Chereads / Silent Waltz [TAGALOG] / Chapter 6 - Chapter 6- CR Punishment

Chapter 6 - Chapter 6- CR Punishment

Matapos silang sermonan ng kanilang guro, agad ng sinimulan ng mga nagcheat ang paglilinis ng mga CR.

Ngunit bago sila maglinis ng CR naisip ni Daniel na hatiin ang kanilang mga grupo sa apat upang mapabilis ang kanilang paglilinis nila.

Daniel: "Guys! May naisip ako. Ano kaya kung hatiin natin sa apat yung grupo natin? Para naman mapabilis yung paglilinis natin sa mga CR?"

Nina: "Mukhang maganda nga yan naiisip mo Daniel."

Allan: "Sang-ayon ako diyan tol, para mapadali tayo sa paglilinis."

Allen: "Oo! Kung saan ang kakambal ko, ganun din ako?"

Allan: "Tama! At kung saan si Claire, nandoon din kami?!"

Allen: "Oo nga!"

Althea: "Hoy! Kayong dalawa! Huwag kayong mangarap na makaka-grupo niyo si Claire sa paglilinis ng banyo!"

Nina: "Oo nga! Lalo na't alam naming plano niyo pa rin siyang silipan!"

Claire: "Ba't di na lang kayo maki-grupo kila Ruby? Total hindi naman nahihiyang nakikita ang sariling balat ng mga iyan sa estilo ng mga pananamit nila."

Althea: "Oo nga, Claire. Hindi nga kakinisan yung mga balat nila, pero hapit pa sila kung manamit."

Ruby (frowns): "Hoy! How dare you?! My skin is soft and inggit lang kayo!!!"

Ivy: "Oo nga! Tsaka para kayong nasa panahon ng mga lola namin kung manamit!"

Samantha: "At isa pa! Dapat sa inyo sumama yan dalawang mga bastos na iyan! Kasi kaparehas ninyong mga Loser!"

Nina (irrirated): "Loser?! Kung maka-loser kayo parang ang gagaling niyo ah?! Samantalang nag-cheat din naman kayo!"

Emily: "Kaya nga! Nagchecheat lang din naman kayo kaya matataas ang mga nakukuha ninyong score! Nataon lang na hindi kami nakapagreview kaya napilitan din kaming gawin ang hindi dapat sana ginagawa! Pero sa tutuusin, mas nakakalamang kami dahil nag-aaral kaming mabuti kaysa sa inyo! Mga tunay na Loser!"

Ruby (shocked): "What?!"

Ivy (surprise): "Kami Loser?!"

Samantha (annoyed): "Talagang sasabunutan ko na eto!"

Althea (frustrated in anger): "Anong sinabi mo, Samantha? Sasabunutan mo si Emily?! Sige! Halina kayo! Pagbibigyan namin kayo!"

Bago pa man magkainitan at tuluyang magsabunutan ang dalawang grupo ng mga babae, pumagitna na si Daniel sa pagitan ng mga mag-aaway ngunit sa paraang alam nito.

Daniel (mad): "Okay! Tumigil nga kayo! Lahat kayong mga babaeng ewan na kinalimutan ang suggestions ko! Ano?! Sang-ayon ba kayo sa mga plano ko o HINDI?!"

Sandaling naawat lang ang mga nag-aaway na grupo dahil si Daniel ang umaawat sa kanila. At dahil na rin sa gwapo ito.

Althea: "Actually gusto ko rin yan plano mo Daniel, pero hindi ko lang alam sa iba kung sang-ayon sila sa plano mo?"

Daniel: "Kayo dyan na tatlo?! Anong masasabi niyo diyan sa plano ko?!"

Ruby (flirting): "Well, sang-ayon ako sa plano mo. Basta ikaw ang kasama namin. Di ba girls?!"

Ivy at Samantha: "Oo nga!"

Nina: "Ewan namin sa inyo! Pero Daniel, kung diyan ka sa mga yan sasama, baka panoorin ka lang maglinis ng mga iyan."

Althea: "Oo. Tama ka dyan, Nina."

Ruby: "Anong panonoorin?! Hello! Siyempre! Tutulungan ko siyang maglinis!"

Claire: "Sa panaginib mo lang yan mangyayari, Ruby."

Ruby (shocked): "What?!"

Daniel: "Okay! Easy lang kayo, guys! Tama na nga yan! Mukhang sa nakikita ko, sang-ayon naman kayo. Kaya, para pantay-pantay, magbunutan na lang tayo."

Emily: "Tama ang naisip mo, Daniel. magbunutan na lang tayo." (Ang problema, makakasama ko din ang isa sa kambal o kaya isa sa mga alalay ni Ruby.)

Allan (feeling excited): "Oo. Tama yan tol! Bunutan na lang!" (Atleast may tsansa na makasama ko si Claire! Hahaha! pasensya na, Bro!)

Allen (feeling happy): (Pasensya na rin, Bro, kung matsambahan ko din si Claire. Hehehehe...)

Daniel: "Kung okay na ang lahat? Sige simulan na natin ang bunutan!"

Lahat (nodding heads): "Okay."

Matapos mapagkasunduan ang pagbubunutan kung sino ang magkakasama sa apat na grupo, gumawa si Daniel ng paper sticks mula sa pinunit na pahina ng kanyang notebook at gumawa ng sampu nito.

Tsaka niya ipinabunot sa kanyang mga kasamahan. Matapos ang bunutan, nagulat sa kani-kanilang mga kasama mga bumunot

Daniel: "Sa group number 1! Lahat ng nakabunot ng number 1, Itaas ang inyong mga kamay!"

Itinaas nila Ruby, Allan at Allen ang kanilang mga kamay. Na siyang dahilan para mag-react si Ruby.

Ruby (shocked): "WHAAAAT?! KAYONG DALAWA?!"

Allan (surprised): "ANO?! IKAW?!"

Allen: "OO NGA!"

Ruby (begging): "DANIEL! I DON'T DESERVE THESE TWO KADIRI! I WANT TO CHANGE MY GROUP!!"

Daniel (cold tone): "Sorry, Ruby. Yan ang nabunot mo. kaya panindigan mo na lang."

Ruby (begging): "WHAAAAT?! Please! Daniel! I hate those two!"

Daniel (smirk): "Sorry na nga! Sila na nga nabunot mo! Ano pa bang magagawa mo?! Kayong dalawa! Hilain niyo na yan at simulan niyo nang maglinis!"

Allan: "Okay, Boss!"

Allen: "Roger that Boss!"

Ruby (begging): "Aaahhhhh! Bitawan niyo ako mga Manyak! Daniel! Please! I beg you!"

Matapos utusan ni Daniel ang mga kambal, kinaladkad nang dalawa si Ruby palabas ng kanilang room upang linisan ang buong banyo ng 10-G.

Ang room na may pinakamaruming banyo sa buong Grade 10.

Wala nang nagawa ang dalawa sa kaibigan ni Ruby kundi ang pagmasdang kaladkarin ito ng kambal.

Nina: (Yan kasi. Ang dami mong inarte. Sa ngayon ano kaya ang reaksyon ng mga alalay mo ngayon?)

Ivy: (Ayoko sanang sabihin to pero minsan kasalanan mo din yan Ruby.)

Samantha (smirk): (Yan din mapapala mo sa pang-aalila mo sa amin. Buti nga sayo.)

Daniel: "Okay! Sunod naman tayo sa group number 2! Lahat ng nakakuha ng number na 2, itaas ang kamay!"

Sa pangalawang grupo naman ay sila Ivy, Nina at Emily ang nagtaas ng kanilang mga kamay.

Nina: "Aba?! Kasama pala natin si Ivy?"

Emily: "Oo nga Nina."

Ivy: "Kayong dalawa! Huwag niyo akong subukang utus-utusan kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa boyfriend ko!"

Nina: "Oo na. Alam na namin yun. Yung boyfriend mong nananakit ng kahit na sino?"

Althea: "Speaking of boyfriend, ba't hindi mo ata kasama ata yung boyfriend mo? Nag-aaway ba kayong dalawa?"

Ivy: "Hindi kami nag-aaway at wala ka na dun!"

Emily: "Seryoso, Ivy. Ba't hindi mo kasama ang Boyfriend mo?"

Sandaling hindi kumibo si Ivy sa mga babaeng nagtatanong sa kanya. Hanggang sa napabuntong-hininga niyang sinabi ang dahilan.

Ivy (Sigh): "Hay.....hina-hunting yung kaibigan niyong abnormal. Hindi niya kasi matanggap na may taong may kayang magpahiya sa kanya ng ganun. Kaya hindi namin siya kasama ngayon."

Nina: (Hay.....Sinasabi ko na nga ba. Sana hindi na lang kasi ginawa ni Kit yun nangyari kahapon.)

Althea: (Sana buhay pa naming makita si Kit bukas.)

Claire: (Hindi ko talaga malaman kung ano ang nasa utak niya?)

Emily: (Sana hindi sila magkasalubong sa labas.)

Daniel: (Hay.....Naku..Kit. Hari ka talaga ng hindi maipaliwanag na dahilan.) "Girls, dahil kayo ang magkakasama, simulan niyo na maglinis."

Althea: "Teka nga! Sandali lang! Parang may napansin akong kakaiba ha?!"

Daniel: "Bakit naman?!"

Althea: "Daniel, sino ang kagrupo mo?!"

Daniel: "Kagrupo ko? Siyempre! Kagrupo ko ang Number 4!"

Tiningnan ng mga babae ang kanilang mga numero sa kanilang mga papel at napansin nilang walang number 4 sa kahit na sino sa kanila.

Claire: "Daniel, walang number 4 sa amin."

Althea: "Oo!! Walang number 4 sa amin, Daniel! Dahil number 3 na kami nina Samantha at Claire!"

Nina: "Ibig sabihin....."

Daniel: "Tama kayo, Girls! Wala akong kasama!"

Tila nagulat ang lahat sa pagkakahati ni Daniel sa kanila kaya nagreklamo ang ilan.

Althea: "Sinasabi mo na wala kang gagawin?!"

Claire: "Oo nga?! Wala ka bang gagawin, Kaya pinili mo na wala kang ka-group?!"

Nina: "Hindi naman ata patas yan!"

Daniel (arrogrant tone): "Easy nga kayo! Tsaka ayokong may kasamang babae!"

Samantha: "At bakit naman ayaw mo sa mga babae?!"

Daniel (feeling confident): "Siyempre! Dahil sa gwapo ako at may gusto kayo lahat sa akin! Kaya hahabulin niyo ako, kagaya nung karamihan diyan!"

Emily: (Kailangan pa bang ipagsabihan pa niya?)

Nina: (May point din siya.)

Althea (irrirated): (Ang kapal ng mukha ha?! Kung hindi ka lang gwapo, kanina ko pa sana pinadugo ang mukha mo!)

Samantha: (Lalaking gwapo at medyo bad boy? Gusto ko yan.)

Ivy: (Gwapo nga, arrogante naman.)

Daniel: "Kaya pasensya na, Girls! Ayoko ng may kasama.

Althea: "Eh kung ganito na lang?!"

Daniel: "Ganito ang alin?!"

Kinuha ni Althea ang hawak na papel nina Emily at Claire tsaka nirolyo niya ito ng kanyang mga daliri. Matapos marolyo, inalog ito ni Althea sa pareho niyang mga kamay tsaka niya pinapili si Daniel ng isang papel sa kanyang palad.

Althea (annoyed): "Yan! Mamili ka kung ayaw mong, BATUKAN KITA!"

Daniel: Yikes! Grabe! Nakakatakot ka pala!" (Well, atleast kinakausap niya ako nang matino. Hindi tulad ng iba diyan.)

Agad kumuha ng isang papel si Daniel tsaka nya ibinuklat ang nakarolyong papel.

Daniel: "Number 2?"

Althea: (Grabe ang swerte.) "Daniel, diyan ka na sasama sa grupo ni Emily ha?! Tsaka bantayan niyo mabuti yan! Baka hindi maglinis yan!"

Daniel: "Oy! Maglilinis ako! Kahit itanong mo pa sa kanila, pagkatapos namin!"

Emily (nods head): "OKAY!"

Nina: "Huwag kang mag-alala, Alt. Babantayan namin siya." (At pagmamasdan namin siya ng magdamag. Hihihihi!)

Matapos ang bunutan, nag-umpisa silang maglinis sa mga kwartong may maruruming CR upang agad silang matapos. Habang naglilinis, biglang lumapit si Emily kay Daniel.

Emily (concerned): "Daniel, gusto mo ba tulungan kita diyan?"

Daniel: "No thanks, tsaka kaya ko naman linisan ang CR nang mag-isa."

Emily: "Eto naman, nagaalok na nga ako sayo ng tulong, tinatanggihan mo pa."

Daniel: "Emily, huwag ka nga makulit, OKAY?! Tsaka kaya ko naman eto eh."

Emily: (Ang ayaw ko sa ugali ni Daniel, masyado siyang mayabang, tinutulungan ko na nga, ayaw pa niyang magpatulong!)

Daniel: "May problema ka ba Emily?"

Emily: "Wala. May naalala lang."

Daniel: "Ah okay."

Nina: "Daniel? Gusto mo..."

Daniel (annoyed): "Tigilan niyo nga ako! Pambihira!"

Agad lumayo sa grupo nito si Daniel. Tila hindi nagustuhan ng mga babae ang ipinakitang pag-uugali ni Daniel sa kanila.

Emily: (May pagkamayabang nga siya.)

Nina: (Walang tamang asal din ang lalaking to ha?!)

Tuluyan mang umalis si Daniel mula sa mga babaeng kasama nito dahil kanina pa sya naiinis na makasama ang mga ito.

Habang naglilinis, biglang nagsalita si Ruby sa kanilang lahat nang kanyang mga kasama.

Ruby (irrirated): "GGGRRR! I hate this, kung hindi lang sana tayo nahuli ni Sir Joey kaninang umaga na nagcheat tayo, hindi sana mangyayari ang lahat eto!"

Allan: "Puwede ba Ruby, itikom mo nga yan bibig mo ha! Kanina ka pa nagrereklamo sa paglilinis ng CR!"

Allen: "Oo nga! Kaya maglinis na lang tayo bago pa tayo mahuli ni Sir Joey dito na hindi pa tayo tapos sa paglilinis!"

Ruby (annoyed): "Eh kasi naman, sino ba nagsumbong sa kanya na nagccheat tayo ha?!"

Allan: "Aba malay ko, kung sino ang nagsumbong sa kanya?"

Ruby: "Tsaka ayaw ko kayong makasama dito! Both of you are so disgusting!"

Allan (sarcastic tone): "Bakit sa tingin mo ba gusto ka rin namin makasama ha, Ruby? Baka nakakalimutan mo pinagbunutan tayong lahat ni Daniel!"

Allen: "Oo nga!"

Ruby (irrirated): "Hmmp!! Whatever mga Stupid!"

Allen: "Oy....Ruby! Puwedeng pasilip naman oh?!"

Allan: "Oo nga!"

Ruby: "IN YOUR FACE!"

Sabay binusalan ni Ruby ng hawak na bomba ng banyo ang mukha ni Allen at napasandal ito sa pader.

Allen: "MMMMHHH!! MNG NGMANGHOOO!"

Allan: "Oy!! Itigil mo ya-ooooohhh!"

Sabay tadyak ni Ruby sa maselang bahagi ng katawan ni Allan. Tsaka niya sinipa si Allan palabas ng banyo.

Sinunod naman niyang tinadyak na may nakadikit pang bomba ng banyo sa mukha ni Allen, tsaka isinara ni Ruby ang banyo. Namimilipit namang nakahiga sa sahig ang kambal.

Allan (In pain): "Grabe.....tol..... Amazona....din pala...yan si...Ruby..."

Allen (In pain): "Mmmm....Mmmm...Ngmmaah..."

Dahil sa sakit ng katawan na inabot ng kambal, wala nang nagawa ang mga ito kundi ang humiga sa sahig hanggang sa dumating ang kanilang guro upang tingnan ang kanilang mga ginagawa.

Matapos malinisan ang ilang mga kwartong may CR, inutusan ang mga nagcheat nang kanilang guro na itigil na ang paglilinis at ipagpatuloy na lang bukas ang paglilinis sa ilang mga kwatong hindi pa nalilinisan at bilang paghahanda na rin sa darating na Intramurals ng kanilang eskwelahan.