Chereads / Silent Waltz [TAGALOG] / Chapter 2 - Chapter 2-The Bullies

Chapter 2 - Chapter 2-The Bullies

Umiwas ang mga estudyanteng nakapaligid sa hallway ng makita nila ang grupong ito. Hanggang sa makalapit sila sa kinatatayuan nung apat na babae.

Babaeng Leader: "Well, well, well..."

Kit (meditate): "...Napakalalim ng balon..."

Babaeng Leader (smirked): "Napakalalim ng balon! Este Abnoy! I mean Kit! H-Hoy abnormal! Huwag mo nga akong inuunahan sa mga speech ko!"

Althea: "Wow! Nagsalita lang si Kit, hindi mo na alam ang sasabihin mo."

Claire: "Oo nga. Basag agad ang trip mo, Ruby."

Ruby: "Anyway! Kung okay lang sa inyo mga losers, umalis nga kayo dyan sa kinatatayuan ninyo nang makita ko ang aking mga Prince Charming, pagpasok nila sa Hallway!"

Althea: "Asa ka pa. Hindi ka lang naman pinapansin ng mga Prince Charming mo!"

Claire: "Oo nga. Nanaginip ka lang ata ng gising diyan."

Ruby (unamused): "Anong sinasabi niyo?! Mga talunan?!"

Babae1: "Hoy! Kilala niyo ba kung sinong nasa harap niyo ha?!"

Babae2: "Oo nga! Mga bulag ata kayo ah?! Anyway, may kasama pala silang bulag kapag walang salamin."

Nina: "Sinong tinatawag niyong bulag ha?!"

Emily: "Nina! Huminahon ka! Hayaan mo na sina Ivy at Samantha."

Althea: "Oo nga. Lalo na't kasama din nila si Jackson."

Sila Ruby, Ivy at Samantha ay kilala sa bansag na Three Bitches ng grupo ni Emily. Dahil sa galing nilang manlait, mangpahiya at mang abuso ng kapwa estudyante.

Nilalayuan sila ng mga estudyante dahil kasama din nila si Jackson na isang Bully, kung saan nanakit din ito ng kahit na sino, mapalalaki man o babae.

Ruby: "Oh! Bakit natigilan kayo?! Kasama lang namin yung boyfriend ni Ivy, hindi na kayo makapalag?! Tapos putak pa kayo ng putak na parang mga manok!"

Ivy: "Kaya nga! Akala niyo naman kung sino kayong may ipapalag!"

Samantha: "Ngayon? Kung tapos na kayong pumutak, umalis na nga kayo sa pwesto namin! Kaya..."

Ruby, Ivy & Samantha: "SHOOOOOOOO!"

Sabay tawa ng tatlong maarteng mga babae sa grupo ni Emily.

Sandaling tinititigan ng masama ang mga grupo ni Emily nang tatlo, nang humarang si Jackson at tumitig ito ng masama sa kanila.

Kaya wala ng nagawa ang apat na babae kundi ang lumipat sa tabi ng pinto ng Section 10-B.

Pag-alis nila Emily, pinapanood nila kung ano ang gagawin ng grupo ni Ruby sa nakahandusay na kambal at kay Kit na nagmemeditate pa rin ng nakabaliktad.

Ruby: "Eeewwwww! Bakit nakahiga dito etong mga Lowly-creatures na ito?!"

Ivy: "Hindi ko din alam. Siguro, pinatulog sila nung Amazonang kasama ni Bulag."

Ruby (frown): "I don't care kung pinatulog sila o pinatay sila nung Amazonang yon! Basta I-dispose niyo sila! So, kadiri!"

Ivy: "Jack! Pakitapon mo nga yan mga walang malay na basurang iyan! Nadidiri ako kapag nakikita ko sila!"

Jackson: "Sige."

Lumapit si Jackson sa natutulog na kambal tsaka niya dinampot ang mga ito na parang mga basura sabay hagis sa lokasyon nila Emily. Nagising naman ang dalawa, pagbagsak nila sa sahig.

Allan: "AAAAWWW!"

Allen: "AAARRAAAYY!"

Nina: "Grabe! Ang babastos talaga nila! Dito pa talaga sa kinatatayuan natin ihinihagis yung dalawang iyan!!"

Claire: "Lalayo nga muna ako. Mukhang nagising na sila."

Emily: "Claire, Dito ka sa likod ko. Para hindi ka nila makita."

Claire: "Sige."

Pagkagising ng kambal, galit na hinahanap ng mga ito ang taong naghagis sa kanila.

Allan (unamused): "SINONG MAY GAWA NUN?!"

Allen (frowned): "OO NGA! SINO?!"

Jackson: "Ako. Bakit may angal kayo?!"

Allan: "Hindi wala. Nagpapasalamat pa nga kami sayo dahil ginising mo kami. Di ba tol?!"

Allen: "Oo nga!"

Althea: (Kahit pala etong dalawang bastos na eto, takot din pala kay Jackson.)

Matapos malaman ng kambal na si Jackson ang naghagis sa kanila, wala na silang nagawa kundi ang tumayo mula sa sahig tsaka sila naghanap ng pwesto na matatayuan.

Samantala, naiinis naman sina Ruby at Samantha dahil hindi nila mapaalis si Kit sa pwesto nito.

Ruby (irrirated): "Girl! Paalisin mo nga yung abnormal dyan sa pwesto niya!"

Samantha: "Ginagawa ko na! Pero kahit anong pagsipa ko sa kanya, ayaw niyang umalis?!"

Ruby (unamused): "Hoy abnoy! Tumayo ka nga at umalis ka dyan sa pwesto namin! Nakakasagabal ka!"

Sinunod naman ni Kit ang sinabi ni Ruby sa kanya, ngunit iniunat naman nito ang kanyang katawan at tumayo gamit ang kanyang mga kamay.

Lalo namang nagalit si Ruby sa ginawa ni Kit.

Ruby (frustrated in anger): "Hoy! Ang sabi ko, tumayo ka at umalis ka dyan sa pwesto namin!"

Tila walang narinig si Kit at nagpatuloy sa pagtayo nito ng nakabaliktad.

Kaya inutusan ni Ruby si Ivy na paalisin si Kit sa tulong ni Jackson.

Ruby: "Ivy! Sabihan mo nga yung boyfriend mo na palayasin etong abnormal na to sa pwesto natin!"

Ivy: "Ruby, sige ba! JACKSON?!"

Lumapit si Jackson sa kinatatayuan ni Kit at handa nang bugbugin ito.

Ngunit biglang huminto sa kanyang ginagawa si Kit at tumayo na parang normal tsaka tinitigan sa mata si Jackson.

Nag-alala naman ang lahat ng mga estudyanteng nanonood sa kanila, kasama na ang mga grupo ni Emily at ang dalawang kambal, dahil sa magaganap na away sa pagitan nina Jackson at Kit sa School Hallway.

Jackson: "Aba?! Ang lakas naman ng loob mo! OOOF!"

Biglang sinipa ni Kit si Jackson sa maselang bahagi ng katawan nito, kung saan napahiga at namililipit ito sa sobrang sakit.

Nagulat naman ang lahat ng mga estudyanteng nanonood sa kanilang nakita.

Estudyante1: "Jusko! Patay ka dyan Kit! Papatayin ka niyan mamaya!"

Estudyante2: "Kit! Magtago ka na! Hindi ka niya sasantuhin iyan! Hahanapin ka niyan mamaya!"

Allan: "Sira ulo ba siya?! Alam naman niyang nananakit ng kahit na sino si Jackson?!"

Allen: "Tol! Siguradong Headline si Kit sa Diyaryo ng Newspaper Club bukas dahil sa ginawa niya!"

Althea: "Hindi lang din pala siyang Weird! Baliw din siya!"

Nina: "Oo. Pero atleast nagawa din niyang saktan si Jackson."

Emily: "Nina?! Hindi ito magandang biro! Siguradong akong bubugbugin siya ni Jackson mamaya sa Canteen!"

Claire: "Tama si Emily. Ang kaso, naganap na ang hindi dapat na mangyari. Lagot na si Kit mamaya."

Habang pinag-uusapan ng lahat ang nasaksihang pagsipa ni Kit kay Jackson, muling tumayo ang malaking lalaki at akmang susuntukin si Kit sa ulo. Ngunit nakasimangot lang na nakatitig si Kit sa kanyang kalaban.

Jackson (annoyed): "Ikaw.....WALANG HIYA KA! IPINAHIYA MO AKO SA LAHAT NG TAO DITO! PAPATAYIN KITA NGAYON!"

Walang anumang pasabi, biglang sinipa ni Kit ang sikmura ni Jackson kung saan napaluhod ito sa sahig.

Lalong nagulat at hindi makapaniwala ang lahat ng mga estudyante sa kanilang nakita.

Jackson (in pain): "Mam....maya....patay ka.... sa A..KIN!"

Habang nakaluhod, lumapit si Kit kay Jackson at tinitigan niya ito sa mata.

Tsaka niya tinadyakan si Jackson sa mukha kung saan humandusay ito sa sahig.

Hindi naman makapaniwala ang lahat sa kanilang nakita.

Allan: "Tol! Nakikita mo ba ang nakikita ko?!"

Allen: "Oo, Tol! Nakikita ko din!"

Allan: "Alam mo ba kung ano ang nakita mo?!"

Allen: "Oo, Tol! Parehas tayo ng mga mata!"

Allan: "Hindi! Pinabagsak lang naman ni Kit si Mayabang na Gorilya!"

Allen: "Ah...ganun ba?!"

Allan: "Oo, Tol!"

Estudyante1 (cold tone): "Tanga ba kayo?! Nakita niyo na ngang tumumba yung gorilya, nagtatanungan pa kayo?!"

Allen: "Hindi! At wala kang pake!"

Althea (amazed): "Grabe! Ngayon ko lang nadiskubring kayang patumbahin ni Kit si Jackson!"

Emily (surprised): "Oo nga. Nagulat din ako."

Nina: "Paano ba yan?! Mga Three Bitches! May nakapagpatumba na sa alaga niyo!"

Claire: "Mukhang sa pagkakataong ito, hindi na kayo makakapang-abuso na ng mga estudyante. Tumba na ang Bodyguard niyo!"

Ruby (rolling her eyes): "Whatever! Mga loser! Basta sa amin ang pwestong eto!"

Ivy: "Hoy! Ruby! Anong gagawin ko dito kay Jackson?!"

Ruby: "Eh di dalhin niyo sa Clinic! Alangan naman sa Sementeryo?!"

Nilapitan ni Ivy ang kanyang Jowa tsaka niya ito sinubukan buhatin.

Pero dahil sa laki ng katawan nito, nakiusap si Ivy na tulungan siya ni Ruby.

Ivy: "Ruby! Pakitulungan mo naman akong buhatin si Jackson!"

Ruby: "Samantha, tulungan mo nga siya!"

Samantha: "Ha?! Bakit ako?! Eh sayo nga siya huminto."

Ruby (harsh tone): "Basta tulungan mo na lang siya! Tsaka ayokong magbuhat ng lalaking may Body Odor! Nakakadiri ang amoy niya!"

Ivy: "Grabe ka naman makapagsalita kay Jackson! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka kakatakutan sa ilang mga talunan dito!"

Ruby (cold tone): "Oy! Baka nakakalimutan mo kung sino kinakausap mo ha?! Kung hindi kita inimpluwensyahan, baka loser ka na din tulad ng mga nandidirito sa paligid!"

Sandaling hindi kumibo si Ivy matapos siyang sabihan ni Ruby.

Napabuntong-hininga na lang ito ng maalala niyang, galing sa isang mayamang pamilya si Ruby at naisip niyang, kung hindi dahil sa kanya ay binubully na rin dapat siya ng ibang mga estudyante. Kaya wala nang nagawa si Ivy kundi ang sundin ang gusto nito.

Ivy (sigh): "Hay....Oo na. Kami na lang ni Samantha ang magdadala kay Jackson sa Clinic. Tara na Samantha.

Samantha: "Oo."

Ruby: "See you later, Girls! Balitaan niyo na lang ako sa kalagayan ni Jackson."

Dahil hindi mabuhat nina Ivy at Samantha si Jackson, hinila na lang nila ito sa parehong braso. Habang si Ruby, pilit na nanatili sa kanyang pwesto, nang mapansin niyang nakatayo din si Kit sa tabi niya at nakatitig ito sa kanya.

Kit (unamused): "...."

Ruby (rolling her eyes): "Oh?! Anong tinitingin-tingin mo dyan?! Hindi mo ako mapapaalis sa pwestong ito! Kahit na napatumba mo si Jackson!"

Hindi sumagot si Kit pero patuloy pa rin siya sa pagtitig kay Ruby.

Nakipagtitigan din si Ruby sa kanya pero hindi niya nagawang titigan ito ng matagal.

Hanggang sa nairita si Ruby sa ginagawang pagtitig ni Kit at naisip na lang niyang umalis sa kanyang pwesto.

Ruby (sigh): "Hay... Sige! Gusto mo itong pwestong ito?! Sige! Sayo na! At ako na ang aalis! Nakakakilabot kang makatingin! Para kang Criminal!"

Sa sobrang irita ni Ruby, umalis din ito sa pwesto kung saan nakatayo si Kit tsaka siya pumuwesto malayo, sa mga estudyanteng kakantyaw sa kanya.

Natuwa naman ang lahat ng nakasaksi sa pagpapaalis ni Kit kay Ruby kabilang na ang grupo ni Emily.

Althea (Happy): "Wow! Ang galing mo, Kit! Nagawa mong paalisin yung Bruha sa pwestong gusto niyang angkinin!"

Nina: "Oo nga! Nakakamangha yung kabayanihang ginawa mo! Feeling ko, magkakacrush na ako sayo!"

Emily (blushing): "Well, Speaking of crush, PAPARATING NA DITO SI ISAAC!"

All Girls (swooning): "AAAAAHHH!"

Claire: (Nawala ata yung pagpuri nila kay Kit nang dumating si Isaac. Pero...sana dumating din yung lalaking gusto ko.)

Tila nakalimutan ng lahat ng mga babae ang ginawa ni Kit nang makita nila ang isa sa kinababaliwan nilang lalaki sa kanilang Eskwelahan.

Ganun pa man, may ilang mga estudyante pa rin ang pumuri kay Kit sa kabila ng kanyang kaklase.