Chereads / The Lost Amity / Chapter 1 - Chapter 1

The Lost Amity

🇵🇭KnightxS
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

–Frost's Pov–

"Frost" Napalingon ako sa tumawag nang pangalan ko at gulat kong sinalo ang arnis na hinagis sa'kin ni Kenji.

"Mag laro tayo," sambit nito sabay hampas sa bandang t'yan ko, dahilan upang mapaluhod ako at mapadaing sa sakit.

"Argh! fvck!" Daing ko rito, agad din naman akong tumayo. Sa kabila ng sakit na iniinda ko.

"Walang kwenta." Natatawang saad nito, habang may halong pangaasar sa mukha nito. Sa sobrang bilis niyang kumilos, paano ko siya matatapatan? Kung siya'y ganap na bampira, paano naman akong...

"Hoy!" Nabalik ako sa wisyo ng may isang arnis na sanang tatama sa'kin. Sa sobrang bilis nang pangyayari, nakita ko nalang ang mabilis na pagsalo ni Elle sa paparating na arnis ni Kenji.

"What is the meaning of this? Alam mo namang wala pa s'yang kakayahang lumaban sa'yo." Elle's cold voice filled the training area. Naging sanhi ito ng pagpapawis ni Kenji at agad na umiwas ng tingin kay Elle at diretsong napatingin sa'kin nang masama.

Tila ba may ginawa akong pagkakamali.

"You're not like us. And you will never be." Huling sambit nito bago siya tuluyang lumisan.

Ang mga linyahang yun, hindi na bago sa'kin. Yun lang naman ang madalas kong marinig sa kanila tuwing nagsasanay kami...

"Frost, pssst Frost!"

Inis naman akong napalingon kay Kiel na kanina pa ako pabulong na tinatawag.

"Ano na naman ba yun?" Kunot noo kong tanong na may halong pagkairita. Magsasalita pa sana ako ulit kaso laking gulat ko nalang nang higitin niya ako papasok sa kwarto ko.

"What?" Tanong ko rito habang may halong taka at iritasyon. Magsasalita na naman sana ako ulit kaso agad niya akong pinatahimik at dahan-dahang nilapit ang bibig niya sa bandang tenga ko.

"Lalabas tayo ng campo mamayang gabi." Pabulong na saad nito na mas lalo kong ikinagulat. Ang paglabas nang campo ng walang permiso ng pinuno ay mahigpit na pinagbabawal.

"Nababaliw ka na ba talaga Kiel? Alam mong hindi pwede 'di ba." Sabi ko nalang rito, akmang lalabas na sana ako ng muli niya akong hatakin.

Aba? Nakakarami na ng hatak sa'kin 'to mula kanina ah.

"In the past twenty years we doesn't know what the outside world looks like." I sighed. I know what he feels, simula pagkabata at hanggang ngayon. Never pa kaming lumabas nang campo, and the fact that their doing this not only to forbid us, but to keep everyone safe.

Sino ba naman kasing maniniwala na ang bampira ay totoong nage-exist hindi ba? At ano rin bang alam namin sa mga tao, lalo na ako. Lumaki ako sa kampon nang mga bampira, lahat nang nalalaman ko, namin ay mga kaalaman nang mga sinaunang bampira.

"We can't, Kiel. Halika na at bumalik na ta—"

"We can. Hindi ka ba nahihiwagaan kung anong buhay ang meron sa labas?" I was stunned at the moment, syempre ilang beses din akong nagtanong kung ano nga bang meron sa labas. Pero...

"I want too but, hindi natin pwede suwayin si ina. Tiyak na hindi na tayo aabot pa ng umaga pag nahuli tayo." May pangambang sagot ko rito. Napabuntong hininga na lamang siya at diretsong tumingin sa'kin.

"Bahala ka, kung ayaw mo akong samahan, edi h'wag. Basta my decision is final." Huling sambit nito bago ako iwinan, akmang tatawagin ko pa sana siya ng isang iglap na mawala siya sa paningin ko.

Napabuntong hininga na lang din ako, kilala ko si Kiel. If ever he really want something, gagawa siya ng paraan para makuha or magawa yung gusto niya. The deal is, mahirap siyang pigilan...

"May balak pala kayong lumabas ng Campo."

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"What the he—!" ihahampas ko na sana ang baston na kanina lang ay hawak ko. Luckily, mabilis niya rin itong napigilan gamit ang mga kamay niya.

"Ano ba Frost!" Iritang sigaw sa'kin ni Elle habang nanlilisik ang mga mata. Aba, siya na nga itong bigla-biglang sumusulpot. Siya pa 'tong galit? Babae nga naman.

"Anong sabi mo?" Sa bilis nang pangyayari agad nitong naagaw ang baston sa'kin at kasalukuyan nang nakatutok sa leeg ko.

"W-Woy, kalma lang Elle! W-Wala naman akong s-sinasabi..." may pagkautal na pagpapaliwanag ko, kahit na alam ko namang obvious na may sinabi talaga ako.

'But how come she can read my mind?'

Narinig ko na lang ang mabigat na buntong hininga nito atsaka itinapon palayo ang baston na ikinaluwag naman nang paghinga ko. Wala atang araw na hindi manganganib ang buhay ko rito sa campo...

"Why did you appear all of a sudden? Buti nalang wala akong sakit sa puso, kung meron baka yun pa ang ikamatay ko at tsaka hindi ka ba marunong kumatok?" Ang kaninang irita sa mukha nito ay napalitan nang simpleng ngiti.

Elle isn't the type of person who will laugh because of funny things or will smile because of happiness. Sabihin na nating ginto ang ngiti at tawa niya, kaya naman ang makita siyang ngumiti, para ka ng nakakita ng kayamanan.

"The door is open, that's why I entered." Wika nito habang pinagmamasdan ang paligid.

"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko rito, sumandal naman ito sa pader at seryosong nagbalik nang tingin sa'kin.

"Narinig ko yung sinabi ni Ezkiel, sasama ka?" I shook my head, dahil maski ako hindi alam kung anong isasagot ko.

Pagkatapos nang lunch ay agad na rin kaming bumalik sa pagsasanay. Ganito naman lagi ang gawain namin sa araw-araw hindi na nakakapanibago, sanay dito, sanay doon.

"Kapagod!" Hingal na saad ni Kiel sabay higa sa sahig.

"What's up." Biglang sulpot ni Maureen "Uy ikaw pala Mau, Kamusta ensayo?" tanong ni Kiel kay Maureen "Pagod. Teka tuloy ba tayo?" saad ni Mau, Tumango lamang si Kiel "Teka Mau wag mo sabihin na sasama ka?" tanong ko "Me either" pasulpot-sulpot nanaman sila "Elle, are you sure?" tanong naman ni Kiel, si Elle kasi ang pinaka-pinag kakatiwalaan ni Ina hindi siya sumusuway sa mga utos, kaya naman nakakapag-taka "Gusto kong hanapin ang pumatay sa magulang ko" mahinang bulong niya "Ano?" tanong nila, narinig ko 'yon pero hindi ko nalang pinansin.