Chereads / Pet Raiser's Shop / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Tumingin ang bawat pusa roon na may kagalakan. Sa wakas nakita na ulit nila ang sinasabing liwanag. Atsyaka sabik na silang lumabas sa kwebang kung saan sila naroon.

Matapos 'yon ay biglang may tumunog sa diwa ni Zala.

Ding!

Congratulation Host! You successfully contracted a pets!

You are rewarded a Talking Cat apps, a pet raiser's shop building order, and a Copper Ticket.

Ding!

A pet's status feature was activated, you can now check your pet's status host!

Keep a good work host!

Sabik man na tingnan ang reward ay mas pinili ni Zala na ipagpaliban ito lalo't gusto niyang tingnan ang paligid. Pinagmasdan niya ang kagalakan sa mga mata ng mga pusa. Parang gusto na nitong tumalon sa butas na nasa itaas.

Inilibot niya ang tingin sa napakaraming banga. Ewan niya ba kung narito na ito noon pa o kung ang mga pusa mismo ang gumawa nito.

Nagkatinginan sa isa't isa ang hari at reyna. Saka humakbang ito at lumapit sa kan'yang anak. Dinilaan ito sa mukha kaya naman napaiwas ito.

"Aba ina! Ang laki ko na para ganyanin mo ako sa harap ng mga pusa" ani nito saka tumingin sa mga nanonood, saka umatras ito palayo baka naman maglambing ulit ito.

Napatawa naman si Zala lalo't sobrang cute tingnan ang mga ito. Iba magpakita ng pag-alaga ang mga ito sa tulad niya—humans.

Tumingin naman sila kay Zala na puno ng pasasalamat sa mga mata. Humarap ang hari at reyna sa kan'ya sa iniyuko ang ulo.

"Hindi niyo po kailangan gawin 'yan, ang kapalaran ang nagdiktang dito ako mapunta. Doon po kayo mas nararapat na magpasalamat." Turo niya sa kalangitan.

Tumango naman ang mga pusa ngunit hindi pa rin mawawala ang gratitude nila. Sa tagal na panahon nila rito mula sa ancestors nila. Sa tagal na panahon silang nagtiis sa purong kadiliman. Although they are nocturnal na sanay sa dilim ay hindi naman ibigsabihin na ayaw nilang makita ang liwanag particular sa labas ng kweba.

Ding!

Host! The heaven's will send you back to your plane.

Please hold your pet.

Kaya naman tumingin siya sa pusa na kinukutya sa mga kaibigan nitong lumapit na sa kan'ya. Nakita naman ang pagkapikon nito. Hindi pa sana niya gustong mapigil ang tila celebration ng pusa at tuluyan ng aalis. Ngunit kailangan na niyang bumalik lalo't tapos na ang kan'yang pakay rito.

"Sidrach, ayaw ko man na pigilan ang katuwaan niyo ngunit kailangan na nating bumalik"

Nang marinig ito ng lahat ay may napaluha na ang mga ito. Hindi sila sanay na hindi makita ang prinsipe na pinagkatuwaan nila. Alam nila na dapat na itong umalis.

Minsan napaisip sila kung may darating din kayang tagapangalaga na kunin din sila. Kyuryos sila sa kung ano ang nasa labas ng mundong ito. Lalo't walang nagtatrancend dito. Isa pa ay hindi dapat lumampas sa 18 na taon ang edad nila, kapag lampas na ay wala ng pag-asa pa.

Ang iba sa kanila nasa 17 na at isang taon nalang ay lalampas na sila. Kaunti nalang ang pag-asang natira sa kanila. Kaya iniisip nilang mas mabuting makontento na lamang sila sa mundo na nababagay sila.

Tumingin nang malungkot ang pusang si Sidrach sa kan'yang ama at ina. Saka sa matanda na nagpahirap sa kan'ya mula nang bata pa siya. Wala siyang hinanakit sa matanda lalo't tinututuruan lamang siya. Tumango ang matanda sa kan'ya at alam niya na bilib ang matanda sa kan'yang desisyon.

"Mag-ingat kayo sa mga paglalakbay niyo, at anak wag kang sakit sa ulo ng tagapangalaga niyo lalo't iisa na ang buhay niyo"

Tumingin si Sidrach dito ngunit hindi siya tumango lalo't parang imposible na hindi siya magbigay ng sakit sa ulo.

Humakbang siya saka tumingala sa nakatayo na si Zala.

"Master, tayo na po"

Kinuha naman siya ni Zala at kinarga. Tumingin siya sa paligid atsyaka ngumiti ng marahan.

"Kailangan na po naming umalis, pangako at babalik din kami balang-araw".

Tumango ang lahat kahit na alam nilang  pagpagaan ng loob ang sinabi sa kanila ng babae. Dahil hindi na makabalik ang umalis na sa mundo nila. Kapag nakalabas ka na ay hindi ka na tinatanggap ng kalangitan dahil ito sa kasunduan ng heaven's will nila at heaven's will ng mundo ng tagapangalaga o pet raisers.

Ipinikit ni Zala ang kan'yang mata. May pwersang umikot sa kan'ya. Nang kan'yang imulat ang kan'yang mata ay sumalubong sa kan'ya ang palakpakan.

Buong pagtatakang tiningnan ng lahat ang hawak nitong pusang itim. Nagbulungan ang mga ito. Lalo't ngayon lamang sila nakakita nito.

"Hindi ba matagal na panahon na ayon sa kasaysayan na nakakuha ng itim na pusa?"

"Oo nga, paano kaya niya nakuha ng babae 'yan?"

"Akala ko ba extinct na 'yan sa Feline Realm, iyon ang sabi ng pet ko. Nasa record nila ang bawat uri ng pusa ngunit ang mga itim ay bigla nalang daw naglaho na parang bula."

Maririnig ang mga bulongan habang lumakad pahakbang si Zala. Nakita naman niya ang dalawang babaeng matalim na nakatingin sa kan'ya. Hindi niya alam kung bakit ngunit hindi tinanggap ang mga ito.

Hindi niya alam kung gaano ka kapal ang mukha nito na nakukutya na nga dahil sa pag-reject ng Feline Race Realm. Kaya tuloy natukso sila na baka sila pa ang ampon.

Nang makalapit siya ay isang singhal ang marinig niya rito.

"Nakapasok nga pero ang pangit naman ng alagang nakuha, de bali nalang na hindi nakapasok keysa 'yan ang makuha ko".

Nagpanting naman ang tainga ni Sidrach sa narinig, at kung hindi pa lang siya mahigpit na hinawakan ng amo niya ay baka kinalmot na niya ito ng kuko. Sa dami ng babaeng pusa na lumalandi sa kan'ya at sasabihin siyang pangit.

"Aba ang mababang nilalang na ito magsabi ng pangit ay wagas, tila wala yata itong salamin?" Tumingin si Sidrach sa kanila mula ulo hanggang paa "Kung hilamusan mo ang mukha lalabas ang mukha nilang bruha"

Tila nandidiri pa ito nang matapos iyong sabihin kaya padabog tuloy na umalis ang mga ito. Ngiting tagumpay naman ang pusa lalo'y ayaw niya tapakan ang kagwapuhan niya. Matitikman ang bangis niya sa mga bulag na nilalang na sasabihan siyang pangit.

"Woah, parang nakahanap ang babae na 'yan ng kapareho?"

"Ako nga natatawa ako sa dalawa, akalain mo 'yon sila pa ang tinanggihan na arrays keysa kay Zala na sinasabi nilang ampon."

"Ngayon ang totoo yata ay ang dalawang ang tunay na ampon?"

"Parang tama ka, ngayon kawawa sila na pusa lang ang tumalo sa kanila"

"Totoo naman kasi na kapal ng ano sa mukha, kahit pa magbukaka 'yan sa harap ko hindi ko 'yan papatulan."

Rinig naman niyang usapan habang patungo siya kay Sediaya na agad naman nitong kinuha ang itim na pusa. Nagreklamo naman ito lalo't para na siyang bola na ipinasa sa iba. Ngunit tinaliman siya ng tingin ni Zala kaya naman tumahimik ito.

"Wow, Sobrang pambihira nito, matagal na panahon na ang lumipas bago ulit mayroong tulad natin ang nagkaroon nito" sabi niya habang hinihimas ang leegan ng pusa na siya naman ikinasarap nito na sensasyon. Napapikit pa ito habang dinarama ang paghagod sa kan'ya.

Isa namang lalaki ang lumapit sa kanila kaya naman tumabi si Sediaya sa gilid ni Zala saka niyuko ang ulo bilang paggalang. Gayundin ang ginawa ni Zala.

Kasama ng lalaki ang mga nakamaskara na lalaki. Ngumiti ang clan head sa kanila atsyaka nagwika.

"Anong pangalan ang alaga mo Zala?" Mahinahong tanong nito.

"Sidrach po Headclan"

Tumango ang lalaking hindi katandaan, pero wala naman talagang matanda sa mundong ito. Sa memorya nga ni Zala ay wala siyang maalalang matanda. Lahat itsura parang hanggang mid-30's lang.

"Magandang pangalan pero maaari ka ba naming makausap o 'yang pusang 'yan? Nais lamang namin malaman kung anong nangyari sa kanila at kung bakit wala ng gan'yang pets na gan'yan maliban lang ngayon?"

Pakiusap nito na hindi pa rin mawawala ang ngiti sa labi.

Ding!

Warning Host! The heaven forbid you to reveal what happened to Shadow Cat races.

Punishment: Strike by a 9 folds lightning

Kinalibutan naman si Zala sa parusa. Hindi niya alam kung bakit bawal pero kailangan niyang sundin ang babala ng system. Hindi niya pa nagawa ang pangako niya kay Lervian pero matusta na siya agad ng kidlat. Hindi niya gagawin ang kabaliwan na iyon

"Hindi ko man gustong tumanggi subalit napagkasunduan namin doon na walang ibubunyag sa mga nangyari. Subalit makaasa kayong ayos lang ang kalagayan nila. Hindi natin alam baka sa susunod ay makakontrata sa kanila"

Tumango naman ang lalaking may kasuotang pormal. Naintindihan niya ito dahil may mga kasunduan na hindi nararapat na labagin. May consequence ito at baka mapahamak lang ang babae.

"Naintindihan ko, ang mahalaga ay hindi sila totoong nawala na."

Atsyaka tumalikod na ang lalaki. Humakbang naman ang tatlong mercenaryo.

"Tayo na, iuwi na namin kayo. Kailangan nating may kasabayan upang mas malayo tayo sa kapahamakan"

Naintindihan naman niya ang plano ng lalaki. Hindi imposible na magpadala ulit ng maraming mercenaryong malalakas ang kalaban lalo na at alam nila kung ilan lang ang escort ng babae at ang lakas nito.

Tumango siya rito at sumunod dito nang sila'y umalis.