Chereads / One Bite To Another / Chapter 87 - PRINCESS

Chapter 87 - PRINCESS

Third Person's P.O.V

Patuloy na humihigpit ang pagkakasakal ng hari kay Mino kasabay ng patuloy na pangungulila niya sa kaniyang nag-iisang anak. Naging sunod-sunuran siya at nagpagamit kahit pa labag sa kaniyang loob ang lahat para lamang masiguro ang kaligtasan ng kaniyang anak.

Ngayon na nakita na niya si Mino nang harap-harapan ay hindi na niya ito papakawalan. Si Mino ang tinuturing niyang may kagagawan ng lahat, siya ang nakikita niyang rason kaya labis-labis ang kaniyang pangungulila sa kaniyang anak.

Seeing him on the arms of another woman besides her daughter is tearing his heart, batid niyang patuloy na nasasaktan ang kaniyang anak ang masakit pa ay hindi niya ito magawang puntahan at aluin.

Ilang taon ng nasa impyerno ang kaniyang anak habang batid niyang sa paglipas ng mga taon na iyon ay patuloy na nadudurog ang kaniyang puso dahil sa ginawa ni Mino.

Mabilis na lumabas ang kaniyang matatalas na kuko dahil sa matinding galit ngunit mabilis niyang nabitawan si Mino at bahagya siyang napaatras nang makaramdaman siya ng malakas na kuryente na dumaloy sa kaniyang katawan mula kay Mino.

Mabilis na tumayo si Mino at hinawakan ang leeg niya na tila mababali na kanina. "Don't you ever dare to inflict any harm to them!" madiin na saad ni Mino habang nagsisimulang magliwanag ang kaniyang mga mata.

Mabilisang naglabasan ang mga taga-silbi sa silid at tanging silang dalawa na lamang ng hari na mataman lamang na nakatitig ang siyang natira. Tila naging nakakasakal ang atmospera sa paligid habang kapwa sila nagsusukatan ng tingin.

"Who are you to order me to save someone I don't know!" mabilis na singhal ni Mino sa hari na siyang nagniningas na din ngayon ang mga mata.

"You know pretty well that she seems familiar! Pagkatapos mo siyang talikuran para sa iba ay tuluyan mo na siyang nakalimutan!" mabilis na singhal ng hari kasabay ng paglabas ng kaniyang matatalas na pangil na tila ba handa na niyang sakmalin si Mino.

"For Christ's sake! Ni hindi ko nga kilala ang sarili ko kaya paano ko din siya makikilala!" Mino frustratingly exclaimed na tila ba gulong-gulo na siya sa lahat. He is still bothered about the name that the woman called her at kung bakit iba ang nararamdaman niya.

Nakadagdag pa dito ang sinabi ng hari kanina patungkol sa katauhan ng babae na hindi pa napo-proseso ng kaniyang utak.

"You chose to erase her from your memory!" mabilis na sagot ng hari na tila ba hindi naniniwala sa sinasabi ni Mino. Mabilis naman na naikuyom ni Mino ang kaniyang mga kamay tsaka nagsimulang lumabas ang maliliit na kidlat sa kaniyang kamao.

Ngunit ilang sandali lamang ay huminga siya nang malalim na tila ba pinapakalma ang kaniyang sarili. "Hindi ba uso sa mundong ito ang mag-usap at magpaliwanag nang maayos? Puro na lang pisikalan kaya hindi nagkakaintindihan!" he exclaimed furiously dahil dalang-dala na siya sa mga tanong na umiikot sa utak niya.

The king grinned at Mino's remarks then pointed his pointing finger towards him. "I will make you remember," he said then all of the sudden a beam of light exited from the end of his finger and it directly entered on Mino's forehead.

A loud thud of a body echoed on the room as Mino's unconsciousness body dropped to the cold floor of the palace. The king immediately approached the large portrait on the room and looked at the beautiful image with grief on his eyes.

"How dare him to forget about you if he loves you that much," madiin niyang pahayag sabay marahan na nilapat ang kaniyang kamay sa larawan ng kaniyang anak na matagal na niyang hindi nakikita.

His fingers trailed down to the engraved name on the bottom of the portrait. The white ink spelled the beautiful name of his imprisoned daughter.

ALODIA

"Make him remember you," the king stated as he tried to stop the tears that are dwelling on his eyes. He looked intently at Mino before he slowly walked out of the room, slamming the door and leaving Mino laying on the cold floor.

"Hindi ba sinabi ko na sa iyo na huwag mo akong susundan!" isang naiinis na tinig ang narinig ni Mino sa likod ng isang malaking puno na tinataguan ng nagmamay-ari ng boses.

Agad na ngumiti si Mino nang matamis at agad na pumunta sa likod ng puno upang makita ang binibini ngunit mabilis na umikot ang dilag sa kabilang parte ng puno upang magtago na muli.

"Hindi kita sinusundan binibini baka ikaw ang sumusunod sa akin!" nakakalokong pahayag ni Mino at agad siyang nabigla nang lumabas ang dilag sa kaniyang tinataguan at agad na sinalubong si Mino ng isang matalim na paninitig.

Mabilis na umawang ang labi ni Mino nang makita niya ang kabuuan ng magandang dilag ngunit hindi niya maiwasan na mapangiti lalo na dahil sa nakataas na kilay nito.

"Entrante! Sa tingin mo ba ay sino ka para sundan ko?" maanghang na saad ng dilag sabay tinignan ang buong katawan ni Mino na tila ba ay minamaliit niya ito.

Mabilis na namewang si Mino habang hindi niya maiwasan na mapangiti habang nakatitig sa magandang prinsesa na kasalukuyang namumulot ng mga bulaklak sa gitna ng kagubatan. Hindi niya nais aminin na siya talaga ang kanina pa sumusunod sa kaniya.

"Ikaw! Maraming beses na kitang nasasalubong sa iba't-ibang lugar, isa pa talaga at ipapahuli na kita sa mga aming mga kawal!"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa binibini," agad na sumeryoso ang tinig ni Mino na siyang bahagyang kinabigla ng magandang dilag, bahagya pang napa-atras ito nang magsimulang lumapit si Mino sa kaniyang kinatatayuan.

"Diyan ka lamang! Huwag kang mangangahas na lumapit!" mabilis na singhal ng prinsesang may kulay puting buhok at natural na kulay pulang mga mata.

"Sabi ng huwag kang lalapit!" naiinis niyang singhal nang muling humakbang si Mino sa prinsesa ng kaharian ng Berbantes. Ilang sandali pa ay may lumipad na isang matalas na tinik sa direksyon ni Mino ngunit prente niya lamang itong nasalo.

Nagpatuloy siya sa paglapit sa kinakabahang prinsesa ngunit ilang sandali pa ay agad na may lumabas na mga ugat sa paanan ni Mino at mabilis itong pumulupot sa kaniyang magkabilang mga paa upang hindi siya makalapit pang muli.

"Alodia," mapanuyong tawag ni Mino sa kaniya at agad na natigilan ang binibini dahil sa pagtawag ni Mino sa kaniya. Ilang sandali pa ay mabilisang nagningas ang mga mata ni Mino at agad na napasinghap ang prinsesa.

"I-Ikaw?" nanginginig niyang pahayag nang makita niya ang pares ng asul na mga mata ni Mino. Mabilis na sumagi sa isip ng prinsesa ang kaniyang mga panaginip patungkol sa isang lalaking may asul na mga mata.

Maraming beses na niyang naririnig ito na tinatawag ang kaniyang pangalan habang ang tanging malinaw lamang sa kaniya ay ang mga mata nito. Nakikita niyang may lalaking tangan-tangan siya sa mga bisig nito ngunit hindi niya makita nang maayos ang mukha nito.

Ang mga matang iyon na siyang paulit-ulit na nagpapatibok sa kaniyang puso sa tuwing iyon ang laman ng kaniyang mga panaginip.

Ilang sandali pa ay biglang nagbago ang paligid na tila ba mabilis na dumaan ang mga araw. Kasalukuyan ngayong naglalakad ang prinsesa sa gitna nang kagubatan, may matatamis na ngiti sa kaniyang labi habang marahan na hinahampas ng banayad na hangin ang kaniyang puting buhok.

Ilang sandali pa ay tumingin ito sa kaniyang likuran at mabilis na humarang sa kaniyang paningin ang mga kumpol ng bulaklak. Mabilis niya itong tinanggap at agad niyang nakita si Mino na nakatayo sa kaniyang harapan.

Mabilis nilang tinawid ang kanilang distansya at kapwa pinagsaluhan ang isang mahigpit na yakap. Mabilis muling dumaan ang oras at huminto ito sa pagkakataong nakasandal ang likuran ng prinsesa sa isang malaking puno habang kapwa na magkalapat ang kanilang mga labi ni Mino.

Isang mainit at mapanuyong halik ang kanilang pinagsaluhan habang rinig na rinig ang mabibilis na tibok ng kanilang mga puso. Mabilis na inangkla ni Alodia ang kaniyang mga bisig sa leeg ni Mino na mas pinapalalim ang paghalik sa kaniya.

Ilang sandali pa ay muling mabilis na nagdaan ang oras at mabilis na tumilapon ang katawan ni Mino sa pader ng isang palasyo at mabilis niyang naramdaman ang isang mahigpit na pagsakal sa kaniyang leeg.

Sumalubong sa kaniya ang nanlilisik na mga mata ng ama ni Alodia. "Sino kang mapangahas na inibig ang aking anak na wala ang aking permiso?" galit na galit niyang singhal ngunit muling bumilis ang oras at agad itong huminto kung saan nakaluhod na ang ama ng prinsesa.

Takot na takot itong nakatingin kay Mino na tila ba nakakita siya ng isang kakaibang nilalang. Mabilis itong yumuko kay Mino bilang pagbibigay-galang, malayong-malayo sa haring parang papatay kanina.

"Mangako ka sa akin kamahalan na hindi mo papabayaan ang aking anak," magalang na saad ng hari na mabilis tinanguhan ni Mino. Mabilis na muling dumaan ang oras at kitang-kita ang isang matamis na pag-iibigan at pagsasama.

Lumipas ang mga panahon na may malalawak na ngiti sa labi ng prinsesa at ni Mino habang isinasayaw niya sa gitna ng kagubatan ang magandang prinsesa. Nakikisabay sa pintig ng kanilang damdamin ang pag-ulan ng bulaklak sa paligid.

Maraming mapanuyong mga halik din ang kanilang pinagsaluhan ngunit bigla na lamang dumilim ang paligid at unti-unting huminto ang lahat kasabay ng pag-alingawngaw ng isang sigaw at hagulgol ng prinsesa.

Nakaluhod ito sa gitna ng kagubatan kung saan sila madalas na magkita ni Mino at bumubuo ng matatamis na ala-ala. Sapo-sapo nito ang naninikip na dibdib dahil sa matinding sakit habang unti-unting natutuyot ang mga puno't halaman sa kaniyang paligid.

"ALMINO! Huwag mo akong iwan pakiusap!" umiiyak niyang saad habang halos manlabo na ang kaniyang mga mata dahil sa sunod-sunod na pagluha ngunit tila bingi si Mino na tinalikuran siya.

"ALMINO!" muli niyang sigaw habang patuloy sa pag-iyak at paghahabol sa kaniyang hininga. Mabilis na kumuyom ang kaniyang kamao dahil sa matinding sakit habang patuloy na lumalayo sa kaniya si Mino.

Ilang sandali pa ay huminto si Mino sa kaniyang paglalakad palayo at agad na tinignan ang binibining tila mamamatay na sa sakit na nararamdaman.

"Babalik ako Alodia, ililigtas kita mahal ko," makahulugan niyang saad bago tuluyang tumalikod at iniwan na lumuluha ang binibini.

"MINO!"

Isang malakas na sigaw ang siyang gumising kay Mino. Mabilis siyang napaupo at hinahabol ang kaniyang hininga. Mabilis siyang nagpalinga-linga sa paligid at muli niyang nakita ang silid kung saan niya nakausap kanina ang hari ng Berbantes.

Nangangatal siyang napatayo sa kanyang pagkakaupo at marahan na nilapitan ang larawan ng babae. Nagwawala pa din nang husto ang kaniyang dibdib dahil sa kaniyang nasaksihan.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng paghikbi sa kaniyang isip at mabilis siyang natigilan dahil alam niya kung kanino galing ang tinig na iyon.

"Vrei- Vreihya," kinakabahan niyang tawag sa prinsesa ngunit mabilis na nagkulay pula ang isa niyang mata tsaka ito lumuha nang lumuha habang nakatitig sa magandang larawan ng binibining may kulay pulang mga mata at puting mahabang buhok.

Hindi malaman ni Mino kung ano ang sasabihin kay Vreihya o kung paano at ano ang ipapaliwanag. Hindi niya alam kung kailan nangyari ang mga nasaksihan niya kanina. Mabilis niyang kinuyom ang kaniyang mga kamao.

Gulong-gulo ang kaniyang isip habang nagwawala nang husto ang kaniyang dibdib habang nakatingin sa larawan. Patuloy niyang naririnig ang pagtangis ni Vreihya habang hindi siya makapagsalita nang tuluyan.

Panibagong mga tanong ang siyang namutawi sa kaniyang isip at maging ang kaniyang puso ay nagkaroon ng kaguluhan.

"Your heart is beating for someone else and I can fucking feel it!" mapait na saad ni Vreihya bago siya muling tumangis. Nanghihinang lumuhod si Mino sa harapan ng larawan habang tila hindi niya malaman ang kaniyang gagawin.

To whom his heart is really beating for!