Part 1: One Bite to Another (Chapter 93)
Part 2:
#####Chapter 93: ZAKARIAS
Third Person's P.O.V
Vreihya can't do anything but call out Mino's name several times habang patuloy na walang malay si Mino. The fatal bleeding wounds he has on his body is making Vreihya scared to death. Mas lalo pa siyang natatakot dahil sa nilalang na siyang may tangan sa walang malay na katawan ni Mino.
She can't do anything with her powers as her vessel is fighting for his dear life right now. Wala siyang ibang masisi kundi si Circa, her uncle can't do such heinous act kung hindi ito nakakita o nakaranas ng kalunos-lunos na bagay.
All she can point out is that it is Circa's doing and her power of illusion, she has something to do with her kingdom's downfall and why her uncle became a soulless being without mercy to slaughter. Punong-puno ngayon ng galit at pag-aalala ang prinsesa habang iniisip niya din ang kalagayan ni Kypper, ng kaniyang tiyuhin at ni Mino.
Ilang usal ng pasasalamat ang kaniyang paulit-ulit na nababanggit habang nararamdaman pa niya ang pagtibok ng puso ni Mino ngunit sa mga oras na nagdaan ay pahina ito nang pahina. Paano nga ba siya magiging kalmado kung bitbit ng isang Awol ang katawan ni Mino.
Maraming beses niyang sinubukan na gisingin si Mino o hindi naman kaya ay gamitin ang kaniyang kapangyarihan ngunit walang umobra kahit isa. She is scared to grave para sa buhay ng sugatang si Mino. Ilang sandali pa pagkatapos ng ilang oras na pagtakbo ng halimaw ay mabilis nitong ibinuka ang bibig upang malayang mahulog ang katawan ni Mino na kakaunti na lamang ang parte na nababalutan ng makakapal na ugat.
Mabilisang nakalag at lumuwag ito kaya mas lalong nakita ang sugatan at duguan niyang katawan. Mabilis na umungol nang pagkalakas-lakas ang halimaw kasabay ng kakila-kilabot na pagtunog ng mga buto nito sa katawan.
Mababangis ang mga mata nitong tumingin sa katawan ni Mino na patuloy na nagdurugo at mabilis na nangatal si Vreihya. "Entrante! Huwag mong tangkain na saktan siya! Halimaw!" malakas na sigaw ni Vreihya at muling pinilit na gumamit ng kaniyang kapangyarihan.
Tila sabik na sabik ang halimaw lalo na sa halimuyak ng pagiging mortal ni Mino, mabilis na mas tumalas ang mga kuko nito kasabay ng pagtulo ng kaniyang laway dahil sa matinding pananabik. Mabilis na kinalampag ng kaba ang dibdib ng prinsesa dahil sa takot na baka paslangin nang tuluyan si Mino.
Muling umalulong ang halimaw at sa pagbuka ng mga bibig nito ay mas lalong tumalas ang mga pangil nito. "HUWAAAAG!" marahas na napasigaw ang prinsesa nang makita niya kung paano tinangkang sakmalin ng halimaw si Mino.
Mabilis na nanginig ang kaniyang tuhod dahil sa takot at kaba ngunit mabilis niyang narinig ang ingay ng halimaw na tila nasasaktan. Mabilis itong lumayo sa katawan ni Mino habang umuusok ang parte ng mukha nito na tinamaan ng nagliliyab na apoy.
Mas lalong dumoble ang takot ng prinsesa dahil tila higit pa sa isang halimaw ang bigla na lamang dumating sa eksena. Mabilis na umupo sa takot ang halimaw habang patuloy ito sa pag-iyak dahil sa sakit na naramdaman dahil sa pagkapaso.
"Ang sabi ko, dalhin mo lamang siya dito! Wala kang karapatan na pagpyestahan ang kaniyang katawan!"
Mabilis na nagningas ang mata ng prinsesa dahil sa matinding pagkasuklam dahil sa kilalang-kilala niya ang tinig na iyon. Hindi siya maaaring magkamali! Tila nabuhayan ang nagpupuyos na galit sa kaniyang dibdib lalo na nang mas malinaw niyang nakita ang hari.
Malamig lamang ang pagkakatitig niya sa katawan ni Mino na walang malay na nakalapat sa kagubatan ng kaniyang kaharian.
"FUCK YOU! PAPATAYIN KITA!" malakas na sigaw ng prinsesa at mabilis na lumabas ang matatalas niyang kuko at mga pangil na handa ng bumaon sa kanino mang katawan. Kitang-kita ni Vreihya kung paano prenteng pagmasdan ng hari ang katawan ni Mino na tila ba nasa malalim itong pag-iisip.
Pumipintig ang bawat ugat sa katawan ni Vreihya dahil sa matinding pagnanais na ibaon nang malalim ang kaniyang mga kuko at balatan ng buhay ang hari. Ngunit ilang sandali pa ay bahagya siyang natigilan dahil sa tila tumitig sa kaniya nang deretso ang hari na para bang nakikita siya nito.
"Maligayang pagbabalik Vreihya," the king begun and that made Vreihya stunned and speechless. "Matagal ka na niyang hinihintay!" he said in a low and cold voice at prenteng tumayo nang matuwid at ipinasok ang kamay sa kaliwang bulsa ngunit nanatiling nakatitig sa mga mata ng prinsesang nabigla sa nangyari.
Akma sanang magsasalita si Vreihya ngunit sa pagngisi ng hari ay nakaramdam siya ng matinding init bago siya tuluyang nawalan ng malay sa hindi niya malamang dahilan. All she can feel before she completely close her eyes is fear for Mino, Kypper and her Tiyo Alonzo's life but the raging wrath on her heart is starting to get out of hand.
What kind of beast will be unleashed?
"Fuck it! Enough with this show!" Mino shouted intensely at marahas na iniwas ang kaniyang mukha palayo sa eleganteng basong naglalaman ng dugong nagliliwanag. Makailang ulit na itong sapilitang pinapainom sa kaniya ng isang tagapagsilbi. Basang-basa na ang kanina niyang malinis na kasuotan dahil sa natatapon ang mahiwagang likido sa tuwing ipinipilit niya itong iwasan na inumin.
Mabilis na pinisil ng taga-silbing lalaki ang magkabilang pisngi ni Mino gamit ang malakas nitong kaliwang kamay atsaka bahagyang itinangad ang ulo ni Mino. Marahas na bumuka ang bibig niya tsaka mabilis na ibinuhos ng tagasilbi ang lahat ng laman ng eleganteng baso.
Wala ng nagawa pa si Mino kundi ang inumin lahat ng nagliliwanag na dugo sa kaniyang bibig. Hindi niya kayang manlaban dahil sa kapwa may gapos ng espesyal na kadena ang kaniyang magkabilang mga kamay. Gumawa ito ng ingay dahil sa nagtangka siyang manlaban at makawala mula pagkakagapos niya sa pader habang may gapos din ang kaniyang magkabilang paa.
Mabilis na naramdaman ni Mino ang epekto ng gamot at kung paano nagliwanag at gumaling ang natitira pa niyang mga sugat. Hindi niya alam kung bakit siya ginagamot nang sapilitan ngunit wala siyang tiwala sa mga nilalang na hindi niya kilala sa mundong ito.
Nagising na lamang siya na ganito na ang nangyayari at nasa loob siya ng isang malawak na bilangguan. Isa pa sa bagay na ipinagtataka niya ay kung bakit hindi niya naririnig si Vreihya simula pa man kanina. Something happened while he is unconscious and he can't barely recall anything kundi ang nakakatakot na mukha ni Alonzo.
Ilang sandali pa ay tila isang blangkong papel na muli ang katawan ni Mino. Tila wala siyang naranasan na isang nakamamatay na dwelo, ilang sandali pa ay umangat ang kaniyang paningin nang marahan na gumawa ng ingay ang bakal na kulungan na siyang tanda na may papasok sa loob.
Muling gumawa ng marahas na ingay ang mga kadena nang makita ni Mino ang lalaking pumasok sa bilangguan. Isang haring walang korona sa ulo at katulad pa din ng dati ay malalamig at walang kabuhay-buhay ang mga mata nito.
Mabilis na umalis ang tagasilbi sa loob ng kulungan upang iwanan lamang ang dalawa at dahil dito ay mabilis na tumitig ang hari sa nakagapos na si Mino. "Anong binabalak ni haring Zakarias at dinala ka niya dito't ginamot," tanong ng hari sa baritonong boses.
"Bakit hindi mo siya tanungin tutal matalik naman kayong magkaibigan," sarkastikong pahayag ni Mino kay haring Ozyrus. "Maswerte ka at hindi pinutol ni Alonzo ang iyong dila," matabang na pahayag ng hari tsaka lumabas ang ngisi sa kaniyang labi.
"Mukhang ginalit mo siya nang husto," dagdag ng hari bago tinalikuran si Mino. "'Tsaka nga pala, kung makakaligtas ka sa parusang bitay sa iyo, nais kong malaman mo na kailangan mong sundin ang kasunduan, kung hindi ay baka babalik ka sa mundo mo na wala ng dadatnan pang mga magulang," malamig na pagtatapos ng hari bago siya tuluyang umalis at naglaho sa silid.
Hindi maiwasan ni Mino ang magpuyos sa galit at inis dahil sa kaniyang narinig. "Vreihya!" mariing tawag niya sa prinsesa ngunit sa ilang segundo niyang paghihintay ay nanatili na wala siyang nakukuhang sagot. Ramdam niya sa kaniyang sarili na may mali.
"What have they done to you!?" naiinis na pahayag ni Mino bago muling sinubukan na makawala mula sa gapos. Ilang oras siyang nasa ganoong estado nang muli niyang narinig ang pagbukas ng kulungan at hindi niya maitatanggi ang biglang pag-init ng temperatura sa loob ng bilangguan.
Matatalas na pares ng mga mata ang sinalubong niya sa haring ramdam na ramdam niya ang nagpupuyos na lakas at kapangyarihan. Mabibigat ang tunog ng bawat yapak nito na tila ba nagsusumigaw ng kamatayan ang kaniyang bawat hakbang.
Nakadaragdag pa sa maawtoridad niyang presensya ang kagalang-galang na suot nitong pangmaharlika. Sa kabila ng katotohanan na mas matanda siya kay Mino ng mga ilang siglo ay tila hindi ito ganoon katandang tignan. Katulad ng naunang hari kanina ay wala din itong suot na korona o kahit anong indikasyon ng posisyon nito, sapat na ang kaniyang presensya upang mabatid kung sino nga ba siya.
Tila ba nakasasakal sa pakiramdam ang makita ang hari sa iisang silid. Kahit pa malamlam lamang ang mga mata nito na nakatitig kay Mino ay tila nakakapaso ang mga ito. The king begun to casually stand and insert one of his hand on his pocket na tila ba tinatamad siyang manood ng isang palabas.
Doon na tuluyang nabatid ni Mino na talagang may mali dahil hindi niya nararamdaman ang nagpupuyos na galit ni Vreihya. He feels like Vreihya is sound asleep sa hindi niya malamang kadahilanan.
"Talagang sakit sa ulo ang mga haring nakikita ko sa mundong ito," mayabang na saad ni Mino na tila kung sino lamang ang kaniyang kausap. Tila bingi naman si haring Zakarias na nakatingin lamang sa kaniya na walang emosyon.
That made Mino uncomfortable dahil sa tila mas nakakatakot ang presensya ng hari kung hindi man lang ito nagsasalita. Akma na sanang magsasalitang muli si Mino ngunit napukaw ng tunog ng mabibilis na yapak ang buong kulungan.
Ilang sandali pa ay tumigil ang pagtakbong naririnig ni Mino ngunit hindi niya makita kung kanino galing ito dahil sa tumigil ito sa mismong likuran ng nakatayong hari. Ilang sandali pa ay mabilis na lumabas mula sa likuran ni haring Zakarias ang isang batang ngiting-ngiti ngunit nangingilid ang luha na tumitig kay Mino.
Mabilis na nagulat si Mino nang makita ang bata na parang isang taon lamang ang itinanda kahit matagal na siyang wala sa mundong ito. Tuwang-tuwa tumakbo ang bata sa kaniyang direksyon at mabilis na niyakap ang bewang ni Mino habang hindi maiwasan na maiyak dahil sa tuwa.
"Papa!" umiiyak na pahayag ni Kypper habang mahigpit na yakap ang bewang ni Mino. "Ky-Kypper!" hindi makapaniwalang usal ni Mino lalo na dahil sa ang inaasahan niyang itsura ni Kypper ay malayo sa nakikita niya ngayon. Alam niyang hawak ni Circa ang bata at dahil sa kumampi ito sa kanilang kaaway ay inaasahan na niya na hindi maganda ang trato sa bata.
Ngunit nakita niya kung paano tila naaalagaan nang husto si Kypper dahil sa suot nitong maayos na kasuotan at ni walang kahit anong latay o bugbog ang katawan. Tila mas lalo itong lumusog at sumigla kaysa nang huli nila itong nakita ni Vreihya.
Mino's mind was occupied that's why he didn't felt how the king vanished from the prison cell. Tanging silang dalawa na lamang ni Kypper ang nasa silid habang hindi magkamayaw si Kypper sa pag-iyak dahil sa tuwa.
Tila panandaliang nawala ang mga negatibong bagay na nasa dibdib ni Mino dahil sa tuwang nakita niyang nasa maayos na kalagayan ang bata. "Kypper? Kamusta ka na?" natutuwang bulong ni Mino at muling tumunog ang kadena nang tangkain ni Mino na yakapin pabalik ang bata.
"Walang araw na hindi ko kayo hinanap ni mama! Saan kayo galing papa! Bakit bigla na lamang kayong nawala? Bakit bigla niyo na lamang akong iniwan? Saan kayo galing? Asaan si mama?" sunod-sunod na tanong ni Kypper habang patuloy na umiiyak. Tumingala ito upang mas makita nang maayos ang mukha ni Mino na hindi alam kung paano ipapaliwanag sa bata ang lahat ng nangyari.
"Patawad Kypper, kinailangan namin umalis at iwanan ka dahil sa malupit ang tadhana sa atin," mapait na pahayag ni Mino. "Sinasaktan ka ba nila dito?" mabilis niyang tanong na tila ba inihahanda ang kaniyang sarili sa isasagot ng bata.
"Vreihya, Kypper's here my love, wake up please," Mino whispered to his mind ngunit wala siyang nakuhang kahit anong sagot.
"Ni minsan ay hindi nila ako sinaktan papa. Lagi akong busog at nasa maayos na kalagayan simula nang dinala ako dito ng diwata," inosente at bahagyang sinisinok pa ang bata nang sinagot niya ang tanong ni Mino. Tila ba may tuwa ang boses nito at buong pagmamalaki na sinabing maayos ang kaniyang kalagayan.
That causes Mino's forehead to frown dahil hindi niya ito inasahan. Him and Vreihya expected a much worse state of Kypper ngunit hindi niya maiwasan na matuwa dahil sa mga nakalipas na panahon ay maayos ang kalagayan ni Kypper at iyon ang mas mahalaga.
"Natanggap mo ba papa kaya ka narito?" natutuwang tanong ni Kypper na mas lalong ikinagulo ng isip ni Mino. Hindi niya alam ang kaniyang isasagot dahil sa hindi din niya alam kung ano ang tinutukoy ni Kypper.
"Oo, natanggap ko," Mino lied just for the sake of not bursting Kypper's bubble and how he perfectly viewed everything. "Mabuti naman kung ganoon! Mabuti at nasundan ninyo ang mapa!" masiglang sabi ng bata habang hindi pa din kumakalas sa pagkakayakap kay Mino.
Tuluyan ng nabalot ng katanungan ang isip ni Mino dahil batid na nito ang mapa na sinasabi ni Kypper. "Mabuti na lang at hindi kayo naligaw sa paglalakbay ninyo papa!" dagdag pa ni Kypper na humahagikgik na sa tuwa.
"Ka- Kanino galing ang mapa na iyon? Sa iyo ba?" nagtatakang tanong ni Mino kahit pa batid niyang imposible na magagawa at maiisip iyon ni Kypper. Wala pa sa tamang edad ang bata para hanapin sila at mag-iwan ng mapa tsaka bakit naman mag-iiwan pa si Kypper ng mapa na patungo sa lugar na ito?
"Surpresa po sa akin ng hari, sabi niya sa akin ay sumunod ako sa kaniya dito dahil may ipapakita siyang supresa. Sabi po niya ay nag-iwan siya ng mapa para makita niyo daw ako. Hindi ba't napakabuti niya papa?"
Mabilis na natahimik at napaawang ang labi ni Mino nang marinig niya ang mga katagang iyon. What the hell is happening here?