Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Dauntless Wife Of A Billionaire

🇵🇭SikretNMisteryosa
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.3k
Views
Synopsis
Pinakasalan ni Racy ang bilyonaryong si Dart Zylan upang makuha ang mana niya sa kaniyang namayapang ama. Ngunit nang malaman nitong nagpapanggap lamang siyang buntis ay labis siya nitong kinamuhian. Dart Zylan cut all their ties not knowing that she got pregnant for real.
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

Simula na naman ng maitatalang mapaglarong gabi para sa akin.

"O, ano? May nahanap ka na?" rinig kong tanong sa akin ng matalik kong kaibigan na si Leigh habang ginagala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kaniyang bar. The dimlights are now on.

Umupo ako ng tuwid sa counter ng bar at umiling sa kaniyang tanong.

Katulad ng mga nagdaang mga gabi, ang naghahalong ingay na nagmumula sa sound system at usapan ng mga nagsasayang mga tao ang naghahari sa buong lugar. Ang madalas na papalit-palit na tunog ng musika at ang mga ilaw sa dance floor ay medyo nagpapahilo sa akin ngunit nasanay na ako.

Nakakatuwa lang na hindi ako napapagod sa ganitong uri ng eksena at pakiramdam. Halos dito na nga ako nakatira sa bar na ito dahil sa mas dami ng oras na ginugugol ko rito kaysa sa inilalagi ko sa aming tahanan.

Pinadapo ko ang aking tingin kay Leigh at ngumisi ng mapaglaro. "Hindi ka ba makapaghintay? Mamaya lang, wag kang masyadong apurado."

Inirapan niya ako at sinimangutan. "Edi sige, bahala ka. Tawagan mo na lang ako kapag nakaalis ka na nang hindi ko namamalayan. Sobrang dami ng tao ngayong gabi kaya hindi ko alam kung masusundan ko ang bawat galaw mo. Tumawag ka kapag naipit ka sa gulo o ano."

"Oo na," sagot ko na lamang sa kaniya at tuluyan na siyang hindi pinansin.

Umalis na rin naman siya at bumalik sa kaniyang ginagawa habang ako ay binalik ang mga mata sa gitna ng sayawan, sinusubukang maghanap ng pwedeng biktimahin ngayong gabi.

Kasalukuyan akong nasa isang bar na nagngangalang High Craze Bar, pag-aari ng aking matalik na kaibigan na si Leigh. Halos gabi-gabi akong narito upang makipaglaro at makipag-ugnayan sa mga lalaki na parang mga laruan.

Nagtataka siguro ang ilan kung anong klase akong babae? Tinatawag nila akong whore, slut, bitch, at wild na babae dahil sa palagay nila ay nakikipagtalik ako sa bawat lalaking nakakatagpo ko tuwing gabi.

Porke ba nakikita nila akong malapit at nakikipagharutan sa mga iyon, ibig-sabihin nakikipagtalik na kaagad? Hindi ba pwedeng nakikipagmabutihan lang? Napaka-judgemental ng mga tao ngayon.

Natawa ako sa sarili ko. Pero sino nga ba'ng niloloko ko? Sino ba ang maniniwalang walang nagyayari sa amin ng lalaking kasama ko sa loob ng hotel room? Syempre wala! Maliban na lamang kung tanga ang mga ito. But wait, ang punto rito ay totoo namang walang nangyayari sa amin ng mga lalaking nakasama ko!

I was only having fun fooling around. Hindi pa ako kailanman nakikipagtalik sa kahit sinong lalaki. Totoong lumalabas ako ng bar na may kasama para mag check in sa pinaka malapit na hotel, pero walang nakakaalam sa totoong nangyayari sa loob ng nakasaradong hotel room. Kung alam lang nila kung anong nangyayari...

"Sino naman kaya ngayon ang mabibihag sa patibong ko?" pilyang bulong ko sa aking sarili habang pinapanood ang mga taong sumasayaw, umiinom at nakikipag-usap sa mga kanilang kakilala.

Itong ganitong karaniwang mga eksena ang nagpapaaliw sa akin. Dahil para sa akin, pare-pareho lang ang dahilan at motibo ng mga taong nagpupunta rito.

Nagpunta sila rito upang mag-aksaya ng kanilang mga oras at pera. Naglalasing upang pansamantalang makalimutan kung gaano kasalimuot ang buhay. At ang karamihan sa kanila ay nagsisikap na makahanap ng prospect upang matugunan ang pangangailangan ng katawan ngayong gabi.

That's also the same case for me, though the kind of fun I was looking for is a bit different from theirs.

Natigil ang paggala ng aking mga mata nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. I playfully smirked when I smelled an expensive manly perfume which made me certain that the one who sat beside me was a man, even before I look at him.

'Damn, he smells good!'

Naghanda ako ng isang matamis na ngiti bago ito lingunin. Bahagya akong natigilan sa pagkamangha ng masilayan ko ang mukha ng lalaking tumabi sa akin.

The man looks so cool while innocently biting his lower lip a bit and staring at his drink. He seems to be lost in his world that no one else matters to him in this room except the glass of liquid in front of him.

I secretly hitched my breath when I had a full view of his face. Two-block haircut, aquiline nose, flinty eyes, and cherry lips.

'Man, how can you be this breathtakingly alluring?!'

Wala pa itong sinasabi o ginagawa ngunit pakiramdam ko ay naaakit na kaagad ako sa unang paglapat pa lang ng aking mata. Ni hindi nga ito nakatingin o lumilingon man lang sa akin pero nagagawa na niya akong pamanghain!

'This guy is dangerously innocent and gorgeous!'

Naglakbay ang aking mga mata pababa sa kaniyang katawan. Napaangal ako sa aking isip. His physique screams perfect masculinity. Its jaw-dropping firmness makes me want to touch it!

Pinilig ko ang aking ulo at umupo ng maayos dahil masyado na akong nadadala. Siya dapat ang naaakit sa akin at hindi ang kabaliktaran! Ngunit hindi ako masisisi dahil tunay namang nakakaakit ang lalaking ito at partida pa dahil wala man lang itong effort pero nabibighani na kaagad ako!

Maingat akong suminghap nang lingunin nito ang banda ko. Tumigil siya sa bahagyang pagkagat ng kaniyang ibabang labi at maingay na umismid sa akin nang matagpuan ang titig ko.

'Sandali, tama ba ang napansin ko? Umismid at hindi ngumiti?'

"Stop the obvious stare, Miss. It's grossing me out," may halong inis na sambit nito sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "E-Excuse me?" hindi ko napigilan ang bahagyang pagkairita sa aking boses.

Anong sinabi niya? I'm grossing him out?!

"You seem to be drooling while gawking. It's gross."

Mas lalong lumaki ang aking mga mata nang sabihin niya ito ng hindi man lang kumukurap. Mukhang tunay siyang nandidiri.

At teka, naglalaway ako? Mabilis kong kinapa ang magkabilang gild ng aking labi para alamin kung totoo ang sinasabi niya. Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman akong naramdamang laway rito.

I realized that he was just bluffing. Matalim ko siyang tingnan. "Don't flatter yourself, Mister. You aren't worth salivating."

That's a lie. He is! But I refused to let him know that I was affected by his charm. Nakakainsulto ang sinabi niya sa akin!

"Then stop staring. You're kind of hot but I'm not interested."

Tumiim ang bagang ko sa pagpipigil na bulyawan siya. The arrogance of this brute almost made me regret that I admired him earlier.

Sinabi ko pang nakabibighani siya. Malaking pagkakamali!

Ito ang unang pagkakataon na tintrato ako ng ganito ng lalaking nakasalamuha ko rito. Lahat ng mga lalaking nakasama at napaglaruan ko ay hindi ako nabigong paamuhin. Lahat sila ay kusang lumalapit sa akin kung hindi man ako ang unang nagpapakita ng interes at wala pang bumabalewala maliban na lamang kung hindi sila tunay na lalaki!

Sanay naman na ako sa mga ganito ka-arogante at walang modong tao sa bar ngunit sa kaniya ako pinaka-nainsulto! Totoong ang mga lalaking binibiktima at pinaglalaruan ko ay bastos at arogante katulad niya pero ang lahat ng mga iyon ay interesado sa akin. Hindi katulad niyang nang-iinsulto sa paraan ng pagtingin at pagsasalita.

Naningkit ang aking mga mata nang makita kong papalapit sa amin ang isa sa mga waiters ni Leigh.

No way!

Sinubukan kong hanapin ang lugar kung nasaan ang aking kaibigan ngunit hindi ko siya mahagilap! Ibig bang sabihin nito ay itong lalaking ito na ang biktima ko ngayong gabi? Sa tuwing aprubado na ni Leigh ang lalaking paglalaruan ko ay pinalalapit niya na sa akin ang isa sa kaniyang mga tauhan para dalhin ang espesyal na inumin na para lang sa mga target ko.

Nilapitan ng tauhan ni Leigh ang lalaking katabi ko at nag-alok, "Sir, drinks?"

"No!" pagpigil ko rito at sinubukang hulihin ang kaniyang tingin. "May inumin pa siya. Sa iba mo na lang iyan ibigay mamaya."

Sinubukan ko itong senyasan na huwag ituloy ang pakay subalit nakatingin sa amin ang lalaking arogante kaya hindi ko ma-i-senyas ng maayos ang nais kong iparating.

Tinaliman ko ng tingin ang tauhan ni Leigh at inilingan ngunit tila hindi niya pa rin ito nakuha!

Nakita ko kung paanong kumunot ang noo ng aroganteng lalaki.

"Bakit? Isa ba iyan sa espesyal na inumin ng bar na ito? Let me have it, then."

"No!" mabilis kong iling at tinabig ang kamay ng waiter para sana maitapon ang inumin, ngunit nabigo ako dahil sa tatag ng mga kamay nito.

Tumaas ang kilay ng lalaking arogante at tila nawi-wirduhan sa akin. Ayos lang! Basta hindi siya ang maging playmate ko ngayong gabi!

"Miss, nagpapapansin ka ba? That's a cheap tactic, just so you know."

Napamaang ako. "Ano?"

"Bakit? Hindi ba totoo? Hindi ako pinanganak kahapon at matagal na rin ako sa ganitong mundo. Sanay na ako sa mga katulad mo pero wala ako sa huwisyo ngayon. Pero kung gusto mo talagang pansinin kita, bakit hindi mo pa simulan ang maghubad para makita ko kung pasado ka ba para sa akin at hindi na tayo mag-aksaya ng oras na dalawa."

Laglag ang panga ko habang pinoproseso ko ang kaniyang mga binitiwang salita. Mangha ako sa diretsahan niyang sinabi at unti-unti umahon ang pagkairita sa aking sistema.

"Bastos!"

Alam kong ang mga ganitong klase ng lalaki ay iisa lang ang hangarin sa pagpunta sa bar kaya hindi na dapat ako nagulat pa. Ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang tamaan ng sobrang pagkairita sa kaniya dahil nabighani ako sa isang tulad niyang bastos at walang modo!

Ayaw ko sanang siya ang paglaruan ngayong gabi pero sige! Gusto niyang maglaro? Kung ganoon ay ibibigay ko ang laro ko.

Pinanood ko siya at hinayaang lagukin ang inumin na para lamang dapat sa mga lalaking biktima ko. Inismiran ko siya. Sisiguraduhin kong magsisisi ka kinabukasan, pervert!