Chereads / Silent Waltz [TAGALOG] / Chapter 10 - Chapter 10-Second Attempt (BF)

Chapter 10 - Chapter 10-Second Attempt (BF)

Pagkagaling sa Soccer field, pinuntahan nina Emily at Nina ang Chess area kung saan naglalaro si Edward.

Nang makarating ang dalawa, naabutan nilang hindi pa nagsisimula ang laro.

Kung kaya't nilapitan muna nila si Edward upang kausapin ito.

Emily: "Oh Edward? Bakit nandito ka pa? Akala ko ba, ngayon yung laro mo sa chess?"

Nina: "Oo nga, Edward."

Edward: "Ano kasi, pang number 16 pa ako sa single entry ng Chess. Kaya naghihintay pa ako dito sa waiting area. Tsaka, anong ginagawa ninyong dalawa dito?"

Emily: "Siyempre! Nandito kami para i-cheer ka namin sa laro mo. Para manalo ka, diba Nina?"

Nina: "Tama si Emily. Kaya nandito kami para suportahan ang laro mo."

Edward (feeling happy): "Talaga?! Sigurado ba kayong susuportahan niyo ako?"

Emily: "Oo, Sigurado kami."

Nina: "Bakit, Edward? May problema ba?"

Edward: "I mean is hindi ba kayo mababagot sa panonood mamaya kapag nagsimula na yung laro ko? Baka mamaya eh, hindi niyo na patatapusin ang laro ko tapos bigla na lang kayong umalis nang bigla."

Emily (curious): "Anong ibig mong sabihin, Edward?"

Ipinakita ni Edward kung saan naglalaro ang mga chess player sa bawat kuponan, kung saan naglalaro ang bawat ng mga player at pinanood ang laro ng mga ito.

Tila nag-uumpisang mabagot si Emily sa kanyang pinapanood.

Emily: (Eto ba yung sinasabi ni Edward sa amin? Parang mali yung napuntahan naming panoorin ah.)

Nina: (Ganito pala maglaro ang mga player ng Chess! Parang interisado na akong manood! Tsaka hindi ako mababagot dito kasi ang gagaling ng mga naglalaro. Hindi tulad sa Soccer na sobrang ingay sa paligid.)

Edward: "Bakit napakatahimik niyo ata diyan? May problema ba kayong dalawa?"

Emily: W-Wala naman, Edward. First time ko kasi manood ng Chess eh. Di ko naman pala akalain na... ganito pala katahimik dito."

Edward: "Ah ganun ba? Tsaka tinatawag na ako ng coach ko kasi maglalaro na raw ako."

Nina: "Sige, Edward! Goodluck sa laro mo sana manalo ka."

Emily: "Oo nga naman, dapat huwag kang magpapatalo sa kalaban mo ha."

Edward: "Salamat sa inyong dalawa."

Agad pumunta sa chess table si Edward tsaka siya umupo.

Sandaling nagsalita ang Referee tungkol sa Rules and Regulations sa bawat ng player bago nila umpisahan ang kanilang laro.

Pagkatapos magpaliwanag ang Referee, pinabunot sina Edward at ang kanyang makakalaban ng papel mula sa fish bowl na dala ng Referee upang malaman kung sino ang makakabunot ng white at black.

Pagkabunot ni Edward, laking gulat niya nang makitang "white" ang nakalagay sa nabunot niyang papel kung saan, siya rin ang mauunang titira.

At nabunot naman ng kanyang makakalaban ay ang papel na may nakasulat na "black".

Matapos magbunutan, agad sinimulan ng Referee ang laro ng dalawang chess player.

Ilang minuto mula ng magsimula ang laro, tumira si Edward ng kanyang horse at sumunod namang tumira ang kanyang kalaban.

Itinira naman ni Edward ang kanyang Queen pahalang malapit sa King ng kanyang kalaban.

Nataranta naman ang kalaban sapagkat hindi niya alam kung ano ang susunod niyang ititira.

Nag-aalala naman sina Nina at Emily na nanonood sa gilid.

Emily: "Tignan mo Nina. Mukhang natataranta na yung kalaban ni Edward sa kanyang itinira."

Nina: "Oo nga. Mukhang mananalo na siya sa kalaban."

Emily: "Sana nga mananalo si Edward para makahakot award din tayo sa ating section."

Makalipas ang ilang minuto, tumira ang kalaban ni Edward, ngunit lingid sa kaalaman ng kalaban, nagkamali ito sa kanyang itinirang Piyesa at sunod-sunod kinain ng Knight at Queen ni Edward ang mga bishops, knights, at ang queen ng kalaban nito.

Pinagpapawisan nang husto ang kalaban dahil nauubos na ang kanyang mga itinitirang mga Piyesa kung saan, ang natitira na lang sa kanyang mga Piyesa ay ang King, 4 na pawns at isang Rook.

Kung kaya't na checkmate ang kanyang kalaban, kung saan nanalo si Edward at nagbunyi naman sina Nina at Emily.

Sa sobrang tuwa ng dalawa, halos napatalon sila sa kanilang upuan.

Agad nilapitan nang dalawa si Edward upang batiin ito.

Nina: "Wow! Congrats sayo, Edward! Tinalo mo yung kalaban!"

Emily: "Oo nga! Buti na lang hindi ka kinabahan sa paglalaro mo ng Chess!"

Edward: "S-Salamat sa inyong dalawa. Kinabahan din ako kanina. Pero buti na lang nandyan kayo para suportahan ako. Naging malaking tulong yun sa akin."

Nina: "Walang anuman yun, Edward."

Emily: "Oo nga. Wala ding anuman."

Edward: "Sige. Aalis na ako. Tinatawag na ako ng Coach ko."

Bago pang umalis si Edward, agad nagsalita si Emily.

Kung kaya't sandaling natigilan si Edward sa kanyang pag alis.

Emily: "Edward, puwede ba tayo magusap?"

Edward: "Oo naman! Pero tinatawag na ako ni Coach. Kung okay lang sayo, mag-usap na lang tayo sa ibang lugar."

Emily: "Sige! kung okay lang din sayo, sa canteen na lang tayo magusap. Yung tayong dalawa lang? Okay lang ba sayo?"

Edward: "Okay sige, Emily."

Nina: "Ah...Mauuna na pala ako kasi hahanapin ko pa yung mga kaibigan pa natin."

Emily: "Sige, Nina. Balitaan mo na lang ako kung ano na ang nangyari sa soccer field kanina?"

Nina: "Oo. Sige."

Matapos kausapin ng Coach si Edward, agad umalis ang dalawa upang pumunta sa canteen.

Samantalang, hinanap naman ni Nina sina Althea at Claire sa Soccer Field.

Pagdating nina Edward at Emily sa canteen, tinanong ni Edward si Emily upang ilibre ito ng makakain.

Edward: "Wala ka bang gustong kainin dito, Emily?"

Emily: (Kailangan kong lakasan ang loob ko sa panliligaw ko kay Edward! Bahala na kung ireject niya ako o hindi. Ang mahalaga, maisakatuparan ko ang pangarap kong magkajowa at maisayaw sa araw ng Prom!)

Nang mapansin ni Edward ang biglang pananahimik ni Emily, muli na naman nya itong tinanong.

Edward: "May problema ka ba, Emily?"

Emily: "Actually, may gusto akong sabihin sayo, kaya kung maaari maupo muna tayo."

Edward: "Okay."

Agad umupo ang dalawa sa bakanteng upuan kung saan ipagtatapat ni Emily ang kanyang totoong feelings para kay Edward.

Edward: "Anong gusto mo pala sabihin sa akin, Emily?"

Emily: "Huwag ka sana mabibigla sa sasabihin ko sayo, pero matagal na kitang gusto eh."

Edward (silent): "..."

Tila bahagyang nagulat si Edward sa sinabi ni Emily at hindi siya makapaniwala dahil first time niyang maranasan na may manligaw na babae sa kanya.

Nang mapansin ni Emily ang pananahimik ni Edward, muling nagsalita si Emily.

Emily: "Edward? May mali ba sa sinabi ko?"

Edward: "Wala naman. Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo sa akin."

Emily: "Ah ganun ba? So, ano na ang magiging sagot mo?"

Edward: "Bakit ako ang gusto mong ligawan, Emily?"

Emily: "Hindi ba obvious, Edward. Dahil gusto kita."

Edward: "Emily, pasensya ka na ha. Pero hindi ako yung tao na magpapasaya sa buhay mo. Kung ako sayo ibalin mo na lang sa iba yung pagmamahal mo."

Emily (confused): "A-Anong ibig mong sabihin?"

Edward: "Ehhhh.....Sabihin na lang natin na may napupusuan akong babae. At sana magustuhan niya rin ako."

Emily (sad): "Ahh...Ganun ba?"

Edward: "Oo."

Muling nadismaya si Emily sa panliligaw nito nang malaman niyang may napupusuang babae si Edward.

Ngunit, bilang respeto kay Edward, minabuti na lang niyang huwag alamin ang pagkakakilanlan ng babaeng ito at naiintidihan niya eto.

Emily: "Sige. Hindi na ako magtatanong kung sino ang babae nagugustuhan mo?"

Edward: "S-Salamat sayo Emily, kasi naiintindihan mo kung ano ang nasabi ko sayo?"

Emily: "Oo na. Tsaka naging mabuti ka din sa amin na mga Classmates mo."

Edward: "Pasensya ka na talaga, Emily. Kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo sa akin."

Emily: "Ano ka ba? Wala yun? Tsaka marami pa naman siguro ibang lalake na magmamahal pa sa akin diba!"

Edward: "Kung gusto mo, Emily. Puwede naman kitang hanapan ng lalake na puwedeng manligaw sayo."

Emily (excited): "T-Talaga Edward?! Hahanapan mo ako?"

Edward: "Oo naman. Wala ka bang bilib sa akin?"

Emily: "May tiwala naman ako sayo, Edward. Kaya nga nagtatanong na rin ako."

Edward: "Oo na. Ano, Emily? Aalis na ba tayo? Baka hinahanap na tayo ng mga kaibigan mo?"

Emily: "Oo, Edward. Mabuti pa nga."

Pagkaalis nang dalawa sa canteen, hindi inaasahan ni Emily ang mga sumunod na pangyayari na naghihintay sa kanya.