PROLOGUE:
Nakangiting ihinarap ni Ivy ang camera sa klase niyang handang handa ng magpakuha ng litrato para sa kanilang class picture.
Handang handa ng sumabak sa giyera. Sa kabila nito, nakangiti pa rin niyang inaayos ang anggulo ng camera bago nasasabik na nagsalita.
"Ito ang unang litrato ko kasama ang bagong advisory class ko. Hindi man maayos tingnan pero ito ang isa sa mga hindi ko malilimutang araw ng buhay ko." Nakangiti niyang sambit at ng maayos na ang camera ay nagmamadali siyang pumwesto sa gitna at nakangiting tumingin sa camera.
Kahit na magulo ang klase niya. Kahit na may sari sariling mundo ang mga ito. Kahit na hindi sila iisa at mag kakaiba ng paniniwala at hilig. Hindi ito naging hadlang sa kaniya para matamis na ngumiti sa harap ng camera at ipakita kung gaano siya nagagalak at nasasabik sa mga oras na magiging guro siya ng mga ito. Na sa klaseng ito lang niya naramdaman.
Ng matapos ay tumayo na siya at tiningnan ang camera'ng ginamit niya sa pagkuha ng litrato. Kitang kita dito kung anong klaseng mga mag aaral ang makakasalamuha niya sa loob ng isang taon. Iba't ibang klase ng mag aaral na ni minsan ay hindi niya nakilala sa buong buhay niya.
Nakangiti niyang tiningnan ang mga ito.
I know hindi ito magiging kasing dali ng mga nauna kong klase. Pero ito ang magiging pinakamasayang klase na hinawakan at hahawakan ko sa buong buhay ko ng pagtuturo. Ipinapangako ko iyan.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Your Crazy Author's Note:
Another story to make.. Another life to create.. Another pa hirap to me.. Charoott??
So good evening my dearest/loveliest/kindest/prettiest/most gorgeous/most beautiful readers?.. Here I am again.. Creating another story for you. Be kind to me. Babae ako pero nangangain to.. Grrr.. Charr?
Actually tapos na tong story na ito. Ako ang gumawa nito, which is obvious?Ginamit namin sa film showing na kailangan namin sa school and I was the one na na assigned sa script. At hindi sa pag mamayabang ha? Natapos ko lang naman ang story na ito sa loob lang ng........ 3 weeks??tagal, 'di ba?? ??
I was actually so damn tired to create a story again. So I hope magustuhan ninyo ito. This story? Not so haba. Pero hinding-hindi ka mabibitin? paiiyakin ka lang char?
So good luck ulit sakin? I hope matapos ko na agad to sa sobrang ikli ng story na nagawa ko? I hope you all like it.. Worth it syang basahin.. Marami kang matututunan.. Yun lang??
Yours truly,
Crazy Annesheeeee ❣️❣️