Ms. Ivy's POV:
KUNOT NOO akong nanatiling nakatayo sa labas ng silid aralan ng klase ko at pinagmamasdan ang ng bawat isa sa kanila.
Ang gulo! Napaka gulo!
May mga mag aaral na nag aasaran, mga babaeng nag aayos ng mukha at nag haharutan, mga lalaking nag susuntukan, mag jowang naglalandian, mga sipsip na nag iirapan, ang nerd na napag iiwanan at mag aaral na mukhang na out of place lang.
Oo alam kong magulo sila.. pero hindi ko naman inakalang ganito kagulo. My goodness! Parang sa taon pa na 'to ako mauubusan ng hininga ah. Wag naman sana.
Bumutong hininga ako bago tuluyang pumasok sa loob.
Tingnan ninyo! Maski pagpasok ko hindi nila pinansin! Mga walang galang! Joke lang hahaha...
Tumayo ako sa harapan at balak ko na sanang mag salita ng biglang may lumilipad na sapatos na papunta sa akin kaya naman agad ko itong sinalo at muling ibinato sa kanila. 'Di joke lang.
Pagkasambot ko sa sapatos ay doon pa lang tuluyang lumingon sa akin ang lahat ng estudyante ko. Nakangiti ko silang pinagmasdan isa isa bago ako nagsalita.
"You guys ready to listen now??" Nakangiting tanong sa kanila ngunit sa halip na makatanggap ako ng sagot ay agad nila akong tinalikuran at muling bumalik sa mga ginagawa nila.
Lumapit sa akin ang isa kong mag aaral na si Adam at hinablot sa kamay ko ang sapatos niyang muntik ng tumama sa mukha ko kanina. Mabuti na lang talaga at nakita ko 'yon! Kung hindi! Baka may bakat na ng swelas ngayon ang mukha ko!
Nakangiting naiiling akong naupo at inihanda ang attendance ko at saka muling ginawa ang palagian ko ng ginagawa simula ng maging estudyante ko sila. Inihanda ko na ang ballpen ko at ang attendance bago huminga ng malalim at saka nakangiting hinarap sila. "Attendance guys! Say present if I call your name!!" Sabi ko sa kanila at gaya ng nakasanayan, wala ako muling na tanggap na sagot mula sa kanila. Hindi ko na lamang 'yon pinansin at nagsimula na.
"Boys! Adam Andrada!!" Pasigaw na tawag ko dito ngunit wala akong na tanggap na sagot mula dito.
Palaging ganito ang bungad sa akin ng mga mag aaral ko sa tuwing magkakaroon kami ng attendance checking. Tiningnan ko si Adam. Tuwang tuwa itong nakikipagbatuhan sa mga kamag-aral niyang kagaya niya ay mahilig din sa kalokohan. Naalala ko pa noong isang araw lang, ang mga walang hiyang batang 'yan! Nilagyan nila ng bubble gum ang upuan ko at hindi ko iyon napansin kaya dumikit sa palda ko ang bubble gum na iyon at bago ko pa nalaman, nakita na ng lahat ng tao sa school. Kung hindi pa sinabi sa akin ng isa kong kapwa guro, hindi ko pa malalaman!
Pero kahit na ganiyan ang ugali ng mga pasaway na 'yan, hinding hindi ko sila susukuan. Fight lang! "Adam. Say present!" Nakangiti kong sabi dito. Walang gana niya akong tiningnan bago tinatamad na itinaas ang kamay niya. Mas lalong lumawak ang ngiti ko dito na siyang ikinairita niya kaya naman agad niyang ibinato sa akin ang hawak niyang ballpen na agad ko rin namang nailagan. "Asintahin mo ang target mo, Adam. Para hindi na mag-failed ulit, okay?" Nakangiting sabi ko dito bago ibinato pabalik sa kaniya ang ballpen niya.
"Talk to your ass." Asar na sabi nito na tinawanan ko na lamang.
Sa araw-araw kong nakakasagutan ang mga mag aaral na ito, hindi na bago sa akin ang mga murang pinagsasabi nila. Kapag sinisita ko naman sila, lalo nilang pinag iigihan at hindi sila titigil hangga't hindi ka nila naasar ng tuluyan. Kaya naman sanay na ako sa mga iyan.
"I'll try later." Nakangiting sabi ko dito. Agad naman itong napangiwi.
"You're gross," nakangiwing sabi nito bago muling hinarap ang mga kaibigan niya.
"Yes, I know. Brandon Cruz?" Pagtawag ko sa kasunod na pangalan. Inilibot ko ang paningin ko at natagpuan ko ito sa gilid kasama ang mahaharot niyang kaibigan.
Oo na! Judgemental na kung judgmental! Eh, sa 'yun ang tawag nila mismo sa sarili nila. Kaya nakitawag na rin ako. Choss lang. 'Yun lang talaga ang tawag sa kanila kaya ganon.
"Nandito ang magandang si Brielle, Ms!" Pabalik na sigaw ng baklang Brandon sa akin. Naiiling ko na lang siyang nginitian at saka muling tumawag ng pangalan.
"I know, right! Holland Dela Cruz?" Nakangiti kong pagtawag dito. Sandali niya akong nginitian at agad ring sumimangot.
"Hi," tanging sabi nito bago nakigulo sa mga kabarkada niya.
Inilingan ko na lamang ang kaguluhang iyon ng kanilang grupo at saka muling nagpatuloy. "Diaz, Kaydee??" Tawag ko dito at agad na bumaling ng tingin sa grupo ng mga estudyante kong busy sa pag aayos ng kanilang nga mukha.
"It's Kennedy, Ms!" Naasar na sabi nito sa akin habang malalim ang pagkakakunot ng noo nito. Inirapan pa ako nito bago nakapag harutan sa mga kaibigan niyang... mahilig din sa make up.
"Okay! Okay! Hahaha... Aiden Flores?" Tawag ko naman sa estudyante kong wala na yatang ibang alam again kung hindi ang makipagharutan sa girlfriend nito.
"He's busy with his queen!" Sagot sa akin ni Alexa. Ang girlfriend nito. Nang aasar na pinagmasdan ko sila bago ako muling nagsalita.
"PDA! Wala ng poreber!" Nang-aasar na sabi ko sa nga ito. Tumayo si Alexa at katulad ng palagi nitong ginagawa, tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago ako barahin.
"Wala ka lang ka poreber, Ms. Huwag mo kaming idamay diyan sa ka-bitter-an mo. Tse!" Mahina akong napahagikhik sa sinabing iyon sa akin ni Alexa. Inirapan lamang ako nito bago nakangiting hinarap ang boyfriend niya.
"Elias Garcia!" Inilibot ko ang paningin ko at hinanap ang palagi nitong pinagtataguan sa tuwing male-late ito sa aming klase. "Elias?" Muli kong pagtawag sa pangalan niya. Kumakamot sa batok itong tumayo ng tuwid bago naiilang na tumingin sa akin.
"Late, Ms. I'm sorry." Inangat ko ang kamay ko at iwinagayway iyon senyales na pinapabalik ko na siya sa kaniyang upuan.
"It's okay. Is Leo Marquez here?" Tanong ko sa mga ito ngunit wala akong narinig na ibang sagot maliban na lamang sa mahinang tinig na aking narinig sa aking gilid.
"I'm here, Ms." Mahinang sabi nito. Nginitian ko siya at saka muling nagsalita.
"Good morning, Leo." Nakangiting pagbati ko dito. Nginitian niya ako pabalik. Ngunit agad din iyong naglaho ng may kung ano itong nakita sa aking likuran.
"G-good morning, M-miss." Nauutal na bati nito sa akin pabalik. Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lamang sa pagtatawag ng pangalan.
"Nicholas Ramos?" Tawag ko sa isa sa mga kaibigan ni Adam na siyang pinaka tahimik sa kanila. Hindi ito sumagot kaya naman muli kong tinawag ang kanyang pangalan. "Nicholas Ramos."
"Shut up, will you?!" Inis na reklamo nito sa akin na siyang tinawanan ko lang. Inis na yumuko ito at hindi na ako muling hinarap pa.
"Maybe next time. Mateo Rivera?" nakangiting tawag ko sa pangalan niya ngunit gaya ng iba, tanging pagngiwi lang ang isinagot nito sa akin.
"Go to hell." Mahinang bulong nito na tila isang magandang awit sa aking pandinig. Choss lang!
At kailan pa naging maganda sa pandinig ang ganoong klase ng mga salita, aber?! That's.... a sentence, of course. Psshh..
"I'm an angel, Mateo. Austin? Austin Salazar?" Nakanunot noo niya akong hinarap at pawang nag shoot ito sa ere. Saka siya umarteng tila may pinagmamasdan mula sa malayo.
"3 point shoot! Boom!" Tuwang-tuwa nitong sabi at nakipag-apir pa kay Adam na kagaya nito ay mukhang tangang nagdidrible sa ere kahit na walang bolang hawak.
"Dominick Torres?"
Sa pagkakataong ito, hindi na talaga ako naghintay pa ng sasagot sa tawag kong iyon dahil palagi itong absent at wala sa aking klase.
Tatawag na sana ako ng panibagong pangalan ng may biglang nagsalita sa likod. Nakangiti ito sa akin at mukhang kahit siya ay hindi ine-expect na papasok siya sa araw na ito.
"Absent Ms!" Nginitian ko na lamang siya at hindi na pinansin pa.
"It's nice seeing you again. Girls. Grace Aquino?" Tawag ko sa unang babaeng estudyante ko na wala na ibang inatupag kung hindi ang humarap sa kanyang cellphone or sa salamin niyang may design na hello kitty.
"Hey yow!!" Jeje nitong sagot sa akin. Nginitian ko siya at saka muling nagsalita.
"Hi there! Alexa Bautista??" Tawag ko dito ngunit gaya ng nangyari noong si Aiden ang tinawag ko, sumagot din ito.
"She's taking care of me. Leave us alone, will you??" Asar na sabi nito sa akin. Tinawanan ko na lamang sila at hindi na ako muling nagsalita pa tungkol sa kanila.
"Nice catch, Aiden. Is Chloe still here?" Inilibot ko ang paningin ko at hinanap ang kaisa isa kong estudyante na wala na yatang ibang alam gawin kung hindi ang mag emote ng mag emote.
"Young, dumb and broke," puno ng emosyong sabi nito sa akin bago muling nagtago sa gilid at doon nagmukmok mag isa.
"Smile, Chloe. Gozon, Maxine?" Magiliw na sabi ko dito at saka humarap sa panibagong pangalang binanggit ko. Nakangiti ito ng matamis sa akin at kita mo ang paghanga sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. 'Di joke lang. Para namang kaya talaga akong tingnan ng ganon ng estudyante kong ang alam lang gawin ay sumipsip. Choss hahahaha..
"Hello, my beautiful teacher." Nakangiti nitong pagbati sa akin na agad namang nakatanggap ng angal mula sa katabi nitong kaagaw sa atensyon ko. Charooott! Ganiyan lang talaga magmahalan ang dalawang 'yan.
"I'm beautiful?" Nakangiting ganong ko sa kaniya. Proud naman ito ng tumango sa tanong kong iyon na siyang ikinangiwi ng ibang nakikinig. "I know right hahahaha... Alice Lopez?" Tawag ko dito ngunit sa halip na mura na siyang nakasanayan ko ng sagot niya sa akin, isang malutong na..
"Liar!" Ang natanggap ko muna dito na ikinatawa naman ng lahat. Tinawanan ko na lamang ang reaksyon nito at hindi na sila pinansin pa.
"Gorgeous, Alice. That's gorgeous." nang aasar na sabi ko dito ngunit inirapan lamang ako nito. Napahagikhik na lamang ako at hindi na dinugsungan pa ang pang aasar dito. "Gabriella Montano?" Natatawang tawag ko dito at gaya ng reaksyon ni Alice, tumutol ito sa pag puring ginawa sa akin ni Maxine. Buti na lang at nasanay na ako sa kaprangkahan ng mga estudyante ko.
Grabe! Hindi ko alam kung gaano karami yung iniyak ko nung unang araw kong pumasok sa loob ng room na 'to at nag turo. Hindi lang kasi pangpapaprangka ang ginawa sa akin ng mga hinayupak kong mga estudyante... Choss lang. Hehehe...
So back to what I'm saying.. aba 'yang mga mababait na 'yan!! Batuhin ba naman ako ng bag sa mukha! Sapul na sapul sa mukha ko ang shutang enemers na bag na 'yon. Tulog ako noon kasi tumama sa may ilong ko 'yung kung anong matigas na bagay sa loob noon!! At hindi ko 'yon matanggap hanggang ngayon kaya nga nagplano ako ng kahindik hindik na paraan ng pagganti sa kanila eh. Isa isa ko silang ikakadena at ipapalapa sa mga tambay sa kanto namin. Charrooottt lang! Anyways, back to my attendance.
"So arrogant," maarte nitong sabi sabay bukas ng abanikong palagi nitong dala at saka maarteng iginalaw ang kamay upang magpaypay. 'Yang batang iyang ang isa sa pinaka maarte kong mag aaral dito. Lahat na lang yata ng kaartehan na isinabog sa mundong ibabaw, nakuha ng batang iyan eh.
Oh my ghad! Nagiging prangka ka na rin, Ivy!! That's bad, you know??
Pusang gala! Kasalanan to ng mga putek na batang 'yan ehh!!
Shut up Ivy! Pwede mong pigilan! Adopt ka ng adopt diyan eh!
Naiiling na binalingan ko ng tingin si Gab at saka itong mahinang tinawanan. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagpapahangin ng sarili niya. "That's what you called confidence, Gabriella. Aira Navarro?" Tawag ko sa susunod na pangalan at hindi na ako umasa pang maganda ang isasagot ng dalagita sa akin dahil katulad nina Gabriella at Alice.
"Oh my ghad! Hurricane's coming!" Sarkastikong nitong sabi sa akin at sa humarap sa hawak niyang cellphone na madalas niyang gamitan sa pagkuha niya ng kaniyang mga litrato na siyang ipinipost niya sa kaniyang mga social media accounts. Paano ko nalaman? Simple lang. Palagi ng nagnonotify sa akin ang bawat pag uploads niya ng kaniyang litrato sa kaniyang fb account. Friends ko ang mga iyan sa fb kaya alam ko ang mga pinag-a-upload nila. At wala namang problema sa akin kahit na ano pa man ang i-upload nila basta ba naman hindi iyon makakasira sa kanila at sa kanilang pag aaral.
"I'm ready, Aira. Wanna join me?" Pang aasar ko dito at saka binalingan ng tingin ang kasunod na pangalang aking babanggitin.
Nakangiti ito sa akin at katulad ni Maxine kanina ay may pananabik din ito sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ganiyan nila ako ka-idol! Charr! "Zoe Villafranca?" Nakangiting tawag ko dito. Excited itong nagtaas ng kamay bago ako sinagot sa pagtawag kong iyon sa kanya. Malawak ang ngiti nitong nakatingin sa akin.
"I'm here, Ms. Pascua!" Malawak ang ngisi sa kanyang mga labi ng sabihin niya iyon. Mas lalo iyong lumawak ng ngitian ko rin siya pabalik.
This is what I want to my students. They have different characteristics that they always shown to me. And I'm very grateful dahil kahit na may pagkabastos ang ilan sa kanila na sumagot, alam pa rin nila ang kanilang mga limitasyon bilang mag aaral. Kahit na ganiyan katigas ang kanilang mga ulo, wala pa namang napapatawag sa kanila sa guidance office at wala pang nasu-suspend kahit na marami ng nabastos na mga kapwa guro ko.
Syempre kailangang makiusap 'no. Chos! I just pulled some string to make it right for them. I always talked to them whenever their subject teachers complained to me. We'll that's the least thing I can do for them para hindi madungisan ang kanilang mga record lalo na at malapit na ang kanilang graduation.
"I can see you, Zoe. Hazel Villanueva?" Pagtawag ko sa huling pangalang nasa aking attendance. Agad na nabalot ng katahimikan ang apat na sulok ng silid aralan naming ito ng marinig na nila ang pangalang iyon. Ganito ang palaging scenario sa tuwing pangalan na ni Hazel ang aking babanggitin. Noong una ay hindi pa ako sanay at kahit ako ay natatakot sa maitim na awrang nababalot dito. Pero habang tumatagal, unti unti ko na ring nalaman kung ano ba ang dapat kong gawin sa tuwing ito na ang aking tatawagin.
Maangas itong nakatingin sa akin at hindi alintana ang ngiting nakadisplay sa aking mga labi. Parang pati ito ay sanay na rin sa kung paano ko siya kausapin sa mga ganitong panahon. Pinanlakihan niya ako ng mga mata na pawang tinatakot ako na manahimik na lang ngunit gaya ng nakasanayan, tinawanan ko lang ito ng malakas at sinagot ang pananahimik nito sa akin.
"Bukas na, Hazel. Wala na ako dito bukas." Natatawang sabi ko dito na agad namang inangalan ng aking mga mag aaaral.
Sa limang araw bawat linggo kong nasa harap nila, palaging iyon ang sinasabi ko ngunit hindi ko rin naman ginawa at sinasabing ang bukas na iyon ay bukas pa. Hanggang sa nasanay na lang din sila sa akin at hindi na nagko-comment pa.
"Nababaliw na naman siya," rinig kong sabi ng isa kong mag aaral na agad namang sinang ayunan na mga kasama nito.
Pagkatapos ng magulong attendance na iyon ay bumalik ng muli ang mga ito sa kanilang mga ginagawa at hindi na muli pinansin ang existence ko sa kanilang harapan. And here I thought na papansinin na nila ako ngayong araw.
Wat da pak, Ivy?? Sa araw araw mong umaasa bakit hindi ka pa rin sanay hanggang ngayon??
Naiiling na kinuha ko ang nakahandang mga questionnaire at saka nilapitan ang mga nasa unahan. Ipinamigay ko ang mga ito ng tiglilima at habang ginagawa yon ay pinilit ko pa ring nilalabanan ang ingay na ginagawa nila.
Sa tatlong classroom na nasa floor na ito, tanging itong classroom lamang namin ang pinakamaingay sa lahat. Na hindi na rin naman bago sa akin at sa mga kapwa kong guro.
Kung ira-rank mula sa pinakamaingay hanggang sa pinakatahimik ang bawat seksyon na nandito ngayon sa fourth floor, masasabi kong pang una ang 10-Miracle. Kasunod nito ang 10-Gifted at huli ang 10-Blessed na siyang nasa tabi ng aming silid aralan.
Oo! Alam kong kakaiba ang pangalan ng bawat seksyon ng aming baitang pero iyon ang kagustuhan ng aming level chairman kaya naman sumunod na lamang kami at sinang ayunan din iyon ng punong guro kaya no choice talaga kami.
Well, I liked my section's name. I will create a big miracle in this section. We'll make a miracle. A big miracle.
"I already discussed this yesterday. Nakinig ba naman kayo sa mga pinagsasabi ko sa harap nibyo kahapon?" Natatawang tanong ko sa kanila.
Naiirita man ay kinuha pa rin nila ang mga papel. Ang ilan pa sa kanila lalo na ang grupo ni Hazel na siyang kinabibilangan nina Mateo, Nicholas, Adam, Holland, at Austin ay nilukot pa muna ito at saka maangas na tumingin sa akin. Natatawa ko na lamang silang inilingan at hindi na nagreklamo dito.
Noong nakaraan lang, nagbigay ako ng reviewer sa kanila para sa dumating na 2nd periodical test pero ang mga batang iyan, pinunit lamang ang mga iyon sa harapan ko. Pero sa halip na magalit sa kanila ay pasimple ko na lamang nilagyan ng reviewer ang kanilang mga bag noong nagkaroon ako ng pagkakataon. Alam kong gagawin nila iyon kaya naman nag-print talaga ako ng sobra para sa kanila.
"How? You're boring," maarteng sagot sa akin ni Aira na siyang ikinatawa nilang lahat. Maski ako ay natawa kahit na may kaunting kirot akong naramdaman sa aking puso. Kahit ilang beses kong sanayin ang sarili ko sa maaanghang na salitang binibitawan nila, hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan sa mga sinasabi ng mga ito.
"I know that, Aira. Gusto mo bang araw arawin ko pa ang nakakaboring kong pagtuturo?" Nang aasar na sabi ko dito na agad namang binara.
"Palagi mo ng ginagawa. Magsawa ka naman, aba." Sagot nito sa akin. At dahil palaban ako, aba hindi pwedeng hindi ko sasagutin 'yan. Bad 'yon!
"Hindi naman kayo nakakasawang turuan kahit na napakadami ninyong mga kaartehan sa katawan at puro kagagihan lang ang alam." nakangiting sagot ko sa kanila.
May ilan na ngumiti na lang pero hindi talaga nagpapatalo ang mga estudyante kong ito pagdating sa debate kaya naman muli akong nakatanggap ng pangbabara mula naman kay Hazel.
"Kami. Sawa na kami sayo. So.. titigil ka na ba?" Nakangiti akong bumuntong hininga bago sinagot ang tanong niyang iyon ng may ngiti sa aking mga labi.
"Hindi. Magsawa na kayo ng magsawa ngayon pa lang. Pero hindi ko kayo susukuan. Hindi ko kahit kailan sinukuan ang mga taong kahit kailan hindi ako sinukuan."
_Bb.Istupida_