Chereads / MOMMAS BOY / Chapter 1 - EPISODE 1

MOMMAS BOY

🇵🇭June_Thirteen
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 9.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - EPISODE 1

KANINA ko pa pinagmamasdan si Mama na tumatawa, napakaganda ng mukha niya lalo na kapag ngumingiti, lalong bumabagay sa kanya ang singkit na mga mata na nawawala tuluyan sa pagtawa. Bihira ko siya nakikitang nakasimangot kaya hindi rumerehistro sa akin ang gano'ng klase ng mukha niya.

Si Mama Chari. Chari E. De Vega, thirty years old na ngayong araw na ito.

Birthday niya ngayon at isang party ang inihanda ko para sa kanya. Ayaw niya ng mga ganito pero wala naman siyang nagawa nang dumating na ang mga kaibigan ko pati na rin mga kaibigan niya.

Tuwang-tuwa siya nang makita ang mga kaibigang matagal nang hindi nakikita, mga college friends niya na hinanap ko talaga dahil gusto siya masurprise. Naisip ko kasi na it's my turn naman para magpasaya, sa buong buhay ko kasi ay siya at siya lang ang laging taya. Saka para naman marelax siya, wala kasi siyang ginawa kung'di ang tumutok sa negosyo.

Ako si Clint Kadie P. Tuason, twenty-five years old, isang dancer choreographer na nagtuturo ng breakdancing at hiphop.

Matangkad, mahaba ang unat na buhok ko hanggang balikat, medyo bilugan ang deep set na mga mata na may kaunting kakapalan ang kilay, matangos naman ang ilong at hindi rin masyadong malapad ang manipis na labi, moreno lang din ang kulay ng balat ko, in short medyo mukha akong Indiano! Pero hindi ako mabalahibo tulad ng mga Indians talaga, may konting bigo-bigote lang banda sa baba, normal sa mga age ko.

May eksaktong katawan lang din na may muscle naman kahit paano, may abs din naman hindi pa nga lang six pack, kasi kailangan sa breakdancing mabubuhat mo ang katawan mo e, so ayun! Alaga sa gym and iwas din konti sa bisyo. 

Medyo okay naman manamit, pormang dancer nga lang lagi! May dating din naman daw ako saka guwapo naman din daw lalo na kapag sumasayaw nagiging artistahin daw ako sabi ng numero unong fan ko, siyempre sino pa ba! Ang nanay ko na ate pa! Si Mama Cha! Mga nanay talaga! Sino ba namang nanay magsasabi na pangit ang anak niya! 

May sarili rin akong grupo at may hawak na ilan na inilalaban ko sa iba't-ibang dance battle. May sarili na rin akong studio at this time, masasabi kong medyo financially stable na rin ako sa murang edad na'to kahit na hindi naman gano'n kalaki ang nasa bank account pero atleast, may laman na.

Mechanical Engineer graduate ako actually, sa isang sikat na university, pero dahil sa hindi ko talaga hilig ay hindi na ako kumuha ng kahit anong exam at nag-focus na lang sa pagsasayaw na talagang passion ko, pagasasayaw na halos pukpukin na ako ni Mama Cha dahil sa hindi lang isang beses nabalian ng buto sa breakdancing. 

Aaminin ko na medyo maloko ako at bulakbulero nang nag-aaral pa dahil sa pagsasayaw pero nairaos ko naman na hindi nagbayad sa professors! Hehe..

Pero sadyang supportive talaga si Mama Cha kahit na gano'n ang gawa ko, kahit na sobrang busy niya sa pagtatrabaho para sa amin nagagawa niya pa rin asikasuhin ako at mga pangangailangan ko. Pinag-aral niya ako, inalagaan hanggang sa heto na ako ngayon. Masasabi ko na hindi niya talaga ako pinabayaan, sinuportahan niya pa ako sa lahat ng laban. Katwiran niya kasi kung saan daw maligaya do'n dapat mapunta!

Hindi naman ako maloko, hindi rin babaero dahil sa wala talaga akong time manligaw. Maraming nakikilala pero bihira naman may matipuhan. Hindi naman mataas ang standards ko pagdating sa babae, busy lang talaga siguro ako kaya at hindi pa rin talaga ready. Last girlfriend ko nineteen ako, nagbreak kami dahil sa wala akong time sa kanya, naghanap tuloy ng iba. 

Ayun! Simula no'n hindi na uli ako pumasok sa relasyon. Nag-focus na lang muna ako sa career, help kay Mama Cha sa negosyo niya at self-love muna.

Fifteen ako nang mapunta kay Mama Cha na twenty naman sa time na iyon. Namatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente, walang may gustong umangkin sa akin dahil sa hindi naman ako tunay na dugo ng mga nasira kong magulang, ampon lang kasi ako at dahil sa malapit na kaibigan ni Mama Cha ang mga magulang ko ay inako niya ako. Inako niya ako nang hindi nagdalawang-isip. Inako niya ako bilang bayad sa utang na loob, sa kabutihang nagawa ng mga magulang ko sa kanya.

Wala siyang alam sa pagpapalaki ng bata sa mga panahon na iyon dahil twenty lang siya, kasalukuyang baguhan sa trabaho at nagsisimula pa lang sa buhay dalaga. Medyo malaki naman na ako no'n dahil fifteen na e, iyun nga lang kasalukuyang nag-aaral pa at asikasuhin.

Mahirap sa umpisa dahil nakikitira lang kami sa mga tiyahin niya, nakikitira na nga lang siya isinama niya pa ako. Nasa probinsya kasi ang mga magulang niya at hindi sila gano'n ka-close, produkto siya ng broken family, second family lang daw kasi sila at anak lang siya sa labas kaya napadpad siya sa Manila para mag-aral at makapagtrabaho ng maganda, pero salungat ang lahat sa mga pinangarap niya. Dumating kasi ako sa buhay niya, ako na dumagdag pa sa pasanin at intindihin.

Pero bilib ako sa Mama Cha, hindi niya ako binitiwan o naisipan man lang na ipamigay sa iba sa kabila ng hirap na nararanasan niya sa pagpapalaki sa akin. Iginapang niya ako. Pinilit makatapos sa pag-aaral at maibigay ang lahat ng pangangailangan ko. 

Kaya minsan, kapag nagloloko ako e hindi ako makatulog kasi alam ko kung gaano kahirap ang ginagawa niya ng pagtatrabaho tapos masasayang lang ako. 

Nagtatrabaho ang Mama Cha sa isang restobar dati, isa siyang bartender at waitress doon, saksi ako sa mga gabi at araw na halos hindi na siya natutulog dahil sa dala-dalawa ang trabaho, lalo na ng nag-college na ako, halos nabaon siya sa utang ng mga panahon na iyon, sagot niya kasi lahat dahil wala namang napunta sa akin nang mamatay ang mga parents na umampon. Dahil do'n mas sinipagan ko pa ang pagsasayaw na talagang hilig ko high school pa lang. Alam ko rin kasi na may mapapala ako kaya push lang.

Nag-audition ako sa isang malaking grupo sa uni na pinapasukan ko, may dalawang grupo kasi sa sayaw na inilalaban na talaga local sa mga uni din at internationally. Suwerte at natanggap naman ako. 

Araw-araw ko itinatago ang pagpa-praktis, grabeng time management ang ginawa ko para lang huwag mabuking ni Mama Cha at para hindi rin mapabayaan ang grades ko. Halos isang taon mahigit ko itinago ang lahat, akala niya simpleng sayawan lang lagi ang sinsalihan ko, hindi niya alam na humuhulma ako ng future! Mahaba at mahirap ang proseso pero worth it naman masasabi ko! 

At ayun! Sa huli nabuking niya na rin ako! Tsk! Matinik talaga!

Doon nagsimula magbago ang buhay ko nang makapasok sa grupo na iyon, matunog na rin ang pangalan ng dance crew dahil sa sikat ang uni na pinapasukan ko at madalas na champion sa mga dance competition kaya butas ng karayom talaga ang pinagdaanan ko bago makapasa, tatlo kaming magkakaibigan, kumikita na rin kahit konti noon at nakapagtatabi dahil sa may goal talaga ako.

Nag-champion ang grupo namin na inilaban sa ibang bansa, sa Florida, USA, isang worldwide dance battle ng mga dance crews from different kind of uni's around the globe. Limang milyong Philippine Peso ang naiuwi namin. Nakakuha ako ng isang special award na may cash prize din dahil sa kakaibang styles sa breakdancing na especialty ko talaga.

Nang bumalik ako ng Pilipinas ay kaagad bumili ng maliit na bahay para sa amin ni Mama Cha. Nagtapos ako ng college at nagtuloy-tuloy ang blessings, offer sa pagsasayaw at pagtuturo ng breakdancing na malaki rin naman ang bayad. Hanggang sa naka-ipon ng sapat na pera para makapagpatayo ng maliit na studio para sa mga talents ko. Nineteen ako nang magsimula, twenty-five na ako ngayon at masasabi kong malayo na rin ang narating.

By that time naman, nag-stop na si Mama Cha sa pagiging bartender. Nagresign siya at nakakuha ng backpay na ginamit niya para mag-umpisa ng maliit na negosyong hilig niya rin talaga. 

Isang maliit na coffee shop ang itinayo niya along North, as in maliit lang talaga dahil sa maliit lang ang puhunan niya, malapit lang sa lugar namin. Siyempre hindi ko siya pinabayaan, kahit pa ayaw niya ay tinulungan ko siya sa pagpapalaki ng negosyo niya. Hindi ako papayag na sosolohin niya lahat. Ipinagawa ko ang coffee shop niya na ngayon ay may second floor at nasa third floor naman ang studio ko.

At heto na kami ngayon!Hindi kami yumaman! Masasabi ko na sapat lang ang lahat para sa mga pangangailangan namin, para sa mga luho kahit papaano rin. Masasabi kong maayos na kami ngayon, sa loob ng ilang taong pagtitiyaga ay nakuha rin namin ang lahat. Kumakain na kami higit tatlong beses sa isang araw na hindi namin nagagawa no'n.

Iyun nga lang! 

May kulang pa rin! Kulang kami sa love life.

Simula no'n ay dalawang lalake lang ang nakilala kong naging boyfriend ni Mama Cha, maraming nakikita kong dumidiga sa kanya na medyo mga bata pa pero wala siyang pakialam, thirty na siya ngayon pero hindi pa rin nag-aasawa. 

Katwiran niya, mas masarap daw kumain kesa makipagtalo sa jowang masakit sa ulo! Hahaa! Grabe sa katwiran noh! Gano'n talaga siguro kapag independent ang babae, masasabi ko kasi talagang strong independent woman si Mama Cha!

Si Mama Cha na may maigsing buhok na gupit lalake at kulay abuhin, tsinita pero hindi siya intsik ha, Bicol ang province niya, matangos din ang ilong na maliit ang labi, maputi ang kulay ng balat na may balingkinitang katawan na may katangkaran din. May dalawang malalaking polynesian tattoo sa magkabilang binti, laging naka-chucks at rockers kung pumorma! Wala na akong masasabi pa sa kanya! Sobrang cool ni Mama Cha kapag nakita niyo siya! 

Si Mama Chari na iniingatan ko talaga..

June_Thirteen