Chereads / Silent Waltz [TAGALOG] / Chapter 33 - Chapter 33- Asking of forgiveness

Chapter 33 - Chapter 33- Asking of forgiveness

Kinagabihan, pagkagaling ni Emily mula sa eskwelahan, nadatnan niya si Nina sa kusina at agad siyang tinanong nito kung bakit gabi na siya umuwi.

Nina: "Oy! Emily. Ba't ngayon ka lang dumating?!"

Emily: "Pasensya na, Nina. May binili lang kasi ako saglit sa Mall."

Nina: "Talaga?"

Emily: "Oo, Nina."

Nina: "Eh ba't wala ka sa Mall kanina? Pumunta din kaya kami nina Althea at Claire kasama yung Boys. Pero hindi ka man lang namin natagpuan."

Sa pagkakataong ito, hindi nakalusot si Emily sa kanyang pagdadahilan dahil pumunta pala sa Mall si Nina kasama ang iba nilang mga kaibigan.

Nagsisimula ng mataranta at gumawa ng ipapalusot si Emily dahil ayaw niyang malaman ni Nina na pinagtangkaan niyang tapusin ang kanyang sariling buhay.

Bago pa makapagsalita si Emily, muli na naman nagtanong si Nina.

Nina: "Emily, sabihin mo nga ang totoo? Saan ka ba talaga nagpunta kanina?"

Hindi sumagot si Emily dahil natatakot siya na baka magalit si Nina sa kanyang ginawa kung saan napigilan naman ni Kit.

Ngunit ayaw naman niyang magsinungaling kay Nina. Kaya sa huli, naisip din lang ni Emily na mag-usap sila ni Nina ng pribado at walang ibang nakakarinig.

Emily: "Ni-Nina, Pu-puwede bang mag-usap na lang tayo mamaya?"

Nang marinig ni Nina ang pakiusap na tanong ni Emily, sandali niya itong tinitigan sa mukha at naisip na marahil ay may nangyaring hindi maganda sa kanyang kaibigan.

Kaya pumayag si Nina na sila ay mag-usap, pagkatapos nilang maghapunan.

Nina: "Oh sige. Mag-usap tayo mamaya. Tsaka napapansin na rin kasi ni nanay ang kakaiba mong kinikilos nung mga nakaraang araw. Kaya pakiusap, Emily, sabihin mo sa akin mamaya kung anong gusto mong sabihin?"

Emily: "Oo, Nina."

Matapos ang panandalian nilang pag-uusap, tumuloy si Emily sa kanilang kwarto tsaka siya nagpalit ng pambahay.

Pagdating sa kuwarto, agad tinanggal ni Emily ang kanyang school uniform para magpalit ng damit. Ngunit, biglang kinutuban ng kakaiba si Emily.

Emily: (....?.... Teka? Kakaiba ito ah. Ba't parang pakiramdam ko, may nanonood sa akin? Pero sarado naman ang bintana at natatakpan naman ng kurtina. Wala namang butas sa pader. At naka-lock naman ang pinto. Si-Siguro masyado ko lang iniisip yung sinabi ni Kit. Pero..... paano kung nagsasabi siya ng totoo at binabantayan niya ako sa bawat oras, sa kung saang lugar?)

Nang masagi sa isip ni Emily ang sinabi ni Kit na babantayan siya nito sa lahat ng oras, agad isinuot ang kanyang pambahay na damit at binuksan ang bintana para siguruhing hindi siya binabantayan ni Kit.

Pagbukas ng bintana, nakita ni Emily sa labas na wala namang dumaraan na tao.

Sa tapat naman ng bahay ni Nina ay may isang lote na puno ng mga nagtataasang damo't halaman, at may tatlong malalaking puno ng mangga.

Kinilabutan si Emily na baka binabantayan siya ni Kit mula sa mga puno.

Kaya hinanap ni Emily ang malaking rechargable flash light na pagmamay-ari ng tatay ni Nina sa loob ng kuwarto din ni Nina at nang mahanap niya ito, agad inilawan ni Emily ang katapat na lote.

Habang iniilawan ni Emily mula sa kanilang bintana ang katapat na lote, sakto namang dumating si Nina sa kuwarto para abisuhan siya na maghapunan.

Ngunit nadatnan naman nito si Emily sa kakaiba nitong ginagawa.

Nina: "Emily, anong ginagawa mo?"

Emily: "Eek!"

Nagulat si Emily sa biglang pagtatanong ni Nina. Hinarap naman ni Emily si Nina sa kanyang likod at nakalimutang patayin ang ilaw na syang dahilan para masilaw si Nina ng kanilang Flashlight.

Nina: "Emily! Ano ba?! Patayin mo nga yan! Nasisilaw ako!"

Emily: "Pa-Pasensya na, Nina."

Agad naman pinatay ni Emily ang Flashlight na kanyang hawak at kinausap naman siya ni Nina.

Nina: "Emily, ano bang nangyayari sayo? Tsaka ano bang iniilawan mo dyan sa bintana?!"

Emily: "Eh...Pasensya na, Nina. Pakiramdam ko kasi may nanonood sa akin mula sa kabilang lote."

Nina: "Sa kabilang lote? Emily, matagal na kaming nakatira dito at wala akong naaalala na may nakatira dyan sa loteng iyan!"

Emily: "Eh....Pero...pakiramdam ko..."

Nina: "Pakiramdam mo? Pero may nakita ka bang tao?"

Emily: "Wa-Wala."

Napabuntong-hininga si Nina sa isinagot ni Emily dahil sa kakaiba nitong kinikilos.

Upang makalimutan ni Emily ang kanyang kakaibang ginagawa, tinawag na lang ni Nina si Emily para maghapunan.

Nina: "Wala naman pa lang tao. Tapos sasabihin mong may nanonood sayo?!"

Emily: "Pa-Pasensya na, Nina. Pero talagang..."

Nina: "Hay! Naku! Pagod ka lang! Okay? Ang mabuti pa, kumain na tayo ng hapunan sa ibaba."

Emily: "Oo. Ma-Mabuti pa nga."

At sabay na bumaba sina Emily at Nina sa kusina para maghapunan. Ngunit iniisip pa rin ni Emily na may taong nakabantay sa kanya kahit wala siyang nakitang tao sa labas ng bahay ni Nina.

Pagdating sa kusina, nagdasal muna silang lahat bago kumain. Matapos naman kumain, tumulong naman sina Nina at Emily sa pagliligpit ng mga plato at kubyertos tsaka hinugasan ang mga ito sa lababo.

Nang matapos nina Nina at Emily ang mga gawaing bahay, bumalik ang dalawa sa kanilang kuwarto at ihinanda ang kanilang kama para sa pagtulog.

Ngunit sa puntong ito, naalala ni Nina ang sinabi ni Emily na sila ay mag-uusap. Kaya tinanong ni Nina si Emily habang sila ay nakahiga sa kama.

Nina: "Emily, naalala ko lang, di ba sabi mo, mag-uusap tayo tungkol sa ginawa mo kanina?"

Emily: "Oo."

Nina: "Anong nangyari kanina, pagkatapos mong maglinis sa School?"

Emily: "A-Ano kasi..."

Nag-aalangan si Emily na sabihin ang totoo kay Nina, kung bakit nahuli siya sa pag-uwi. Pero hinikayat pa rin ni Nina si Emily na sabihin ang nangyari.

Nina: "Emily, kaibigan mo ako, at alam mong makikinig ako kahit ano pa ang sabihin mo? Kaya, please..Emily, sabihin mo lang."

Emily: "Si-Sige."

Matapos siyang mahikayat ni Nina, ikwinento ni Emily ang tungkol sa pagtatangka niyang pagpapakamatay na napigilan naman ni Kit. Nagulat naman si Nina sa sinabi ni Emily.

Nina: "E-Emily, hindi maganda ang naisip mo! Buti na lang, pinigilan ka ni Kit."

Emily: "Oo. Pero patawarin mo sana ako, Nina. Feeling ko kasi...."

Nina: "Ayoko man sana sabihin eto, pero kung tama ang pagkakarinig ko mula sa sinabi ni Kit. Tama ang sinabi niya sayo. Hindi ikaw ang malas, Emily. At hindi ka rin malas."

Emily: "Pe-Pero mula nung damating ako dito sa bahay niyo at sa nangyari sa Tricycle..."

Nina: "Emily, nagkataon lang yun! Pakiusap naman, huwag mong sisihin ang sarili mo! Ikaw lang ang tanging kaibigan ko na sobrang naging malapit sa akin at pati na rin sa pamilya ko. Huwag mo naman ipagkait ang buhay mo ng dahil lang sa mga malas na iyan! Tsaka nandito pa ako na naniniwala sayo. Kaya huwag kang magpapakamatay ulit, kasi kapag nangyari yun....."

Biglang tumulo ang luha ni Nina mula sa kanyang mga mata. Nakonsensya naman si Emily matapos makita ang ganitong rekasyon ni Nina.

Kaya inakbayan ni Emily si Nina at nagpasalamat sa paggiging maalalahanin niya.

Emily: "So-Sorry na, Nina. Sana mapatawad mo ako dahil sa ginawa ko. Pangako, hindi ko na uulitin yun."

Pinunasan ni Nina ang kanyang mga luha matapos nitong marinig si Emily.

Nina: "Siguraduhin mo lang! Dahil kapag inulit mo pa yan, hindi na kita patatawarin."

Emily: "Oo. Pangako yan. Kasi ikaw ang Best friend ko. Kaya salamat sa pagiging Best Friend ko."

Nina: "Ako din naman, Emily. Masaya ako na naging Best Friend din kita. Pero speaking of pangako, nangako ka din kay Kit, di ba?"

Emily: "Oo. Pero wala siyang tiwala sa ipinangako ko, kaya babantayan niya raw ako sa lahat ng oras para siguruhin na hindi daw ako magpakakamatay."

Nina: "Babantayan ka niya sa lahat ng .....oras?"

Tila may naalala si Nina nang marinig mula kay Emily ang sinabi ni Kit.

At pakiramdam niya may mangyayaring hindi maganda pagpasok nila sa Eskwela, kinabukasan.

Nina: "Emily, hindi naman sa tinatakot kita. Pero si Kit ang pinag-uusapan natin dito. Either, gagawin niya ang kanyang sinabi o kaya nagbibiro lang siya. Ang problema, mahirap basahin si Kit. Kaya bukas natin malalaman kung tototohanin ba niya ang kanyang sinabi."

Emily: "Sana nga, nagbibiro lang siya."

Sandaling nanahimik sa isa't isa sina Nina at Emily hanggang sa may maalala ulit itanong si Nina.

Nina: "Emily, naalala ko. Hindi mo ba naitanong kay Kit kung ano ang hinahanap niya sa loob ng bag mo?

Emily: "Ah...Oo. Buti pinaalala mo, Nina. Kaso hindi ko yun naitanong sa kanya.

Nina: "Ganun ba.."

Nag-isip muli ng pag-uusapan si Nina hanggang sa maisip niyang tanungin si Emily kung paano makisalamuha kay Kit.

Nina: "Emily, ano ang pakiramdam na kinakausap si Kit?"

Emily: "Uhm...Weird."

Nina: "Weird? Bakit naman naging weird?"

Emily: "Eh ano... First time kong maranasan na makipag-usap kay Kit. Tsaka maayos naman siyang kausap. Ang kaso mahirap nga basahin kung ano ang iniisip niya."

Nina: "Kaya ba nasabi mo bang weird?"

Emily: "Oo. Pero..."

Nina: "Pero ano?"

Sandaling inisip ni Emily kung ano ang kanyang pakiramdam nang mga oras na kinakusap siya ni Kit.

Emily: "Hi-Hindi ko masabi. Pero napakagaan sa pakiramdam kapag naririnig ko ang kanyang malumanay na boses."

Sandaling tumigil sa pagtatanong si Nina dahil sa hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Emily at nagsisimula na rin ma-weirduhan sa kanilang pinag-uusapan.

Nina: "Alam mo, Emily. Napaka-weird nga ng sinasabi mo. Hindi ko maintindihan. Pero sadya bang malumanay siyang magsalita?"

Emily: "Hindi ko masabi."

Nina: "Alam mo, matulog na lang tayo at huwag nang pag-usapan natin si Kit. Kahit na aktwal mo siyang nakausap, wala ka din masabing tamang sagot."

Emily: "Eh yun naman talaga ang pakiramdam ko, nung sa mga oras na nakausap ko siya."

Nina: "Oo na. At nahawaan ka na din niya ng ka-weirduhan. Kaya ang mabuti pa, matulog na lang tayo."

Matapos sabihin ni Nina na sila'y matulog, tumalikod ito ng nakahiga sabay tinakpan ang kanyang sarili ng kumot.

Naisip marahil ni Emily na hindi maintindihan ni Nina ang kanyang naramdaman hangga't hindi nito nakakausap ng aktwal si Kit.

Gayun pa man, tumalikod at sabay ibinalot ni Emily ang kayang kumot sa kanyang sarili tsaka siya natulog.

Kinaumagahan, maagang nagising sila Emily para pumasok sa eskwela. Pagdating sa kanilang eskwelahan, agad pumasok ang dalawa at pumunta sa kanilang Classroom.

Pagdating sa kanilang Classroom, nakita nilang nakatambay ang grupo ni Ruby sa pinto at nambubully ng ibang mga estudyante. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi binully ng grupo sila Emily at Nina, at hinayaan silang pumasok sa loob ng Classroom.

Pagpasok sa Classroom, nakita nina Emily at Nina na kausap ni Althea sina Claire at Axel kasama sina Daniel at Isaac. Ngunit biglang tumigil si Emily at sinabihan si Nina.

Emily: "Ni-Nina, lalabas na lang muna ako."

Nina: "Teka, hulaan ko. Ayaw mong makita sina Axel at Claire, Tama?"

Tumango si Emily bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Nina.

Ngunit tinanong ni Emily si Nina kung alam na ba nito ang tungkol sa Break-up nila ni Axel.

Emily: "Ni-Nina? A-Alam mo na ba ang tungkol sa amin ni Axel?

Nina: "Oo. Siya pa mismo ang nagsabi na Break na daw kayo."

Emily: "Kung ganun, siya na rin mismo ang nagkwento sa inyo."

Nina: "Oo. Pero ang sama naman niya para gawin yun sayo. Tsaka si Claire pa ang ipinalit niya sayo."

Emily: "Nina, hayaan mo na lang sila. Tsaka mabuti pa kung umi-iwas na lang ako."

Nina: "Kung yan ang gusto mo. Pero kung may kailangan ka, andito lang ako."

Emily: "Oo. Salamat, Nina."

Kaya hinayaan ni Nina na lumabas si Emily, kahit pa kadadating lang nito sa loob ng Classroom.

Ngunit, nang makita siya ni Axel na lalabas sa Classroom, bigla siyang tinawag.

Axel: "E-Emily? Emily sandali!"

Nang marinig ni Emily na tinatawag siya ni Axel, agad siyang naglakad palabas ng Classroom.

Hinabol naman siya ni Axel at iniwan namang tahimik ang iba nilang kaibigan sa upuan ni Althea. Tahimik din namang pinagmasdan ni Claire si Axel habang hinahabol si Emily.

Axel: "Emily! Sandali-!"

Naunang lumabas ng pinto si Emily at hinayaan na naman siya ni Ruby. Ngunit, sinundan naman ni Axel si Emily at patuloy na tinatawag ang kanyang panglan.

Lumabas si Emily sa kanilang eskwelahan at pumunta sa Secret garden kung saan madalas silang nag-uusap noong sila pa ni Axel.

Eto rin ang lugar kung saan nahanap si Axel si Emily at nakita niyang nakaupo ito sa sementong upuan.

Axel: "Sabi ko na nga ba. Dito ka rin pupunta."

Nang makita ni Emily na sinundan pa rin siya ni Axel, naiinis niya itong tinanong.

Emily: "Axel, ano bang gusto mo at sinundan mo pa ako?!"

Axel: "Gusto kong patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko sayo. Alam kong masakit sa damdamin ang nakita mo noong nakaraan. Pero maniwala ka, plano namin ni Claire na sabihin ang totoo sayo."

Sandaling hindi kumibo si Emily at inisip ang ginawa nina Claire at Axel noong nakaraan.

Emily: "Alam mo pa lang masasaktan ako sa ginawa mo. Tsaka sabi mo, may plano kayong sabihin ni Claire ang namamagitan sa inyong dalawa? Kailan niyong sasabihin? Pagkatapos niyong maghalikan?!"

Axel: "Hi-Hindi sa ganun, Emily. Plano talaga namin sabihin sayo ng maaga."

Emily: "Ayos lang, dahil nakita ko na din lang na may relasyon pala kayo ni Claire. Kaya hindi mo na kailangan magpaliwanag. Pero sana man lang, noong una palang, hindi mo na lang sana ako sinagot bilang Girlfriend mo. Nang hindi nawala ang tiwala ko sa inyong dalawa ni Claire."

Alam ni Axel na galit pa rin si Emily, matapos nitong sabihin na nawala siyang tiwala sa kanilang dalawa.

Ngunit, ayaw ni Axel na masira ang pagkakaibigan nina Emily at Claire nang dahil sa kanya.

Kaya naisip kumbinsihin ni Axel si Emily na patawarin si Claire.

Axel: "Emily, kung hindi mo ako mapapatawad dahil sa nagawa ko sayo, hinihiling ko sayo na patawarin mo si Claire. Kahit na galit ka pa rin sa kanya, ikaw pa rin ang kanyang iniisip at gusto niyang patawarin mo siya dahil sa pagmamahal niya sa akin. Wala siyang intensyon na agawin ako mula sayo. Sadya lang na naging malapit din ako sa kanya. Kaya nakikiusap ako sayo, patawarin mo si Claire."

Sandaling hindi kumibo si Emily sa sinabi ni Axel at nag-iisip kung ano ang kanyang sasabibin.

Hanggang sa naisip niyang sabihin kaya Axel na iwan muna siya ng mag-isa.

Emily: "Axel, mapapatawad ko naman kayo pareho ni Claire. Pero hindi sa ngayon at hindi ko masasabi kung kailan ko kayo mapapatawad."

Axel: "Nauunawaan ko, Emily. Pero umaasa kami ni Claire na mapapatawad mo kami at makikipag-usap ka pa rin kay Claire na gaya ng dati."

Emily: "Kung nauunawaan mo, maaari mo ba akong iwan muna?"

Axel: "Kung yan ang gusto mo. At pasensya na ulit."

Tsaka umalis mula sa Secret garden si Axel. Siniguro din ni Emily na umalis at bumalik si Axel sa loob ng kanilang eskwelahan tsaka siya bumalik sa kanyang kinauupuan para magmukmok.

Pero habang nagmumukmok at umiiyak ng mag-isa, may hindi inaasahang panauhin si Emily.

Emily: Axel, akala mo ba ganun lang kadali ang magpatawad!"

Kit: "Madali lang kung matuto ka magmove-on."

Emily: "Hindi kaya! Tsaka...Ehh?!"

Nagulat si Emily nang marinig ang boses ni Kit mula sa kanyang likod at napalingon siya sa likod ng kanyang inuupuan.

Tumitig naman sa kanyang nakagawian si Kit kay Emily.

Emily: "Ki-Kit?! A-Anong ginagawa mo dito?! Tsaka paano mo nahanap ang lugar na ito?!"

Kit: "Hindi ko pa ba nasasabi sayo?"

Emily: "Hindi nasasabi ang alin?"

Kit: "Lahat ng mga sikretong lugar dito sa School ay nakikita ko mula sa Roof top."

Na tameme si Emily ng malaman niyang alam ni Kit ang bawat sikretong lugar sa kanilang Eskwelahan.

Para mapaniwala ni Kit na nagsasabi siya ng totoo, sinabi niya lahat ng alam niyang mga sikretong lugar.

Kit: "Hindi ka naniniwala sa sinabi ko? Eto, alam mo bang kapag dineretso mo yan mga puno ay may makikita kang batis? Tapos, alam mo ba na kapag sinundan mo yung batis pakaliwa, lalabas ka sa mga bukirin? At alam mo bang may lumang building na malapit sa batis? Hinala ko dati yun Library ng school na ito. Tsaka alam mo ba na kapag dineretso mo naman pakanan yung batis, mararating mo ang isang lumang tulay at kapag dineretso mo yung lumang tulay pakanan, makakalabas ka sa school. Tsaka naalala ko meron pang isang building kapag dineresto mo pakaliwa yung tula-"

Emily: "Oo na, Kit! Naniniwala na ako. Nasabi mo na lahat ng alam mong mga sikretong lugar dito. Ang gusto kong malaman ay kung anong ginagawa mo at bakit ka nandito?"

Kit: "Kailangan pa bang itanong yan? Siyempre.... Binabantayan ka."

Muli na namang nagulat si Emily sa sinabi ni Kit, at sa nakikita niya, mukhang seryoso ito sa kanyang sinabi, kahapon.

Emily (shocked): "A-Ano?! Seryoso ka ba?!"

Tumango lang si Kit bilang pagsang-ayon sa tanong ni Emily. Ngunit sinubukan ni Emily na patigilin si Kit sa kanyang pagbabantay.

Emily: "Kit, hindi ba nangako ako sayo na hindi ako magpapakamatay? Tinupad ko naman, hindi ba?"

Muli na naman ginawa ni Kit ang nakagawian nitong pagtitig ng nakasimangot kay Emily at bahagya lang itong umiling.

Mukhang hindi sumang-ayon si Kit sa pagkakataong ito. Kaya wala nang nagawa si Emily kundi ang mapabuntong hininga sa gusto nitong mangyari.

Emily: "Hay...Ano bang dapat kong gawin para huwag mong ituloy ang pagbabantay sa akin? Tsaka para mo na akong pinagkaitan ng privacy."

Kit: "Wala akong tiwala sa ipinangako mo. Kaya panindigan mo na lang."

Maya't maya, biglang tumunog ang bell, bilang hudyat ng kanilang klase sa umaga.

Naisip ni Emily na pagkakataon niya na ito para lubayan siya ni Kit dahil magsasara ang Classroom kapag hindi sila umabot sa oras.

Kaya biglang kumaripas ng takbo si Emily at iniwan si Kit sa Secret garden. Habang tumatakbo sandaling lumingon si Emily at sinabihan si Kit.

Emily: "Kit! Sorry ha?! Pero mukhang hindi mo ako mababantayan sa ngayon! Goodluck na lang sa pagpasok sa Classroom ha?!"

Sa bilis ng pagtakbo ni Emily, imposible siyang mahabol ni Kit.

Bago pa man dumating ang kanilang Guro sa kanilang Classroom ay naka-abot si Emily at nakapasok sa loob, sabay upo sa kanyang upuan.

Sakto namang dumating ang kanilang guro para sa kanilang klase sa umaga at isinara ang pinto ng Classroom.

Iniisip ni Emily na marahil ay nahuli sa pagtakbo si Kit at nasarahan ng pinto sa labas ng kanilang Clasroom.

Ngunit hindi inaasahan ni Emily ang mga sumunod na nangyari.