Ang sumunod na nangyari ay namalayan na lamang namin ang isa't isang naghahalikan sa loob ng kwarto sa isang five-star hotel malapit sa bar ng kaibigan ko. He's hot! At sa literal na paraan!
He's turned on. Shit!
Hindi na inosente ang aking mga mata dahil sa ginagawa kong ito sa mga lalaking nakikilala ko gabi-gabi. Marami na akong nakita at nahawakang iba't ibang hugis ng katawan dahil sa pang-ti-trip ko sa kanila. Pero nais kong linawin na hindi ko tinitigan ang mga pribadong parte ng kanilang katawan! Narito lang ako para maglaro at pag-tripan ang mga lalaking pinangungunahan ng libido sa katawan para turuan sila ng leksyon.
Though I'm not that pure anymore, I'm still a virgin.
At dahil hindi na rin ako ganoong ka-inosente, aaminin kong ang katawan nitong lalaking kasama ko ang may pinakamagandang hugis sa lahat ng nakilala ko! He has a trapezoid type of a body, ang pinaka gusto kong tipo ng katawan sa isang lalaki.
He's a real catch!
Nahubaran ko na siya ng polo at ng pantalon. Tanging ang boxers na lang niya ang natitira niyang saplot ngunit hindi ko muna ito tinanggal. Bukod sa hinihintay kong umepekto sa kaniya ang gamot na halo sa inumin niya kanina ay nababaling pa ang atensyon ko sa kaniyang malilikot na kamay dahil kung saan-saan ito dumadapo.
Matagal pa yata bago umepekto sa kaniya ang gamot! Bago pa ako makaiwas sa isa na namang serye ng halikan ay mabilis niyang hinila ang aking batok para sa isang mahaba at malalim na halik. Halos sabay kaming napaungol. Narinig ko siyang napamura at marahang pinasadahan ng kamay ang aking pang-upo. Muntik na akong muling mapaungol.
Geez! Hindi ako pwedeng madala!
Mabuti na lamang at narinig kong tumunog ang aking ringtone dahilan para matauhan ako nang tuluyan. Itinulak ko siya ng bahagya upang humugot ng hangin para makahinga dahil mukhang wala siyang balak na kumalas. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagluwag ng kaniyang hawak sa akin. Hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa kama.
Sa wakas, umepekto rin!
Sumilay ang ngisi sa aking mga labi.
"Welcome to my game," sambit ko habang tinitingnan siyang walang malay sa kama.
Lalapitan ko na sana siya upang tanggalin ang huling saplot sa kaniyang katawan ngunit muling tumunog ang telepono mula sa aking bag. Nagdesisyon akong sagutin ito nang makita ko ang nakarehistrong numero ng aming telepono sa bahay.
"Senyorita Raciella!" ang kinakabahan at nagmamadaling boses ng aming kasambahay na si Mina ang bumungad sa akin.
"Ano iyon, Mina? Alam mo bang may ginagawa ako at nakakaabala ka?"
"S-Senyorita Raciella..." muli niyang sambit sa aking pangalan na para bang natatakot at hindi malaman ang sasabihin.
Kumunot ang noo ko. "Anong kailangan mo? Gusto mo bang malagot sa akin pag-uwi ko dahil sa pang-aabala mo?"
"Hindi po, Senyorita, pero kailangan niyo nang umuwi ngayon din!"
Umirap ako sa kawalan at sumulyap sa lalaking natutulog sa kama. "Bakit ba? Miss mo ba ako kaagad para pauwiin ng maaga? Mamaya na at may gagawin pa ako. Sige na."
"Pero narito na po si Senyora Raniella!"
Ibinaba ko na ng bahagya ang telepono ko para lumapit sa kama kaya hindi kaagad nag-rehistro sa aking utak ang sinabi niya. Ngunit nang mahagip ng pandinig ko ang pangalan na kaniyang binanggit ay bigla akong natigilan at kinabahan.
"A-Anong ibig mong sabihing nariyan? N-Nasaan ka ba?" nauutal kong tanong.
"Narito sa Herrerias Mansion, senyorita!"
"H-Huh? Paano mangyayari iyon? Akala ko ba isang buwan siya sa Madrid? Isang linggo pa lamang ang lumilipas, Mina!"
"Hindi ko rin po alam! Basta nagulat na lang po kaming lahat sa pagdating niya. Kailangan niyo na pong umuwi ngayon din dahil kanina ka pa niya hinahanap at hinihintay!"
Napamura ako ng malutong sa utak ko habang nagmamadaling hinagilap ang aking mga gamit. Halos manginig ako sa pagmamadaling maisuot ang aking stilettoes habang napapasulyap sa lalaking nasa kama.
Muntik ko nang makalimutan na hindi ko pa nga pala nakukuha ang pangalan nito! Mabilis akong tumayo, akmang hahalughugin ang kaniyang gamit para makuha ang kaniyang impormasyon nang marinig ko ang malamig na tinig sa kabilang linya dahilan para matigilan at matulos ako sa aking kinatatayuan.
"Dalhin mo ang sarili mo rito sa loob ng sampung minuto, Raciella kung ayaw mong matulog sa kalsada."
Halos mapatalon ako sa banta niya. Nakailang ulit akong pagmumura nang ibaba niya ang tawag. Nang makuha ko na lahat ng gamit ko ay muli akong sumulyap sa taong nasa kama. His identity information isn't worth risking the ten minutes I was given. Hindi ko nanaisin na matulog sa kalsada kung sakaling maubos ang sampung minutong palugit ng aking ina.
Kilala ko siya at tinototoo niya ang lahat ng banta niya sa lahat!
Kahit na gustuhin ko mang tuluyan niya nga akong itakwil, hindi ko pa rin gustong sa kalsada manirahan. Kailangan ko munang makuha ang mana ko kay Daddy bago niya ako palayasin!
Nang makarating ako sa bahay ay nagmamadali akong pumasok at halos takbuhin na ang kalooban nang mapahinto ako dahil sa presensya ng taong nakaupo at tila naghihintay sa tanggpan.
Geez!
"Saan ka nanggaling?" kalmadong tanong ng aking ina na nakaupo sa sala.
Marahan akong huminga ng malalim at pumikit bago kagat labing iniharap ang katawan sa kaniyang direksyon. Hindi siya nakatingin sa akin, bagkus ay sa mga larawang nakahanay sa mesang nasa kaniyang harapan.
Nang hindi ako nakasagot agad ay saka pa lamang niya ako tiningnan, malamig at nanunuri ang mga mata. "Tinatanong kita."
Sinubukan kong kalmantehin ang aking dibdib sa kaba bago sumagot ng maayos. Isang maling salita ay paniguradong lagot ako. Lumunok ako at sumagot. "Sa bar ni Leigh."
"Hindi iyan ang alam ko. Wala ka na sa bar ng kaibigan mo tatlumpong minuto bago ka pa tawagan ni Mina."
Nasamid ako sa aking laway pero kaagad namang sumagot. "W-Well, baka nasa daan na ako at bumabyahe pauwi--"
"Huwag mo akong gawing tanga, Raciella," mariin at malamig niyang sambit. Her every word was laced with an intense warning that gave me goosebumps all over my body. "You're on the road for thirty minutes and another ten minutes after the call?"
Namutla ako sa kaniyang tanong at hindi na nakapagsalita. Kung magsasalita pa ako ay paniguradong ibabalik niya sa akin ang sagot ko dahil alam niyang nagsisinungaling lamang ako. Kung madali kong napaglalaruan at napapaikot ang ibang mga tao sa aking paligid ay hindi ang sarili kong ina. Maaring pilya at malakas ang loob ko, pero pagdating sa kaniya ay natitiklop ako. Ganoon siya nakakatakot para sa akin!
"Do you think I won't find out that you went out tonight with a different man from last night, the night before, and your last week's men?"
Mabilis kong naipikit ang aking mga mata nang mula sa lamesa ay dinampot niya ang mga nakahanay na larawan at inihagis sa aking harapan. Nang dumilat ako at nahagip ang kuha sa mga larawan ay halos himatayin ako sa aking kinatatayuan. Ang mga larawang kaniyang tinitingnan bago ako dumating ay ang mga larawan ko, kasama ang bawat lalaking nakilala ko sa bar ni Leigh at kasama kong pumapasok sa hotel.
Mangha akong tumingin sa aking ina. "Pinasusundan mo ako?"
Pagak siyang tumawa. "Kung sana nga ako na lang ang nag-utos na pasundan ka sa mga tauhan ay baka wala nang ibang nakaalam pa. Pero hindi. It was sent by an anonymous person. It was sent not only to me, but to every board and shareholder of the group. At alam mo ba ang ibig-sabihin kung bakit pinadala ang mga larawang ito hindi lang sa akin?"
Umiwas ako ng tingin at marahang umiling. May ideya ako ngunit ayaw kong isipin dahil wala na akong pakialam sa nangyayaring gulo at agawan ng pwesto sa negosyo namin. Mayroon akong nakatatandang kapatid na lalaki at iyon ay si Trance. Ito naman ang paniguradong magmamana ng kumpanya at kasalukuyan itong nasa ibang bansa para pag-aralan ang mga negosyo roon. Kaya hindi ko inaalintana ang posisyon at trabaho sa kumpanya ay dahil hindi naman ako talaga interesado.
"It means that those hungry relatives of your father are trying to rise by starting to drag us down using our dirty linen, Raciella. And it so happened that you couldn't contain yourself and mindlessly pulled these stunts na hindi iniisip kung anong kahihinatnan ng kahibangan mo sa pamilyang ito."
Halos mapaso ako sa init ng bawat bigkas niya sa kaniyang mga salita. Tanging boses lamang niya ang nagpapakilabot at bigay ng takot sa akin. Istrikta siya noon pa man sa akin ngunit hindi kasing higpit simula nang mawala ang aking ama.
Hindi alam noon ni Daddy na nagkaroon siya ng anak bago pa man sila magpakasal ng aking ina, kaya hindi niya inaasahan na gagamitin ito laban sa kaniya upang sirain ang Herrerias Empire. Ang malaman na mayroon siyang ibang anak at inilantad pa sa publiko ay nagbigay ng malaking problema sa kaniya. Naging dahilan ito upang kumprontahin siya ng kaniyang mga kaanak at pagtangkaang bawiin ang pinama sa kaniyang kumpanya ni lolo.
He wasn't healthy at that time so all the stress and pressure caused him to collapse and succumb to death. I mourned. Trance got furious. My mother mourned for it but she suddenly became cold and ruthless after burying my Dad.
Narinig ko kung paano niya malupit na pinagbayad ang mga taong may kinalaman sa biglaang pagbagsak ng katawan ng aking ama, na naging dahilan ng pagkamatay nito. I know Dad's relatives were still powerful but because of my Mom's sudden rise of power and influence in the business, they stepped back.
Raniella Herrerias is now known to be a ruthless and manipulative Empress in the business world. Hindi ko man nasundan ang lahat ng kaniyang ginawa para lang makamit ang titulong iyon, ay hindi rin ako manhid para hindi maramdaman ang kaniyang kalupitan.
Kahit sa akin ay naging malupit at istrikta siya dahilan para nainisin kong makawala sa kaniyang pagmamanipula. Nagiging malaya lamang ako sa tuwing umaalis siya at lumalabas ng bansa para sa negosyo. Kaya naman kampante ako nitong nakalipas na isang linggo sa mga ginagawa ko dahil ang alam ko ay isang buwan siyang mawawala. Ngunit mukhang napaaga ang kaniyang balik dahil may nagpadala sa kaniya nitong mga larawan!
"I told you not to do anything stupid but if you can't avoid doing so, then do it discreetly and clean up the mess! Now, not only you didn't follow my instruction, you even let other people know about this!" mariin niyang sambit, halos magngitngit ang mga ngipin sa pagpipigil na isigaw sa akin ang mga salita. Bago pa ako makasagot ay dinugtungan na niya ito. "Do you know how this affects your standing in the company? You're only starting to be in a good position after you failed so many times. If not for Trance, we'd lost all your deals to competitors when you handled some of the projects!"
Tumikhim ako dahil ibinabalik niya sa akin ang pagkakamali ko noong nakaraan sa kumpanya. Pagod akong tumingin sa kaniya. "It's because I'm not made for the business, Mom. I told you that many times before pero hindi ka naman nakikinig at pinilit mo pa rin sa akin na pahawakan ang mga trabahong iyon. It's not my fault that I failed to live up to your expectation when I didn't guarantee anything from the start."
Her eyes narrowed. "Yes, but I expected you'd at least try your best but you didn't! You asked me to give you a break and I did. And then I'll find out that this is what you've been doing for the past month? Ang makipagharutan sa iba't ibang lalaki gabi-gabi? Your break is over now! Babalik ka na sa trabaho bukas na bukas din."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Pero mommy! Ang usapan natin, babalik ako sa trabaho kapag nakauwi na si Trance. At hindi pa siya uuwi hanggang summer!"
Pababalikin niya ako sa trabaho? Nahihibang na ba siya? Gusto niya bang pumalpak ulit ako dahil wala si Trance para gabayan ako? Alam niyang ayaw na ayaw kong nagkukulong ng walong oras sa loob ng apat na sulok ng silid ng opisina. At kaya ako nakipag-bargain sa kaniya na saka lang muling babalik sa trabaho kapag nariyan na si Trance, iyon ay dahil kayang-kaya akong saluhin ng kapatid ko!
"Oo pero binabawi ko na iyon ngayon. Kaya babalik ka sa trabaho mo bukas sa ayaw at sa gusto mo. At kapag nalaman kong hindi mo sinunod ang gusto kong mangyari, puputulin ko lahat ng cards mo."
Nagmamaktol ako sa kaloob-looban dahil siguradong wala nang makakapigil sa kaniyang desisyon at totoohanin ang lahat ng kaniyang banta.
Nang maglakad siya palapit ay tumigil siya sa aking harapan kaya napatuwid ako sa aking pagkakatayo."At kapag nalaman kong hindi mo pa rin tinitigilan ang pakikipaglaro mo sa mga lalaki ay sisiguraduhin kong sa kalsada ka na tuluyang uuwi," huling banta niya. "So you better stop bitching around and fix your life."