KIRO
HININTAY ko na may baseball bat ang tatama sa aking mukha pero lumipas na ang ilang minuto ay wala man lang akong naramdamang sakit. Nang imulat ko ang aking mga mata ay tanging mukha lang ng Lalaking walang emosyon ang nakatingin sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa papunta sa pwesto ko pero kahit gustuhin ko mang lumayo ay hindi ko na maatras ang aking mukha.
"Pay for what you've done." Aniya kasabay ng pagngisi. Dinukot nito ang wallet sa bulsa ko at tinitigan ang laman niyon.
"Hoy bitawan mo iyang pitaka ko!" Sigaw ko pero parang walang narinig ito.
Namilog ang mata ko ng makita ang dinukot nito sa wallet ko. Mas lalong napangisi siya dahil sa kaniyang nakita dahilan para mainis ako.
"What's this?" Nakangising saad nito. "Lucky charm?" Sabay mahinang tawa niya na sinabayan ng mga kaibigan nito. Pakiramdam ko ay nahihiya na ako sa laman ng wallet ko.
Ano namang problema sa condom?! That's normal!
"Ibalik mo sa'kin 'yan Malcolm." Nagtagis ang bagang nito ng banggitin ko ang pangalan niya. Natiklop ang dila ko sa paraan ng pagtitig niya.
Hindi ko alam saan ako nakakuha ng lakas ng loob para banggitin ang pangalan niya. Narinig ko lang naman ang pangalan niya nang magbulungan ang kaibigan niya.
"Don't call me in my name." Sabay lapit nito at kinulong ako sa mga bisig.
Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman. Ilang minuto rin siyang nakatingin ng diretso sa akin bago lumayo kaya nakahinga na ako nang maluwag. Tinanggal niya ang lubid na nakatali sa akin pero bakat doon ang pagkahigpit ng tali at pulang pula ito.
"Weren't done yet." Malamig niyang sabi at naglakad na papalayo.
Aambahan ko sana siya ng suntok pero kaagad din akong umikot patalikod nang binalikan niya ako ng tingin. Napahinga ako nang malalim dahil muntikan na niyang makita ang ginawa ko.
Nang maiwan na akong mag-isa ay nilibot ko muna ang paligid dahil malay mo ay nagsisinungaling pala ang hinayupak na 'yon. Ng Makita kong ligtas na sa paligid ay naglakad na ako pabalik ng klase pero hindi pa man ako nakakalabas ay may tubig ang bumuhos sa akin mula sa itaas. Isang malamig na tubig na may lamang mga dahon.
Rinig ko ang malakas na tawanan mula sa labas at ngayon ko lang napagtanto na maraming mga Estudyante ang nakatingin sa akin. Napakuyom ako ng makita si Malcolm na nakatingin sa akin habang nakangisi ang labi at katabi niya ang mga pugo niyang kasama. Pinikit ko ang aking mga mata para pigilan ang sarili na magalit. Naglakad na ako papuntang locker para magpalit ng damit dahil alam kong may extra pa roong P.E uniform ngunit nang buksan ko ang locker ko ay bumungad sa akin ang nagkalat na mga basura sa loob.
Mabilis kong tinanggal ang mga kalat pero nadapo ang tingin ko sa lalakinL nakasandal sa locker hindi kalayuan sa pwesto ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa dahilan para mas lalong kumulo ang dugo ko. Lumapit ako sa kaniya at mabilis siyang kinuwelyuhan. Maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin dahil sa eksenang nangyayari pero wala na akong pakialam kung tinititigan nila kami dahil hindi ko na kaya pang magtimpi sa lalaking ito.
"Ano ba'ng problema mo?!" Hindi ko na mapigilan pa ang sigawan siya. Pero tinanggal lamang nito ang kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya at tinitigan ako ng walang emosyon.
Naglakad na siya papalayo habang nakapamulsa kaya hindi ko na mapigilan pa ang mainis. Mabilis kong tinanggal ang isang sapatos ko at binato iyon kay Malcolm.
Napasinghap ang lahat ng estudyante sa ginawa ko. "Huwag mo akong talikuran kapag kinakausap kita! Ano ba'ng nagawa ko para ganituhin mo 'ko?!" Unti-unti siyang humarap sa akin at pinulot ang sapatos ko na itinapon sa kaniya.
"Kiro!" Sigaw ni Rico na papalapit sa akin at hinawakan ako sa braso. "Halika na." Aniya at pinilit na hinahatak ang braso ko. Pinipigilan ko si Rico pero hinatak na ako ng tuluyan nito paalis roon.
Argh! Napakasama talaga ng Malcolm na 'yon!
"Nakakainis talaga siya!" Inis kong bulong dahilan para marinig ni Rico.
"Ito gamitin mo na lang ang jacket ko. Kinuha ko galing sa locker ko." Nag-aalalang sabi niya. Tinitigan ko naman siya at tinanggap ang jacket.
"Salamat dito," dumiretso na ako ng cr para magpalit ng jacket kahit pala ang sando sa loob ng uniporme ko ay nabasa din. Alam mo iyong pakiramdam na gusto mong sumabog sa inis at pagsusuntukin siya sa mukha? Ganyan ang nararamdaman ko ngayon.
Nang makapagpalit na ako ng jacket ay pilit kong pinipihit ang doorknob pero ayaw na mabuksan nito.
Naknang teteng naman oh! Ngayon pa ba ako minamalas?!
"Hoy Rico buksan mo 'to! " Sinubukan kong kalampugin ang pinto pero walang nakakarinig sa mga kalampog ko. "Rico, hindi na ako nakikipaglokohan sa'yo." Iritable kong sabi. Napansin kong bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Rico.
"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka na naman ba nila?" Sabay hawak niya sa dalawang balikat ko. Tumaas ang kilay ko dahil sa mga tanong niya. "May dalawang Lalaking pumasok dito kanina at nakita ko na sila rin ang nagbuhos sa'yo ng malamig ng tubig. Sorry hindi ko kaagad napansin." 'Di ko na mapigilan ang mapakuyom sa galit.
"Ano ba'ng mga problema nila?! Kung makaasta sila akala ko may ginawa akong masama sa kanila!" Singhal ko habang mabilis ang paghinga.
"Kumalma ka lang Kiro, baka pwede namang ipagliban na lang natin ito--"
Hindi ko na pinatapos pa si Rico at mabilis na naglakad papunta sa classroom. Wala na akong pake kung isa lang ang suot kong sapatos dahil hindi ko na matiim ang mga ginagawa niya. Pagkapasok ko sa classroom ay naabutan ko si Malcolm na prentang nakaupo habang may headphone sa tenga. Mabilis akong lumapit at tinanggal ang headphone sa tenga nito.
"Sumusobra ka na," sabay kwelyo ko sa kaniya kaya napatayo siya mula sa kinauupuan. "hindi na ako nakikipaglokohan sa inyo dahil hindi ako papayag na ganituhin niyo ako!" Ipinakita ko sa kaniya ang ngiti ng lintik na walang ganti. "Hindi pa tayo tapos, Malcolm." Sagot ko at binagsak siya paupo sa kaniyang upuan.
May mga estudyante ang napatingin sa amin at nagbubulungan na. Bumalik ako sa upuan at sakto naman ang pagdating ni Rico. Tumabi kaagad ito sa akin at bumulong.
"Nahihibang ka na ba Kiro?! Ano na namang ginawa mo at ang sama ng tingin sa'yo ni Malcolm?" Bulong ni Rico sa akin.
Hindi ko siya pinsansin dahil wala na ako sa mood pang makipag-usap. Nagsimula na ang klase kahit subukan ko mang makinig ay lumilipad ang isipan ko sa pugong Malcolm na 'yon.
Mabuti na lang may dalang tsinelas si Rico at pinahiram nito sa akin para kahit papaaano ay hindi ako naka-paa lang.
Naglaho ang iniisip ko ng may papel ang bumato sa likuran ko at nakacrampled ito. Napapikit ako nang mariin at tinignan kung sino ang bumato pero walang tao ang tumingin sa akin. Dumapo ang tingin ko kay Malcolm na nakataas ang dalawang kilay na nakatingin.
"Ikaw na batang nakaupo sa likod." Napaikot ako nang tingin ng marinig ang boses ni miss habang ang mataray nitong mata ay direktang nakatingin sa akin. Dali-dali akong napatayo at humingi ng tawad.
"Sorry miss." Pagpapaumanhin ko.
Nagpatuloy na muli ito sa pagtuturo habang mataman kong tinitignan si Malcolm. Kulang na lang ay may laser ang lumabas sa aming mga mata at bumulagta ang isa samin dito.
Nang matapos na ang klase ay nagmadali akong pumunta ng locker. Ano'ng akala niya hindi ako gaganti dahil sa mga ginawa niya? Hindi ako papayag.
"Sigurado ka ba sa gagawin natin?" Nag-aalinlangan na sabi ni Rico sa akin at hinarap ko naman siya.
"Ano ako? Papayag na lang na ganituhin niya?" Wala ng nagawa pa si Rico kung hindi sumang-ayon na lamang sa plano ko kaya kinuha ko na ang basurahan mula sa trash can na buhat ni Rico simula kanina pa. Sinimulan ko nang lagyan ang locker ni Malcolm at hindi ko maiwasan ang mapangiting demonyi dahil sa tuwa. "Tara na." Sabay akbay ko kay Rico paalis doon.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mapahalakhak sa tuwa. Nakita ko si Rico na naiiling na lang dahil sa inaakto ko.
Bumawi lang naman ako masama ba? And he deserved that, buti nga iyon lang ang nagawa ko dahil hindi niya alam kung ano talaga ang kaya kong gawin na siguradong pagsisisihan niya.
Lumiko na si Rico dahil magkaiba kami ng destinasyon. Pero malapit lang dito sa amin ang bahay nila kaya hindi malabong magkasalisi kami. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Papa na nagluluto na ng pagkain para sa hapunan.
"Mukhang ang saya ng Anak ko ngayon ah," panunukso ni Papa pero natatawang umiling lang ako.
Dumiretso na ako sa itaas sa kwarto ko para magpalit ng damit dahil kailangan kong labahan itong damit uniporme ko na nabasa pati ang jacket ni Rico. Napansin ni Papa na naka tsinelas akong umuwi kaya nagtanong ito kung ano ang nangyari at ang sinabi ko lang ay nasira. Gusto pa sana niyang bigyan ako ng pera para bumili ng bago pero tumanggi ako. Pinaliwanag ko rin sa kaniya na natapunan ng juice ang uniform ko kaya naka P.E ako na umuwi.
"May natira pa naman sa ipon ko." Sagot ko kay Papa.
"O sige, pagtapos mong magbihis bumaba ka na para maghapunan," aniya na kinatango ko.
Nang matapos na akong magbihis ay naabutan ko si Papa na naghahanda na ng hapunan. Nagsimula na akong kumain dahil hindi ako nakakain ng tanghalian kanina dahil sa hinayupak na Malcolm na 'yon. Napaangat ako nang tingin ng maramdaman ang tingin ni Papa at Lola sa akin.
"May problema ka ba Kiro ijo?" Kunot noong tanong ni Lola. Umiling naman ako at nagpatuloy lang sa pagkain.
Nagpaalam na ako sa kanila pagtapos kong kumain at bumalik na sa aking kwarto para gawin ang mga assignments ko. Mahigit ilang oras rin kong ginugol ang oras ko matapos lang ang mga assignments hanggang sa napansin kong alas onse na pala ng gabi.
Napaunat na lamang ako at humiga na sa aking kama. Naiisip ko pa lang ang reaksiyon ni Malcolm na kapag nakita niya ang kaniyang locker na puno ng basura ay paniguradong uusok ang ilong niyon sa galit. Para akong timang na tumatawa mag-isa sa loob ng kwarto hanggang sa naisipan ng matulog dahil baka mahawa lang ako sa utak ng Malcolm na 'yon.
Kinaumagahan ay muntikan pa akong ma'late sa paggising dahil sa lintik na Malcolm na iyon, mabuti na lang ay ginising ako ni Papa. Ibinaon ko na lang din ang almusal na ginawa niya at nagmadaling naglakad papasok baka maiwanan pa ng bus.
Pinahiram muna ako ni Papa ng luma niyang sapatos para makabili ako mamayang hapon pagtapos ng klase ko.
"Mag-iingat ka sa pagpasok mo!" Paalala ni Papa at tumango naman ako.
Habang naglakakad papasok ay bigla akong nakatanggap ng text galing kay Rico at tinatanong nito kung nasaan na raw ba ako dahil kanina pa siya sa school. Sinabi ko naman na nakasakay na ako ng bus papuntang school. Nang matapos na akong magreply kay Rico ay ibinalik ko na sa aking bulsa ang cellphone.
Ilang minuto rin nang makarating na ang bus sa school ng Hustone. Nagmamadali akong bumaba para maabutan ko pa ang unang subject at sakto namang pagdating ko sa classroom ay ang pagdating ni miss. Tinanong pa ako ni Rico kung bakit ako late at sinabi ko namang tinanghali lamang ako ng gising.
"Magkakaroon kayo ng activity bukas sa subject ko at gusto ko na ang bawat isa sa inyo ay magkakaroon ng kooperasyon sa isa't-isa, maliwanag?" tanong niya na sinang-ayunan naming lahat.
Habang binabanggit ang bawat pangalan ng magkapartner ay tila sumasabay ang puso ko sa bilis nito. Napansin kong hindi pa natatawag ang pangalan namin ni Rico kaya malakas ang aking kutob na magiging kapartner ko siya dahil magkalapit lang ang letra ng unang apelyido namin.
"Rico and Carl, kayo ang magkapartner." Parang nanlumo ako ng marinig ang sinambit ni miss. Tinitigan kong mabuti ang bawat paggalaw ng bibig nito na baka nagkakamali lamang siya sa sinabi niya pero ng marinig ko na ang pangalan ko ay bumagsak ang panga ko.
"Malcolm Dela Vega and Kiro Delos Santos." Huling pangalan at parang ito na rin ang huling araw ko dahil sa pangalang binaggit ni Miss. "Mayroon ng kapartner ang bawat isa sa inyo, sinong may problema regarding sa kapartner?" Mabilis kong itinaas ang aking kamay dahilan para mapatingin sa akin si Miss at ang mga kaklase ko. "Mr. Delos Santos may problema ba?" tanong niya kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo at sumagot.
"Pwede po bang makipagpalitaan ng kapartner? Alam kong may gustong makipagpartner kay Mr. Dela Vega huwag lang po sana ako." Sabay ikot ko nang tingin dahil nagbabakasakali akong may maglakas ng loob na makipagpalitan ng kapartner sa akin pero nag-iwasan lamang nang tingin ang mga kaklase ko.
Bakit parang takot sila? Nakita ko ang pagpipigil ng ngiti ni miss.
"May gusto bang makipagpalitan ng kapartner kay Mr. Delos Santos?" Tanong ni miss sa lahat pero wala man lang ang tumapon ng atensiyon dito. "Sorry Mr. Delos Santos you just need to cooperate with him. Okay class dismiss." Paalam ni maam. Tulalang nakatayo pa rin ako habang pinoproseso sa isipan ang mga narinig. Nabalik ako sa huwisyo nang tapikin ako ni Rico sa balikat.
"Ayos lang iyan Kiro." Natatawa niyang sabi sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinapunan ko ng tingin si Malcolm at pansin ko ang ngisi sa kaniyang labi na parang inaasar ako. Pinipigilan ko ang sumabog sa inis kaya padabog akong umupo at napakuyom. May kung ano ang nagsasabi sa akin na tila sinadya niya ito, alam mo iyong pakiramdam na parang pinlano niya ang lahat.
Argh! Kakainis!
Nang dumating na ang next subject ay itinuon ko rito ang atensiyon ko at sa tuwing nagpaparecitation ay binabato ko ng papel si Malcolm kaya ang nangyayari ay siya ang tinatawag.
Nakabawi rin ako sa wakas.
Masamang nakatingin sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Nakita ko kung paano gumalaw ang panga nito at nagsignal na humanda ako sa gagawin niya. Napangisi lang ako para asarin siya.
Ang akala niya ba ay natatakot ako sa kaniya? Pwes, hindi ako natatakot sa pugong 'yan.
Kinolekta ko na ang mga assignments na inutos sa akin ni sir Jeremy kahapon pero ng nasa harapan na ako ni Malcolm ay inilahad ko ang aking kamay sa kaniya kahit na labag sa loob ko. Nagtaas lamang siya ng kilay na parang walang pakialam sa presensiya ko. Padabog na kinuha ko sa lamesa nito ang notebook niya at naglakad na ako papuntang faculty. Nilapag ko sa lamesa ni sir ang mga notebooks dahil wala siya roon at sinabi ng mga teacher na nasa klase pa kaya iniwan ko na lamang sa lamesa nito.
Habang naglalakad ako pabalik ng klase ay napansin ko ang mga titig ng estudyante sa akin na sinasabayan nang halakhak at pagpipigil ng tawa.
Ano'ng problema nila?
Hindi ko na lamang sila pinansin at bumalik na ng klase pero kahit sa loob ng classroom ay puro tawa ng mga kaklase ko ang bumabalot sa loob ng silid.
"Woah! Kakaiba ka talaga Kiro!" Ani ni Michael na isa sa grupo ng pugo na sinabayan ng sipol. Mabilis na lumapit sa akin si Rico at nakita kong may tinanggal ito sa aking likuran. Isang papael na may nakasulat na 'I'm still virgin'.
Unti-unting nag init ang ulo ko na parang anumang oras ay sasabog na ako sa inis. Napatitig ako kay Malcolm na prentang nakaupo habang bakas sa labi nito ang ngisi.
Mabigat ang bawat hakbang ko na lumapit sa kaniya at binato ang papel na idinikit niya.
"Ano ba'ng problema mo?! Ginagantihan mo ba ako?" Napakuyom ako sa inis ng titigan niya lang ako ng may pagkabagot. Hindi ko na napigilan pang ilapit ang mukha sa kaniya. "Hindi ako papayag na ganituhin mo ako Malcolm, hindi pa tayo tapos."
Hinatak ko na si Rico para dumiretso ng canteen at kumain. Mas mabuti ng idaan ko na lang sa pagkain ang galit na nararamdaman ko keysa masapak ko ang Malcolm na 'yon at mapatalsik ako sa school na 'to.
"Alam mo pre hindi mo na lang dapat pinatulan si Malcolm." Aniya habang kumakain ng sandwich.
"Ano'ng gusto mong gawin ko?! Hahayaan na lang na ibully niya ako? Hindi ako makakapayag." Sagot ko sabay kain ng kanin na may adobo.
"Alam mo namang madaming fans iyon kaya siguradong hindi ka mananalo." Napahinto ako sa pagkain ng banggitin niya ang mga salitang iyon.
"Kinakampihan mo ba siya?" Singhal ko sa inis.
"Hindi naman sa gano'n bestfriend. Si Malcolm kasi ang klase ng tao na hindi papatulan ng kung sino at bali-balita na leader daw ng gang iyan." Pabulong niyang sabi kaya nag-arko ang kilay ko paitaas. "Iyon ang naririnig ko sa mga kaklase natin kaya maraming takot sa kaniya. Kaya habang maaga pa lang ay layuan mo na siya, Kiro." Aniya kasabay nang pagtapik sa balikat ko.
Parang may sumuntok sa kokote ko ng marinig ang mga sinabi ni Rico. Napansin ko na halos lahat ng estudyante ay tumitingin sa pwesto namin ni Rico habang ang mga mata ay puno ng galit. Napaiwas na lamang ako at hindi na pinansin ang atensiyon nila. Ngunit naramdaman ko na lang ng biglang may malamig na juice ang tumapon sa pantalon ko.
"Ohh sorry hindi ko sinasadya." Sambit ng isang babae kaya napatayo kaagad ako.
"Ayos lang." Sagot ko sa babaeng nakatapon ng juice sa akin at kinuha ang panyo para punasan ang pantalon. Napansin kong may binulong ang kasama nitong babae at mabilis silang naglakad palayo. Nakunot ang noo ko sa kinilos nilang dalawa pero hindi ko na lamang pinansin at dumiretso ako ng cr para linisin ang natapon na juice. Binasa ko ang panyo at pinunasan ang pantalon na mababakas ang basa dito dahil sa orange na flavor nito.
Napatitig ako sa salamin ng makita ang sariling repleksiyon.
Wala namang problema sa mukha pero bakit sila biglang umalis?
Nagkibit balikat na lamang ako at naglakad na palabas. Naabutan ko si Rico na nakaabang sa pinto na tila ba may nagmamadali ito.
"Mabuti naman at lumabas ka na, nasa hospital daw si tito." Aniya.
"Ano?!" Gulat na tanong ko.
"Puntahan mo na si tito at ako na ang magsasabi sa adviser natin tungkol dito." Mabilis akong nagpasalamat at nagmamadaling naglakad.
Ano na namang nangyari kay Papa?
Pumara kaagad ako ng taxi at pinuntahan ang hospital na sinabi ni Rico. Pagkarating ko roon ay nagtanong agad ako sa front desk kung saang room si Papa. Sinabi naman nito kaya kaagad akong umakyat sa itaas at pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Papa na nakahiga sa kama niya habang katabi si lola.
"Apo bakit dumating ka pa?" Tanong ni Lola na nakatayo sa gilid. Kahit matanda na si Lola ay napakalakas pa rin nito kahit sa mga gawaing bahay.
"Ano pong nangyari bakit nandito kayo? Hindi niyo na naman po ba ininom ang gamot na binigay sa inyo?" Alalang tanong ko at mabilis namang natawa si Papa. "Papa naman! Natatawa pa kayo sa sitwasyon niyong iyan?!"
"Anak hindi mo naman kailangan mag-alala dahil ayos lang ako. Nalimutan ko lang inumin ang gamot kaninang umaga at pumasok sa trabaho kaya hindi ko napansin na nawalan na ako ng malay." Sagot niya.
Napabuntong hininga naman ako at umupo sa kaharap niya.
"Papa pinag-alala niyo ako lagi, kung hindi dahil kay Rico ay siguradong 'di ko malalaman na sinugod ka na naman sa hospital."
Para akong timang sa tuwing nangyayari ito, na kulang na lang ay umiyak dahil sa sitwasyon namin. Hindi kasi pwedeng mapagod si Papa lalo na ngayon na mahina ang katawan niya.
Iniwan ko muna sila ni Lola sa loob at pumunta ng front desk para tanungin ang bill. Sinabi rin ng Doctor na pwede ng makauwi si papa basta ipahinga lang nito ang kaniyang katawan at hindi na magpapagod pa.
Nagtanong si Papa kung ako ba ang nagbayad ng bills at hindi naman ako tumanggi kaya ang nangyari ay hindi niya ako pinansin hanggang sa bahay.
"Maiiwan ko muna kayong dalawa Apo dahil nagtatampo na naman iyang Tatay mo." Ngiting sabi ni Lola at tumango naman ako kaya umakyat na ito sa itaas.
Tahimik lamang kami ni Papa sa sala at nag-iiwasan ng tingin kung sino ang unang magsasalita.
"Sorry, Pa." Iyan lang ang tanging nasabi ko hanggang sa ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.
"Hindi naman ako galit sa'yo Anak, nahihiya lang ako na ikaw pa ang gumastos ng hospital bill. Si kumpare ang nagsabi kay Rico na itinakbo ako sa hospital." Naiiling niyang sabi.
"Papa naman okay lang naman sa akin na ako ang magbayad ng hospital bill."
"Kiro Anak hindi ba't wala ka pang trabaho? Paano ka ngayon?" Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay ni Papa.
"Makakahanap naman po ako at siguradong-sigurado ako." Desidido kong sagot,
Nagkwentuhan muna kami ni Papa sandali hanggang sa pinakain muna siya ni Lola ng tanghalian pagkababa nito mula sa itaas. Mukhang kailangan ko ng makahanap ng trabaho dahil nabawasan na ang pera sa alkansiya ko. Napatayo na ako at nagpaalam sandali para pumunta ng tiyangge at bumili ng bagong sapatos.
"Mag-iingay ka,"
"Opo." Sabay kaway ko.
Pagkarating sa tiyangge ay hindi ko inaasahan na maraming tao ngayon. Natagalan tuloy ako sa pagpili. Pero ng mapansin ko ang mga ibang sapatos dito ay hindi sumasakto sa paa ko kaya naisipan kong pumunta na lang sa mall na malapit dito. Doon ako naghanap at nagbabakasakaling may mura na sapatos at maganda ang kalidad.
Naglibot-libot na rin ako pero may isang sapatos ang nakaagaw ng atensiyon ko. Napangiti ako at hinawakan ang sapatos. Ngayon lang ako napatulala sa sapatos na 'to pero ng makita ko ang presyo ay parang gumuho ang mundo ko kaya mabilis kong ibinalik ang sapatos sa pwesto nito.
"Sir mukhang maganda po ang taste niyo sa sapatos at limited edition po iyan." Ngiting sabi ng saleslady habang kumikislap ang mga mata. Napakamot naman ako sa batok dahil wala talaga akong pera pambayad ng sapatos.
"Ahh sorry hindi ko kukunin." Tatalikod na sana ako nang hablutin nito ang braso ko.
"Sir dahil nandito na rin po kayo bakit hindi niyo po subukan lumibot at baka makakita po kayo ng gusto niyo? Dahil cute ka naman may percent off ang bibilhin mo." Sabay kindat nito. Para akong timang na nangingiti dahil maraming mga tao na pala ang nakatingin sa amin.
"Ang gwapo naman niya!"
"Ngayon ko lang siya nakita dito sa mall kyah!"
Napatango na lamang ako at naglibot sa loob. Napansin ko na nakasunod lang sa akin ang saleslady at kung minsan ay naabutan ko itong kinukuhanan ako ng litrato mula sa likuran. Mas lalong umingay ang tili ng may isang tao ang pumasok sa loob habang nakasuot pa ng shade. Maangas itong naglalakad na parang nirarampa ang suot.
"May isa pang gwapo tara girls!"
"Parang mahuhulog na ata ang panty ko sa mga gwapo dito!"
Sigawan at tilian ng mga babae sa paligid. Nanliit ang mata ko ng makilala kung sino iyong Lalaki na pumasok ng mall.
Marunong pa lang magcutting ang isang ito? Tsk.
Mabilis na lumapit ang saleslady kay Malcolm at nagpacute.
"Sir may bibilhin po ba kayo dito?" Kinikilig na tanong niya kay Malcolm.
Nandito na naman ba siya para inisin ako?
To be continued...