Chereads / Pet Raiser's Shop / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

Hanggang sa nakita niya ang mga pag-angat ng mga bato sa paligid. Tumingin siya sa kan'yang tabi ngunit binalewala lamang ito ni Sediaya. Para bang may tiwala itong maging maayos ang lahat.

Tumingin ito sa kan'ya at nagwika.

"Wala kang dapat ipangamba, may protector tayo na hindi basta na matatalo"

Hindi pa rin maiwasan ni Zala ang pangamba lalo't wala siyang kapangyarihan na maaari niyang pandepensa sa kalaban.

Hanggang sa lumabas ang kutserong nakamaskara at robang puti at ang nakakulong sa tubig na bilog na dolphine.

"Palmer, gamitin mo ang bubble shield ngayon din" mula naman sa bibig ng dolphine ay mabilis na lumaki ang bula na bumalot sa karwahe.

Sa isang iglap lang ay may biglang tumabi na dalawang tao. Isang lalaki na nakasuot na purong itim at ang isa naman ay nakasuot ng purong pula. Mga nakaroba at may mga maskara.

Inilabas ni Zala ang kan'yang ulo at tumingin sa itaas. Dumilim ang paligid. Tumakip ang malalaking bato sa sinag ng araw.

Hanggang sa ang bulang nagkulong sa Karwahe ay unting unti sumakop ang sobrang itim na likido. Hindi na makita ni Zala kung anong nangyari sa labas. Saka dumilim at wala na siyang makita o marinig sa labas kung ano na ang nangyayari sa labas

May kumalawit naman sa kan'ya sa likod niya.

"Anong ginawa nila?"

"Wala kang makikira lalo't binalutan na ng Dark Water ang bula. Hintayin na lang natin matapos ang kanilang laban" aniya.

Inilibot niya ang tingin sa dilim, at zero visibility talaga. Ipinagtaka naman niya bakit kailangan pang balutin pa ng kung anong itim ang bula.

"Bakit ba nila gagawin 'to? Ayaw ba nilang makita ang laban?"

Tumawa naman ang nasa tabi niya dahil ka-ignorantehan ng bunso niya.

"Tanga, syempre ang Dark Water ay may acid effect upang matunaw ang bato na tatama. Isa pa hindi masyadong malakas ang bubbles kaya kung walang support combination baka masisira ito. Isa pa ay mahirap na basagin ng kalaban ito"

Bumuntong naman si Zala saka iniisip kung ano na kaya ang nangyari sa labas.

...

Habang sa labas naman ay magkaharap ang anim na purong nakamaskara. Puro mga mask mercenary ang mga ito. Purong katahimikan ang bumalot sa kapiligiran. Naghihintay kung sino ang unang kikilos.

Nabagot naman ang babae nakamaskara .

"Ano? Magtitigan na lang ba tayo?"

Nang sabihin naman niya ito ay tumingin naman ang tatloo sa kan'ya. Siya si Hair Blood Sucker, ang babaeng may pet na Blood Hairy Fox. Ang babaeng maging trump card sa malawakang laban.

Tinangka na nga ng Royal Family to recruit her para maging Military General. She refused the offer dahil ayaw niyang mawalan ng kalayaan. Kaya mas pinili niya ang maging Mercenary.

Hindi naman siya pinilit lalo't kabilang ito sa Super Power family. Lalo't ayaw ng mga ito na napipilit ang mga decendants nito. Dahil para sa kanila ang pagpwersa ng kung sino man sa kanilang pwersa ay nagmaliit sa kanilang clan.

Hindi naman mag-take a risk ang royal family sa isang tao. Baka ikahina pa nila kung labanan nila ang clan nito. Kaya nilang labanan ang mga malalakas na clan pero unti-unti lang at iniiwasan nilang magkompronta.

"Sadya ngang pinuprotektahan ni Ramelic ang kan'yang anak, lalo't ang dati niyang kasamahan ang kinuha niyang protektor" sabi ng nakamaskara na kulay berde.

"Ano naman ngayon kung kami nga kinuha ng dati niyang kasamahan? Ano lalaban ba kayo o magsayang nalang ako ng laway?" Deritsong saad nito.

"Hindi, sinubukan lamang namin kung sino ang kinuhang protektor. Hindi naman namin inakala na kayo pala. Hindi sapat ang ibabayad namin para suongin namin ang karayom para kuhain ang target" saka tumingin ito sa itim na bola na nasa malapit lang nila.

Bilang mercenary alam nila kung saan magpatuloy ang laban. Ayaw nilang makalaban ang mas malakas o kapantay sa lakas nila kung hindi naman sobrang malaki ang benepisyo. Survival ang importante sa kanila, at kung magpadalos-dalos sila ay baka matagal na silang mamatay.

Hindi man sila mamatay ay magkaroon naman sila ng pinsala na maaaring magpahina sa lakas nila. Hahanap nalang sila ng opportunidad na gawin ang kanilang balak lalo't wala namang binigay sa kanila araw na dapat matapos ang misyon nila.

"Kaya pasensya na sa abala" saka mabilis na tila isang kidlat itong naglaho.

Tangka na sanang habulin ng nakapula ang mga ito pero pinigilan ito ng nakaitim. Nilingon naman ito ng babae at tinaliman ng tingin ang lalaki.

"Baka nakalimutan mong ihatid at iuwi lang natin ng ligtas ang kliyente natin, hindi para sayangin ang lakas natin sa kanila. Hindi malaking benepisyo ang makuha natin kung lalaban pa tayo. Ganoon din ang nasa isip ng nakaharap natin, kaya wag ka puro padalos-dalos. Gan'yan ang mga estilo nating mga masked mercenary kaya maghunos-dili ka Safira"

Sa boses ng lalaki ay mahahalatang nainis ito sa pagka-arogante ng babae at walang pagkamahinahon nito. Hindi ito nag-iisip ng mas nakakabuti at mas pipiliin pa nitong lumaban.

Natauhan naman ang babae at inilibot ang tingin sa paligid. Ang mga bato na nasa daanan nila.

"Kung makita ko ulit ang mga 'yon ay matikman nila ang galit ko, binigyan pa tayo ng problema" habang nakatingin ito sa mga nakaharang na bato.

...

Naging matagumpay naman ang kanilang paglalakbay. Nasaksihan nila ang paggamit ng black water ang lalaki na siyang ikinatunaw ng mga bato. Ngunit malaki rin ang ginastos nitong pwersa para tuluyang mawala ang mga nakaharan. Ang nakaputi naman ay ginamit ang kan'yang kapangyarihan na bula sa mga bato. Kinulong niya ito ng bula saka pinalutang at itinapon sa gilid.

Ang babae naman ay walang ginawa lalo't wala siyang kakayahan na alisin ang mga ito. Ang dalawa rin ay nakaupo lang sa karwahe na walang ginawa.

Ngayon ay nakarating na rin sila sa kastilyo ng kanilang clan. Sa sentro ng harden ng clan binantayan ng maraming kawal na nagkalat sa bawat lugar. May mga kababaihan na nagsasayaw habang may mga salitang lumalabas sa kanilang bibig na hindi maintindihan ni Zala.

Isang bilugan na arrays na may pentagram ang kanilang sinasayawan. Sa likod ng arrays ay naroon ang rebulto ng pusa at maramdaman ng lahat ang pressure nito.

"Paano nakapasok ang isang ampon dito? Hindi ba't hindi makapasok ang walang dugong Androveja?"

"Oo eh, ang kapal ng mukha na ipagpilitan ang sarili niya sa Clan. Ayos sana kung sa family niya ipagpilitan ang sarili niya kasi wala naman tayong pakialam diyan. Pero sa clan talaga? Tingnan lang natin kung hindi siya ipatalsik ng pusang rebulto"

Malakas na pagkasabi ng mga babae na ipinarinig pa talaga kay Zala. Napairap nalang si Zala lalo't naalala niya ang nang-aapi sa dating Zala. Kung iisipin niya 'yon ay para na rin siya 'yong inaapi.

Kaya naman ay napasinghal.

"May tiwala naman ako matatanggap ako ng Feline Races keysa sa iba diyan baka mapagkamalan pang unggoy ng rebulto at baka mapagkamalan pang taga-ibang clan"

Humiyaw naman ang mga nakarinig at tumingin sa dalawa at hinihintay ang kanilang rebuttal.

Umirap naman ang dalawang babae. Kilala ang dalawang ito na kaklasi ni Sevara sa isang Noble School.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa matalim na sagot ng timid nilang kaklasi. Paano siya naging ganito?

Mula sa harap nila Zala ang nakatalikod sa kanila na dalawang babae. Matalim na tiningnan si Sevara saka nagwika.

"Ano bang akala mo na galing 3rd rank faction na sagutin ang mga tulad naming 2nd rank huh? Gan'yan na ba kalakas ang apog mong lumaban sa amin?"

"Ano naman ngayon? Kahit anak ka pa ng royal families ay wala ka pa rin kwenta dahil hindi mo pag-aari ang tagumpay ng ama o ina pati na kapatid mo. Kasi kung wala ang pamilya mo, ang faction o kahit na ang clan ay wala kayong ipagmalaki."

Sa likod naman ay may isang lalaki ang may magarang pananamit. Nakalagay ang kan'yang kamay sa likod.

"Hindi ko alam na tinuruan ng dati niyong kasamahan na maging palaban ang babaeng 'yan" bulong nito sa katabi.

Lumingon naman ang lalaking nakaitim atsyaka napabuntong hininga.

"Minalas nga lang ang anak ng kaibigan namin, bata pa nga at hinahabol na ng malalakas na kalaban. Kung hindi lang kami kinuha ni Ramelic baka kinuha na siya na siya"

Tumango-tango naman ang lalaki at muling nagwika.

"Hindi malas lalo't nakuha ng batang 'yan ang pabor ng langit lalo't namatay ito at muling nabuhay" May galak ang boses ng lalaki.

"Bakit ka naman masaya head clan? Hindi ba maging banta sa'yo ito?" Tanong naman nito.

"Hindi banta kundi biyaya. Ayaw ng langit ang kaguluhan at lalong ayaw nito na paboran ang mga may masama lamang na balak. Hanggat hindi ko siya kalabanin ay walang dapat ipag-alala."

Tumango-tango naman ang lalaki, bilang isa sa mga makapangyarihan ay alam niya rin ito. Kapag darating ka na sa Yellow Realm ay maraming sekreto ang plane na malalaman mo.

"Ngunit anong balak ng kalaban kung bakit siya gustong mamatay?" Sabi pa rin nito habang tinitingnan ang babaeng may maabong buhok na nakatalikod na nakipagsagutan pa rin.

"Ang kan'yang dugo, kapag nakuha nila ay gagamitin nila ang dugo nito para buhayin ang napakabagsik na halimaw". Seryosong sabi nito.