Chereads / One Bite To Another / Chapter 92 - BLADES

Chapter 92 - BLADES

Third Person's P.O.V

Mino can't help but to hiss in pain when another sets of thin blades managed to cut his skin thinly. Ilang bahagi na ng kaniyang katawan ang nagdurugo dahil sa matatalim at maliliit na hangin ang tumatama sa kaniya.

Both him and Vreihya is happy to see him alive but part of them is scared to death when they saw him in that state. Muling tumakbo nang matulin si Mino papasok sa kagubatan na may dambuhalang mga puno. Rinig na rinig niya kung paano mabilis na naglilipat-lipat sa malalaking puno ang nilalang na kanina pa siya hinahabol.

The man's sharp claws can be heard loudly in the vast forest as it pierced deeply through the trunk of the gigantic trees. "Damn it Vreihya! Can't we do something to stop him?" hinihingal na pahayag ni Mino habang mabilis na siyang tumatakbo.

Ramdam niya ang tila pagbigat ng hangin sa paligid at nakadaragdag ito sa nagpapahirap sa kaniya upang makalayo. "Mino! He took the pledge! Uncle took the pledge!" kinakabahang sigaw ni Vreihya habang hindi na magkamayaw ang kaniyang kaba at takot para kay Mino.

"What pled- ARGH!" Hindi na nagawa pang tapusin ni Mino ang kaniyang tanong dahil sa mabilis niyang naramdaman ang isang nakamamatay na atake sa kaniyang tagiliran habang siya ay matulin na tumatakbo.

Mabilis niyang naramdaman ang tila pagkabali ng kaniyang buto at isang helera ng mga puno ang siyang nawasak dahil sa kaniyang malakas na pagkatilapon. Mabilis na bumagsak sa matigas na lupa ang kaniyang katawan at mabilis na lumabas ang masaganang dugo sa kaniyang bibig.

"Damn it!" nahihirapan niyang saad habang hawak ang kaniyang tagiliran. Muli niyang naramdaman ang tila pagbigat ng hangin sa paligid, isang tanda na malapit lamang ang nilalang na gustong pumatay sa kaniya.

Nahihirapan siyang umupo at nanghihinang sumandal sa natirang bahagi ng natumbang puno kung saan siya huling tumama. Nanlalabo ang kaniyang mga mata na tumingin sa nilalang na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang harapan.

Hindi maitatanggi ni Mino ang takot na kaniyang nararamdaman lalo pa nang salubungin nito ang mata ng lalaki na kulay puti ang kabuuan. "Ti-Tiyo Alonzo," nahihirapang saad ni Mino habang iniinda ang nabaling buto sa kaniyang tagiliran.

Mabilis na lumabas ang matatalas na mga kuko ni Alonzo na tila ba lalong binuhay ang kaniyang nakakamatay na galit dahil sa pagtawag sa kaniya ni Mino. Hindi niya kailan man mapapatawad ang nilalang na siyang dahilan kung bakit nawala sa kaniya ang lahat.

Sa kabilang banda ay tila hindi maunawaan ni Mino kung bakit ganito na lamang ang galit sa kaniya ng tiyuhin ni Vreihya, ni kailanman ay hindi niya naisip na makikita niya ito sa ganitong nakakatakot na anyo.

Marahas nitong pinunit ang makapal na balabal ngunit tila natigilan si Mino at maging si Vreihya sa kanilang nakita. Dahil sa enerhiyang lumalabas sa katawan ni Alonzo ay marahas na napunit ang mge benda sa kaniyang katawan at maging sa kaniyang mukha.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Mino nang makita niya kung paanong nababalot ng mga sugat ang buong katawan ng prinsipe ng kaharian ng Zecillion. Ang mga sugat ay nagliliwanag na puti habang may maiitim na usok ang lumalabas dito. Ngunit ang siyang nakakagulat sa lahat ay ang pagkakatahi ng bibig nito gamit ang kulay itim na mga sinulid.

Matinding kilabot ang kapwa naramdaman ni Mino at Vreihya dahil sa anyo ni Alonzo, malayong-malayo sa matipuno at kaaya-ayang itsura nito noon. Tila isa itong hayop na handang pumatay kahit anong oras, tila hindi ito ang nakilala nilang prinsipe habang unti-unting nagsisimulang maging marahas ang ihip ng hangin sa paligid.

"TIYO! TIYO! BAKIT! BAKIT MO ITO NAGAWA!" marahas na sumigaw at tila nagwawala si Vreihya habang nakikita niya ang kalagayan ng kaniyang tiyuhin. Mabilis na rumagasa ang kaniyang mga luha habang halos mapaos ito sa paghagulgol.

Hindi niya matanggap na nagawa ito ng kaniyang tiyo sa kaniyang sarili. Ang ganiyang uri ng anyo ay nangangahulugan na nanumpa ito dahil sa matinding galit. The pledge of deadly silence... a pledge that requires drying up the blood and sewing the mouth as a covenant to slaugther a specific being. This pledge aims to enhance the evil side of a creature in order to boost power to the limits.

This means that the sanity is ruined by evil blood. All the creature will feel is deadly wrath without the ability to think clearly as the creature sole purpose now is to kill or fulfill his grave need to drain the blood of whoever unfortunate soul he wanted.

Tila hindi naman makapagsalita si Mino dahil sa kaniyang nasaksihan. Mabilisan siyang tumayo upang makipag-usap nang maayos kung madadaan man ito doon ngunit mabilis siyang natigilan nang mabatid niya ang pagbaon ng isang matulis na bagay sa kaniyang tiyan.

Mabilis siyang nabigla nang magningas ang kaniyang mga mata at nakita niya ang isang matalas na hanging patalim na siyang nakabaon sa kaniyang tiyan. "MINO!HINDI! HINDI! TIYO! TUMIGIL KA!" marahas na sigaw ni Vreihya ngunit mas lalong naging marahas ang paghampas ng hangin sa paligid.

Tila unti-unting tumatalim ang hangin na tumatama sa mga halaman at maging sa mga puno sa paligid. Nagkakaroon ng malalalim na marka ang mga puno at nagsisimulang mahiwa ang mga halaman na siyang natatamaan. Tila unti-unting nagbabagsakan ang mga sanga dahil sa napuputol ito ng matatalas na hangin.

Mabilis na napasigaw si Mino nang marahas niyang bunutin ang matalas na patalim na nakabaon sa kaniyang tiyan. Malinaw niya itong nakikita dahil sa kaniyang nagniningas na mga mata. Mabilis na umagos ang masaganang dugo mula sa kaniyang sugat habang nagsimulang mangatal ang kaniyang katawan.

"Tiyo! Anong kasalanan ko!?" malakas niyang sigaw ngunit mabilis niyang ginamit ang kaniyang bilis nang mabilis na bumulusok sa kaniya ang matatalas na mga patalim na gawa sa hangin.

Sa kabila ng iniinda niyang nagdurugong sugat ay matagumpay siyang nakaiwas ngunit hindi pa man siya nakabawi ay mabilis at marahas na bumaon sa lupa ang katawan ni Mino nang salubungin ito ni Alonzo tsaka siya hinawakan nang mahigpit sa leeg at isinilampak sa lupa na nagkaroon pa ng mga bitak pagkatapos na mayanig.

Ramdam ni Mino ang matinding sakit sa kaniyang likod ngunit kitang-kita niya ang mukha ni Alonzo habang idinidiin siya lalo sa lupa kasabay ng paghigpit ng pagkakasakal sa kaniyang leeg.

Mabilis niyang sinubukan na makawala sa pagkakasakal sa kaniya at maging sa pagkakabaon ng kaniyang nakahigang katawan sa lupa ngunit ang mga mata ni Alonzo na pirming nakatitig sa kaniya ay tila nagpapahinang lalo kay Mino.

Pakiramdam niya ay mababali anumang oras ang kaniyang leeg habang nagsisimulang lumabo ang kaniyang paningin dahil sa hindi na siya makahinga pa. Pinilit niyang maglabas ng kuryente sa kaniyang katawan ngunit unti-unti siyang nawalan ng hininga habang unti-unting bumabaon ang matatalas na kuko ni Alonzo sa likod ng kaniyang leeg.

Sinubukang manlaban ni Mino ngunit nauubusan na siya ng hininga. His eyes begun to roll on the back of his head as he gasp for air but Alonzo' deadly grip and intense presence is making it hard for him to fight back for his life.

"MINO!" marahas na sigaw ni Vreihya habang ramdam niya ang tila pag-aagaw buhay ni Mino. She wanted to control her powers to do something but Mino's body is too weak now to perform or use her power to escape. Her vessel is dying and it's body was damage so it will be hard for her to use her power to save him.

"TIYO PAKIUSAP!" nagwawalang pahayag ng prinsesa habang kitang-kita niya ang nagniningas na galit sa mapuputing mata ng kaniyang tiyuhin. Tila nagliliyab ito sa pagkasuklam upang patayin nang tuluyan at walang awa si Mino.

Mino kept trying to free himself kahit pa wala ng pumapasok na hangin sa kaniyang sistema. His eyes begun to turn into slits due to his eagerness to survive and fight back. He gripped Alonzo's left hand that is starting to break his neck and once he had a good grip, he looked up to the sky kahit pa nahihirapan.

He growled loudly and a quick voltage of lightning from the heavens above stroked Alonzo's body with full force. Mabilis na napabitaw si Alonzo at agad na tumilapon dahil sa malakas na pwersa ng kidlat mula sa kalangitan.

Mabilis na tumayo si Mino mula sa lupa ngunit lupaypay nang husto ang kaniyang katawan dahil sa sakit. Pakiramdam niya ay mababali na ang kaniyang leeg habang maraming bahagi na ng kaniyang katawan ang nakakaramdam ng matinding sakit.

Ramdam niya na tila pumipindig ang kaniyang sindito dahil sa kaniyang mga mata ngunit pinilit niyang tumayo nang maayos upang harapin si Alonzo. Mino growled loudly as his fangs and claws emerged violently while looking at Alonzo, standing proud na tila ba wala siyang naramdaman na malakas na kuryente.

He can't die, he will not allow anyone to end his journey here, marami pa siyang dapat gawin at hindi niya hahayaan ang kahit sino na tapusin lamang siya na hindi lumalaban. He was taken aback when he saw how Alonzo arrogantly raised his brow na tila ba minamaliit lamang siya.

Hirap na hirap na si Mino dahil sa hindi na siya makahinga nang maayos dahil sa makapal na hangin sa kaniyang paligid. He knew very well that it is Alonzo's power that causing it at kung mahina pa din siya tulad noon ay talagang mamamatay siya kaagad.

Alonzo quickly jumped into the air na mabilis namang sinundan ni Mino ngunit laking gulat niya nang biglang mawala na tila bula si Alonzo sa kaniyang paningin ngunit mabilis siyang natigilan nang mabatid niya ang isang malakas na pwersa sa kaniyang likuran.

Ilang sandali pa ay marahas siyang napasigaw sa sakit dahil sa mabilis siyang inangat sa ere ng isang ipo-ipo. Mabilis na nagpaikot-ikot sa loob ng ipo-ipo si Mino ngunit mas lalo pang nadagdagan ang kaniyang iniinda dahil sa mabilis na tumalas ang hangin ng ipo-ipo.

Ramdam niya ang bawat sugat at hiwa na natatamo ng kaniyang katawan habang patuloy siyang marahas na hinahawi ng hangin nito. Mabilis na tumingala si Alonzo sa ere kung nasaan ang ipo-ipong tangay si Mino.

Kitang-kita niya kung paano nagkukulay dugo ang ipo-ipo habang mapupuno na ng sugat ang buong katawan ni Mino dahil sa matatalas na hangin. Iniangat ni Alonzo ang kaniyang kanang kamay at itinutok sa ipo-ipo habang hindi na magkamayaw si Mino sa pagsigaw dahil sa matinding sakit habang paulit-ulit na nahihiwa ang iba't-ibang parte ng kaniyang katawan.

Vreihya managed to do something kahit pa halos mamatay na siya sa pag-aalala. In the nick of time, she controlled the veins na kasama ni Mino na natangay ng marahas na ipo-ipo. Vreihya manipulated those thick veins to cover Mino's bloody as hell body upang kahit papaano ay maprotektahan ang katawan nito na punong-puno na ng mga sugat.

The moment that Alonzo closed his palm, it will mark the end of Mino dahil sa sisiguraduhin niyang magkakapira-piraso ang katawan nito. He was about to close it ngunit nagulantang siya sa pagtalon ng isang malaking nilalang papasok sa ipo-ipo.

Ilang sandali pa ay lumabas ito habang nasa kaniyang bibig ang katawan ni Mino na balot na balot ng makakapal na ugat. Mabilis itong tumakbo palayo at nagtungo sa kagubatan palayo kay Alonzo.

Tuluyan ng nawalan ng malay si Mino dahil sa natamong mga pinsala habang mabilis na tumatakbo ang malaking nilalang. Hindi na nito pinansin ang natatamaang malalaking puno dahil sa pagmamadali.

The four-legged monster growled furiously despite the fact that it had Mino on it's huge mouth, signaling that it had fulfilled the mission to get Mino's body.