Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

His Possessive Games

🇵🇭Hoaxxe
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.5k
Views
Synopsis
It started in Malcolm's rules, rules that no one ever wanted to be part of. All Kiro wants is a quiet life and finish his study in senior high until he breaks the rules that turn his life into a roller coaster. Because of Malcolm, Kiro's life is now in turmoil. Kiro takes the card and plays with Malcolm's game, but the game he takes will put him in a situation he didn't expect. Kiro tells himself that the game will end soon, but he didn't know that was the beginning of entangled quantum love. When Malcolm started acting strange, He becomes aggressive and possessive. Until Kiro realize that this game he played is, His Possessive Games.
VIEW MORE

Chapter 1 - His Rules

KIRO

GUMISING sa mahimbing kong tulog ang napakalakas at nagwawalang orasan sa sidetable dahilan para uminit ang ulo ko. Alam mo iyong pakiramdam na gusto mo pang matulog at mahiga na lamang buong araw pero narealize ko na ito pala ang unang araw ng klase.

Bagot na tumayo ako sa kama at naligo sa malamig na tubig na akala mo ay nagyeyelo sa loob. Mas gusto ko pang tuwing hapon ang pasok ko kesa sa umaga dahil hindi ko kaya ang malamig na tubig.

"Pa' akala ko ba nagpakulo ka ng mainit na tubig?" Maktol ko kay Papa na abala sa pagluluto ng almusal.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na bago ka matulog ay magpakulo ka ng tubig para sa panligo mo kinabukasan?" Aniya.

Napakamot na lang ako sa batok. Wala akong choice kung hindi salubungin at kalabanin ang malamig na tubig. Nakailang buhos din ako bago tinapos ang pagligo. Naabutan ko si papa na naghahanda na ng almusal kasabay nang pagkain niya kasama si lola. Dumiretso na ako ng kwarto para magsuot ng uniporme.

Habang abala ako sa pagbubutones ay narinig ko ang sigaw ni papa mula sa ibaba.

"Kiro nandito na si Rico!" Sigaw niya.

Mabuti pa ang kaibigan ko ay excited na pumapasok sa klase tuwing first day of school. Kabisado ko na ang mga galawan niya kahit paghinga niya ay alam ko. Paano ba naman ay laging dikit nang dikit sa akin ang kaibigan ko na 'to.

Napansin kong bumukas ang pinto at niluwa niyon si Rico na nakangiti ng malapad.

"Kiro na miss kita!" Sambit nito sabay kapit sa braso ko.

Siya si Rico Portugal. Ang matalik kong kaibigan simula ng nasa elementarya pa lamang ako. Malapit ang tatay namin sa isa't-isa kaya hindi kami nahirapan magkasundo. Kahit sa pangalan naming dalawa ay magkatunog.

"Tigil-tigilan mo 'ko sa kaartehan mo dahil kakakita lang natin kahapon." Sabay tanggal ko sa kamay niya na nakapalupot.

"Nagkita ba tayo kahapon?" Aniya sabay himas sa baba. Iyan ang isa sa mga kinaiinisan ko sa kaniya ay sa tuwing lumalabas ang pagkaisip bata niya. "Ay oo nga pala." Sabay hagikgik nito.

Napailing na lamang ako at inanyayahan siyang sumabay sa akin Sa pag-almusal. Pinaghanda na kami ni Papa ng almusal. Nang matapos ay nagmadali na kaming nagpaalam at baka mahuli pa sa unang araw ng klase. Magkasabay kaming naglalakad ni Rico papasok ng Hustone University. Napansin ko si Rico na abala sa kakapindot sa bagong phone na ipinagmalaki niya pa sa akin kanina. Hindi ko na lamang siya tinapunan pa ng tingin at naglakad na lang. Ang totoo niyan ay dipindot lang ang gamit ko. Ano ba kasing alam ko sa mga bagong teknolohiya? Alangan wala.

Marami na kaming nakakasabay na estudyante sa paglalakad at halos lahat sa kanila ay naka kotse. Narinig ko ang pagsipol ni Rico ng makita ang isang ferrari na dumaan sa harap namin.

"Woah! Mukhang bigatin ang may ari." Bulong niya. Napailing na lang ako at pumasok na sa loob. Kakapasok pa lamang namin ng gate nang makita ang isang Lalaki na lumabas mula sa ferrari. Iyon ang kotse na dumaan sa harap namin kanina at mukhang tama nga si Rico na bigatin ang may ari.

Pinalibutan agad siya ng mga maraming tao at halos lahat ng mga ito ay puno ng paghanga ang mga mata.

"Sana ganiyan din ako kayaman para mapansin nila." Ani ni Rico.

"Psh, mabuti na lang pala mahirap ako." Sagot ko sabay lakad papuntang klase.

Ayaw ko sa lahat ay ang napapansin ng mga tao dahil mas gugustuhin ko pang maging isang tahimik na tao sa gilid ng walang pinapakailaman. Gusto kong makapagtapos ng Senior High at makahanap ng disenteng trabaho habang nasa kolehiyo.

Nang makarating na kami sa classroom ay nagsimula na kaagad ang klase. Tahimik na nakinig lang ako dahil mahalaga ang mga sinasabi ni Miss. Magkaklase kami ni Rico dahil pareho ang kinuha naming strand.

"Hindi na kayo junior high kaya be matured student. You're all senior and I'm expected na walang magpapasaway sa klase ko." Aniya. Magsasalita pa sana siya ng bumukas ang pinto dahilan para mapunta ang atensiyon naming lahat sa pumasok. Walang emosyon ang mga mata nito at lumibot ng tingin para maghanap ng upuan. Nang makita nito ang bakanteng upuan sa likuran ay doon siya pumwesto.

"At ang ayaw ko sa lahat ay may nale'late sa klase ko." Madiing nitong sambit. Napangisi naman ang Lalaking kakapasok at sigurong alam niya na siya ang tinutukoy nito. "Okay, class dismiss." Sabay bitbit ni Miss sa libro. Sinabi niya lang ang rules at regulation dahil bukas pa raw ang start ng lecture.

Napayuko na lamang ako sa desk ko nang biglang may sumipa sa upuan ko. Sinamaan ko ng tingin si Rico na nasa likuran ko lamang nakaupo.

"Sorry," sabay peace sign niya. Tinitigan ko siya ng may pagkabagot.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Tanong ko.

Narinig ko kanina sa isa sa mga kaklase ko na wala pa kaming next prof kaya gusto kong maidlip sandali pero nawala iyon nang kulitin na naman ako ni Rico.

"May liga ngayon nuod tayo." Anyaya nito at umiling naman ako sa sinabi niya. Yuyuko pa sana ako sa desk nang sipain muli ni Rico ang upuan ko.

"Tigil-tigilan mo ako Rico dahil wala ako sa mood." Inis kong sabi na pabulong. Napanguso naman siya at hindi na ako kinulit pa.

Lumipas ang ilang oras ay may mga dumating na ring prof sa ibang subject. Halos lahat diniscuss ang magiging percentage sa grades.

"Bukas ay magkakaroon na agad tayo ng performance kaya ihanda ang mga nakalista sa board. Class dismiss." Napamaktol naman ang lahat sa huling subject. Para sa akin naman ay madali lang ang pinapadala nito pero ang mga kaklase ko ay akala mo napakabigat ng dadalhin. Napansin ko ang isa kong kaklase na babae ang lumapit sa akin.

"Hindi ba't ikaw si Kiro Delos Santos?" Napatango naman ako sa tanong nito. "Pinapatawag ka ni sir Jerry nga pala." Sambit niya.

Si sir Jerry pala ang prof namin sa Reading and Writing skills subject. Medyo weird siya pero maayos naman kung magturo. Napatayo na lamang ako at naglakad na papuntang faculty. Naabutan ko si sir na abala sa pag-aayos ng mga libro hanggang sa napansin ako nito.

"Mabuti naman at nakarating ka na, gusto ko sanang ikaw ang mangolekta ng mga assignments bukas dahil wala ako at iwan mo na lang dito sa desk ko." Tumango naman ako.

"Okay sir." sagot ko. Hindi ko na tinanong kung bakit wala siya sa klase bukas.

"Salamat Kiro ijo." Nagpaalam na ako kay sir at bumalik na ng classroom. Naabutan ko si Rico na kumakain na ng chichirya habang nasa desk nito ang yogurt.

"Gusto mo?" Alok nito at napailing naman ako. Wala akong ganang mag-lunch ngayon at hindi ko rin alam kung bakit.

"Ako nga pala si Tessa." Sambit ng isang babae mula sa likuran dahilan para maagaw ang atensiyon ng iba. Hindi ko sinasadyang titigan ang nagaganap sa likuran ng makita ko iyong Lalaking walang emosyon ang mukha kahit pa napapalibutan na siya ng mga babaeng tagahanga.

"Hindi ba't ikaw ang anak ng mayaman na Dela Vega?" Tanong ng isa pang babae.

Parang walang narinig ito at sinuot na lamang ang headphone sa kaniyang tenga. Nakita ko kung paano siya titigan ng mga babae at bakas ang dismaya na hindi sila nito pinansin.

"Masungit pala." Bulong ni Rico at siniko ko naman siya dahilan para mapangiwi ito.

Tinuon ko na lang ang atensiyon ko sa pagsagot ng mga assignments para sa bahay ay wala na akong gagawin. Dahil sa pagkulo ng tiyan ko ay napagdesisyunan ko nang bumaba ng cafeteria para bumili ng pagkain tutal naman ay wala pa ang next professor namin. Bumili na lang ako ng isang bottled of water at burger.

"Manang, isa nga pong burger at bottled of water." sabay abot ko ng bayad. Pagkabigay nito sa akin ng binili ko ay nagsimula na akong naglakad pabalik ng classroom. Nakakapagod din dahil nasa 3rd floor pa ang classroom ko.

Abala ako sa pagkain habang naglalakad pabalik ng classroom ng makarinig ako ng boses hindi kalayuan sa pwesto ko. Sinundan ko ang boses na iyon hanggang sa malinaw na ang salitang aking naririnig. Kung hindi ako nagkakamali ang boses na 'yon ay galing sa C.R. ng boys.

"Ito lang ba ang pera mo?" Sarcastic na ani ng isang sigang Lalaki.

"I--iyan l--lang ang pera na nasa wallet ko." Nauutal at puno ng takot na sagot nung isa.

Hindi ko na natiim pa ang naririnig at lumabas na mula sa gilid. Ngayon ay nasaksihan ko ng tatlo sila na siguradong kasing edaran ko lang dahil sa pangangatawan. Napatingin silang lahat sa akin ng bigla akong lumapit. Pagkalapit ko ay nakilala ko na ang taong binubully at iyon ay si Derick.

"Nagtawag ka pa talaga?" Inis na sabi ng leader ng grupo at mabilis na itinulak si Derick kaya tumama ito sa pader. Dali-dali akong lumapit at inalalayan ito.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong.

"Teka nga sino ka ba? Hindi ko alam na may kaibigan ka na pala Derick?" Mababakas sa boses nito ang irita at galit. Nang akmang tatayo ako ay pinigilan ako ni Derick sa kamay kasabay ng pag-iling na parang pinipigilan nito ang gagawin ko. Hindi ako mananahimik na lang dahil sa mga taong katulad nitong bully.

"Baka masaktan ka pa ni Julius." nag-aalalang sabi ni Derick ngunit tanging ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya at tumayo na para harapin si Julius. Si Julius ang isa sa mga siga at bully sa batch namin kahit noong nasa grade 9 pa lang kami. Hindi ko ba alam kung bakit hindi pa nagbabago ang isang ito kahit mga teacher ay walang nagagawa sa ugali niya kahit nakakailang guidance office na siya.

"Ano bang mga problema niyo?" Nagulat silang tatlo sa pagsagot ko kahit si Julius ngunit kaagad namula ang gilid ng tenga niya.

"Mukhang nilalabanan ka na boss," bulong ng katabi nito. Nagdikit ang dalawang kilay ni Julius sa akin.

Inalalayan kong tumayo si Derick pero ng lalabas na kami ay hinarangan kami ng kasama ni Julius.

"Saan kayo pupunta? Hindi pa tayo tapos," Aniya. "Hawakan siya." Utos niya sa dalawang utusan. Mahigpit na hinawakan ako ng utusan ni Julius ng mahigpit sa magkabilang braso. Nagpupumiglas ako pero sobrang lakas ng dalawang ito kaya nahirapan akong makaalis.

"Bitawan niyo 'ko!" Sigaw ko pero parang walang naririnig ang mga ito.

"Ayaw ko sa lahat ay nagmamagaling sa'kin." sarkastikong sabi Julius habang pinapatunog nito ang kaniyang mga daliri sa kamay. Mabilis pa sa hangin na dumapo ang kamao ni Julius sa aking tiyan. Napangiwi ako sa sakit dahil sa malakas nitong pagsuntok.

"T--tigilan niyo siya!" Lalapit na sana si Derick ng sipain siya kaya napaupo ito.

"Ang lakas na ng loob na banggain kami dahil lang sa may kakampi ka na looser."

"Tigilan mo na itong kabaliwan mo, Julius!" Pinipigilan ko ang hindi magalit dahil ayaw kong makagawa ng hindi maganda. Naramdaman kong hinawakan ako nito sa panga ng mahigpit at inilapit ang kaniyang mukha sa akin.

"Sa susunod na banggain mo ako ay ikaw na ang malilintikan sa akin." Galit na aniya at dinukot ang wallet sa bulsa ko.

"Huwag mong kunin iyan!" Huli na nang kinuha nito ang pera sa wallet ko ngunit itinapon lang nito sa sahig ang wallet ko.

"Kapalit ng pagbangga mo sa'kin." Ngiting sabi niya.

Naglaho ang ngiti sa labi nito ng may boses ang nagsalita mula sa likuran ko. Kahit sa boses nito ay naroon pa rin ang malamig na tono. "Kung wala ka nang magawa sa buhay mo ay umalis ka na."

Unti-unting napaatras sila na tila nakakita ng multo. Si Julius naman ay nanigas sa pwesto kahit pa nakahawak pa rin sa leeg ko ang kamay niya.

Napansin kong may binulong iyong tauhan ni Julius sa kaniya.

"Boss umalis na tayo, si Malcolm 'yan baka malintikan tayo!" namumutla nitong bulong na sabi.

"I--ikaw ba si Malcolm?" Pansin kong pinipigilan ni Julius nag hindi matakot kahit pa bakas na sa kaniyang mata ang takot.

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak ni Julius sa akin kaya naikot ko ang mata ko at nakita kung sino ang dumating. Siya iyong Lalaking walang emosyon.

Nakasaklop ang braso nito sa kaniyang dibdib habang nakapalipot sa leeg ang headphone at ang isang paa ay nakasandal sa pader.

Mabilis na lumuhod ang tatlo sa takot habang sinasambit ang salitang patawad.

Teka, bakit ganito na lang ang reaksiyon nitong tatlo?

And daming katanungan ang nabuo sa isipan ko dahil sa nasasaksihan. Unti-unting lumapit si Malcolm habang walang emosyon pa ring nakatingin.

"Rule number 12." Madiing niyang sabi kina Julius at nagmamadali silang tumakbo papalayo. May parte sa akin ang gustong magpasalamat sa kaniya dahil sa tulong niya.

Hindk ko siya magawang titigan sa mata kaya pinulot ko na lang ang pera ko na nagkalat sa lapag nang iwan ni Julius para tumakbo.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad dahil hindi man lang kita natulungan-- ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Derick ng makitang namumutla ang mukha nito habang nakasandal sa pader at yakap yakap niya ang sarili.

"Kailangan na natin bumalik sa klase bago pa dumating ang tauhan niya." Nagmamadaling sabi ni Derick. Nakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya habang siya ay natatarantang pinupulot ang sariling pera pero huli na nang nakatakbo na ito palayo.

"Oy!" Pigil ko pero nakalayo na siya. Napakamot na lang ako sa sentido at pinulot ang mga barya ko na nagkalat pa.

Nadapo ang tingin ko sa sampong piso na nakapwesto di kalayuan sa pwesto ko. Nang kukunin ko na iyon ay may paa ang umapak dito habang ang maputing sapatos nito ay kumikinang sa pagkalinis.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa may ari ng sapatos at nakita ko si Malcolm na magkadikit ang dalawang kilay na nakatingin sa akin. May kasama na itong apat na lalaki habang ang mga itsura ay akala mo lumalaban sa isang mens magazines.

"Tayo." Utos niya ngunit puno ng galit. Nagdalawang isip pa ako bago tumayo dahil nakaramdam na ako ng kaba. "Rules is rules." Sambit niya.

"A--ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya ng may ilabas na tela iyong pula ang buhok. "A--anong gagawin niyo sa'kin?" Napaatras ako ngunit huli na ng hinawakan ako ng dalawa sa magkabilang kamay at mabilis na itinali sa mata ko ang tela. Natakpan na ang mukha ko kaya wala akong makita na kahit ano at tila isa akong hostage.

"Huwag ka nang pumalag pa." Masayang sambit ng isang lalaki na nasa gilid ko. Mabilis akong ibinuhat na parang sako. Nagpupumiglas ako pero nahihirapan akong makagalaw.

"Huwag ka nang makulit." Aniya sabay palo sa pang upo ko. Para akong nairita sa ginawa niya at pinagmumura ko ito sa inis.

Naramdaman kong ibinagsak ako sa upuan habang unti-unting nilalagyan ng tali sa kamay papunta sa likuran.

"Pakawalan niyo 'ko dito! Tulong!" Sigaw ko pero parang nag-eecho lang sa paligid ang sinasabi ko. Nang tanggalin na ang tela sa ulo mata kp ay bumungad sa akin ang tagong silid na walang inuupahan ng kahit ano. "Mga hayop kayo!"

"Becareful with your words." Pagbabanta nung lalaking naka jacket na itim.

"Pagnakaalis ako dito ipapaguidance ko kayo!" Nagtawanan silang apat sa sinabi ko pero si Malcolm ay nanatiling walang emosyon.

"We aren't scared kido." Sabay halakhak naman nung nakapulang long sleeve.

"Hoy Oliver tumigil ka nga sa pagtawa mo, ang creepy ng boses mo nakakairita." Sambit nung nakajacket na itim.

"Ikaw ang tumahimik Michael, palibhasa tumatanda ka na hahaha." Sagot ni Oliver.

"Stop fighting." Gatong ng isa nung singkit na mata.

Magpapasalamat na sana ako kay Malcolm kanina pero nagkamali ako. Sing-sama ng demonyo ang ugali niya.

"Alam mo pre wala ka na sana dito kung hindi mo nilabag ang rules." Sabay higpit ng tali ni Michael sa likuran ko.

"Stop talking to him Michael." Sambit nung singkit na lalaki. Napangisi naman si Michael at tinap ang balikat ko.

"Goodluck to you, magdasal ka na." Sabay halakhak niya.

Napalunok ako sa takot na nararamdaman. Bakit ba napasok ako sa gulong ito?

Nagsialisan na iyong apat at pilit ko silang tinatawag pero parang walang naririnig ang mga ito.

"Palabasin niyo ako dito!" Sigaw ko.

Natahimik ako ng may baseball bat ang tumama sa lamesa dahilan para masira ito at gumawa ng ingay. Sinusubukan ko ang hindi kabahan pero mas dumudoble lamang ito. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Malcolm na akala mo ang laki ng nagawa kong kasalanan.

Pumikit na lang ako para tanggapin ang magiging resulta ng buhay ko. Lahat na ng pwede kong hingian ng tulong sa isipan ay tinawag ko na para makaalis ako dito pero walang nangyari. Ito na ang katapusan ng buhay ko. Hindi ko man lang nabigyan ng tulong sila Papa at binigyan ko lang sila ng sakit sa ulo.

Hindi pa ako handang mamatay!

To be continued...