Chereads / MOMMAS BOY / Chapter 5 - EPISODE 5

Chapter 5 - EPISODE 5

KAUUWI lang namin.

Past ten na rin, galing pa kasi kami sa dinner out with Tita Maggie and Trina. Medyo napainom ng konti habang kuwentuhan, discuss about sa dance practice at kung ano pa na related naman sa pagsasayaw kaya hindi talaga ako naboring. Habang sila Mama Cha naman ay naririnig kong may pinag-uusapan na lalake na Jet ang name. 

Ewan! Kahit nakatuon ang atensyon ko kay Trina ay sa dalawa naman nakabaling ang tenga ko kaya dinig na dinig ko lahat ng pinag-uusapan nila lalo nang makarinig ako ng pangalan ng lalake. 

Tsst! Sino kaya iyon? Hindi ko narinig or wala talaga silang nabanggit kung sino ba ang naging ex no'n sa kanilang dalawa.

" Maligo ka bago matulog! Iinom-inom pa kasi e! " sabi ng Mama Cha.

Nahiga kasi ako sa sofa, hindi ko pa nahuhubad ang sapatos dumiretso na ako. Medyo tinamaan kasi talaga ako sa ininom namin na korean beer daw iyon, masarap siya, mukhang light pero may suntok din pala, nakatatlong bote rin ako e! Saka pagod din! Si Mama na nga nag-drive pauwi e!

" Clint! Maligo ka muna! Makakatulog ka na naman niyan! " sigaw uli ni Mama Cha.

Napapapikit na kasi talaga ako e. 

" Huy! " sigaw na naman niya.

Nilamukos ko ang mukha, pilit idinilat ang malaki kong mata saka bumangon na. 

" Matulog ka na tapos kasi maaga pa kayo bukas. " sabi ni Mama Cha. Nasa kusina pa ito at may ginagawa sa laptop niya.

Hahakbang na sana ako paakyat pero huminto muna ako, may naalala kasi akong bigla saka may napansin din. At..

" Sino si Jet? Ha, Ma? " tanong ko.

Hindi siya sumagot, tiningnan niya lang ako kaya ginawa ko, lumapit ako sa kanya. Nang makalapit ay bigla na lang niya tiniklop ang laptop, tumayo at pumunta sa ref para kumuha ng malamig na tubig. 

Nagsalubong ang dalawang kilay ko, bakit pakiramdam ko ay may ginagawa siya sa laptop na iniwasan niyang makita ko. Parang napansin ko kasi na may picture ng lalake hindi ko lang nakita lahat kasi nga tiniklop niya agad. 

Akmang bubuklatin ko sana ang laptop nang magmadali siya sa paglapit.

" Umakyat ka na nga Clint, may gagawin pa ako, " sabi nito sabay kuha sa laptop at ipit sa kili-kili niya.

" Sino iyon? " tanong ko.

" Anong sino? " tanong niya rin.

" Boyfriend mo Ma? " tanong ko uli.

" Huy Clint tigilan mo ako! Wala akong boyfriend! May tiningnan lang ako! " tanggi niya na umirap pa sa akin sabay simangot.

" E bakit nagmamadali ka sa pagtiklop niyan? Titingnan ko lang naman! "

" Umakyat ka na nga! Maligo ka na tapos matulog na! "

" Patingin lang! " 

Parang nainis ako, lalo tuloy nagsalubong ang medyo makapal kong mga kilay. Hinawi ko ang mahabang buhok, ngumiwi saka malalim na hininga ang inilabas. Alam ko na may iniiwas talaga siya. Tapos..

" Huwag kang magbo- boyfriend Ma! Ayoko! Hindi puwede! " sabi ko sabay talikod sa kanya.

Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Umakyat na ako diretso sa itaas.

***

CHARI'S  POV

Sorry! 

Bakit parang feeling ko na-offend si Clint sa ginawa ko. Nakita ko sa mga mata niya na namungay tapos nagsalubong ang dalawang may kakapalang kilay niya.

Bakit naman kasi pati pag-stalk ko pinakikiaalaman pa niya e! Ano ba naman kung may lalake akong tinitingnan! Wala naman akong jowa checking lang! 

Actually, last month ko pa napansin na parang weird ang mga reactions niya pagdating sa mga guys na pinag-uusapan namin minsan ng mga kaibigan ko, then after medyo parang tumatahimik siya at hindi ako kinikibo. Like today, narinig niya siguro kanina ang pangalan ni Jet na binanggit ni Maggie. Kinakamusta raw ako! 

May mga ilang chances na rin na parang feeling ko nagseselos minsan si Clint. Napapansin ko rin na medyo madalas niya akong bakuran kapag may mga guys.

Ugh! Tsst!

Ayoko mag-isip ng kung ano kasi --- kasi normal naman na sa aming dalawa talaga ang sweetness at super closeness e! Isang dekada na rin kami halos magkasama. Fifteen siya nang mapunta sa akin na twenty naman ako ng mga panahon na iyon. Fresh HRM graduate at kasalukuyang nagtatrabaho na sa isang resto bar na pagmamay-ari ng mga parents niyang nasira. 

Naging mabuting kaibigan ko ang mga iyon at sila ang tumulong sa akin para makapag-umpisa. Nakakalungkot nga lang at maaga silang nawala, mabuti na rin at mabait ang kapatid niya na siyang humahawak ng resto bar nang mawala sila kaya ayun! Tuloy-tuloy ang trabaho ko. 

At kaya naman pala nilagay ako sa mataas na posisyon ay dahil sa mapupunta sa akin si Clint.

Inampon ng mag-asawa si Clint, ten years old daw siya nang mapunta sa kanila. Wala raw pagkakakilanlan sa mga tunay na magulang ni Clint, iniwan na lang daw ito basta sa bahay ampunan.

Nakakaawa si Clint nang mga panahon na iyon. Walang may gustong umangkin sa kaniya dahil sa hindi naman siya tunay na kadugo. Dalawang araw siyang nasa resto bar, naglilinis-linis at doon na rin pinatutulog. Hanggang sa isang araw, nagkasakit siya. Nakita ko siya sa stockroom nakahiga, nilalagnat. 

Nandoon na rin ang mga gamit niya sa school pati mga damit. Naawa ako sa kanya, naalala ko ang mabait na mag-asawa. Naawa ako sa bata. Kinausap ko ang kapatid nila na manager ng bar na kukunin si Clint na fifteen years old naman na noon at hindi naman na siguro alagain sobra.

Walang dalawang isip at ibinigay nila si Clint. Inalagaan ko siya, kahit wala akong alam kung ano ba ang gagawin e sumige lang ako, malaki naman na siya at kaya na rin ang sarili niya sa mga ilang bagay kaya at naging madali naman. Nahirapan nga lang kami dahil sa nakikitira lang ako sa mga tiya ko noon at idinagdag pa siya. 

Ang hirap! Ang hirap makisama..

Two years. Medyo okay naman na ang sahod ko at may mga sidelines na rin kaya naghanap kami ni Clint ng bahay na uupahan kahit maliit lang, basta makaalis na kami sa mga tiya ko.

Naalala ko pa! Wala kaming gamit, tanging maliit na kalan lang, mga plato, baso, unan at kung ano lang! 

Hahaa! 

Nakakatawa talaga! Sabayn pa na nagkalat ang mga libro ni Clint at mga gamit ko naman pang-baking. Tapos, wala kaming kuwarto. Sa sahig lang kami nahihiga, may kutson naman. Wala kaming tv pero may laptop na ipinahiram si Ben na kaibigan ni Clint nang mag-college na siya.

Ang dami na rin pala naming pinagdaanan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko nakayang pagtapusin ng college si Clint, halos mabaliw ako sa sobrang dami ng utang noon! 

Pero magaling si Lord.. Hindi niya kami pinabayaan.

Nagbunga ang kakabulakbol ni Clint para lang makapag-praktis ng breakdancing.

Nag-champion sila sa unang dance battle na pinasukan nila. Ayun! Parang sa isang iglap lang nagbago ang lahat! 

Malaki ang halaga na nakuha nila isama pa ang para sa solo niya lang. Bumili siya agad ng maliit na bahay, sa tita ng kaibigan niyang si Ben, dahil hindi naman na raw iba e ibinenta sa kanya ang bahay kalahati sa presyong inaalok.

At heto! Nandito kaming dalawa pa rin ngayon. Si Clint na nasa twenty-five na, na tatlong beses ko lang nakitang may girlfriend, at ako naman na thirty na at hindi pa rin nag-aasawa! 

Hahaa! 

Ewan!

Hindi ko rin alam kung bakit e..

Sa tuwing papasok sa isip ko na maghanap ng mapapangasawa...

Si Clint ang nauuna. Lagi ko sinasabi na, paano na siya kapag wala na ako.. Ah basta! Ayoko muna siyang iwan ngayon, gusto ko masiguro na maayos siya at ang babaeng mamahalin niya bago siguro ako bibitiw sa kanya.

Mahal ko si Clint.. Mahal na mahal ko siya. 

June_Thirteen