Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

ELYSIAN: The Last Witch

🇵🇭EC_Lune
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.7k
Views
Synopsis
[Book 1][On-Going] Written in TAGLISH Most of us really wanted to have a perfect life. Money, Big House, and Perfect family but no one is perfect, we should be content with what life we're having now.  Five is an Orphan girl with a perfect face and perfect body but her daily life is a mess. One day she is chasing a rabbit leading her into the bridge but an incident happens and she falls into the river, a portal to the other world. She had many plans in her life and no one knows them except for her? Does she want to have a good life or just live a messy life? We can't predict that because she's unpredictable. - The book background of the story wasn't mine. CTTO
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"Five! kailangan mong bumangon diyan, si Seven nagkasala na naman kay Gem" Ito ang pinakaayaw ko sa lahat ang gisingin ako ng 'di maayos at maaga pa.

"Pake ko? Di naman ako superhero ni Seven" That weak little Kid, gusto niya palagi ako sumasagip sa kaniya kay Gem kapag nag away sila.

Hindi ako siga lalo na hero para tulungan siya, ano ba pake ko sa kanila isa rin naman sila sa mga batang ampon na tinapon at ibinandon ng kanilang mga magulang.

"Pero Five! Walang laban si Seven kay Gem" Napaupo ako at napatingin sa babaeng umagang-umaga binubuwesit ako.

"Eh, alam niyo naman pala lalo na si Seven na wala siyang laban kay Gem pero bakit naghahanap pa rin siya ng gulo?" Nakita ko kung paano yumuko si Nine dahil sa kakahiyan at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

Kahit masama pero naiinis ako sa mga madre na nag-aalaga sa amin dito dahil kahit nagkakagulo na kami ay wala silang pakialam. Huh! pero totoo naman sino ba naman kami para alagaan na parang kanilang anak? Ang gusto lang nila ay pera mula sa kataas-taasan. Bakit pa sila naging madre kung ganyan ang kanilang mga ugali?

I laughed na ikina angat ng ulo ni Nine.

"Let me guess, Niva isn't here right?" I saw her nod her head.

"Si Sister Niva ay inutusan para bumili ng mga prutas" Tumango ako bago bumalik sa higaan. Rinig na rinig ko pa rin ang pagmamakaawa ni Nine sa akin na tulungan si Seven.

Sister Niva lamang ang nagpapakita sa amin ng kabutihan kaya kahit isa siyang madre ay may mga di gusto sa kanya ng kauri niyang mga madre.

I am Five, when I was young the sisters in this orphanage didn't even bother to give me a name so I was called Five, the Fifth child who was named by a number means nothing to them.

I was living like this because my parents were gone too early, they left me nothing but just a piece of white cloth covered with blood covering my shivering body when I was five. Someone found me and left me here in front of the orphanage door. I'm tired of living like this.

Nang maramdaman kong wala na si Nine ay bumangon ako sa higaan at nagayos. That little Bitch Gem, kung umasta siya para siyang prinsesa dito, kung sabagay siya lang ang minahal ng mga madre dito excluded Sister Niva.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng silid at bumungad sa akin ang tahimik na daan. Nasaan ba sila one at three? Kung sino pa ang mas nakakatanda sila pa ang di umaawat sa mga away ng bata.

Pagdating ng pagdating ko sa hardin ay rinig na rinig ko ang mga sigaw ng mga bata na parang nagpupustahan kung sino mananalo sa manok na nag aaway sa gitna.

Hindi ko inaasahan na malaking away na pala ang ginawa nila. Four, Seven, Nine and Ten fights over Gem with her friends. Napatingin ako sa may punuan sa 'di kalayuan at nakita si One, Two at Three na parang nasisiyahan sa away ng mga bata.

Lumapit ako sa kanila at parang nakakita ng multo ng makita ako. I sighed at napasandal sa puno habang tiningnan ang mga batang nag aaway sa gitna.

"A-Anong Ginagawa mo dito? Akala ko tulog ka pa?" Nauutal na sabi ni Two. Napatingin ako sa kaniya pero nakita kong umiwas siya ng tingin lalo na si Three. Si one naman para lang nanood ng kanyang paboritong pelikula at walang pakialam sa presensya ko.

"I'm tired of this little kids, Can you all Three managed them this time?" Nakapamulsa kong tanong sa kanila.

"No way!" They Shouted in unison. I rolled my eyes at them before just shrugging my shoulders before walking inside the battlefield of the kids.

Hinila ko ang buhok ni Gem na ikinahinto ng pagaaway nila at nanahimik. Rinig ang malakas na sigaw ni Gem dahil sa paghila ko sa maikli at kulot niyang buhok.

I looked at Four, Seven, Nine and Ten. Saw how mess they are so I glared at them causing them to look down "The Four of you go to my room" Sinunod naman nila ang  sinabi ko at nakayukong umalis.

"Oh come one Five. Ang harsh mo naman sa bata. HAHA!" Tumatawang sabi ni One sa akin. I don't care if this little Gem of theirs is a little kid, umasta naman na parang hindi bata. Hindi niya nirerespeto ang mas nakakatanda sa kaniya.

"Bitawan mo ako bruha ka!" See? She's acting like a bitch dahil alam niyang may mga madre na nagtatanggol sa kaniya.

"Paano kung 'di ko gusto na bitawan kita?" I mockingly ask her with a smirk on my lips

"I-Isusu--"

"Isusumbong mo ako sa mga madre na walang silbi? Go on, 'yan naman talaga ginagawa mo isang sumbungera at spoiled brat" Itinulak ko siya kaya napahiga siya sa damuhan at umiiyak.

"Umalis na kayo. Tapos na ang palabas" Sabi ko sa ibang mga batang nakichismis bago naglakad paalis.

"Five, Yohoo! Hintayin mo kami!" Napapikit na lang ako dahil sa kaingayan ni two. She's always like that noisy and very bubbly. 'Di ko sila pinansin at dumiretso sa silid ko para puntahan ang apat.

Pagkarating namin sa silid ay naabutan ko silang nakaupo sa sahig at tahimik.

"Four, Seven, Nine and Ten" Tawag ko sa kanila pero 'di sila nagangat ng tingin bagkus ay nakayuko lang.

Pumasok ako at isinara ang pintuan. Sumandal ako at tinignan ang mga mukha nilang sugatan.

"Seven, what did I tell you? Ano ang sinabi kong salita na paulit-ulit kong sinabi sa'yo?" Tanong ko sa kanya pero hindi pa rin siya sumasagot.

"Four, ikaw ang mas nakakatanda sa kanilang tatlo pero nakikisabay ka pa rin sa away ng mga bata na imbis ay awatin at pagsabihan sila sa kanilang mali" Hindi rin sumagot si Four kaya mas lalo akong nainis.

Parang mas mauna akong tatanda nito dahil sa stress. Kahit talaga ang titigas ng mga ulo neto.

Kung di ko sila pagsabihan gagawin at gagawin pa rin nila ang kanilang mga mali. At ano? Ako na naman ang paparusahan ng mga madreng 'yon?

"Ano? Sagot! Ginising  niyo ako ng maaga para lang sa tanginang away niyo? tapos kapag iniwat ko kayo at pinagsasabihan ay ayaw niyo sumagot?" Naiinis na talaga ako talaga sa mga batang 'to, lalong-lalo na si seven na puro away ang hinahanap.

"Anong mali doon?" Napatingin ako kay Four ng may bigla itong sinabi. Aba't siya pang galit? kung suntukin ko kaya 'to?

"Ano sabi mo? Pakiulit nga?" Napataas ang kaliwa kong kilay dahil sa ipinakita niyang ugali.

"Anong mali doon sa ginawa namin?! Pinagtanggol lang namin ang mga sarili namin sa babaeng yon?! Anong mali don?! Oo ako nga ang mas nakakatanda kaysa sa kanila pero 'di ko na mapigilan. Sa ilang taon ay nagtitimpi ako sa babaeng 'yon.

Siya lang ang binibigyan ng masarap na pagkain, siya lang binibigyan ng magandang damit, siya ang inaalagaan ng maayos at pinaliliguan tapos siya din ang pagsasabihan ng masama tapos titignan tayo ng mas nakababa pa sa kaniya. Sabihin mo Ate Five? Anong mali sa ginawa namin?" Four may look like a child but the way he thinks and moves is like a matured boy.

Napamura na lang ako at walang nasabi. Naglakad ako papunta sa kabinet at kinuha ang secret med kit ko na ninakaw ko pa sa infirmary. Hinagis ko kay One na nasa sulok ng silid na kanina pa tuwang-tuwa.

"Gamutin mo mga 'yan" Habilin ko sa kanya.

"Saan ka naman pupunta, Five?" Tanong sa akin ni Three kaya nilingon ko ito.

"Saan pa ba? Kundi tanggapin ang parusa na dapat naman sa kanila" Mas magandang akuin ang parusa kaysa parusahan sila na 'di naman kaya ang sakit ng latigo ng hinampas sa katawan.

Natahimik sila kaya lumabas na ako at walang emosyon na ipinakita habang naglalakad papunta sa silid kung saan gaganapin ang parusa.

Malalim na ang gabi ng matapos ang ginagawang parusa sa akin. Narinig ko rin ang malakas na ulan sa labas.

"Five!" Napalingon ako sa likod ng marinig ko ang boses ni Niva. Nakauwi na pala siya.

Napadaing ako ng bigla niyang hawakan ang balikat kong may sugat. Nakita ko ang pag-alala sa mukha niya ng makita niya ang sitwasyon ko.

"Narinig ko ang lahat kina One ang nangyari. Five, bakit mo na naman tinanggap at inako ang parusa?" Nag-alalang tanong niya sa akin.

"Bakit, Sister Niva? Kakayanin mo bang tingnan nila Seven na umiiyak at nagtitiis sa mga sugat nila kapag tinanggap nila ang parusa?" Alam ko namang ang pagmamahal at pag-alala niya pero wala akong pakialam. Pasalamat na lang siya at hindi sila Seven ang naparusahan. Inako ko ang kasalan nagawa nila at tinanggap ang parusa dahil sanay na akong masaktan.

"Hindi naman sa gan--" Pinutol ko ang sasabihin niya at hinawi ang kaniyang mga kamay sa braso ko bago tunalikod.

"I'm fine, don't worry about me. Worry about the others and yourself, Sister Niva" Sabi ko sa kanya bago tuluyang umalis at pumunta sa silid ko para magpahinga.

Pero nagulat ako nang makita sila one na hindi pa pala umalis sa silid ko kasama rin sila seven.

"Anong ginagawa niyo dito? Magsibalik na kayo d'on sa silid niyo dahil magpapahinga na ako" Napahinto ako ng marinig ko ang hikbi ni Nine at Seven kaya napalingon ako dito.

"What? Why are you two crying?" I ask the two of them pero umiiyak lang sila sa harapan ko.

"Are you that numb, Five? Are you not in pain?" Medyo galit na tanong ni One, now what kanina ang saya niya pero ngayon galit siya?

I am in pain, but I can't let all of you see that. I am secretly hiding my emotions everyday. I am seen by everyone emotionless like I don't care about the things around me, because I am always like that. But Inside I was that totally different, I was crying inside and in pain.

"No, that's why I'm the one who accepted the punishment because I am numb in pain. That's why all of you get out of the room so that I can rest"

"Look at yourself, Five! Your clothes are stained in blood, again! And what did you say? That you didn't feel anything? How monstrous, I know you're in pain. You just--"

"Shut the fck up! All I want is to be alone! I don't want to argue because I'm so fcking tired!" I shouted back at them. I want them to leave the room so I can let out my emotions, ALONE.

"Okay fine, if that's what you want" One coldly said and left the room with the others.

Nilock ko ang pintuan bago humiga sa higaan ko at tahimik na umiyak. This is my weakness that's why I can't show this to them because I look miserable.

Nagising ako ng mararamdaman kong malamig ang paligid ko kaya bumangon ako. Naririnig ko pa rin ang malalakas na ulan sa labas kasabay ng malalakas na kidlat. I guess there's a storm today.

Hinubad ko ang puting nightgown ko at napahinto sa dugong nakita na damit ko. Napailing na lang ako bago naligo at ginamot ang sarili ko. Nang matapos na akong mag ayos ay lumabas na ako para pumunta sa cafeteria.

Pagdating ko ay narinig ko ang mga reklamong sinasabi ng mga bata habang nakatingin kay Gem at mga kaibigan niya na sumingit sa pila. Gem had the hot and delicious meal while the others only had the cold soup and hard breads in a stormy night. Dito talaga makikita ang favoritism na ipinakita ng mga madre.

Kinuha ko ang pagkain ko pero nagiigting ang panga ko ng isang matigas lang na tinapay ang ibinigay nila kaya napatingin ako sa madreng nasa harapan. Pero mas lalo akong nainis ng tinaasan niya ako ng kanyang manipis na kilay at mahinang tumatawa na parang baliw.

Wala akong magawa kundi umalis na lang sa harapan niya baka masapak ko pa 'yon kung hindi ako umalis. Umupo ako sa bakanteng upuan at tiniis ang matigas na tinapay. Kahit papaano ay nabusog rin ako ng kaunti.

I was wondering kung bakit walang tumabi sa akin kaya hinanap ng mga mata ko sila One at nakita sila sa dulo na tahimik na kumakain. I guess, they're still mad.

Nang matapos kong kumain ay agad akong lumabas. And oh, I almost forgot na kaarawan ko pala ngayon. We don't celebrate our birthdays here and again, only Gem can do that.

This life sucks, I wanted to have a better life but maybe this is really my destiny. Now, I am turning 17 and my worst birthday, again.

Napaupo ako sa higaan ko ng biglang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ang nakangiting mga mukha nila One including Sister Niva carrying a cupcake with a little candle on top.

They sing but a whisper birthday song to me. Babawiin ko na sinasabi ko, ito ang pinakamasayang kaarawan na naganap.

"Happy Birthday, Five! Blow the candle and make a wish" I closed my eyes and wished for a better life including everyone before blowing the candle.

"Oh my gosh!" Napatingin kami kay Two ng bigla itong napasigaw at tinuro ako habang may gulat sa mukha niya.

"Did you all saw that?" Tanong niya sa iba habang nakatingin pa rin sa akin.

"Ang alin?" Nagtatakang tanong ni Three sa kanya.

"Are you all serious? Hindi niyo nakita ang pag ngiti ni Five?" What is she talking about?

Napatingin naman sila sa akin pero agad rin napatingin kay two na nagtataka.

"That's a very nonsense, Two. Kailan pa ngumingiti si Five?" Nakapamewang na tanong ni One sa kanya.

"Well... Maybe It's just a delusional" Napakamot na lang si Two sa kanyang ulo at napabuntong-hininga.

"I'm greeting you a happy birthday today, Five. Sana kahit papaano ay makita ka naming masaya. Wish ko sa'yo ay sana maging malusog ka kahit ganito buhay mo--niyo" I admit it I was touched by Sister Niva's message for me.

"Ako rin! may message ako kay Ate Five!"

"Me too!"

"Me Three!"

"Stop it, I don't need your message anymore because I'm always grateful na nakilala ko kayo and I'm also thankful dahil na alala niyo pa birthday ko" I smiled to them na ikinagulat nila.

"Once in a while lang 'to kaya titigan niyo na ngiti ko" Tumatawang sabi ko sa mas ikinagulat nila.

Today was one of my one happy memories and I promised to treasure it until I get old.

Napamulat ako ng makarinig ako ng kaluskos sa tabi ko at muntik ng napasigaw ng makita ang isang maliit  at puting kuneho.

It's cute but at the same time creepy. Nakatitig lang ito sa akin at di gumagalaw. Hahawakan ko sana pero bigla ito tumalon pababa ng higaan ko.

Sinundan ko ito at hindi alintana ang ulan. Di ko alam kung napaka desperada kong sundin ang kuneho at makuha ito. 

Nang mapansin kong sinusundan ko ang kuneho ng matagal ay napahinto ako at napatingin sa lugar. Kinakabahan ako ng 'di ko alam kung saang lugar ako. Nasa maliit at lumang tulay na parang hindi na dinadaanan ng mga sasakyan. Pero ang mas kinakabahan ako ng makita ang kuneho na nakatungtong  sa itaas ng Railing ng tulay na nakatingin pa sa akin. 

"Please, don't jump" I beg habang dahan-dahan na naglakad papunta sa direksyon niya. Nanlaki ang aking mga mata ng tumalon ito kaya tumakbo ako papunta sa kaniya pero huli na ako. 

Nagulat ako ng parang may tumulak sa akin sa likod na ikinahulog ko sa umaagos na ilog.

Napasigaw na lang ako at napapikit na lang ng maramdaman kong tumama ang likod ko sa malamig na tubig. Kalunan ay nilamon ako ng malamig na tubig at parang hinihila pababa kaya napagdesisyonan kong matulog na lang dahil wala na akong magawa at tanggapin na lang na hanggang dito na lang ako. 

...