Chereads / MOMMAS BOY / Chapter 8 - EPISODE 8

Chapter 8 - EPISODE 8

KINABUKASAN maaga akong nagising.

Paglabas ko ng kuwarto ay sabay pa kami ni Mama Cha. Sabay din kaming nahinto at napatingin.

" Ugh.. Aga mo naman nakabihis Ma? " sabi ko. Ako na ang unang nagtanong.

" Aah.. May lakad kasi kami ni Tita Maggie ngayon. " sagot niya.

Nakita ko siyang naka- maayos na bihis. Naka- skinny jeans na white tapos naka- off shoulder siyang brown na fitted sa katawan niya, naka- doll shoe na madalang niyang ginagamit, pati na rin ang color beige niyang shoulder bag. 

Alam ko na may pormal na lakad siya kasi hindi mahilig magpantalon ito e. Saka, naka- make up siya ke aga-aga! 

" Saan ka pupunta? Gusto mo samahan kita Ma? Mamayang gabi pa naman ang flight ko e.. " sabi ko ule.

" Ugh! Hindi na, may kasama pa kaming iba! Maa- out of place ka lang do'n Clint. "

" Mao- OP ba o ayaw mo lang? " seryosong sabi ko.

Nangiti lang siya. Tapos nauna nang bumaba sa hagdan. Sumunod na rin ako.

" Ano'ng oras uwi mo? "

" Hindi ko pa alam e. "

" Aalis na ako mamayang five ng hapon. "

" Ah okay sige. "

" Ma! " malakas na sabi ko. 

Sabay kaming huminto sa paglalakad pagdating na sa kusina.

" Clint.. "

" Alam ko galit ka sa ginawa ko, pero huwag ka naman manlamig sa akin! "

" Clint hindi ah! Hindi ako galit sa'yo, ano ka ba? " nakangiting sagot niya.

Hindi ko alam kung niloloko niya ba ako, inaasar o ano! Hindi ako makakibo dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Sandali pa at nakita ko siyang tumingin sa maliit na silver watch na suot niya.

" Aalis na ako, baka naghihintay na si Maggie sa akin sa coffee shop. " biglang sabi niya.

Tumalikod na siya sa akin. Lumakad na diretso papunta sa harapang pintuan ng bahay.

Naiwan akong nakatingin lang sa kaniya. Tapos..

Bigla siyang huminto nang malapit na sa pinto. Tumingin sa akin at lumakad pabalik.

" I'll be home before lunch okay? " bulong niya sa akin sabay halik sa pisngi ko.

Nang tumalikod siya ay kinapitan ko sa kaliwang braso saka..

" Ummn! "

Hinalikan ko sa labi. Hinalikan ko si Mama Cha sa labi. Hindi siya pumalag kaya at idiniin ko pa lalo. Kinapitan ko ang panga niya para hindi maputol ang pagsasama ng dila namin.

Sandali pa at hinawakan niya na rin ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya. Hanggang sa hindi ko na napigilan at kinabig ko na ang katawan niya palapit sa akin. Pero naramdaman ko na tinutulak niya na akong palayo sa kaniya.

Hindi naman ako nagpumilit pa kaya binitiwan ko ang labi niya pero hawak ko pa rin ang mukha niya,, tumitig ako sa mga singkit niyang mata at..

" Mahal kita Mama Cha! Mahal na mahal kita! " sabi ko sa kaniya.

Ibang-iba ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Parang gusto kong umiyak at humagulgol sa harap niya dahil natatakot ako na ma- reject na naman. 

Nagkatitigan kami. Hawak niya pa rin ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya. Napapansin ko na heto na naman ang bara sa lalamunan at nahihilam na mga mata.

" Dadaanan kita mamaya sa coffee shop at do'n na lang tayo mag- lunch. " mahinang sabi niya tapos ay ngumiti. 

Binitiwan niya na ang kamay ko at bago pa man tumalikod sa akin at lumakad papalayo ay pinindot pa ang tungki ng ilong ko sabay..

" Ikaw talaga Clint! Pasaway! " malakas na sabi niya.

Napangiti akong todo. Hindi ko inasahan na gano'n ang magiging reaksyon niya sa kabila ng kapangahasang ginawa ko ngayon. Naisip ko tuloy bigla..

" Mahal niya rin ako.. "

Pinunas ko ang mata na may mga luhang malapit na namang bumagsak sana. Umaapaw sa tuwa ang damdamin ko. 

***

Past twelve na. 

Dumating ako sa coffee shop ng eleven kasi sa bi niya before lunch at do'n kami magla- lunch. Sa sobrang excitement ko maaga ako umalis sa bahay tapos dumaan na rin ako sa paborito niyang resto house at bumili ng mga gusto niyang pagkain tapos past lunch na wala pa rin si Mama Cha.

Kinuha ko ang cellphone para tawagan siya.

" Hello Ma? Nasaan ka na? Kanina pa ako nandito! "

Sa kabilang linya naririnig ko na may ilang boses na nagtatawanan, may narinig din akong boses ng lalake.

" Parating ka pa lang? Huwag ka na bumili ng food kasi meron na dito. Saka, saan ka nakasakay? Iniwan mo pala ang kotse mo dito sa shop! "

Iniwan niya kasi ang kotse niya dito sa shop. Nakita ko agad pagdating ko pa lang.

Sandali pa at natapos na ang usapan namin. Naiinis ako pero ewan ko bakit nakangiti pa rin ako pagpatay ko sa voice call namin. 

Kinikilig pa rin kasi ako hanggang ngayon at hindi makapaniwala na nasabi ko na nga lahat kay Mama Cha, at masayang- masaya rin ako dahil sa tingin ko naman ay natanggap niya lahat.

Naisipan ko munang bumaba. Nagugutom na ako pero hintay ko muna si Mama Cha para sabay na kami.

Maraming tao sa shop ngayon, iba kumakain, iba naman nag-uusap habang nagkakape. Naupo ako sa loob ng counter. Dumakma ng cupcake sa tray na nakalapag na may nakasulat na ' Wanna taste me ' na ibig sabihin e free siya ngayong araw na ito. Gano'n kasi si Mama Cha, lagi may free na cupcakes every other day, marketing strats niya! 

Sandali pa at..

" Hi Clint! "

Nakita ko si Trina paparating pa lang bumabati na sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o kakaway. Parang biglang na-freeze ang mundo ko! Kasi! 

Kasi sa likuran niya nando'n na pala si Mama Chari! Nagsabay silang dumating! Grabe! Hindi ko alam kung ano bang gagawin, kung si Mama Cha ba o si Trina ang una kong babatiin.

Hanggang sa..

" Hi Clint, nag- lunch ka na ba? Dumaan ako para ibigay sa'yo itong mga socks na magagamit mo sa Japan, " sabi ni Trina sabay abot ng isang malaking brown eco bag sa akin.

Tapos..

" Kain na tayo Clint! " sabi naman ni Mama Cha na diretso akyat sa second floor.

" Ma? " dagliang sagot ko naman.

" Hi Tita Cha! " bati ni Trina.

Hindi pinansin ni Mama Cha si Trina, tuloy-tuloy lang ito sa pag-akyat.

" Parang mainit ang ulo ni Mama Cha mo ah! Nakasimangot e! " puna ni Trina.

" Aah.. Parang nga e! Ah sige Trina, salamat sa socks ah! Bayaran ko na lang sa'yo pagdating ko, akyat muna ako! " sabi ko.

" Yayain sana kita mag- lunch sa labas e! "

" Ah! Hindi na! Mag- aayos pa kasi ako ng ibang gamit saka, five lang kailangan nasa dep area na kami, sorry! "

" Ah! Okay! Give me a call kapag nasa Japan na kayo ni Ben ah! Then show me your place there okay! Bye na Clint! " sabi nito. 

Nagulat ako nang halikan niya ako bigla sa lips.

" Huh? "

Pero mas nagulat ako nang makita na nakatayo pala si Mama Cha sa itaas ng hagdan at pinagmamasdan lang pala kami ni Trina.

June_Thirteen