Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Falling Into Angel

🇵🇭roseannne
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.8k
Views
Synopsis
Angelic is fallen angel, she punished in heaven because of what he did. Pinatapon siya sa mundo ng mga tao at makikilala si Francio Delacosta A man who always in trouble and spoiled brat. Sa una ay hindi naniniwala si Francio sa mga sinasabi ni angelic dahil akala niya ay naka drugs lang ito. Inuwi niya si angelic sa kanyang condo dahil may pananagutan si francio sakanya. Nabangga niya ng kotse si angelic dahil ang araw na 'yon ay yun din ang ipinatapon siya sa mundo ng tao. Dahil mayaman si francio ay hinayaan niya lang doon si angelic sa bahay niya, Pumapasok ito sa eskwelahan pero umuuwi din agad dahil hindi nga taga lupa si angelic ay marami siyang hindi alam sa mga gamit kaya nauuwi ito sa away nilang dalawa at pinaalis si angelic sa bahay niya.

Table of contents

Latest Update2
22 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Nagtatawanang mga anghel

Masaya

maaliwalas

Maganda sa paningin.

ito ang kaharian ng Ama.

Isa akong anghel at inuutusang sumundo ng mamamaalam na. Sa loob ng isang libong taon iba iba na ang nasusundo ko. Kita ko sa mga tao kubg gaano sila nag dadalamhati sa mahal nila sa buhay.

"Angelic Halina't may mga susunduin pa tayo" Ani ng isang anghel ang kaibigan kong si Geline.

"Susunod na" sagot ko at sumunod na sakanya.

Lumipad kami at nagtungo sa kanya kanyang susunduin.

Nakita ko ang kaluluwa na umiiyak sa harap ng kanyang pamilya. Huminga akong malalim at hinawakan ang babae sa kamay.

"Halika na hinihintay kana sa itaas" Nakangiti kong sabi at dahan dahan siyang inalalayan maglakad.

"Parang awa mo na po ayoko pang mamatay, ako lang po ang bumubuhay sa mga kapatid ko" Humahagulgol niyang pag mamakaawa. Tumingin ako sa nag iiyakan na magkakapatid.

"Pasensya na pero bawal ako sumuway sa utos ng itaas, oras mo na kaya't sumana kana sa'kin" Saad ko at hinila niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Ayoko, parang awa mo na" saad niya ang lumuhod pa.

Itinayo ko siya at huminga ako ng malalim.

"Gusto ko man tulungan ka kaso ako ang mapaparusahan, Tanggapin mo na ang iyong kapalaran, May plano si ama s amga kapatid mo" Paliwanag ko at umiling iling siya.

"Ano pa at naging anghel ka kung wala kang awa? Nakikita mo ba ang mga kapatid ko?" Saad niya at itinuro pa ang tatlo niyang kapatid na nag iiyakan.

Payat,marumi,at ang pinaka maliit sakanila'y may kapansanan pa.

"Sige naman oh, kailangan nila ako parang awa mo na" Pag mamakaawa niya.

Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko, may kumirot sa dibdib ko at naawa sakanila. Paano ko sila tutulungan?

Bahala na ako ang nagpapaliwanag sa itaas alam kong maiintindihan nila ako.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at pumikit ilang sandali lang ay nakita kong bumalik ito sa katawan niya at laking tuwa ng mga kapatid niya.

"Angelic halika na ano pa ginagawa mo jan, asan yung sundo mo?" Tanong ni geline.

Hindi ako nag salita at dahan dahan siyang tumingin sa likuran ko.

"Angelic? Wag mong sabihing?" Natatakot niyang saad kaya hinatak ko na siya at lumipad na patungo sa itaas

"Angelic Asaan ang sinundo mo?" Mahinahon na saad ng tagapag utos

"Hayaan niyo po sana ako mag paliwanag" Naka yuko kong sabi at walang nag salita.

Nasa harapan ko ngayon ang mga anghel at mga taga pag usisa, tagapag hatol.

"Ang susunduin ko ay hindi pa pwedeng umakyat, Dahil may mga kapatid siya, Walang bubuhay sa mga kapatid niya kung mamatay agad siya" paliwanag ko

"Oo anghel ka at maawain ka, Ngunit hindi mo ba alam ang lumalabag sa sa utos ay mahahatulan?"saad ng tagapag usisa.

"Alam ko po, patawin niyo po ako marahil nadala po ako ng aking awa mali po ang ginawa ko" Paumanhin ko at pinatunong ang kampana ng mga anghel senyales na ako ay hahatulan.

"Handa kaba sa magiging hatol mo? Sa 'yong ginawa ay mapaparusahan ka" Tanong ng tagapag hatol.

Nakayuko lang ako at tumango ng dahan dahan sakanya.

"Hinahatulan kita, ipapadala ka sa mundo ng mga tao sa loob ng ilang taon, Isuot mo itong porselas na ito dahil yan ang magiging senyales mo at daan mo kapag bumalik ka dito." hatol ng tagapag hatol kayat nag handa na ako sa kapalaran ko.

Pinatunog ulit ang Kampana at bigla akong nahulog sa kung saan, hiyaan ko lang ang katawan ko na bumagsak at saan dalhin ng hangin.

Nagising ako sa dila ng isang hayop, Tumayo ako at nakita ko kung saan ako bumagsak. Sa isang sasakyan puno ng basura.

Agad akong bumaba at dali daling naglakad. Suot ko parin ang bestida na puti at bulaklak sa ulo.

*PEEP PEEEEEEEEP*