Chereads / Silent Waltz [TAGALOG] / Chapter 23 - Chapter 23- Halloween Party

Chapter 23 - Chapter 23- Halloween Party

Dalawang araw ang nakalipas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay ng mga estudyante sa Seladona Junior Science High School, ang araw ng kanilang Halloween party. Ngunit dumalo din ang ilang mga bisita mula sa ibang eskwelahan at nakikisaya din sa magaganap na event.

Pagdating ni Emily sa Auditorium ng kanilang eskwelahan, suot ang kanyang Green Fairy Costume, namataan nito ang kanyang mga kaibigan na sina Claire at Nina, suot din ang kanilang mga Costume.

Emily: "Wow! Nina, ang cute mo naman diyan sa Witch Costume. Bagay sa hitsura mo."

Nina: "Hehe...Thanks. Ikaw din naman, Emily. Pati rin ikaw, Claire. "

Claire: "Mukha ba akong cute sa costume ko? Eh...Puting bistida na pantulog lang naman ang suot ko. Tsaka nilugay ko lang paharap yung buhok ko."

Emily: "Ayaw mo yan, Claire? Ikaw ang ang pinakacute na White Lady na makikita ng mga tao dito sa Party."

Nina: "Oo nga!"

Claire: "Ahh...Eh... Ganun ba? Hehehe...Imbis na mag mukha akong nakakatakot, nagmukha pa akong cute."

????: "Kung cuteness lang naman are being talked about, then ako lang dapat ang Cute and nakakatakot dito!"

Napalingon sila Emily sa pinanggalingan ng boses. Paglingon nila, nakita nila ang tatlong babaeng nakasuot ng sexy na damit na may prosthetics na buntot at pakpak, nakasuot ng headband na may sungay at kasama nila ang isang lalaki na may dalang Portable Smoke machine na naka-costume din ng Frankenstien at pinapausukan ang tatlong babaeng nasa harap nito habang naglalakad. Nagkaroon ng ideya sila Emily, Nina at Claire kung sino ang mga panauhing ito.

Nina: "Aba....Sila Ruby lang pala."

Emily: "Oo nga. Tsaka ano na naman yan pakulo niyo? Nagdala pa kayo ng pampa-usok."

Claire: "Hindi ba dapat nakakatakot na costume ang suot ninyo? Ba't pang Summer season ang mga suot niyo?"

Ruby: "Well...Girls, mukhang lumabas na rin ang Stupidity ng tatlong Losers na eto."

Samantha: "Kaya nga eh, Ruby. Wala silang idea kung ano ang mga suot natin? Tsaka kung titingnan mo yung mga suot nila, parang binili lang sa hukay-hukay."

Ivy: "Oo nga. Ang cheap nga ng mga suot nila. Hindi tulad sa atin na branded. Tsaka pangkaraniwan ng nakikita sa mga Halloween Parties ang mga suot niyo."

Hindi nagustuhan ng grupo ni Emily ang mga sinabi nila Ruby, Ivy at Samantha na tila nang-iinsulto ang mga ito. Ngunit, aminado naman sila na wala silang idea kung ano ang pinoportrate na Costume ng grupo ni Ruby. Pero sinubukan pa ring makipagsagutan ang magkakaibigan sa grupo ni Ruby.

Nina: "Eh ano ngayon kung cheap at galing sa Ukay ang mga damit namin? Atleast, nakapasok kami para makisaya sa Party."

Emily: "Oo. Tama si Nina. Nandito lang kami para makisaya sa party at hindi makipagpayabangan sa suot n'yong Demonyo na Costume."

Ruby: "Hey!! FYI! Emily, this is not a Demonyo Costume. It's a Succubus Costume. And it is not what your stupid brain is iniisip?!"

Labis ang inis na nararamdaman ni Emily at plano na nitong sabunutan si Ruby dahil sa pang-iinsulto nito. Ngunit, hinawakan ni Claire ang kanyang kanang-kamay at pinigilan siya nito. Sabay bulong nito sa tainga ni Emily.

Claire: "Sabayan na lang natin sila base sa suot nila."

Sumunod naman si Emily sa sinabi ni Claire at inobserbahan ang sasabihin ng kanyang kasama.

Claire: "Succubus Costume? Hmmm...."

Nina: "Bakit Claire? May napansin ka ba sa suot nila?"

Tiningnan mula ulo hanggang paa ni Claire ang grupo ni Ruby. Hanggang sa may masabi ito.

Claire: "Wala namang pinagkaiba."

Emily: "Oo nga. Wala nga."

Nina: "Walang pinagkaiba ang alin?"

Claire: "Sa Demonyo."

Ruby: "How many times na sasabihin kong, It's a Succubus Costume?! And not a Devil!"

Samantha: "Oo nga! Ang sexy nga naming tingnan!"

Ivy: "Baka inggit lang kayo. Mga talunan."

Upang maintindihan ni Nina ang ibig sabihin ni Claire sa sinabi nito, tinignan din nito si Ruby mula ulo hanggang paa at ikinumpara ang itsura nila Ruby sa sinabi ni Claire. Hanggang sa napangisi siya sa kanyang naisip.

Nina: "Hihihi!! May punto ka nga, Claire."

Claire: "Tama ako, Hindi ba?"

Emily: "Oo nga. Nadale mo."

Ruby: "What are you three talking about?!"

Emily: "Sige, sa pagkakataong ito, hindi na kami makikipagdebate pa sa inyo."

Nina: "Oo nga. lumalabas kasi na kayo ang tama sa pagkakataong ito."

Ruby: "Huh?! See! I am right!"

Samantha: "Mukhang sa wakas, nakita na rin ng mga Losers na eto na di nila tayo kaya."

Ivy: "Oo nga."

Emily: "Inaamin namin, bagay nga sa inyo at sa pag-uugali niyo ang mga suot ninyong Costume."

Claire: "Kaya wala na kaming masasabi pa sa Demonyo ninyong costume. Bagay sa inyo."

Ruby: "Oo! Right!"

Ivy: "Oo! Sang-ayon di-! Teka? Ano?!"

Emily: "Sige! Maiwan muna namin kayo."

Nina: "Tsaka nag-aaksaya lang kami ng oras sa inyo."

Claire: "Tsaka hahanapin pa namin si Althea. Kanina pa namin siya hindi nakikita. Kaya enjoy the Party."

Ruby: "Sige mga Losers! Umalis na kayo! At huwag na kayong magpapakita nang mahanap ko pa ang aking Axel para maaakit siya sa aking itsura."

Emily: "Okay. Good luck na lang kung mahanap mo siya sa dami ng taong naka-costume dito."

Sabay alis ng grupo ni Emily palayo sa grupo ni Ruby. Ngunit napangisi at tumatawa ang mga ito dahil sa tumugma sa Costume ng Grupo ni Ruby ang kanilang ugali at malapit din ang itsura ng mga ito ang sa ugali ng Demonyo.

Ruby: "See guys! Mga Losers talaga. At no brain din. Tinanggap nila ang na mas bagay sa atin ang Costume ng Demonyo."

Ivy: "Ruby, may mali ata sa sinabi mo."

Ruby: "Why is it?"

Samantha: "Di ba, Succubus Costume ang sinabi mo kanina? Bakit ngayon naging Demonyo?"

Sandaling napaisip si Ruby at biglang naunawaan ang ibig palabasin ng grupo ni Emily. Kung kaya't nagalit ito ng ikinikumpara ang kanilang suot sa itsura ng Demonyo.

Ruby: "WHAAAT?! Bw*s*t na mga Losers yan! Succubus Costume ito! Hindi Demonyo!"

Samantha: "Sa nakikita ko, mukhang naisahan na naman tayo."

Jackson: "Bakit pa kasi nagcostume pa kayo ng Demonyo? Puwede naman kayong magsuot ng Zombie Costume."

Ruby: " Shut up! You stupid monkey!"

Jackson: "Anong Monkey?! Di mo nakikita?! Gorilya ang Costume ko!"

Ivy: "Ang tanga mo talaga, Jackson. Frankenstien Costume ang suot mo! Hindi Gorilya!"

Ruby: "Anyway! It's not important na kung ano ang opinion ng mga Losers? Basta't masunod purpose ko dito! Ang maging Scariest and Cutest being dito sa Party! And mapaakit ko si Axel!"

Tsaka umalis si Ruby at iniwan ang mga kasamahan nito sa kanilang kinatatayuan.

Ivy: "Hay.....Wala na. Hindi magbabago ang isip ni Ruby. Talagang si Axel pa rin ang laman ng kanyang utak."

Samantha: "Oo nga. Pero enjoyin na lang din natin ang Party. Total andito na rin tayo."

Ivy: "Oo. Kuha tayo ng pagkain."

Jackson: "Sige. May gagawin na rin ako. Hahaha!"

Ivy: "Oo na. Bahala ka nga sa buhay mo." (Hay... maghahanap na naman ng mabubugbog ang lalaking eto. Sana hindi ka ulit makahanap ng katapat diyan sa mga taong nandirito kasi galing din sa ibang School ang iba sa mga bisita dito sa Party.)

Nagkahiwa-hiwalay ang mga kasamahan ni Ruby upang asikasuhin din ang sarili nilang mga plano sa pag-eenjoy sa Party.

Matapos makalayo ng grupo ni Emily mula sa grupo ni Ruby, namataan naman nila sina Isaac at Edward malapit sa Punch bowl kung saan kumukuha ng inumin ang mga ito.

Emily: "Guys! Anong ginagawa niyo dito tabi ng Punch Bowl?"

Claire: "Oo nga. Ang aga niyo namang uhawin."

Nina: "Isaac, bagay din pala sayo yung Witch Costume?"

Isaac: "Haha! Nina, hindi ito Witch Costume. Ang Witch Costume para sa babae."

Edward: "Oo nga, Nina. Yan suot ni Isaac na mahabang damit na kulay itim at may baston, Wizard ang tawag dyan sa mga lalaking Witch. Kung minsan, Sorcerers or Mage ang tawag sa mga Wizard o Witch. Kaya nakakalito kung ano ang itatawag ko dyan sa mga suot niyo?"

Emily: (Ang talino talaga ni Edward. Halos sabihin niya na ang buong Trivia sa pagpapaliwanag niya.)

Claire: "Edward, ano naman yan Costume mo? Ba't ka naka-laboratory coat at patayo lahat ng buhok mo sa ulo na para kang nakuryente-!" (Ba't parang bigla akong kinilabutan?)

Biglang napatahimik si Claire nang walang dahilan at tila kinilabutan siya ng may maalala siyang isang pangyayari na may kinalaman sa kuryente.

Claire: (Gra‐Grabe...Sumagi pa sa isipan ko yung pangunguryente ni Kit sa mga estudynate sa loob ng Computer room, last week. Parang pakiramdam ko, nasa paligid lang siya at handang.....)

Naging malikot ang imahinasyon ni Claire na baka nasa likod lang si Kit at mapag-tripang kuryentehin siya sa likod. Nang biglang may mga kamay na pumatong sa mga balikat ni Claire at napatili ito sa gulat.

Allan: "Hi! Claire! Na-miss ka namin!"

Allen: "Oo nga!"

Claire: "AAAAAAHHHHH!"

Napatakbo sa gulat si Claire at kasabay ng kanyang pagtakbo ay ang malakas niyang pagtili na tila nakatawag din ng pansin sa ibang mga bisita.

Nagulat at nagtaka sila Emily, Nina, Isaac at Edward sa naging reaksyon ni Claire.

Emily: "Teka?! Ba't tumakbo si Claire?! Anong nangyari?!"

Edward: "Hindi ko alam! Nagulat nga din ako nung bigla siyang tumili!"

Nina: "Hoy! Kayong dalawa! Anong ginawa niyo kay Claire?!"

Isaac: "Oo nga! Tsaka, ang astig ng costume niyo ah! Saan niyo nakuha yan?"

Nina: "Isaac, ano ba?! Hindi ito ang tamang oras para purihin ang costume ng mga bastos na yan?! Sabihin niyo?! Anong ginawa niyo kay Claire?!"

Nakahanda nang ipalo ni Nina ang kanyang Props na walis sa Kambal dahil sa iniisip nito na ang Kambal ang may pakana sa hindi maipaliwanag na pagtakbo ni Claire.

Ngunit ipinaliwanag naman ng Kambal na wala silang ginawa para magulat at mapatakbo si Claire

Allan: "Uy! Guys! Sandali lang! Wala kaming ginagawa ni Utol!"

Allen: "Oo nga! Tsaka nagulat din kami noong bigla siyang tumili!"

Emily: "Sigurado ba kayo sa mga sinasabi niyo? Hindi tatakbo ng ganun si Claire kung wala kayong ginawa!"

Allan: "Guys! Maniwala kayo! Wala kaming ginagawang masama ni Utol sa kanya!"

Allen: "Oo! Sa katunayan nga, binati lang namin siya sabay pinatong lang namin ni Utol ang kanang kamay namin sa balikat nya! Yun lang naman ang ginawa namin!"

Isaac: "Baka naman may nakatagong kung anong bagay sa mga kamay ninyo kaya nagulat si Claire?"

Allan: "Tulad naman ng ano, Isaac? Ehh..... Nakikita mo naman sa mga kamay namin na wala kaming suot na Gwantes!"

Allen: "Oo nga! Kaya imposible kaming makapagtago ng mga bagay na ikagugulat ni Claire."

Allan: "Maliban na lang kung hihiga kami at magpapadulas sa sahig para makita ang ilalim ng kanyang palda. Di ba, Tol?"

Allen: "Oo nga!"

Isaac: "Kaya ba naka-Ninja Costume kayo dahil pinaplano niyong manilip ng mga babae dito sa party?!"

Allen: "Oy! Hindi ah!"

Allan: "Oo nga!"

Nina: "Huwag na kayong umasa dahil hindi yan mangyayari."

Emily: "Tsaka wala na din sa mga oras na ito si Claire na pinaplano niyong silipan."

Allan: "Eh di kung wala siya, hahanapin na lang namin si Claire. Di ba, Tol?!"

Allen: "Oo nga! Kaya aalis na kami! Bago niyo pa siya mahanap!"

Biglang nagpasabog ng Smoke bomb ang dalawa sa harapan nila Emily at biglang naglahong parang bula ang Kambal.

Nina: "Sinasabi ko na nga ba?! May plano talaga silang silipan si Claire!"

Emily: "Eh di unahan natin yung Kambal na mahanap si Claire bago nila magawa yung masama nilang plano!"

Edward: "Tama ang naisip mo, Emily. Pero paano natin sila mauunahan kung hindi natin alam kung saan nagpunta si Claire?"

Isaac: "Kung subukan niyo kayang tawagan o itext si Claire at tanungin niyo sa kanya kung nasaan siya ngayon?"

Emily: "Ang galing mo, Isaac! Hindi ko alam na genius ka rin pala. Nina, itext at tawagan natin si Claire."

Nina: "Oo, sige."

Edward: "Teka? Genius na ngayon si Isaac?!"

Sinubukang itinext at tinawagan nina Emily at Nina ang Cellphone number ni Claire. Ngunit laging sinasabi sa kabilang linya na Out-of-Coverage si Claire at hindi rin ito nagrereply sa kanila.

Kung kaya't nag-aalala sila Emily na baka pumunta ito sa lugar na walang signal.

Emily: "Nina, laging sinasabi ng kabilang linya, "Please try again later." Saan kaya siya nagpunta?"

Nina: "Pati sa mga text ko sa kanya, wala din siyang reply."

Isaac: "Kung ganun, kailangan natin siyang hanapin."

Emily: "Pero saan naman?"

????: "Naghahanap ba kayo ng tulong? At nangangailangan ba kayo ng taong magaling maghanap?"

Nina: "Huh? Sino yung nagsalita?"

Isaac: "Hindi ako ah."

Edward: "Lalong hindi ako.

Emily: "Eh kung ganun, Sino?!"

Matapos mabanggit ang tanong ni Emily, biglang may lumundag na lalaking nakakapa palabas sa mga halaman malapit sa tinatayuang Punch Bowl nila Emily at nagpasikat pa ng entrance ang naturang lalaki. Na kilala naman ng grupo ni Emily.

Daniel: "Kung Ninja ang kalaban, kailangang Pogi ang bida! Anino laban sa Anino! Nandito na! Si Daniel, ang gwapong bampira!"

Sabay Spider-man pose na may kasamang nagpa-apsusok na mga lalaki sa likod ni Daniel. Ang kaso, mga nagvi-vape na mga kaklase din nila Emily ang mga nagpapausok sa likod nito na binayaran naman ni Daniel para magpasikat. Napangiwe na lang ang apat sa ginawa ni Daniel.

Daniel: "Oy! Tuloy-tuloy lang kayo sa pagpapa-usok! Babawasan ko ang mga bayad niyo kapag hindi niyo itinuloy yan!"

Student Boy1: "Grabe naman yan, Daniel! Halos huminga na kami sa usok, masunod lang yan pagpapasikat mo!"

Student Boy2: "Oo nga! Iwan na nga natin eto! Hindi na namin kailangan ng pera mo!"

Biglang umalis ang dalawang lalaking inarkila ni Daniel para magpausok. At wala na siyang nagawa para mapanatili ang mga ito.

Daniel: "Oy! Bumalik nga kayo! Nasisira ang image ko sa kapalpakan niyo! Anyway, nandito na ang lalaking tututlong sa inyo!"

Nagtinginan sa isa't isa sila Emily, Nina, Isaac at Edward. Tsaka prinangkang nagsalita si Nina kay Daniel.

Nina: "Daniel, ang OA mo. Kailangan ba talagang may Cinematic Entrance ka pa para tumulong?"

Daniel: "Siyempre! Kailangan Nina. Dapat ako ang poging Vampire sa gabing ito!"

Emily: (Habang tumatagal na nakikilala ko si Daniel, lalo ding lumalabas ang kakapalan ng kanyang mukha.)

Edward: (Gusto niyang maging pinakagwapong lalaki sa gabing ito. Pero sobra naman siyang makapagreklamo kapag hinahabol siya ng mga babae).

Isaac: "Daniel, kanina ka pa ba diyan sa likod ng mga halaman? Ba't ngayon ka lang lumabas?"

Daniel: "Pareng Isaac, nag-under-cover ako sa likod ng mga halaman para hindi ma-expose ang sarili ko sa mga naghahanap sa akin. Tsaka para mas maging nakakagilaslas ang aking Cinematic Entrance na inyong nasaksihan."

Isaac: (Grabe....Nasa ibang level na ang kayabangan ng lalaking eto.)

Emily: "Uhm...Daniel, ano pala ulit ang sadya mo at naghanda ka pa ng mga pampasikat na pose?"

Daniel: "Siyempre! Para tumulong na pigilan yung Kambal na Ninja! Kaya naman, aalis na ako para hanapin si Claire!! Tayo na! Pogi vampire ATTAAAACK!"

Sabay takip ni Daniel ng kanyang bibig gamit ang kanyang itim na kapa at tumakbo ito diretso sa mga nagsasayawang mga tao sa Party.

Wala ng nagawa sila Emily kundi ang pagmasdan ang tumatakbong lalaki at mapakamot na lang ng ulo sa ginawa nito.

Nina: "Anong nangyari sa lalaking yun? Nahawaan na ba si Daniel ng ka-weirduhan ni Kit?"

Edward: "Hindi. Pero kung ikukumpara si Kit sa ginawa ni Daniel ngayon, mas malala pa rin si Kit."

Emily: "Speaking of Kit, nandito ba siya sa Party?"

Isaac: "Sa tingin ko, wala. Kasi kung nandito siya, baka kanina pa ako nakakakita ng Weird na nilalang sa gitna ng Party."

Emily: "Ga-Ganun ba?" (Ganun ba siya ka-sobrang weird? Parang gusto ko tuloy alamin kung bakit napaka-weird niyang tao.)

Edward: "Speaking of weird, bakit may naka-mascot ng violet na dinausaur sa gitna ng party?"

Isaac: "Okay. Hula ko si Kit iyan."

Edward: "Isaac, gusto mo magpustahan tayo kung si Kit yung laman ng mascot?"

Isaac: "Oo, Siyempre! Sigurado akong si Kit yan. Kaya ipupusta ko yung 500 pesos ko dito sa bulsa ko."

Edward: "Sige, 500 din ako. Ang mananalo, kukunin yung pusta ng natalo."

Isaac: "Okay. Game!"

Emily: "Teka?! Guys! Akala ko ba hahanapin natin si Claire?!"

Nina: "Oo nga! Tsaka ba't napunta ang interest niyo dun sa mascot?!"

Edward: "Ehh...Pasensya na kayo, Emily at Nina. Na-curious kasi kami ni Isaac kung sino ang nasa loob nung mascot?"

Isaac: "Tsaka huwag kang mag-alala, Nina. Hahanapin din namin si Claire, pagkatapos naming makita kung sino yung taong naka-mascot?"

Nina: "Aalis na kami ni Emily para hanapin si Claire."

Emily: "Tsaka balitaan niyo rin kami kung nahanap niyo na rin si Claire."

Edward: "Okay. Noted yan."

Isaac: "Kami din. Balitaan niyo rin kami kung nahanap nyo na rin siya."

Nina: "Okay."

Matapos ang ilang minutong pag-uusap nila Emily, Nina, Isaac at Edward, naghati sa pares na grupo ang mga ito upang hanapin si Claire.

Magkasamang naghanap sina Emily at Nina sa labas ng Auditorium ng kanilang eskwelahan, habang sina Edward at Isaac naman, pinuntahan ang taong naka-mascot ng violet na Dinausaur upang alamin kung sino ang may suot nito at para malaman kung sino ang mananalo sa kanilang pustahan.

Paglapit nina Edward at Isaac sa Mascot, natuwa ang taong nakasuot sa loob ng mascot at ibinuka nito ang bunganga ng suot nito upang makita ang mukha nung taong nakasuot rito.

Nadismaya naman si Isaac ng makita ang mukha sa loob ng mascot at sa pagkatalo nito sa pustahan nila ni Edward.

Isaac: "A-Axel?! Teka?! Bakit nakasuot ka ng Mascot?!"

Edward: "Oo nga. Nakakapagtaka? Pero atleast panalo ako sa pustahan! Kaya Isaac, alam mo na?"

Isaac: "Oo na! Pambihira.." (Andami atang nahahawaan si Kit sa araw na ito. Ano na bang nangyayari sa mga kaklase ko?!)

Gaya ng napag-usapan, ibinigay ni Isaac ang ipinusta nitong 500 pesos kay Edward. Pangisi-ngisi naman si Edward nang makuha nito ang napanalunang premyo.

Nagtataka naman si Axel sa kung ano ang ginagawa ng dalawa niyang kaklase.

Axel: "Guys? Anong ginagawa niyo? Ba't ibinibigay ni Isaac ang 500 pesos sayo, Edward?"

Edward: "Nagkaroon kasi kami ng katuwaan kanina kung sino ang nakasuot ng mascot na suot mo ngayon, Axel?"

Isaac: "Pumusta kasi ako na 100% si Kit ang nakasuot sa suot mo, Axel. Ang kaso, hindi ko akalain na ikaw pala ang nakasuot niyan. Kaya natalo ako sa pustahan."

Axel: "Ah.....Ganun ba? Pasensya ka na, Isaac. Nawalan ka pa ng pera ng dahil sa akin."

Isaac: "Oo na. Wala na rin ako magagawa. Natalo na ako pustahan." (Sana hindi ko na lang ipinusta ang pera ko. Naging kampante pa kasi ako.)

Edward: "Mabalik naman tayo sayo, Axel. Bakit ka pala nakasuot ng Dinausaur mascot?"

Axel: "Eh....Wala na kasi akong mahanap na matinong costume sa Mall. Nabili na lahat ng mga umattend dito sa party. Kaya hiniram ko na lang yung Barney mascot na ginagamit ng tatay ko kapag nagsa-sideline siya sa mga Birthday."

Isaac: "Ibig mong sabihin, isinuot mo ang Mascot na yan dahil wala ka nang maisuot?!"

Axel: "Oo. Parang ganun na nga."

Nagtinginan sina Edward at Isaac ng maisip nilang, naging desperado si Axel na makapasok sa party kaya napilitan na lang itong isuot ang isang Barney Costume makasama lang sa kanilang Halloween party.

Axel: "Guys! Naalala ko, nakita niyo ba sila Emily at Daniel? Kanina ko pa kasi sila hinahanap. Tsaka, baka hindi nila ako makilala kasi...alam niyo naman, dahil sa suot ko."

Edward: "Kung si Emily ang hinahanap mo, lumabas sina ni Nina para hanapin si Claire."

Axel: "Ano? Para hanapin si Claire? Bakit?"

Ipinaliwanag nina Edward at Isaac kay Axel ang nangyaring biglang pagtakbo at pagtili ng malakas ni Claire palabas ng Auditorium.

Pati na rin ang plano ng Kambal kay Claire, kung kaya't nag-uunahan ang mga kaibigan nito at ang Kambal sa paghahanap sa kanya.

Base sa kwento nang dalawa, naisip ni Axel na baka nagulat o kaya'y kinabahan sa isang pangyayari na naalala ni Claire at hinala niya, marahil ay naalala nito ang pangunguryente ni Kit nang walang pasabi sa mga estudyante, noong nakaraang linggo.

At habang iniisip ito ni Axel, pati rin siya ay kinikilabutan din sa tuwing tumatakbo sa kanyang isip ang biglang pangunguryente ni Kit sa kanyang likod ng walang pasabi.

Isaac: "Axel? Oy! AXEL!!"

Axel: "Sus! Isaac, ginulat mo ako."

Edward: "Axel, ayos ka lang? Bigla ka atang naging magugulatin?"

Axel: "Okay lang ako, Edward. Wala lang to. Hahaha!" (Grabe! Nakakatakot talaga si Kit. Sana hindi na siya magpakita dito sa party.)

Edward: (Bigla ata siyang naging maputla.)

Axel: "Kung ganun, pakalat-kalat lang sa kung saan si Daniel dito sa Auditorium at hinahanap din si Claire?"

Isaac: "Oo. Tsaka balita ko sa ibang mga kaklase natin, hinahanap ka din ni Ruby."

Axel: "Grabe....Ayaw talagang sumuko ng babaeng yun. Eh....Hindi ko nga siya gusto."

Edward: "Pero buti na lang, Axel, mascot ang suot mo ngayon. Siguro, kanina ka pa hindi mahanap ni Ruby dahil sa suot mo."

Axel: "Kaya nga eh. Siguro, blessing in disguise na rin itong suot ko. Tsaka umalis na rin tayo at tulungan na rin natin sila Emily sa paghahanap kay Claire." (At para hindi na rin ako matagpuan ni Ruby.)

Isaac: "Oo. Mabuti pa nga."

Sabay na naglakad at umalis mula sa Auditorium ang tatlong lalaki upang tumulong sa paghahanap kay Claire.

Habang naghahanap sa labas sila Emily, Nina, Isaac, Edward at Axel. Abala naman sa paghahanap si Daniel sa loob ng Auditorium nang namataan niya ang Kambal na abala din sa paghahanap kay Claire na tinitingnan ang mukha ng lahat ng naka-costume ng White lady. Ang problema nga lang, sa ilalim ng palda ng mga babae naghahanap ang dalawang ito.

Allan: "Oy! Ikaw?! Ikaw ba si Claire?"

Girl1: "Aahh! Bastos!"

Allen: "Ikaw?! Nakita mo ba si Claire?!"

Girl2: "Lumayo kayo sa akin mga Manyak!"

Daniel: "AHA! Nahanap ko din kayo! Mga kampon ng kabastusan!"

Allan: "Hoy! Ba't ka ba nakikialam?! Sino ka ba ha?!"

Allen: "Tol! Si Daniel yan! Ano ka ba?! Nakalimutan mo na ba si Daniel?!"

Allan: "Hindi. Pero nadala lang ako sa mga ginagawa natin."

Daniel: "Wala akong pakialam kung kilala niyo ako o hindi. Pero dito na matatapos ang inyong paghahasik ng lagim! Humanda kayo! Ultimate Pogi Technique! PULBOS NG KAGWAPUHAN!"

Inilabas ni Daniel mula sa kanyang parehong bulsa ang dalawang plastik na bote ng pulbos. Tsaka niya isinaboy sa mukha ng Kambal at napuwing ang mga ito.

Allan: "Araay! My Eyes!"

Allen: "Aaahhh! Oo nga."

Daniel: "At ang aking finishing move, Ang DUCT TAPE NG KAPOGIAN!"

Sunod namang inilabas ni Daniel ang isang duct tape na may makapal na rolyo, mula sa kanyang bulsa at mabilis nyang tinalian ang mga kamay, paa, bibig at pati na mga mata ng Kambal. Wala nang nagawa ang kambal sa ginawa ni Daniel sa kanila at pinili na lang nilang sumuko.

Daniel: "Ladies and Gentlemen! Huwag na kayong mag-alala! Dahil ako, Si Daniel ang poging bampira, ay nahuli na ang masasamang mga bastos! Kaya puwede na tayong mag-party ulit! Basta ako ang iboto niyong number 1 sa Best in costume ha?!"

Nagpalakpakan ang mga bisitang nakasaksi sa ginawa ni Daniel.

Ngunit biglang nang-agaw ng eksena si Ruby ng makita at marinig ang sinabi ni Daniel.

Ruby: "What?! Ikaw na anak-araw na nakasuot ng Waiter suit na may kapa ni Batman, ang magiging number one sa best in costume?!  I don't think so, Daniel."

Daniel: "So sinasabi mo, din ba? Reyna ng Pandaraya, na ikaw ang mananalo sa Best in Costume? Hindi ako papayag! Dapat mangibabaw ang kagwapuhan laban sa ka-inggratahan!"

Ruby: "Then, somebody will get hurt sa mga taong nandirito if hindi mo isusuko sa akin ang Best in Costume na title!"

Biglang naging seryoso ang mukha ni Ruby at inilabas nito ang latigong nakasabit sa kanyang baywang. Naalarma naman ang mga taong nanonood at nakikisawsaw sa kanilang ginagawa.

Girl1: "Seryoso ba yung babaeng nakasuot ng pang demonyo? Mananakit siya ng tao para lang sa titulo ng Best in Costume?"

Girl2: "Parang sobra naman siya kung para lang sa titulo.

Nang marinig ni Ruby ang mga bulong ng mga nanonood, bigla niyang iwinasiwas ang kanyang latigo at ipinatama sa isang babaeng nanonood. Agad naman kumilos si Daniel at sinalag ng kanyang kanang kamay ang latigo ni Ruby.

Daniel: "SALAG NG POGING LALAKE!"

Ruby: "What?! How in the world?!"

Pagkasalag ni Daniel, gumanti naman si Daniel at isinaboy ang kanyang pulbos kay Ruby. Ngunit umatras si Ruby sa pag-atake ni Daniel at muli iwinasiwas ang hawak nitong latigo.

Ruby: "Give-up na! Daniel! And let me be the Queen of this night!"

Daniel: "Ha! Asa ka pa! Ako ang magiging pinakapogi sa aking costume!"

Nang iwinasiwas ulit ni Ruby ang kanyang latigo kay Daniel, sa pagkakataong ito, nahawakan ni Daniel ang dulo ng latigo ni Ruby, sabay hila sa latigo. Ayaw naman bitawan ni Ruby ang kanyang latigo, kaya pati rin siya ay nahila rin ni Daniel.

Pagkahila ni Ruby, agad ipinalupot ni Daniel sa katawan at paa ni Ruby ang sarili nitong latigo at itinali ito upang hindi makakilos. Nang nakagapos na si Ruby, ginamit ni Daniel ang kanyang finishing move.

Daniel: "At ang panghuli!! Super Sealing Pogi Technique! DUCT TAPE NG KAPOGIAN!"

Inilabas ni Daniel ang kanyang Duct Tape at itinapal ito sa bibig ni Ruby upang hindi ito magreklamo. Ngunit, galit na nagpupumiglas at nagrereklamo si Ruby, pero kahit ano pang gawin niya ay wala ng pakialam sa kanya ang mga tao at napunta na ang atensyon ng mga ito kay Daniel.

Boy1: "Woooh! Ang galing mo Pogi Vampire! Tinalo mo yung mga nanggugulo dito sa party!"

Girl2: "Poging Daniel! Papicture kami!"

Daniel: "Salamat! Basta ako ang iboto niyong Best in Costume ha?!"

Habang natutuwa sa mga puri si Daniel, napansin nito ang isang babae sa likod ng mga tao na nakaputi at nakalugay ang buhok at natatakpan ang mukha nito tsaka tahimik lang itong lumayo mula nagkukumpulang tao, palabas ng auditorium.

Naghinala si Daniel na ito marahil si Claire, kaya agad sinundan ni Daniel ang nakaputing babae.

Pagdating nila sa labas, agad tinawag ni Daniel ang pangalan ni Claire sa babae.

Daniel: "Uy!! Claire! Sandali! Kanina ka pa namin hinahanap."

Huminto ang babae sa pagtawag ni Daniel at lumapit naman siya sa likod ng babae.

Daniel: "Claire, anuman ang nangyari kanina, huwag ka ng mag-alala! Dahil nandito na si Daniel para ihatid ka sa mga kaibigan mo!"

Lumapit ang babaeng nakaputi at niyakap si Daniel habang ito ay nakayuko. Ngunit naging kakaiba ang naging pakiramdam nito nang mapansin niyang matangkad at marinig ang matinis nitong boses nang magsalita ang babae.

????: "Salamat, Daniel. Pero hindi ako ang babaeng hinahanap mo.

Daniel: "Ha?! Ano? Hindi ikaw si Claire? Kung ganun, anong pangalan mo?"

Nang humarap ang babae at inayos ang nakalugay nitong buhok. Labis ang pagkagulat at kinilabutan si Daniel nang makita ang mukha at magbago din ang boses nito. Tsaka sinabi nito ang tunay nitong pangalang.

????: "Ako si Raul, pare! At dahil pogi ka, akin ka ngayong gabi."

Daniel: "NYAAAA! KAPREEE!"

Nagpumiglas si Daniel mula sa pakakayakap ng baklang nakayakap sa kanya. Nabitawan naman siya ng bakla tsaka tumakbo ng mabilis si Daniel palayo ngunit hinabol naman siya ng bakla.

Raul: "Halika! Bumalik ka dito, Macho! Ayaw mo bang iparamdam sayo ang tamis ng kalangitan?!"

Daniel: "Lumayo ka sa akin! Kampon ng kadiliman!"

Raul: "Kung kampon ako ng kadiliman, okay lang. Puwede ko din naman iparamdam sayo ang tunay na kababalaghan!"

Daniel: "AAAAAAHHHHH! TULUNGAN NIYO AKO!"

Raul: "Halika dito, Pogi Huwag ka nang tumakbo! Maabutan din kita!"

Naghabulan sina Daniel at ang bakla sa labas ng Auditorium at patuloy sa pagtakbo si Daniel sa takot niyang maabutan siya ng maskuladong bakla.

Samantala, habang naghahanap sina Emily at Nina sa madilim na parte ng kanilang eskwelahan malapit sa kakahuyan, may napansin si Emily na mga tunog malapit sa puno ng mahogany.

Emily: "Uh-uhm..... Ni-Nina? May narinig ka ba?"

Nina: "O-Oo. Bakit?"

Emily: "Sa-Sa Tingin mo? Si Claire kaya yun?"

Nina: "Si-Siguro."

Kinakabahan ang dalawa sa kung ano o sino ang nasa likod ng puno ng Mahogany. Hanggang sa may lumapit sa kanilang likod at tinapik ang balikat ni Emily.

Claire: "Guys! Anong ginaga-!"

Emily at Nina: "AAAAHHHH!"

Claire: "AAAAAHHHH!"

At nagulat ang tatlo matapos ang pagtapik ni Claire sa balikat ni Emily.

Nina: "Cla-Claire?! Te-Teka?! Anong ginagwa mo dyan sa likod?!"

Emily: "Oo nga! Tinakot mo kami!"

Claire: "Sorry na guys. Hindi ko naman sinasadya na takutin kayo. Tsaka pasensya na rin kung bigla din akong napatakbo sa takot kanina."

Nina: "Oo nga! Naalala ko? Ano ba kasing nangyari kanina?!"

Ipinaliwanag ni Claire sa kanyang mga kaibigan ang nangyaring pagtakbo nito dahil sa panggugulat ng Kambal. Ngunit siya'y nagulat hindi dahil sa ginawa ng Kambal, kundi dahil sa inakala ni Claire na si Kit ang nasa kanyang likod at kukuryentehin sya nito gamit ang Taser, gaya na lang sa kanyang nasaksihang pangunguryente ni Kit sa mga pasaway na estudyante sa loob ng Computer room, last week.

Nina: "At yun ang dahilan kung bakit ka tumakbo?"

Claire: "Oo, Nina."

Emily: "Pero Claire, alam naman nating mga pasaway lang ang mga sinasaktan ni Kit, hindi ba?"

Claire: "Ehhh... Sinabi kasi ni Axel, basta na lang daw nananakit ng tao, ayon sa kanya."

Emily: "May posibilidad nga siguro na baka gawin nga niya yan sa atin sa mga susunod pang mga araw. Pero hindi pa naman natin siya nakitang nanakit ng mga hindi pasaway, hindi ba?"

Nina: "Objection, Emily. Pero hindi natin alam kung ano talaga ang tumatakbo sa utak ni Kit? Kung maalala mo, pinasabugan niya tayo ng Smoke Bomb sa harap ng gate noong mga nakaraan. Kung Smoke bomb nga, nagawa niyang ipasabog sa harapan natin, paano pa kaya kung tunay na pampasabog yun?"

Pinag-isipan ni Emily ang mga sinabi ni Nina at naisip niyang marahil ay tama nga ang sinasabi nito. Ngunit nag-aalinglangan siyang paniwalaan ang punto ng kanyang dalawang kasama.

Emily: "Siguro nga, tama kayo. Baka manakit nga siya ng tao sa mga susunod pang mga araw." (Pero pakiramdam ko hindi siya ganung uri ng tao na basta na lang mananakit. Kung maalala niyo, binigyan niya ako ng isang sako ng prutas noong nasa Camping pa tayo.)

Claire: "Kaya dapat tayong mag-ingat, baka mamaya, may topak pala si Kit at bigla siyang gumawa ng kung ano."

Emily: "Oo na."

Matapos mapag-usapan ng tatlo ang mga maaring gawin ni Kit sa mga susunod pang mga araw, napansin si Nina ang dalang plastik ni Claire na may lamang mga pagkain at inumin. Kaya tinanong nya ito.

Nina: "Tsaka, Claire? Bakit may mga dala kang mga chichirya at isang litro ng Coke?"

Claire: "Ahh...Eto ba? Kakainin namin ito ni Alt."

Emily: "Ha?! Si Alt?"

Nina: "Kung kasama mo si Alt, nasaan siya?"

Althea: "Nandito ako sa likod ng puno."

Nagtaka sina Emily at Nina matapos marinig na sinagot ni Althea ang kanilang tanong. Ngunit lalo pang dumami ang tanong na tumatakbo sa isip ng dalawa.

Emily: "Alt, bakit ka naman nandyan sa likod ng puno? Anong ginagawa mo dyan?"

Nina: "Alt, kanina ka pa ba diyan sa likod ng puno magmula nung nagsimula ang Halloween Party?"

Emily: "Tsaka nagcostume ka ba? Nahihiya ka ba sa Costume mo? Puwede naman nating ayusin ang Costume mo kung may problema."

Althea: "Ehhh! Yun nga ang problema! Mismong ang Costume ko ang problema!"

Nina: "Bakit? Ano bang isinuot mong Costume?"

Upang maipaintindi ni Althea sa kanyang mga kaibigan ang dahilan ng kanyang pagtatago sa likod ng puno, dahan-dahan at nahihiya siyang lumabas, habang tinatakpan ang kanyang katawan. Namangha naman sina Emily at Nina sa kanilang nakita.

Nina: "Wow! Althea! Bagay sayo ang Costume mo!"

Emily: "Oo nga! At ang sexy mo din!"

Althea: "Eto nga ang problema! Napaka Sexy kong tingnan sa Wonder Woman costume na eto! Hindi lang sa maikli ang damit na ito, bakat din sa katawan ko yung tela at nakakainis ng costume na ito!"

Nina: "Anong masama dun? Minsan ka lang naman magpapakita ng balat."

Althea: "Magpalit kaya tayo ng Costume nang malaman mo ang sinasabi mo?!"

Nina: "Hindi na. Mas bagay ko pa yung suot kong Costume."

Althea: "Kainis ka din Nina."

Emily: "Alt, kung ayaw mo sa Wonder Woman Costume na iyan, bakit pinili mo rin yan isuot?"

Althea: "Ayoko talagang isuot ito, Emily. Pero pwinersa ako ng nanay ko na isuot ang bagay na ito dahil bagay ko daw. Kaya wala na akong nagawa."

Nina: "Pero bagay mo naman talaga. Baka madaig mo pa nga yung Costume ng grupo ng mga Demonyo. Hihihi!"

Althea: "Mga Demonyo?"

Emily: "Ehhh.....Ano kasi...Yung tinutukoy ni Nina, yung suot na costume nila Ruby."

Althea: "Ah....Ganun ba? Mas mabuti kung huwag ko nang alamin."

Claire: "Ngayong nakita niyo na si Alt, siguro magpicnic na lang tayo dito. Nahihiya naman kasi si Alt na pumunta sa loob ng Auditorium."

Nina: "Ang galing ng naisip mo, Claire. Magpicnic na lang tayo dito sa labas. Kaysa naman sa nakikipagsiksikan pa tayo sa Auditorium."

Emily: "Oo. Sang-ayon din ako. Pero maghanap na muna tayo ng magandang pwesto."

Althea: "Sige ba! Pero dun tayo sa pwestong medyo abot ng liwanag. Baka laitin ako kapag may ibang taong makakita sa akin."

Nang mapagkasunduan ng magkakaibigan ang magpicnic na lang sa labas ng Auditorium, pumunta ang mga ito sa isang Shed malapit sa kanilang eskwelahan at inilatag sa mesa ang mga biniling pagkain ni Claire.

Itinext naman ni Emily kila Isaac at Edward na nahanap na nila si Claire at sila'y nakatambay sa Shed. Nagreply naman si Edward at sinabi din na pupunta na rin sila Shed kasama si Axel para makisali sa kanilang picnic at magdadala din ang mga ito ng pagkain.

Emily: "Guys, nagreply si Edward, papunta na sila dito sa Shed. Tsaka kasama din daw nila si Axel."

Claire: (Ano? Kasama nila si Axel? Pero kahit na nandito pa siya, hindi ko rin lang maitatanong sa kanya kung ano ibig niyang sabihin noong last week? Lalo na't nandito din si Emily.)

Nina: "Ha? Kasama nila yung jowa mo? Naisip ko lang, ano kaya ang suot na Costume ng jowa mo?"

Emily: "Hindi ko alam. Pero sigurado ako nagpagwapo din yun."

Nina: "Oo. Gaya na lang nung papoging si Daniel sa kanyang Vampire Costume."

Althea: "Vampire Costume ang isinuot ni Daniel?"

Nina: "Oo, Alt. At gusto niyang siya ang mananalo sa Best in Costume. Siguro sa mga oras na ito, nakikipag-kumpitensya na siya sa Grupo ni Ruby."

Althea: "Hay....Kahit kailan talaga napakayabang ng lalaking iyon." (Naisip ko lang, ano kaya magiging reaksyon ni Daniel kapag nakita niya ako sa suot ko?)

Nina: "Oo. Sinabi mo pa."

Emily: "Naalala ko lang. Claire? Paano mo pala nahanap si Alt?"

Claire: "Ehhh...Ano...Nung pag-alis ko kanina sa Auditorium. Nagpahinga ako dun sa kakahuyan kanina. Tapos na narinig ko yung boses ni Alt na galit na galit at sinisipa yung puno. Kaya pinuntahan ko siya, pero biglang nagtago si Alt sa likod ng sinisipa niyang puno. Nilapitan ko siya pero nakikipagtaguan siya sa akin sa puno. Hanggang sa nahawakan ko yung kamay niya at hinila ko siya palayo sa puno. Dun ko na rin nakita ang maganda niyang Costume na kanyang kinaiinisan."

Emily: "Ah....Okay." (Kaya pala magkasama sila ni Alt nang matagpuan namin si Claire. Siguro kung hindi nangyari yung pagtakbo ni Claire kanina, baka hindi na namin nakasama si Alt sa buong oras ng Halloween party.)

Ilang sandali pa, dumating na rin sila Isaac, Edward at Axel sa Shed dala ang kanilang mga biniling pagkain.

Isaac: "Nandito na kami!"

Nina: "Guys! Buti nakarating kayo. Tsaka bakit nakasuot ng Mascot si Axel?"

Axel: "Eto ang summary ng aking kwento. Wala akong maisuot."

Emily: "Pero ang cute ng suot mo Axel. Si Barney pa talaga?! Gustong gusto ko si Barney noong bata ako."

Axel: "Haha....Mukhang nataon na yung gusto mong character ang mismong costume ko. Pagkakataon nga naman."

Edward: "Aba! Andito pa pala si Althea? Ba't hindi ka nagpakita sa Auditorium kanina? Tsaka, bagay sayo yung suot mo."

Althea: "Oo na! Salamat ha!"

Edward: (Ay! Ang sungit naman? May nangyari kaya kanina habang wala kami?)

Isaac: "Guys! Buti nahanap niyo si Claire, tsaka ano bang nangyari kanina at bigla kang tumakbo?"

Edward: "Oo nga. Ano bang nangyari?"

Claire: "Ahh..Ehh..ipapaliwanag ko."

Muli na namang ipinaliwanag ni Claire kila Isaac, Edward at Axel ang kaparehong paliwanag na kanyang sinabi kila Emily at Nina. Habang nagpapaliwanag si Claire, abala na rin sa pagkain ang iba nilang mga kasama. Hindi na nagulat si Axel sa ikwinento ni Claire ngunit lalo pa siyang kinilabutan matapos marinig ang kwento nito.

Edward: "Ah...Okay. So ganun pala ang nangyari."

Isaac: "Sabi ko na eh. Malaki talaga ang impluwensya ng ka-weirduhan ni Kit sa mga tao. Tulad na lang ng ka-weirduhan ni Daniel kanina."

Althea: "Ka-weirduhan ni Daniel?"

Axel: "Anong ibig mong sabihin, Isaac?"

Isaac: "Ehhh....Basta. Napaka-weird niya kanina. Tsaka huwag niyo nang alamin. Mahabang paliwanagan na naman iyan kung ikukwento ko pa."

Axel: "Oo na. Tsaka si Daniel lang namann ang tinutukoy natin kaya walang magigi-"

Daniel: "AAAAAAHHHHH! TULUNGAN NIYO AKO!"

Biglang natigilan ang lahat nang marinig ang sigaw ni Daniel na tumatakbo papunta sa kanilang Shed. Nagtaka naman ang lahat kung bakit mabilis na tumatakbo si Daniel. Hanggang sa makarating si Daniel sa Shed. Umilag naman ang ilan sa kanilang mga kasama nang hindi makontrol ni Daniel ang kanyang bilis kaya lumundag sya ibabaw ng mesa. Ngunit nabitin ang kanyang pagtalon at nataon naman na nasa harapan niya si Althea at nadaganan niya ito, pagbagsak sa sahig ng nakadapa.

Axel: "Hala! Nadaganan ni Daniel si Althea!"

Emily: "Alt, Okay ka lang?"

Nina: "Uhhmm....parang hindi maganda ang pagkakadapa ni Daniel kay Alt."

Claire: "Bakit naman?"

Nina: "Nakatihaya si Alt."

Emily: "Naku.... Lagot."

Edward: "Anong tinitingin-tingin niyo diyan?! Ba't di niyo sila tulungang tumayo?!"

Nina: "Kung ako sayo, Edward. Hindi ko gagawin yan."

Edward: "At bakit nama-!"

Nang makita ni Althea na nakapatong sa kanyang katawan, at pinagtitinginan siya ng kanyang mga kasama, sobrang kahihiyan ang kanyang naramdaman sa kanyang sarili. Kaya nang nagkamalay si Daniel, nagulat din ito nang makita si Althea sa kanyang harapan at aksidente din niyang nahawakan ang dibdib nito.

Nang maramdaman ni Althea ang mga kamay ni Daniel sa kanyang dibdib, bigla itong sumabog sa galit at itinulak ni Althea si Daniel. Tsaka niya binuhat sa ibabaw ng kanyang ulo ang katawan ng walang kamalay-malay na lalaki, gamit ang kanyang maliit at malakas na braso.

Althea: "WALANG HIYA KAAAA! BASTOOOOS!"

Daniel: "AAAHHH! Teka! Magpapaliwanag ako!"

Althea: "ETONG BAGAY SAYOOOO!"

Daniel: "Sa-Sandaliiii! AAAAAAHHH!"

Ihinagis ng malakas ni Althea si Daniel sa mesa na siyang dahilan para masira at maputol sa gitna mesang kanilang kinakainan. Tila nabalian naman ng buto si Daniel at umiinda ito ng sakit matapos siyang ihagis ni Althea. Naging tahimik naman ang mga lalaki nang nagpakita ng lakas si Althea at napangiwe na lang ang ilan nilang mga kasama sa kanilang nasaksihan.

Edward: (Grabe....napakalakas naman pala ng babaeng to. Baka kasama akong ibinalibag ni Althea kung hindi ako pinigilan ni Nina kanina.)

Axel: (Kaya pala Amazona ang tawag sa kanya. Akala ko noon, tinatawag siyang Amazona dahil may pagka-tomboy siya kung kumilos. Ngayon alam ko na kung bakit?)

Isaac: (Hindi ata normal ang lakas ni Althea? Parang siyang lalaki yung ginawa niya. Babae ba talaga to?)

Nina: (Ngayon alam ko na kung bakit Wonder Woman ang ipinasuot sa kanya ng kanyang nanay.)

Mabagal na bumangon si Daniel upang piliting kumbinsihin ang kanyang mga kaklase sa kanyang paliwanag.

Daniel: "A...Aray..ko..! Guyz..! Please..! Makinig muna kayo..! Tulungan niyo ako..!"

Althea: "Ayoko nga! Napaka-bastos mo!!"

Axel: "Puwede kitang tulungan maglakad."

Daniel: "Guys! Ano ba?! May humahabol sa akin?! Kailangan niyo akong ilayo mula sa kanya!"

Emily: "Ilayo naman kanino?"

Nina: "Oo nga. Siguro, kay Ruby? Kasi gustong mong agawin ang Titulo nyang Best in Costume sa Party?"

Daniel: "Hindi! Hindi yan ang tinutukoy ko!"

Isaac: "Eh kung hindi si Ruby, Eh di ano?"

Maya't maya, may narinig na ungol mula sa kalayuan ang mga magkaklase hanggang sa makita nila isang nilalang na may namumula at nanlilisik na mata, mahaba at itim na buhok, maputing mukha (na bunga ng pagsasaboy ng pulbos ni Daniel habang tumatakbo), mapula at mahabang dila, at may mahaba at puting damit kung saan nanggagaling ang malakas na ungol na tumatakbo papalapit sa Shed.

Raul: "AAAWOOOHHHHH! BABY BOY! HALIKA! HINDI MO AKO MATATAKASAN! KUKUNIN KITA SA LOOB NG KADILIMAN AT IPAPARAMDAM KO SAYO ANG AKING.....PAGMAMAHAL! AAAWOOOHHHHH!"

Daniel: "AAAAHHH! UMALIS NA TAYO! ANDYAN NA SIYA!"

Nina: "OMG! Anong nilalang yan?!"

Edward: "Tiyanak!"

Isaac: "Hindi! Kapre!"

Axel: "Ma-Maligno!"

Althea: "A-Aswang!"

Claire: "Jusko! Si SADAKO!"

Emily: "Ano bang hinihintay niyo dyan?! TUMAKBO NA TAYO!!!

Lahat (screaming): "AAAAAHHH!"

Daniel: "OY! SANDALI! HUWAG NIYO AKONG IWAAAN!"

Bago pa man makarating sa Shed ang humahabol na Bakla, na inakala ng mga magkaklase na isang tunay na Aswang, kumaripas ng takbo ang mga ito at dumiretso sa Auditorium. Ngunit, sakto namang patapos na ang Halloween party at nagsisiuwian na rin ang ilan sa mga dumalo sa party.

Kaya para hindi matagpuan ng bakla ang mga magkakaklase, nagdesisyon silang umuwi sa kanilang mga bahay.

Patuloy sa paghahanap ang Bakla sa mga magkakaklase sa loob ng Auditorium. Hanggang sa inilawan siya ng Spotlight at idineklara siyang nanalo sa Best in Costume. Sabay nagpalakpakan ang mga natira pang mga bisita.

Announcer: "Congratulations! Kayo po ang nanalo sa Best in Costume! Pakikuha lang po ang inyong trophy sa stage!"

Raul: "WHAT?! ME?! THA-THANK YOU! THANK YOU SA INYONG LAHAT!"

Samantha: "Wow! Ang suwerte naman ng taong yan. Siya ang nanalo sa Best in Costume."

Ivy: "Oo nga. Ang laki pa naman ng tiwala ni Ruby na manalo siya sa Contest."

Samantha: "Tsaka, Ruby, kung hindi ka namin nakitang nakagapos ni Ivy diyan sa sahig, baka magdamag ka nang natulog dito sa Auditorium. Kaya pasalamat ka."

Ruby: "Yeah... Right.. Ang mabuti pa, umuwi na rin tayo."

Samantha: "Hay.....Ewan ko sayo, Ruby. Tsaka, ano pala gagawin natin dun sa Kambal?"

Ivy: "Hayaan mo na yung Kambal. Si Jackson na ang bahalang maghatid sa bahay nila. Total, nakagapos naman sila."

Samantha: "Then Let's go!"

Matapos ang masaya at matagumpay na Halloween party ng kanilang eskwelahan, umuwi na rin ang lahat ng tao na nakidalo. Nakalikom naman ng malaking halaga ng pera ang mga Staff na naningil ng Entrance Fee.

Bagamat nakalikom ng sapat, nag-aalala pa rin ang pamunuan ng eskwelahan dahil kulang pa rin ito upang bayaran ang isang malaking halaga ng utang.