"Anong gagawin ko? What are you kidding me? Hindi ko siya pwedeng dalhin sa hospital, my dad gonna kill me" Dinig kong ingay sa isang silid kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.
"Hey miss? Gising na siya tawagan nalang kita mamaya." Saad pa ng isang lalaki.
"Hey, May masakit ba sayo? You need doctor naba? or what?" Nag aalalang tanong niya. Pinag masdan ko ang mukha niya walang pinag kaiba sa mukha ng mga anghel sa langit, makinis, magandang mukha, pulang labi.
"Anghel ka din ba?" Tabong ko kaya kumunot ang noo niya.
"Did i hit your head?" Saad niya na hindi ko naintindihan.
"Anong sabi mo?" Tanong ko kaya napakamot siya ng ulo.
"Ayos kana ba? Wala na bang masakit sayo?" Tanong niya.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, Masakit? Bakit ano ba ang nangyari.
"Hindi naman ako nakakaramdam ng sakit, isa akong anghel" Sabi ko sakanya at dinig kong tumawa siya ng malakas.
"Hey miss, siguro marami kang nasinghot na kung ano ano or napuruhan ko talaga ulo mo" Tumatawa niyang saad.
" Hindi ka naniniwala sakin? Isa akong anghel ipina-"
"Kumain na tayo baka gutom lang yan" putol niya sa sinabi ko. Hinayaan ko nalang ito at sumunod sakanya.
"Umupo kana" utos niya kaua umupo na ako.
Tinignan ko ang bagay na isinasalin niya sa lalagyan.
"Ano 'yan" Tanong ko
"Carbonara ang taqag dito, kainin mo na" saad niya at tinignan ko ang binigay niya saakin.
"Hindi ako marunong gumamit niyan" Saad ko kaya kumunot nanaman ang noo niya at hinawakan ang ulo.
Ginamit niya ang bagay na binibigay niya sakin at inilapot sakin
"Say ahh" saad niya kaya kusang ngumanga ang bibig ko.
Anghel ako at hindi ako nagugutom pero itong bagay na to kakaiba siya gusto ko pa ulit subukan.
"Ano ang bagay na 'yan, wala niyan sa langit" saad ko
Umiling lang ito at inulit ulit ang ginawa niya kanina hanggang maubos ang laman.
"Luto ko yan, galing ko na ba" Saad nya na nakangiti.
Ngumiti din ako at sinabi na
"Magaling ka talaga sa lahat, Paghusayan mo pa" Saad ko ng nakangiti, natulala ito sakin kaya nagtaka ako.
"May mali ba sa aking mukha?" Tanong ko.
"I-I think you need to change your clothes, Saan mo ba nakuha yang damit mo" Saad niya at may hinahalungkat sa isang malaking kahon.
"Oh, ito muna ako lang ang nakatira dito kaya panlalaki ang maibibigay ko sayo, ayon ang cr" turo niya sa isang kwarto at ibinigay ang mahabang pang ibaba at isang saplot.
Tumayo ako at pumunta kung saan siya tumuro. Kakaiba talaga dito sa mundo ng mga tao nakakamangha ang mga kagamitan nila.
"Isara mo ang pinto" sigaw niya kaya isinara ko ang pinto.
Sinimulan ko ng mag bihis, kakaiba din ang suotan nila, tinignan ko ang sarili ko sa salamin Hindi ko maiwasan maalala si Geline kamusta na kaya sila sa langit.
Lumabas ako sa kwartong 'yon at pumunta sa kinaroroonan ng lalaki.
"Ayos kana ba? Pwede ka ng umuwi baka hinahanap kana ng magulang mo" Saad niya habang nakaupo.
"Wala akong titirahan at bago lang ako dito sa mundo ng mga tao, ang mga magulang ko ay nasa langit" Saad ko.
"You mean patay na sila? kawawa ka naman" Saad niya sasagot na sana ako biglang ulit siyang nagsalita.
"Papayagan kita dito ka muna pero, Mag lilinis ka ng bahay at mag lalaba ka ng mga damit ko. Sa tingin ko hindi ka marunong magluto tuturuan kita." Saad niya tumango naman ako.
"Pumapasok ako sa school, ibig sabihin nag aaral ako. Tuwing sabado linggo ay andito ang mommy at daddy ko para bumisita kaya mag tatago kalang sa kwarto maliwanag ba?" Tanong niya kaya tumango ako ulit.
"Babayaran mo ako sa pag lilinis pagluluto at pag sisilbi sakin" saad niya pa ulit kaya napakamot ako ng ulo.
"Madali lang naman lahat ng yan" saad ko at tumango tango siya.
"Sa mga Kaibigan ko, ipapakilala kitang pinsan ko at wag ka magsasalitang kung ano ano sa harap nila, nakakahiya yon" Paalala niya.
Itinuro niya ang pagluluto, paglilinis, paano gamitin ang mga gamit ss kaniyang tirahan. Madali ko lang itong natutunan at nagawa ko din lahat.
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya habang kumakain.
Natutunan ko na din magutom at kumain ng mga pagkain dito sa mundo ng mga tao sa isang saglit lang.
"Angelic ikaw?" Tanong ko naman.
"Ako Francio Nate Delacosta" Saad niya kaya tumango ako.
Binigyan niya ako ng kwartong maliit pero maganda naman, mabait siya alam kong ligtas ako sakanya.
"Matulog kana bukas papasok ako sa school ikaw lang ang maiiwan dito" Saad niya at tumango ako.
Paano ba matulog? Hindi ako natulog ng ilang libong taon, Dumidilim nga ang langit, naniniwala nako kay Geline. Ang saad niya sakin ay sa mundo ng mga tao ay dumidilim at liliwanag ulit.
Kakaisip ko hindi ko namalayan na maliwanag na at hindi pa ako nakakaramdam ng kakaiba sa sarili ko. Lumabas ako ng kwarto para mag handa ng kakainin ni francio dahil sabi niya ay may pasok siya.
Kinuha ko angmga pagkain sa kahon na malamig ang tawag daw doon ay Refrigerator. Kumuha ako ng kulay pulang bagay ang sabi niya ay hotdog daw ang tawag at isa pa na hindi ko.mawari ang itsura bacon daw ang tawag.
Kumuha din ako ng itlog alam ko ito dahil madalaw mag kwento ang ina ko sakin tungkol sa itlog ng manok.
"Ang aga mo ah? ano niluluto mo?" Bungad niya.
Inilagay ko na ang mga niluto ko sa lamesa, hindi ko alam ang nararamdaman ko para akong nanghina at mabigat ang katawan, kung may kapangyarihan pa ako sana kaya ko ito tapusin ng segundo.
"Wow na gets mo agad lahat ng itinuro ko sayo, Good job" Nakangiti niyang sabi kaya napangiti ako.
Umupo ako sa upuan kaharap niya at matamlay.
"Did you sleep?" Tanong niya.
"Ano?" Tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
"ang sabi ko natulog kaba?" ulit niyang tanong.
"Hindi ako nakaramdam ng antok" Saad ko kaya umiling siya.
"Pasok nako ikaw na bahala dito, in case na may kailangan ka use that telephone ito number ko" Turo niya at umalis agad.
Paano.ko naman ito gagamitin.