Chereads / ELYSIAN: The Last Witch / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

"Ama, ba't 'di pa siya nagigising? Tatlong araw na siyang tulog. Kung dalhin na lang kaya natin siya sa manggagamot?" Rinig kong sabi ng isang lalaki. May narinig naman akong isang tunog ng sampal na sinundan ng sigaw ng isang lalaking nasa tabi ko na naramdaman kong nakatitig sa akin.

"Tanga ka ba? Wala nga tayong pera pambili ng pagkain natin pangaraw-araw tapos dadalhin natin siya pagamutan? 'Di ka ba nagiisip? o sadyang bobo ka lang?" Dahil sa sinabi ng lalake ay parang napaaway ito sa isang lalake kaya nagmulat ako at ang una kong nakita ay isang kahoy na kisame na hindi pamilyar sa akin. 

Umupo ako at kinuskos ang mapungay kong mata at humikab bago tumingin sa dalawang lalaking magkayakap sa isa't-isa at gulat na gulat na nakatingin sa akin.

Nagkasalubong ang mga kilay ko nang makita ang kulay ng kanilang mga buhok at mata. Kulay Puti ang kanilang mga buhok at kanilang mga mahahabang pilik mata. Ang kanilang mga mata ay 'di magkatulad. Ang mata ng isang lalake sa kanan ay puti at kaliwa naman ay asul. Ang isa naman ay sa kanan ay asul at kaliwa ay puti. Sa pagobserba ko ay magkambal ang dalawa.

'Di ko na sila pinansin at tumayo na lang. Tumakbo ako sa labas na ikinagulat nilang dalawa at rinig na tinatawag ako. Napapikit pa ako dahil sa sinag na tumama sa aking mga mata. Bigla akong kinabahan ng makita 'di pamilyar sa akin ang lugar. 

The place I saw was different. The houses are made of stone walls, some are made in woods but the roof was all made like a 'Nipa' that I read about bahay kubo. 

The people around were busy buying around some stalls displayed. Some are chatting on the side and some are just wandering around. But I noticed that they wear different outfits than mine. Well I'm an orphan but I still wear decent clothes like jeans and a long shirt.

Everyone's looking at me like I am a girl na naligaw lang sa lugar nila but it is true anyways. Pero nasaan ba ako? Paano na sila Seven o kaya sina one? 

Napakuyom ang kamao ko ng  maalala nang may tumulak sa akin mula sa tulay at 'di ko na maalala ang sumusunod na nangyari sa akin.

"Binibini, bakit ka naririto sa labas? Halika sa loob dahil may dala akong pagkain baka ikaw ay nagugutom na" Napatingin ako sa isang babae na tyansa kong nasa 30 ang edad pero parang dalaga pa rin ito tignan. 

Hinawakan niya ang kamay ko para hilain sa loob pero 'di ako gumagalaw sa kinakatayuan ko at nakatingin lang ulit sa paligid. 

"Saang parte ng mundo ako?" Biglang tanong ko. 

"Nasa mundo ka ng Utopia, Ija. Sa kinakatayuan mo ngayon ay nasa nayon ng kahariang Favian na makikita sa timog ng mundo" Nakangiting sabi niya at napatango-tango na lang. Wala akong matandaan kung saan parte ito ng mundo nasa Pilipinas ba ito or nasa ibang bansa

Napatingin ako sa kabilang direksyon ng mapansin kong may umiilaw sa kamay ng isang tao na tuwang-tuwa na pinaglalaruan ito. Nanlaki ang kamay ko ng may kung anong ilaw na pumalibot sa kaniyang katawan. 

Napaisip na lang ako na magician lang siya na nageensayo lang.

"Iyan naman ang tinatawag na Nixeu. Lahat ng mga tao sa mundong ito ay biniyayaan ng Nixeu o kapangyarihan. Ikaw binibini anong iyong Nixeu?" Napaawang na lang ang aking bibig dahil sa sinabi niya. This isn't real right? I'm just day dreaming.

Nagulat siya sa ginawa kong bigla pagsampal sa sarili ko gayundin ang mga tao sa paligid na napatingin sa akin. Napag-alaman ko lang ko lang na hindi ako nananaginip. Where the hell am I?

Ngayon ay nasa hapag kainan ako at malalim pa rin ang iniisip ko, ang pagkain ko naman ay 'di pa nagagalaw pero hinayaan na lamang ako ng pamilyang kasama ko ngayon.  

Sabi nila ay nakita nila ako sa likod ng kanilang bahay na walang malay at basang-basa kaya ipinasok nila ako sa kanilang bahay. Napakabait nila at nagawa nilang ipasok ako sa tahanan nila kahit 'di naman nila ako kilala. 

"Ate wala ka ba talagang naaalala?" Tanong ni Quillan na hinampas bigla ni Quest na kakambal niya ng bigla itong magtanong. 

Mahirap man sa umpisa pero alam ko na kung saan magkaiba ang dalawa. Si Quillan ay may nunal sa ibaba ng kaniyang kanang mata at meron din siyang dimples na nagpapadagdag sa kagwapuhan at kakyutan niya. Si Quest naman ay may deperensiya sa kaniyang mata kaya palagi itong nagsusuot ng salamin. Kagaya ni Quillan ay may dimples ito pero sa kaliwa lamang at ang nunal niya ay nasa kaniyang kanang kilay sa itaas. 

Iba rin naman ang kanilang ugali. Si Quillan medyo madaldal at mahilig makipagusap kahit bagong kakilala niya pa lang ang tao. Si Quest naman ay tahimik at nagbabasa lang ng libro kapag mag-isa lang ito pero nakakausap rin naman at hindi mahiyain. Sila ay labing-tatlong taong gulang lamang pero napakatangkad at mga matatalino pa, but I am still taller though.

Ang kanilang pamilya ay magaganda at gaguwapo. Napanganga na lang ako kanina ng makita ko ang itsura ng kanilang Ama. Ang buhok ni Quillan at Quest ay nagmana sa kaniya. Ang kagandahan naman ay parehong nagmana sa kanilang ama at ina na sina Kuya Theo at si Ate Syanna.

Napag-alaman ko 'din na n'on ay mayayaman sila pero naging ganito lamang kanilang pamumuhay ng tinaboy sila ng kanilang mga sariling magulang dahil sa ipinagbabawal na kanilang pagmamahalan dahil si Kuya Theo ay isang Deviant. Ang Deviant ay makikita sa kanlurang bahagi ng Utopia. Sila ay may lahing mga halimaw o demonyo kaya ang mga tao ay kinatatakutan sila at galit sa kanila dahil sa naganap noong digmaan ng mga demonyo laban sa mga mamayan ng Utopia pero kahit ganon man ay kilala sila sa isa sa pinakamayamang bayan.

Si Ate Syanna naman ay isang Arcadian ang dugo niya ay nahahaluan ng dugo ng isang diwata. Kagaya ni Kuya Theo ay mayaman din si Ate Syanna pero lahat iyon nawala dahil sa pagmamahalan nilang dalawa dahil ang dugo ng Deviant at Arcadian ay 'di magandang pagsasamahin. Kung ang babaeng arcadian o deviant ay mabubutis, mamamatay ito o ang bata sa sinupupunan nito ang mamamatay but lucky for them Ate Syanna survived and already had a twins.  Mas pinili ni Kuya Theo at Ate Syanna ang kanilang pagmanahalan kaysa sa pamilya at yaman nito.

"Ang huli ko lamang natatandaan ay pagkahulog ko sa ilog--Kalimutan na natin 'yon at kumain na" Nakangiti kong sabi at sinimulan na kumain kahit iba man sa akin ang pagkain nila ay mas masarap pa rin ang pagkain nila kaysa sa bahay ampunan. Speaking of Orphanage kamusta na kaya sila Sister Niva, sana lang ay 'di sila pinapahirapan ng mga bruha 'don. Hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik 'don o makakabalik pa ba ako.

Nagvolunteer akong maghugas ng mga pinggan ng matapos naming kumain dahil sa ngayon ay makikitira muna ako dito sa kanila kasi wala akong mapupuntahan. 'Di naman ako isang mayamang tao na maghihintay lang sa katulong para maglinis. Dahil sanay rin naman ako sa mga gawaing ito ay ginawa ko na lang din para mabawasan din ang mga trabaho ni Ate Syanna.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay pumasok ako sa loob ng kanilang banyo para magbihis ng damit na katulad ng mga suot ng mga babaeng nakita ko kanina sa labas. Ito ay kulay asul na mala Victorian Vintage dress ang istilo ng damit. Kasiya naman ito dahil damit ito ni Ate Syanna nung dalaga pa daw siya. 

Pumunta ako sa tabi ni Quest na seryosong nagbabasa ng libro habang ang kaniyang paa ay nakapatong sa isang malapad na coffee table na gawa sa kahoy pero magara pa din tignan habang ang kaniyang isa paa ay nakapatong sa isa niyang paa. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para kausapin siya para humingi ng permisyo para hiramin ang libro niya. 

"Just borrow it if you want" Turo niya sa katabi kong bookshelf pero nagtaka akong ng bigla itong huminto na parang edtatwa na nakaturo parin ang daliri sa itinuro niyang bookshelf habang nakatingin sa kawalan na parang ang lalim ng iniisip niya. 

"Lagot" Napatingin naman ako kay Quillan na nahulog ang kaniyang laruan mula sa kaniyang kamay habang nakangangang nakatingin sa kakambal niya katabi rin niya ang kaniyang Ama na masamang nakatingin kay Quest pati ako kinakabahan sa nangyayari at 'di alam kung anong nangyayari. 

"B-Bakit?" Utal kong tanong sa kanila habang palipat-lipat ang tingin kay Kuya Theo, Quillan at Quest na parang hindi narinig ang tanong ko. 

Napatingin ako sa harapan ng marinig ang magaang yapak ni Ate Syanna. "Anong nangyari dito?" nakapameywang na tanong ni Ate Syana habang nakataas ang kaniyang isang kilay. 

"Hindi ko sinasadya Ina, Patawad" Nakayukong sabi ni Quest at parang takot na takot ito sa 'di ko alam kung anong nagawa niya. Kaya parang akong baliw dito kakaisip.

"Tatandaan niyo lahat na ayaw kong may marinig akong nagsasalita ng Ingles dahil mapapahamak tayo kung marinig man iyon ng kawal o mga taong may matatas na ranggo" Napatango-tango naman ako sa sinabi si Ate Syanna. Kaya pala ganon na lang naging reaksyon nila kay Quest. 

Alam ko na ang sinasabi ni Ate Syanna, na bawal magsalita ng Ingles ang mga commoners or villagers o may mababang estado kung hindi ay mapaparusahan sila kung sino mang makakarinig na may mataas na estado sa buhay.

I raised my hand kaya napatingin silang lahat sa akin including Quest na may namumuo pang luha sa kaniyang mga mata.

"Alam ko ang Lenggwaheng Ingles?" Mahina kong sabi na maririnig pa rin nila. Tinignan ko ang reaksyon nila na gulat na gulat na nakatingin sa akin. "Pero puwede namang magaral tungkol sa mundong ito diba? Pasikreto lamang" Dugtong ko. 

Ngumiti naman si Ate Syanna sa akin at tumango-tango bago bumalik sa kaniyang trabaho sa likod ng kanilang bahay at sumunod naman si Kuya Theo sa kaniya kaya kami nalang tatlo nina Quest at Quillan ang naiwan dito sa sala.

"Ate ano nga ba pangalan mo? Mukhang nakalimut nina Ina itanong 'yon" Kumuha muna ako ng libro sa bookshelf na patungkol sa mundong ito bago umupo ulit at ngitian si Quillan na siyabg nagtanong. 

"Wala akong pangalan ngunit natandaan kong 'Five' o lima ang itinawag sa akin" Natatawa kong sabi sa kanila habang nakatuon ang mga mata sa binabasa kong libro pero napatingin ako sa kanila ng tahimik lang ang mga ito. 

Nakita kong ipinikit-pikit nila ang kanilang mga mata para ma balik sa realidad bago nagkibit-balikat ito at bumalik sa kanilang mga gawain. Napangiti naman ako at napailing bago ibinalik ang tingin sa librong binabasa ko.

Napabalikwas ako kadahilanang nahulog ang libro na nakatakip sa mukha ko kanina. Muntikan na akong mapamura ng makita ko sa labas ng binta na gabi na. Napatingin ako sa katawan ko na may kumot at napangiti. 

Napatingin naman ako ng orasan ng makitang alas 4 na ng madaling araw kaya nagbihis ako ng damit at pagkatapos ay dahan-dahan lumabas ng bahay. Napagisipan kong maghanap ng matatrabahuan para makakuha ng barya kahit konti para naman may maisukli ako sa kanila. 

Kahit maaga pa sa umaga ay marami narin naghahanda ng kanilang mga tindahan mapalaki man o maliit, this people are early birds. Lumipas ang mga oras ay umaga na at marami nang taga nayon ang naglalakad dito sa labas. And guess what? I earn two bags of silver coins, I think it cost 100 pesos in philippines per silver I earn. It may not be enough for me but maybe it is already enough for Ate Syanna.

I sighed at napaisip na mahirap palang makakuha ng gold coins that cost thousand per gold coins. My goal is to earn gold coins but it is impossible. I asked one of the owners of a shop if I can earn gold coins if I work hard but he only said that it is impossible. If you work in a small store, expect it that the allowance they gave are copper and silver coins only. 

"Oi!" Sigaw ko ng biglang may humablot sa isang supot ng mansanas sa kamay ko at mabilis na tumakbo paalis. Pero 'di ko hinayaan 'yon ay sinundan ko siya at tumakbo din na ikinagulat niya ng lumigon ito patalikod. Kay aga-aga may magnanakaw na agad? 

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko at desperadang makuha ulit ang supot na naglalaman ng mansanas. Wala akong pake kung mawala ako dahil sa paikot-ikot namin sa malaking lugar na ito basta lang makuha ko iyon dahil ang pera na ipinambayad ko sa mansanas ay pinaghirapan ko, it cost 3 silver coins for effin' sake. Hayop lang dahil ninakaw ito ng tarantadong magnanakaw, umagang-umaga pinapainit ang ulo ko.

Nagulat ako at napahinto sa pagtatakbo ng bigla itong napahinto sa pagtatakbo dahil may nakapulupot na mga baging sa kaniyang katawan. Napahinga ako ng maluwag ng 'di natapon ang mga mansanas sa daan dahil may sumalo dito. 

Isang maputi, maganda at sexy na babae na may mahaba at itim na buhok hanggang sa kaniyang bewang meron rin siyang bangs. Nang humarap ito sa akin ay napaawang naman ang bibig ko ng makita kabuuan niyang mukha. Ang kaniyang mapupulang mata ay bumabagay sa kaniyang maitim at mataas niyang pilik mata. She also wears dark red eyeshadow and lipstick.

Bumalik naman ako sa reyalidad ng siya mismo ang nagsara sa nakaawang kong bibig gamit ang kaniyang daliri na may mataas at pulang kuko nito.

"You're drooling, Dear. Here, it's belongs to you" I am indeed drooling in her beauty, bakit ba maraming magaganda at gaguwapo ng mga tao dito sa Utopia?

I nodded before bowing my head down, "Maraming salamat po" muntikan pa kong mag-salita ng ingles mabuti na lang naipreno ko dila ko. 

Patakbo akong umuwi habang suot-suot ang malaking ngiti sa aking labi.

...