kanyang natanggap na regalo mula kay Kit dahil na rin sa sobrang mahal na halaga nito.
Ngunit ipinagpilitan pa rin ni Kit na tanggapin ang kanyang regalo kay Emily. Dahil rito, wala nang nagawa si Emily kundi ang tanggapin ang gintong regalong kuwintas ni Kit.
Emily: "Ki-Kit, salamat. Hi-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Lalo na kapag nakikita ko ang kuwintas na ito."
Kit: "Oo na. Tsaka itago mong mabuti."
Emily: "Oo. Pangako, aalagaan ko ito."
Kit: "Tsaka isang bagay pa. May hihingiin pa akong pabor sayo."
Emily: "Ano iyon, Kit?"
Kit: "Puwede mo bang isuot ang kuwintas na yan, pagdating ng Prom?"
Nagtaka si Emily sa hinihinging pabor ni Kit na isuot ang naturang kuwintas, pagdating ng kanilang JS Prom.
Pero dahil sa humihingi ng pabor si Kit, sumang-ayon na lang siya sa mungkahi nito.
Emily: "Si-Sige ba? Isusuot ko ito pagdating ng Prom."
Kit: "Asahan ko yan ha?"
Emily: "Oo."
Kit: "Ngayong naibigay ko na yung regalo ko sayo, siguro naman, puwede na tayong umuwi."
Emily: "Oo. Umuwi na tayo."
Kit: "Ihatid na kita. Baka ma-snatch pa yan kuwintas mo."
Emily: "Puwede ko namang itago sa bag ko ng hindi ka na mag-abalang-"
Kit: "Ah! Basta ihahatid na kita!"
At naglakad palabas ng Mall sila Emily at Kit. Habang naglalakad pauwi sa bahay ni Nina, naalala ni Emily na tanungin si Kit, kung ano ang natanggap naman nitong regalo sa kanilang Christmas party.
Emily: "Kit, Salamat ulit sa regalo mo ha?"
Kit: "Oo na."
Emily: "Maalala ko lang, ano pala ang natanggap mong Regalo sa Christmas party natin kanina?"
Kit: "Mga nakagawiang regalo."
Emily: "Nakagawian? Ano bang nakakagawian mong regalo?"
Kit: "Picture frame."
Napangiwe na lang si Emily matapos marinig ang natanggap nitong regalo mula sa kung sino kanilang kaklase at napansin ni Emily na nasanay na si Kit sa kanyang regalo.
Pagdating nila sa harap ng bahay ni Nina, agad nagpaalam din si Kit kay Emily, ngunit di gaya nung mga nakaraan, namaalam din si Emily kay Kit, sabay sabi na mag-ingat ito sa pag-uwi sa kanyang bahay, tsaka ito pumasok sa loob ng bahay.
Habang naglalakad, natutuwa naman si Kit sa pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Emily.