Chereads / Silent Waltz [TAGALOG] / Chapter 19 - Chapter 19- Random Stuff

Chapter 19 - Chapter 19- Random Stuff

Kinagabihan, habang nagluluto ng masarap ng hapunan ang Ate ni Emily na si Lucile, lumapit ito sa kanyang kapatid.

Emily: "Good evening po, Ate!"

Lucile: "Good evening din sayo, Bunso! Kamusta naman ang camping niyo ng 2 days?"

Emily: "Ayon po, masaya naman po kaming lahat sa Camp. Tsaka nakakapagod din po ang mga ipinagawang activity po sa amin."

Lucile: "Talagang ganyan ang Camping, Emily. Hindi mo talaga maiiwasang mapagod. Anong activity naman ang ginawa niyo doon?"

Emily: "Ang ginawa po namin, Ate, humuli kami ng manok gamit ang Snare trap ng first day. Tapos Finding the Flag activity naman noong pangalawang araw."

Lucile: "Mukhang masaya yan, ha. Kasi ako, hindi ko naranasan ang mga ginagawa niyo ngayon sa Camp."

Emily: "Ay....Uhm.... Pasensya na po. Hindi ko po alam. Hayaan niyo po kapag mayroon ulit po kaming field trip sa school, magdadala ako ng souvenir mula sa mga lugar na pupuntahan namin."

Lucile: "Salamat sayo, bunso. Pero huwag ka nang mag-abala pa sa mga souvenir sa susunod. Mas maganda siguro kung makakapagtapos ka ng pag-aaral tapos kapag nakapagtrabaho ka, isama mo na lang ako sa mga lugar na gusto mong pasyalan."

Emily: "Opo, Ate! Sisiguraduhin ko po."

Lucile: "Pangako mo yan ha?"

Emily: "Opo."

Habang patuloy sa pagluluto si Lucile, napansin ni Emily na nahihirapan ang kanyang kapatid sa pagpapa-ikot ng sandok sa nilulutong pagkain at hinala ni Emily, maaring pinagbuhatan ng kamay ni Ramon ang kanyang kapatid habang siya ay nasa Camp. Napansin din niyang pilit tinatago ng kanyang Ate ang iniinda nitong sakit at pasa sa braso. Kaya't nagboluntaryo siyang tulungan ang kanyang Ate sa pagluluto ng kanilang hapunan at nagkunwaring walang na napansin si Emily sa kanyang Ate. Ganun pa man, malungkot pa rin siya sa ginagawang patatakip ng kanyang Ate sa tunay na nangyayari.

Emily: (Ate alam kong may ginawang masama si Ramon sayo habang wala ako. Bakit pinagtatakpan mo pa rin siya?) "Ate, tulungan ko na po kayo sa pagluluto. Tsaka wala naman po akong masyadong ginagawa."

Lucile: "Ang bait naman ng Bunso ko. Oh siya, ihanda mo na rin yung mga plato, baso at kutsara sa mesa para makapaghapunan na tayo. Tsaka tawagin mo na rin si Ramon sa sala para sabay na rin tayong kumain."

Emily: "Opo, Ate."

Naghanda si Emily ng mga plato, kutsara at baso sa mesa at tinawag nya rin si Ramon na nanood ng TV sa sala.

Emily: "Kuya, kakain na po tayo. Tapos na po magluto si Ate ng ulam."

Pagtawag ni Emily kay Ramon, lumingon ang lalaking nakaupo sa sala sa kanyang kinatatayuan. Ngunit napansin niyang tila matagal itong nakatingin at parang may sinusuri sa kanyang katawan, mula ulo hanggang paa. Tsaka sumagot si Ramon sa kanyang pagtawag.

Ramon: "Sige, susunod na ako diyan. Tapusin ko lang itong pinapanood ko."

Pagka-alis ni Emily pabalik sa kusina, siya'y nagtaka sa ginawang reaksyon ni Ramon at sa ikinilos nitong kakaiba. Ngunit binaliwala na lang ito ni Emily at patuloy na lang itong naglakad.

Saktong kakatapos magluto ng hapunan ni Lucile nang makabalik si Emily tsaka sila umupo sa mesa upang kumain. Sumunod naman si Ramon na gaya ng sinabi nito at nakisabay itong kumain. Ngunit sa hindi inaasahang na pangyayari, muling nagalit si Ramon sa habang sila ay kumakain.

Ramon: "Ano ba etong pinakbet na niluto mo, overcooked?!!"

Lucile: "Sorry honey, kung na-overcooked yung naluto ko. Hindi ko naman alam na ayaw mo pala na ganyan."

Ramon: "Magluluto ka na nga lang ng ulam!! Overcooked pa masyado! Marunong ka ba talagang magluto o hindi?! Kasi lahat na lang ng ulam na niluluto mo ay puro palpak!"

Lucile: "Pasensya ka na ulit sa akin honey. Hayaan mo, papalitan ko na lang yan ulam mo. Kung gusto mo lutuan na lang kita ng bago."

Ramon: "Anong papalitan?! Huwag mo nang palitan! Dahil lagi ka namang palpak sa pagluluto! Wala ka na bang ibang alam na matinong gawin sa buhay mo?!"

Lucile: "Sorry na talaga, honey. Hindi ko na sya uulitin."

Ramon: "Huwag ka nang humingi ng sorry kung uulitin mo rin lang ang kapalpakan mo! Tsaka, ikaw Emily! Anong nababalitaan ko sa mga katrabaho ko na mayroon ka daw boyfriend sa school ha?! Gumagastos ba ako ng pagpapa-aral sayo para igastos mo sa pagboboyfriend?!! Ayaw ko na magkaroon ka ng boyfriend sa school niyo, naiitindihan mo ba ako?!"

Emily: (Eto ang ayaw ko dito kay kuya Ramon! Masyado niya akong hinihigpitan ng wala sa rason! Nag-aaral naman ako ng mabuti ah! Pati pa ba ang hiling kong magkaboyfriend bago ang JS Prom ko pakikialaman pa niya?! Tsaka wala naman akong gagawing masama para mapariwara ang pag-aaral ko!) "..."

Nanatili sa pananahimik si Emily habang pinag-iinitan ng sermon ni Ramon, ngunit ipinagtanggol naman ni Lucile ang kanyang bunsong kapatid.

Ramon: "Bakit ba napakatahimik mo dyan Emily, ha?! Tinatanong kita ng maayos dito!"

Lucile: "Honey, huwag mo naman pagbawalan si Emily na magkaroon ng boyfriend sa school nila. Tsaka kung inspirasyon naman ni Emily sa pag-aaral ang boyfriend niya, wala naman silang gagawing makakasama sa kanila at hindi naman niya pinapabayaan ang mga grades niya sa school, di ba?"

Ramon: "Anong pinagsasabi mo diyan Lucile, na hayaan ko siya na magkaboyfriend?! Hindi puwede itong mga ginagawa niya sa akin! Ang gusto ko, huwag siyang magboyfriend! Dahil ako lang naman ang nagpapa-aral sa kanya at baka nagbubulakbol din yan kasama ang boyfriend niya! Emily, sumagot ka nga diyan kapag kinakausap kita ng maayos dito!"

Hanggang sa naiiritang sumagot si Emily kay Ramon, sapagkat hindi na niya nagustuhan ang pilit na pagkontrol ni Ramon sa mga gusto niyang gawin.

Emily: "Wala naman po siguro masama kung magkakaroon ako ng boyfriend sa school! Tsaka hindi ko naman po pinapabayaan ang mga grades ko sa school!"

Ramon: "So anong gusto mong palabasin, Emily?! Na kaya mo nang buhayin ang sarili mo ng mag-isa?!"

Emily: "Hindi naman po sa ganun, Kuya. Ang sinasabi ko po sa inyo ay huwag niyo naman akong pagbawalan sa mga gusto kong gawin sa School!"

Matapos na bahagyang tumaas ang boses ni Emily dahil sa pagkairita, naubos ang pasensya at nagalit si Ramon sa ipinakitang asal ni Emily. Tsaka siya tumayo sa mesa at sinigawan si Emily habang dinuduro ang ulo nito.

Ramon (angry): "PINAGTATAASAN MO BA AKO NG BOSES HA?! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, NAKIKITIRA LANG KAYO NG KAPATID MO SA PAMAMAHAY KO! AT PINAGPAPA-ARAL DIN KITA SA ISANG MAAYOS AT MAGANDANG ESKWELAHAN NA PINAPASUKAN MO! KUNG YAN PALA ANG GUSTO MO EH DI SIGE, LUMAYAS KA NA DITO SA PAMAMAHAY KO! NGAYON DIN MISMO! AT HUWAG KA NG BABALIK PA DITO SA BAHAY KO!" (Kung saan, lubog na rin sa utang ang eskwelahan mong iyan na hinahawakan ng Lending Company na pinatratrabahuhan ko, na ako din naman ang humahawak! At wala kang kaalam-alam na lahat ng nag-aaral at empleyado diyan na nagkukunwaring mayaman! Kaya maswerte ka at nag-aaral ka ng libre dahil ako ang naniningil sa kanila!)

Nagmaka-awa naman si Lucile kay Ramon nang marinig niyang paglalayas nito ang kanyang kapatid sa pamamahay nito, ngunit nainis naman ito sa pangduduro ni Ramon kay Emily.

Lucile: "Honey, tama na yan, please! Huwag mong duruin ng sobra ang kapatid ko! Hindi naman niya sinasadyang pagtaasan ka ng boses!"

Ramon: "Anong sinabi mo?! Huwag ko siyang duruin?! Kahit kailan, hindi ko kinokonsinte ang ganyang pag-uugali sa pamamahay ko! Kaya huwag niya akong pagtataasn ng boses! Kung ayaw mong ako mismo ang magdisiplina sa kanya!"

Agad hinarangan ni Lucile ang kanyang katawan kay Ramon upang maprotektahan niya si Emily.

Lucile: "Huwag ka naman ganyan, Honey, sa kapatid ko! Kung gusto mo, ako na lang saktan mo puwede! Basta't huwag mong lang sasaktan ang kapatid ko!"

Ramon: "Pwede ba?! Umalis ka dyan sa harapan ng kapatid mo!! Nang madisiplina ko yan kapatid mo!!"

Lucile: "Honey, pabayaan mo na kasi siya! Hayaan mo na lang kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya?!"

Ramon: "So, sinasabi mo ba na, ikaw yung palaging tama at ako yung mali?! Ganun ba ang gusto mong palabasin sa akin ha Lucile?!"

Lucile: "Honey, walang ako sinasabi na ako yung palaging tama! Ang sinasabi ko lang naman ay hayaan mo ang kapatid ko sa kung gusto ano ang gusto nyang gawin!"

Tahimik at masama ang loob ni Emily sa kanyang mga narinig mula kay Ramon at nakatitig na lamang sa kanyang plato habang ang dalawa ay nag-aaway.

Nawalan ng gana sa pagkain si Emily hanggang sa tahimik siyang umalis sa mesa.

Ramon: "Hoy Emily! Bumalik ka nga dito! Huwag mo paiiralin ang walang respeto mong pag-uugali!"

Lucile: "Honey, ako nang bahala sa kapatid ko. Kakausapin ko siya ng maayos."

Ramon: "Dapat lang na kausapin mo yan kapatid mo! Dahil kung hindi mo mababago ang pag-uugali ng kapatid mo, talagang papalayasin ko kayong dalawa dito sa pamamahay ko! Nagkakaintidihan ba tayo?!"

Lucile: "Oo Honey, naiintidihan ko. Puntahan ko na lang si Emily sa kwarto."

Agad pinuntahan ni Lucille sa kwarto ang kanyang kapatid upang kausapin ito ng masinsinan. Habang si Emily, hindi na napigilang umiiyak sa loob ng kwarto.

Emily (crying): "Bakit ganun na lang si Kuya Ramon sa akin? Parang gusto niyang kontrolin ang gusto kong gawin sa buhay ko."

Mula sa labas ng kanyang kwarto, kumatok si Lucile at ito'y nagsalita.

Lucile: "Emily, puwede ba ako pumasok sa kwarto?"

Emily: "Opo ate. Pumasok na lang po kayo dito sa loob."

Agad binuksan ni Lucile ang pintuan ng kwarto ng kanyang bunsong kapatid tsaka siya pumasok upang kausapin ito ng masinsinan.

Lucile: "Emily, okay ka lang ba?"

Emily: "Hindi po ako okay, Ate! Kasi pinagbabawalan niya ako sa kung anong gusto kong gawin sa high school life ko!"

Lucile: "Emily, huwag ka naman ganyan kay Ramon. Tsaka pinoprotektahan ka lang naman niya sa kung ano ang maaring mangyayari sayo na masama."

Emily (irritated): "Ate, pati ba naman kayo ay pinagbabawalan niyo rin ba ako na magkaroon ng jowa sa school!"

Lucile: "Hindi naman sa ganun, Emily, na pinagbabawalan kita. Ang sa akin lang naman ay makapagtapos ka sa pag-aaral mo, basta hindi nakakagulo sa pag-aaral mo ang Jowa mo! Pero kung bumababa ang Grades ng dahil sa pagjojowa, malamang kailangan kong sumang-ayon kay Ramon. Kaya humingi ka na lang sorry sa kanya at para na rin sa ikakabuti mo rin."

Matapos marinig ni Emily ang sinabi ng kanyang Ate, kahit na siya'y naiinis sa hindi magandang pakikitungo sa kanila ni Ramon, pinili na lang nyang tumango sa kanyang Ate bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Tsaka niyakap ni Lucille ang kanyang bunsong kapatid para gumaan ang pakiramdam ng kanyang bunsong kapatid. Ganun pa man, hindi pa rin tapos ang kalbaryo nila sa pakikitira sa bahay ni Ramon dahil narinig nila ang sigaw ng galit na lalaki mula sa kusina.

Ramon: "LUCILE AT EMILY, BAKIT ANG TAGAL NINYO DYAN SA ITAAS?! BUMABA NA KAYO AT KAKAIN NA TAYO! AT HUWAG KAYO MAGBAGAL-BAGAL NA KUMILOS DIYAN SA TAAS!"

Lucile: "Oo. Papunta na kami diyan!"

Emily: "Ate, pagagalitan na naman niya ako sa harap ng hapag."

Lucile: "Alam ko. At pakisamahan mo na lang si Ramon. Sa ngayon, magtiis na lang muna tayo at pangako, makakaalis din tayo dito sa bahay kapag nakapag-ipon ako ng sapat ng pera."

Emily: "Sige po, Ate."

Matapos mag-usap ang magkapatid, sabay sila ng kanyang ate na bumaba mula sa kanyang kwarto. Tsaka sila humarap sa mesa at naghapunan.

Habang kumakain ang tatlo sa hapag-kainan, naisipang magsalita ni Emily kay Ramon upang humingi ng tawad sa kanyang inasal.

Emily: "Kuya, may sasabihin lang po ako sa inyo."

Ramon: "Huwag ka na magsalita, Emily, kung hindi naman importante ang sasabihin mo sa akin!"

Biglang sumingit sa usapan si Lucile kay Ramon at Emily.

Lucile: "Honey, pakinggan mo muna si Emily, kung ano ang sasabihin nya sayo. Sige na, Emily, sabihin mo na sa kanya."

Emily: "Kuya, sorry po sa mga nasabi ko sa inyo kanina. Sana po hindi na lang ako sumumbat sa inyo para hindi kayo nagalit sa akin. Sana mapatawad niyo ako."

Ramon: "Dapat lang, Emily, na sumunod ka sa akin! Kung hindi dahil sa akin, hindi ka magkakapag- aral sa isang magandang paaralan! At huwag ka muna magkaroon ng boyfriend kung ayaw mong palayasin kita sa susunod! Nagkakaintidihan ba tayo, Emily?"

Emily: "Opo kuya."

Nagpatuloy ang tatlo sa pagkain ngunit hindi na umimik ang tatlo habang kumakain.

Matapos maghapunan, nakagawian ni Emily na hugasan ang kanilang kinainang mga plato at kubyertos. Nagpupunas ng mesa at tinulungan naman siya ng kanyang Ate. Nanonood at nakahilata naman sa sofa si Ramon.

Nang mailigpit ng magkapatid ang mga gamit sa kusina, agad umakyat ng kanyang kuwarto si Emily tsaka siya nagdasal bago matulog. Muli na naman niyang ipinagdarasal at umaasa siyang makaka-alis sila ng kanyang Ate mula sa pagmamaltrato sa kanila ni Ramon.

Ngunit, ilang minuto ang nakakaraan habang sumisigaw sa galit at pinapagalitan si Emily. Isang lalaki na estudyante rin mula sa Seladona Junior Science High School, ang napadaan sa harap ng bahay ni Ramon at narinig ang mga sinabi nito kay Emily. Sandaling pinakinggan ng lalaki ang mga sagutan ng mga nag-aaway. Nang tumahimik ang lahat sa tapat ng bahay, agad din umalis at patuloy sa paglalakad ang naturang lalaki.

Ngunit sa pag-alis niya, naunawaan rin niya na iniindang sakit sa kalooban ni Emily at naisip nitong kailangan niyang gumawa ng hakbang upang tulungan ang kanyang kaklase.