Umuwi si Eppo sa kanilang probinsiya mula sa city. Katatapos lang ng semetre kaya umuwi kahit hindi naman iyon ang gawain niya dati. Idinahilan lamang niya sa magulang na umuwi na lang siya dahil matagal na noong huling pag-uwi niya sa lugar
Nasa tambayan siya sa kanilang barangay ng mga oras na iyon para mapag-isa at makapag-isip. Sa kanilang bahay kasi ay hindi siya makapag-isip ng tama dahil sa mga kapatid niyang maiingay. Kailangan niyang mag-isip ng solusiyon sa problema niya, si Arnel kasing kasintahan niya o dating kasintahan ay walang maitutulong sa kanya. Masamang masama ang loob niya sa kanyang kasintahan dahil imbes na sumaya ito sa ibinalita niya ay kabaligtaran naman ang ginawa.
Nagkalambong ang kanyang mga mata ng maalala ang dating kasintahan kung may magagawa sana siya para hindi na muna ito sumagi sa isip niya ay ginawa na niya. Ngunit ang dahilan kung bakit nalulungkot siya ngayon ay dahil rin ito sa nobyo. Masama sa kanya ang ma-stress kaya dapat yung magagandang alaala dapat ang iniisip niya pero kapag ginawa naman niya ay ang hindi kanais-nais na pangyayari sa huli nilang pagkikita sa kasintahan ang maalala.
Malalim ang iniisip niya kaya hindi niya napansin na may kasama na siya sa tambayan at hindi na nag-iisa.
Kanina pa pinagmamasdan ni Rod si Eppo na kay lalim ng iniisip. Dumaan nga siya sa harap nito kanina pero hindi man lang siya napansin. Tumikhim na siya ng makitang parang iiyak na si Eppo. Bumaling naman agad sa kanya ito.
"Ang lalim ng iniisip mo ah, may problema ka ba?" Tanong niya.
"Wala. Wala akong problema." Ngumiti ito ng pilit. "Kumusta na pala iyong mga binigay ko sayong textmate may nauto ka na ba?" Nakatawang tanong nito.
"Well, medyo OK naman sila. Pero parang hindi naman interesado ang mga iyon sa seryosong relasyon"
"Pakipot lang ang mga iyon, pagbutihin mo lang kasi." Sabi nito.
"Ganun.. Kailan ang dating mo? Kalagitnaan yata ng semestre ngayon ah." Pag-iiba niya sa usapan dahil ayaw niyang pag-usapan nila ang tungkol sa mga textmate.
Yumuko ito bago mahinang sumagot. "Hindi. Katatapos lang semestre"
Tumango na lang siya dahil alam niyang hindi nito gawaing umuwi na lang basta kahit pa ganoon kahaba na walang pasok.
Hindi na lang siya nagsalita. Lumipas ang mahabang Sandaling katahimikan. Naputol lang iyon ng biglang tumayo si Eppo.
"Uuwi na ako." Sabi nito at umalis na.
Nakatingin lang siya sa likod ni Eppo habang paalis ito.
Maganda ang dalaga, masipag at mabait pa, marami itong manliligaw sa kanilang lugar pero hindi sineseryoso ni Eppo. Naisip nga niyang baka may nobyo na ito sa city kaya ganun na lang ito sa mga manliligaw. 'Napakaswerte ng nobyo mo Eppo kung mayroon man' sabi ng isip niya. Napabuntong hininga na lang siya.
***
May handaan sa bahay Nina Eppo dahil sa
kanyang pagdating at saktong birthday pa nito.
Gumayak so Rod at pumunta sa bahay nila Eppo. Nang makarating roon ay nakita niyangHalos lahat ng mga kapitbahay ay naroroon. Si Eppo agad ang hinanap ng kanyang mga mata. Ginala-gala niya ang paningin. Nakita niya itong nakikitawa at nakikipag-usap sa mga kababaihang bisita. Titig na titig siya rito kaya kitang-kita niya kung paano lalambong ang mata niya sa iilang sandaling pananahimik niya. Muli ay nakaramdam siya ng bagbag sa loob niya na para bang may nakadagan na mabigat na kung ano rito. Sa tinagal-tagal na niyang nakilala ito ay miminsan lang niya itong nakitang problemado. Ang minsan ay nuong nakipagtanan ang kapatid niyang lalaki sa isang kolehiyala. Ang minsan naman ay noong naospital ang ama niya. Yeah, puro family problem. Pero ngayon alam naman niyang walang kaproble-problema ang mga ito dahil si Mario na ama nito ay kaibigan niya kaya alam na alam niya kung may problema ang pamilya ng mga ito.
Napabuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin. Sa pag-iwas niya ng tingin ay ang pagbaling naman ni Eppo rito kaya hindi nakita ang pagtitig niya rito.
Si Eppo naman ng makita Rod ay nagpaalam na siya sa mga kasama bago pinuntahan ang lalaki. Isa ang lalaki sa mga kaibigan ng ama kaya dapat harapin niya ito dahil siya ang may birthday. Si Rod ay bata lamang sa ama niya ng nine years kaya tinatawag niya itong mang Rod .
"Hello mang Rod salamat sa pagpunta." Sabi niya ng naroroon na siya sa harap nito.
Ngumiti si Rod. "Happy Birthday Eppo.."
"Salamat."
Sa tablang kinauupuan ng lalaki ay umupo rin si Eppo sa tabi nito.
Katahimikan ang namayani. "Kumusta ka na Eppo ?" Maya-maya ay tanong ni Rod.
Tumingin si Eppo dito. Nakatingin rin pala ito sa kanya. " dati pa rin. Ayos na ayos." Masiglang sagot niya.
"Sa nakikita ko ay hindi ka ayos. "
"Hindi. Ayos nga ako at masaya pa kasi tinganan mo oh birthday ko." Idinipa pa ang mga kamay. Ito ang ayaw niya kay Rod eh. Maraming tanong at kung kasinungalingan ang sagot niya ay alam na alam nito. Kaya nga napipilitan siyang kausapin ito eh dahil pinaparamdam nito sa kanya na para siyang bata na madaling makita kung nagsisinungaling.
"Iilang beses lang kitang nakitang ganyan kalambong ang mukha. At lahat ng iyon ay puro problema ng pamilya at alam ko na walang malaking suliranin ang pamilya mo ngayon Eppo. Ano ba talaga ang problema mo? Noong isang araw pa, sa kyos nakita kong kay lambong ng mata mo. Umiiyak ka pa." Parang nagmamakaawa ang boses nito pero ng tumingin siya sa mukha nito ay kabalikataran naman ang sinasabi. Matigas ang expression at desperadong malaman ang problema niya. Naningkit ang mata niya. Ano ang karapatan at pakialam nitong malaman ang problema niya at ganoon ang ipapakitang anyo.
"Wala akong problema atsaka ano naman ang pakialam mo kung ang bigat bigat ng pinagdadaanan ko ngayon!" Bulyaw niya rito. Medyo napalakas ang boses niya na ikinatingin ng marami sa kanila. Nagbaba siya ng tingin. Ito ang unang beses na binulyawan niya ang lalaki.
Noon kahit ganoon ang inaasta nito ay nakokontrol pa rin niya ang inis rito pero ngayon nga ay iba na binulyawan niya.
Nagulat naman si Rod sa pagbulyaw ni Eppo rito. Noon kahit gaano siya karaming tanong ay hindi siya nito binulyawan pero ngayon ay hindi. Naisip niyang baka sumobra na siya sa sobra sa kakadada ka nainis na talaga si Eppo. Pero naisip rin niyang baka masyadong mabigat ang pinagdadaanan para masagad na ang pagtitimpi.
"See? Ang kilos mo na iyan ang nagsasabing may problema ka. Bigla-bigla ka na lang bubulyaw ng ganoon lang na dati naman ay hindi. So, tell me Eppo, ano ang iyong suliranin?"
Tumayo na si Eppo at galit na nilayasan ang lalaki. Pumasok siya sa bahay at doon nagkulong.
Si Rod ay nagkibit-balikat at ngumiti sa mga lumapit sa kanya. Ang kinaroroonan niya kasi ay medyo malayo sa karamihan kaya maliban sa ibinulyaw ni Eppo ay walang nakarinig sa pinag-usapan nila ni Eppo kung pag-uusap ngang matatawag iyon.
Lumapit ang si Mario ang ama ni Eppo.
"Rod ano ba ang nangyari at binulyawan ka ng dalaga kong iyon?" Medyo natatawang tanong ng matandang lalaki.
"Wala. Sinumpong siguro uli ang anak niyo."
"Sabagay hindi lingid sa atin na hindi ka niya gusto." -Mario.
Kahit ayaw niyang maramdaman ay nasaktan siya sa sinabi ng kaibigan. Nag-iwas na lang siya ng tingin dito para hindi nito makita na nasaktan siya.
ILAng araw lang, makaraan ng birthday ni Eppo ay napapansin na ng pamilya niya ang pagiging mainitin niya ng ulo at pagiging matamad niya. Na dati ay hindi naman siya tamad at hindi naman ganoon katindi ang pagkainitin ng ulo na ultimo ang mga kapatid niyang nakaharang sa daraanan niya ay naiirita na siya at hindi niya kayang kontrolin ang sarili na hahantong sa pagbulyaw niya sa mga ito, magugulat na lamang ang mga kapatid sa pabigla-bigla niyang pagsigaw sa mga ito.
Sa totoo lang ay ayaw na ayaw niya ang ugaling iyon pero anong magagawa niya eh hindi niya kayang kontrolin ang ugali.
Sa gabing iyon habang kumakain sila ay tinanong siya ng ama, tumahimik bigla ang mga kapatid niya na maingay at binigay ang buong atensiyon sa kanya.
"Eppo.. Umamin ka nga may problema ka ba? Kaya ba bigla ka na lang umuwi pagkatapos ng semestre dahil may mabigat kang problema?" Malumanay at may bahid ng pag-aalala na tanong ng kanyang ama.
Tiningnan niya ang limang mga kapatid na puro babae, lahat sila ay nakatingin sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot. Itinutok niya ang mata sa ama at doon nga ay nakita niya na nakasalamin sa mata nito na ang labis na pag-aalala. Pag-aalala... Ulit niya sa isip. Ano ang karapatan niyang makatanggap ng ganoon sa ama gayon ang isasagot niya sa tanong nito ay makapagbibigay ng matinding sakit sa damdamin ng ama. Madi-disappoint ito sa kanya at magagalit. At siguro sa tindi ng sama ng loob ay papalayasin siya na tiyak niyang wala siyang karapatang tumanggi dahil sa sariling kagagawan. At ang pinakamasakit ay iisipin ng ama na hindi nito napalaki ng mabuti ang mga anak, iisipin nito iyon dahil ang unang anak na kaisa-isang lalaki ay nakipagtanan sa isang kolehiyala at siya ang ikalawang anak ay nabuntis! Nabuntis at ayaw pang tanggapin ng lalaking nakabuntis.. Sinasabing hindi nito sarili ang pinagbubuntis niya, na ibang lalaki ang nagmamay-ari doon. At gusto nitong ipalaglag. At ang masakit sa kanya sa paghihiwalay nila ng lalaking nakabuntis sa kanya ay mahal niya ito at hindi ito nagtitiwala sa kanya.
Sa pagdaloy ng isipan niya doon ay bigla na lang siyang humagulhol. Umatungal siya ng iyak. Sa harap ng kanyang tatay. Sa harap ng kanyang mga kapatid. Sa harap ng pagkain. Umiyak siya ng umiyak. Inalo-alo naman siya ng mga kapatid pero hindi siya matigil sa pag-iyak. Ang kanyang emosyon ay hindi niya kayang kontrolin. Hanggang sa nawalan siya ng malay.